by Marty Manalastas-Timbol
ALAM NYO BA…na parang kailan lang at Valentine’s day na! Pag labas nitong article na ito, tapos na ang Pasko at tapos na rin ang taong 2012. Bilis talaga ng panahon...tatanda na naman tayo ng isang taon.
ALAM NYO BA… marami sa atin ang naninibago o nahihirapan sa bagong patakaran ng immigration. The current alien registration system will be abolished with the start of the new residency management system. Yung mga di pa nakakaalam ukol sa bagong immigration law or yung new residency management system, check the website of the Immigration Bureau of Japan
ALAM NYO BA…na ang stress ay isang dahilan para maging sakitin ang isang tao o di kaya’y maging dahilan o sanhi ng pagkamatay ng isang tao? It’s no surprise that stress can make people sick because stress can control your body and make you weak and sickly. Stress causes deterioration in everything, from losing appetite to eat, to heart ailment or from common cold to cancer. Make sure you are aware that what causes your body ache is not simply because you are tired, but because of stress. If you think you are not sure about how you feel, consult your doctor or siguro be more positive and have faith.
ALAM NYO BA…na ang sambong ay isang herbal medicine na nakakatulong sa mga may problema sa kidney or a cure for cough, colds and hypertension. Sambong ay isang shrub that grows wild sa mga tropical climate countries gaya ng Pilipinas, Africa o India. Mas ginagamit ang Sambong sa Pilipinas. Sambong is used as herbal medicine na ginagamit sa paggamot ng isang sugat, sa rayuma, anti-diarrhea at lalo na sa mga may kidney stones. May nabibili na ngayon sa mga drugstores sa Pilipinas na Sambong tablets. Para sa karagdagang inpormasyon ukol sa Sambong at ang health benefits nito, check ninyo itong website: www.medicalhealthguide.com/articles/sambong.
htm
(Source: Medical Health Guide)
ALAM NYO BA…that Jeepney Press will celebrate its 10th Anniversary sa taong 2013. Simula Enero 2013, we will be celebrating the 10th Anniversary of Jeepney Press.
Happy New Year po sa inyong lahat and God bless you all!
No comments:
Post a Comment