ADVICE NI TITA LITA Take It Or Leave It!
by Isabelita Manalastas - Watanabe
Dear Tita Lita,
Gusto ko sanang magtanong tungkol sa TRAVEL INSURANCE na binebenta sa mga international airports at mga travel agencies kapag bumibili ng ticket. Do you think it's advisable to get one whenever I go back home to Pinas? Sa isang linggong uwi sa Pinas, parang isang lapad din ang presyo ng travel insurance. Lagi po akong bumibili kapag umuuwi. Pero sabi ng friend ko, sayang lang daw ang pera. Ano po ang advice ninyo?
Lito
Dear Lito:
Ang asawa ko, Hapon siya, ay laging kumukuha ng travel insurance bawa’t trip niya outside of Japan. Ako, tulad ng maraming ka-Pilipino natin, na siguro ay sanay pa rin sa “Bahala na” attitude, ay hindi rin sanay kumuha ng travel insurance.
Sabi naman ng asawa ko, para din daw naman sa kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang desisyong kumuha palagi. Kung may mangyari daw sa kanya, pwera pa sa may makukuhang insu-rance benefits, ay hindi na mahihirapan ang family member niya to fly to the place kung saan nagka-disgrasya, dahil kasama iyon sa kanyang kinukuhang insurance benefit.
So, kanya-kanyang desisyon iyan – Bahala na, kung ma-di-disgrasya; o, sige, mamuhunan ng kaunti, at baka kung saka-sakaling may mangyari nga, ay may matatanggap namang mga benepisyo ang mga mahal sa buhay ng naka-insured.
Tita Lita
Dear Tita Lita,
I am covered under the National Health insu-rance in Japan where I pay only 30% of my medical expenses and the remaining 70% is paid by the government. Should I get sick in the Philippines or in another country, can I claim the 70% of the bills from the Japanese government if I show them my hospital bills? Salamat po!
Mirasol
Dear Mirasol:
Pwede. There is a form that you will have to fill up and submit to your health insurance company, to get a refund. How much you will get back will depend on your health insurance policy. Generally, it is the lowest bill for the two choices:
(1) equivalent medical fee if performed in Japan; (2) -70% of the local fee.
For the Japan National Health Insurance members, check-out their website for more information, and to download all the necessary forms:
http://www.kyoukaikenpo.or.jp/13,99427,99,156.html
Importante ring malaman mo na pwede ka lang mag-claim kapag nagkasakit ka while you are outside of Japan, hindi iyong pupunta ka outside of Japan, to seek medical treatment.
Tita Lita
Dear Tita Lita,
I am 55 years old, Filipino, divorced from a Japanese, and working as a waiter in a Pinoy club. I have a permanent resident visa. My question is about the pension system in Japan. Although I have been paying my Japanese taxes, I haven't paid anything for the national pension. Can I still qualify to enlist in the Japanese pension? I am worried about my future. Is the pension important? Do I need it? And if I don't qualify anymore because of my age, what do you advice me to do instead? Please help me.
Lester
Dear Lester:
Nasa sa iyo kung gusto mong mag-member sa pension system ng Japan. May kakilala akong Haponesa na nag-decide hindi siya mag-me-member. Sabi niya, mag-se-save na lang daw siya from her salary for her old age. From her opinion, baka daw pagdating ng araw na entitled na siyang mag-pension, ay bankrupt na ang pension system ng Japan. Well, opinion niya ito. Ako, personally, mas gusto kong i-rekomenda sa iyo na mag-member ka, basta’t sa tingin mo ay you will really stay in Japan for a long time, until retirement mo. Otherwise, kung mag-member ka, at ilang taon ka lang nandito, tapos hindi mo na itutuloy, baka hindi sulit. Pero kung mga 10 taon ka pang magta-trabaho dito, good siguro na mag-member ka. After kang mag-retire, at least you can look forward to receiving your pension.
Tita Lita
Dear Tita Lita,
Meron po akong 2 million yen savings. Nasa bangko lang po siya ngunit napakaliit ng interest sa Japanese bank. Totoo po bang mas malaki ang interest sa Philippine bank? Kung ganoon, di mas maganda kung i-transfer ko na lang ang savings sa Philippine bank? Pwede po ba ang yen savings sa Philippines?
Charito
Dear Charito:
I interviewed the head office of one of the biggest Philippine banks in the Philippines, which offers Yen Deposit Accounts. Buti at may kinikita pa kahit kaunti ang Yen savings mo sa Japan. According to the Philippine bank, which I interviewed, non-interest bearing ang Yen A/C. May required pang minimum deposit at minimum maintaining balance na JPY 50,000. So, kung gusto mo talaga ng Yen A/C, better na nandito sa Japan ang iyong savings. Kapag nasa Pilipinas, dapat ka pang nandoon para mag-withdraw, at saka depende din sa Yen availability kung makaka-withdraw ka in Yen (pipirma ka ng waiver when you open your Yen A/C in the Philippines, that you understand that you can withdraw yen only if available, and if not available, then the bank has the option to pay you in another currency).
Tita Lita
Dear Tita Lita,
Ilang beses na po akong nag-apply ng credit card sa Japan at ilang beses na rin po akong na deny. Arubaito lang po ang trabaho ko at puro mga sideline. Marami naman akong napundar na pera sa bangko. Ano po ba ang mga requirement para magkaroon ng credit card dito sa Japan? Wala na po ba akong pag-asa? Sa Pinas kaya, pwede po kaya akong mag-apply kung sakali? Minsan, nauubusan din ako ng cash pag-uwi sa Pinas dahil dumarami ang gastos. Kaya sabi ko, maganda rin ang meron kang credit card na dala.
Nena
Dear Nena:
Ako din, years ago, when I first applied for a credit card in Japan, hindi man lang ako nakatanggap kahit rejection letter. Basta’t wala na lang akong narinig from the company. At that time, ang laki pa nga ng sahod ko. Ang conclusion ko noon, baka ayaw kasi gaijin ako. Or dahil hirap silang mag-communicate sa atin in English.
Iyong case mo, siguro hindi magiging very attractive for the card company kung ang trabaho mo ay hindi regular – meaning hindi ka permanently employed. Kung gusto mo ng debit card, instead of a credit card (debit card – kung ano lang ang laman ng card ang pwedeng gastusin; sa credit card, kahit wala ng pera, pwede pa ring gumastos, tapos later ang bayad, with interest), kontakin mo ako sa 03-6268 8010. Baka matulungan kita – either Visa or Mastercard.
Tita Lita
No comments:
Post a Comment