Wednesday, March 19, 2014

Abie Principe

Shoganai: Gaijin Life
Tragedy and Triumph




March-April 2014

Isang bagay na hindi naiiwasan tuwing merong Olympic Games: palagi na lang Olympics ang palabas sa TV sa buong Japan. At dahil nga sa ito ay Japan, siyempre, puro athletes nila ang featured. Dapat lang naman, di po ba? 

Noong huli akong umuwi sa Pilipinas, napansin ko na ang front page ng Philippine Daily Inquirer (February 15, 2014) ay halos puno ng isang litrato lang. Siya ay si Michael Christian Martinez, ang bukod tanging representative ng Pilipinas sa Sochi Olympics 2014. Nagulat ako at medyo nahiya rin sa sarili, dahil sa halos araw-araw na pagsubaybay ko sa Olympics sa TV, at minsan sa internet, puro Japanese athletes lang ang alam ko. Tapos biglang bumulaga sa akin mula pa sa isang dyaryo sa eroplano, na meron palang figure skater sa Olympics ang Pilipinas. Ganoon na ba ako ka out-oftouch sa mahal kong lupang hinirang? Bilang pagtanggol sa sarili, hindi ko siguro na hagip ang balita tungkol kay Philippine Olympian Martinez, dahil puro tungkol sa trahedya na dulot ng Bagyong Yolanda and madalas na binabasa ko tungkol sa Pilipinas. Matapos ko nga mabasa abng tungkol sa Olympics, nabasa ko rin na si David Beckham pala ay pumunta sa Pilipinas upang tumulong at magbigay ng suporta sa mga taong napinsala ng bagyo.

Dalawang article sa dyaro, Olympics at Yolanda, dalawang istorya na sa unang tingin ay napakalayo sa isa’t isa. Ngunit kung titignan natin ng mas maigi, hindi ba ang dalawang pangyayaring ito ang nagpapakita sa dalawang aspeto ng sambayanang Pilipino? Ang aspeto na ito ay nakikita ng paulit-ulit sa kabuuan ng ating kasaysayan. The Filipino’s ability to stand in the path of tragedy and still emerge triumphant, and the Filipino’s desire to go beyond. Ang abilidad natin na harapin ang mga trahedya ng taas noo, at ang abilidad ng bawat Pilipino na maging higit pa sa kinagisnan niya sa buhay. Nandyan ang Philippine Revolution of 1896, EDSA Revolution 1986. Nandyan din si Manny Pacquiao, at si Martin Christian Martinez. As a country, and as individuals kaya talaga ng Plipino na umangat at magtagumpay.

Kung ang mga TV programs sa Japan ay puro tungkol sa Japanese athletes, natuwa naman ako nitong huli kong uwi na sa Pilipinas, na dito rin maraming TV programs ang nag feature sa Olympics, maraming nagiging interesado malaman ang tungkol sa figure skating, at may posibilidad rin na maraming mga magulang ang nagkaroon ng bagong pangarap, ang makarating sa Olympics ang mga anak nila. At nakaka- tuwang marinig ang mga bata na nagsasabing “Gusto ko rin po makasali sa Olympics!”

The Filipino ability of facing tragedy without plunging into depression, the Filipino drive to succeed, nakikita ito sa Leyte at nakita ito sa Sochi Olympics. Tulad ni Michael Christian Martinez, naniniwala ako na the Filipinos have the potential for greatness.

No comments:

Post a Comment