Thursday, January 17, 2013

Marcial Caniones

ITLOG na  PULA
by Marcial Caniones

Kuya Pablo ... 

Kuya,

Ligtas kami lahat dito. Wala kang dapat ipag-alala.

May mga gasgas lang si itay sa kanyang kaliwang hita at gasgas sa mukha. Hinabol niya kasi si Oti ng muntik siyang matangay sa malakas na agos ng tubig habang kami ay daglian niyang tinawid sa ilog papuntang mataas na lugar.

Sa pagmamadali, buti nadala ko at hawak ko ang plaslayt at nailawan ko ang sanga ng kakawati at duon nakahawak si itay habang hawak din niya si Oti.

Si 'Nay at ate Ludy naman ay hawak ang tali na nakatali sa aking baywang upang hindi rin sila matangay ng ilog. Si' Nay nga lang ay hiningal at sinumpong ang kanyang hika.

Ok lang kami kuya. Pansamantala ay dito muna kami sa mataas na parte ng ating baryo -- dito sa pastulan ng kambing ni Manong Alan.

Buti ang mga kambing, daglian silang nakatawid bago tumaas ang ilog kahit wala ang kanilang pastol. Sinira nilang kusa ang buho nilang kulungan at nakatawid kaagad ng ilog bago rumagsa ang tubig.

Kung sakaling wala man umabot na relief at maubos ang nadala ni Ateng ng sardinas na lata, marami pa ang kamoteng kahoy na naman hindi naani dito sa taas. Marami din gabi at mga prutas na nahulog gaya ng sa bayabas na ibuburo ni Inay sa dala naming asin.

Wala rin kaming problema sa tubig sa ngayon dahil nagbagsakan mismo ang mga puno at bunga ng mga niyog. Siguro kahit isang buwan hindi kami mauuhaw sa dami ng buko. Sabagay wala rin naman kaming isasaing dahil hindi na namin naisip pa ng kumuha ng bigas sa pagmamadali.

Kuya, huwag kang mag-alala, si ' Tay at ako ay nakagawa agad ng aming pagsilungan gamit ng mga natumbang puno ng at sangang dahon niyog at mga kawayan na naputol na. Matibay ang aming nagawang barong-barong ni Itay.

Yung mga natangay nating kaunting gamit, ok lang 'yun kuya. Mapapalitan naman iyon di' ba? Ang mahalaga, ligtas kaming lahat, hindi gaya ng ibang mga kapit-bahay natin na marami sa kaanak nila ang hanggang ngayon ay hinahanap pa, at dasal naming lahat dito ay sana ay mahanap sila at ligtas pa.

Kuya, paubos na ang battery nitong padala mong laptop at 'yung broad band ay pa hinto-hinto ang signal. Send ko na muna sa iyo ito.

OK lang kami. Huwag kang mag-alala. Pinasasabi ni ' Tay at 'Nay. Ayos na sa amin ang mag-Noche Buena ng balanghoy, ginataang gabi at minatamis na niyog.

Bye na kuya ...

Nagmamahal,

Larry


*** We, as people have always been resilient, resourceful and creative even in the midst of repeated disasters.

In the barrios, very few may have died not really because of hunger but because of panic, ignorance and fear. People will make do. Just like Manny Pacquiao, we shall rise again, often times even smiling even while in pain.

I am dedicating this piece to the brave, suffering, surviving, and at spur of momentary remembrance of bloops, people devastated, can even laugh ... triggered by pain and happiness at the same time.

We, as a Nation, are an irony, which is why we can never be put down!

We can cry and laugh at the same time.

We may become temporarily insane as individuals. During trials are we ever RESOLUTE collectively but in spirit.

This New Year, we need not change anything. We only need to open our hearts and love more, because LOVE is everything.

*** Host: "Kumusta ka ate?"
Contestant: "Malungkut po ... kamamatay lang po nung isang Linggo ng nanay ko dahil sa TB, wala po kaming pambili ng gamot at pambayad sa oxygen."
Host: "Kawawa ka naman, eto ang P5, 000 huwag ka ng umiyak, ganyan talaga ang buhay... lahat naman tayo ay mamamatay ...
Host: "Anong gagawin mo?"
Contestant: "Sasayaw po ..."


O ... bigyan ng JACKET ... ang lahat ng nagbabasa nito!

No comments:

Post a Comment