ADVICE NI TITA LITS
March-April 2014
Dear JP readers:
Bago ko po sagutin ang inyong mga katanungan, gusto ko lang i-share sa inyo ang reaction ng isang kababayan natin na nakatira sa London, who read the New Year edition of Jeepney Press. Alyce po ang pangalan niya. Alyce emailed me in Kapampangan, and I am translating in English the pertinent points regarding JP. Here goes:
“Hi, Lits:
“Thank you for the newspaper you sent me. I am happy and proud that you shared this with us. At first, I read only your Dear Tita Lita column. I enjoyed reading it especially because I can relate to the questions asked, especially the one from Joey. I showed the newspaper to my daughter Jane and she read it, before passing it again to me. She said, there is another article inside, and it was about Tita Lita.
“Lits, I was reading the newspaper until early morning, and I was in the kitchen, reading from page 1 until the last page. I saw the photograph of your sister and I did not know she was your sister and that you had a sister also in Japan. I was wondering how come she looks similar to you, and she was also a Manalastas, and after I read Marty’s Shitteru article, now I can confirm she is really your sister.
“Even the article of your editor, Mr. Sun, who is also Kapampangan – I enjoyed reading it very much, although I am not totally in agreement with him regarding his reason/s for not wanting to go home during Christmas. (Attention: Tito Dennis!) I will also pass the newspaper to my elder sister and to my friend Susan, so they can read it.
“It was interesting to know how you came to Japan. The next one I hope you will do is to write your autobiography (if you haven’t started yet).
“Congratulations to Jeepney Press for its 10 years of successful publication. I like your paper much better than those published here in the UK, wherein articles get buried in the so many advertisements placed.”
Alicia Vasquez
London
Dear Tita Lita,
Tuwing umuuwi po ako sa Pinas, lagi po akong nauupo sa tabi ng mga maiingay na pamilya. Bakit kaya? Tulad ng pinakahuling uwi ko po, malapit po ang upuan ko sa isang nanay na may bitbit na dalawang chikiting. Grabe! Ang ingay ng mga bata. Nag-aawayan, nagsisigawan, nag-iiyakan at napakalikot. Yung nanay, binabawalan lang paminsan-minsan. Parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Siguro po, sanay na siya. Pero ako po, hindi sanay. Hindi ba niya alam na nakaka-istorbo sa mga ibang pasahero ang mga walang disiplinang anak niya? Morning flight pa naman iyon at dahil kulang ako sa tulog, plano ko po talaga ang matulog sa eroplano para makabawi sa tulog. Ano po ba ang magandang gawin sa mga ganitong katayuan?
Bert,
Chiba
Dear Bert:
Sarap sanang mag-business class, ano? Dahil “business” class, karamihan ng sumasakay diyan, ay mga business people, or iyong may maipambabayad na at least twice ng presyo ng isang economy class ticket. Madalang ang nanay na may tsikiting na bitbit sa business class, maluwag ang upuan, pwedeng makapag-stretch mabuti at makatulog ng mahimbing.
Kaya lang, sa mga ordinary mortals na tulad natin, who cannot charge our airfare to our company, or who cannot stomach paying at least twice the fare, even if we have the money, for just a 4-hour plane ride, pwede ng pagtiyagaan ang economy class. I assume, of course, na you are just flying from Japan to Manila. Parusa talaga kung long-distance flight ka – for the US or for Europe, kahit walang maiingay na tsikiting, dahil nga napakasikip ng upuan at walang masyadong leg room to stretch.
Bert, siguro kapag nagkaanak ka na, maiintindihan mo kung papaano mag-alaga ng bata. Imagine mo iyong nanay ng mga tsikiting na nakatabi mo – mas lalo na iyong walang tulog, mas pagod, at mas stressed dahil sa kasama nga ay mga bata, na hindi naman pa makaintindi na hindi dapat maging maingay or umiyak while inside the plane. Posible rin na may colds ang mga bata, and when one has colds and takes the plane, malaki ang chance na the air pressure inside the plane during take-off and during landing, will cause some pressure sa tainga, at masakit iyon. At hindi naman mai- explain ito ng bata.
Sorry, Bert, wala akong maisip na pwede mong magawa. Kahit mag-complain ka pa sa stewardess, ano naman ang pwede niyang gawin?
One of my sisters-in-law used to let her children take some cough syrup soon after they board the plane, para ma-relax at makatulog daw ang mga bata. Not necessarily to cause trouble to other passengers, but really to let the children get better rest. I am not sure if I could recommend this to readers of this column when they travel with their kids. Siguro, you can ask your doctor muna.
Apat na oras na sakripis-yo… Nothing can be done… So best just to accept it, wear your head phone, and enjoy watching one or two movies, until you arrive to your destination, and the ordeal is finally over!
Tita Lita
Dear Tita Lita,
Matanda na po ang Tatay namin. Wala na rin po kaming Nanay. Hindi naman po kami ganoon kayaman pero meron pang natitirang mga ari-arian ang Tatay ko tulad ng bahay, lupa at mga apartment. Nag-aalala po ako na sa katayuan ng Tatay ko at bigla niya po kaming iwanan at mamatay. Minsan sinabi ko po sa Tatay ko pagkatapos niyang maka-recover sa heart attack tungkol sa mana (inheritance) naming limang magkakapatid. Nagalit po siya sa amin at parang binabastos namin siya. Actually, hindi pa po patay ang aking Tatay, ilan sa aking kapatid ay humihirit at humihingi na ng kanilang mana dahil sa kanilang mga negosyo. Gusto nilang i-advance ang kanilang mana para sa karagdagan pondo sa kanilang business. Nagka-kagulo na rin po kaming mga magkakapatid dahil dito at ayaw makigulo ang aking Tatay. Ngayon buhay pa siya ay gulung-gulo na kami, paano pa kaya kapag nawala na ang Tatay ko? Ano po ba ang payo ninyo?
Shiela,
Nagoya
Dear Shiela:
Mukhang sa ating kultura, ay hindi pa usual ang paggawa ng will. Kahit nga pagbili ng life insurance, parang hindi masyadong common pa sa atin. Siguro, dahil ayaw nating isipin ang ating mortality. Kahit ako, palagi kong iniisip na i-arrange mabuti ang aking financial records – bank accounts, cash on hand, stocks, loan mortgage payments, etc., para kung may mangyari man sa akin, ay alam ng pamilya ko kung ano ang gagawin sa aking mga assets at liabilities. Pero hangga ngayon, hindi ko pa rin inaasikaso. (Salamat sa sulat mo –wake up call ito sa akin to do the necessary, the soonest).
Dapat siguro tama ang timing at tama ang approach natin sa ating mga magulang when discussing inheritance. Siguro, best to sit down one more time with your Tatay, in a relaxed environment. Siguro over lunch or dinner, maybe in a restaurant, at kayo lang dalawa muna. The very first thing you should do is to tell him you are very sorry about offending him when you opened up the matter of inheritance the last time. But that you are only thinking of peace of mind for your father when you opened up the topic. And if your father is receptive to listening to you talk further, then tell him that it is best to make his will, and that he can talk to his lawyer (or arrange a meeting with a lawyer he knows/trusts). Do not make it appear that you are at all interested in having mana from him – only peace of mind for your father, and that he alone will have sole discretion on how he would like to have his property/assets divided or distributed not only to his children but to whoever he thinks he should bequeath some, including his favorite charities, etc. And let him really decide independently, in consultation with his trusted lawyer, and do not influence him in any manner in whatever decision he takes. And since he will leave a will, whatever he decides to put there, will be administered properly by his lawyer, when the time comes that your father will leave this earth, and not earlier.
Pabayaang magdusa ang mga kapatid mo at maghintay ng tamang panahon, bago sila mag-ambisyong kunin at manahin ang mga ari-arian ng tatay ninyo.
Tita Lita
Dear Tita Lita,
Pito po kaming mag-kakapatid. Poultry at piggery ang business ng aming ama. Tuwing summer vacation, nag-ta-trabaho po kaming lahat sa poultry at piggery na napakahirap, napakadumi at napakabaho. Hate-na-hate po namin kapag dumarating na ang summer vacation sapagkat alam namin ang kapalit noon. Yung ibang classmates ko, bakasyon grande sila Baguio at Boracay. Kaming magkakapatid, bakasyong pagdurusa! Wala naman po kaming magawa kundi mag-trabaho. Pinag-aral po kami hanggang makatapos sa college at ngayon ay meron na po kaming kanya-kanyang mga trabaho. Minsan po habang kumakain po kami ng buong pamilya isang linggo, pinangaralan kami ng aking mga magulang. Hindi pa raw sulit ang pinang-gastos niya sa amin para makatapos ng pag-aaral sa kabila ng pagbibigay namin sa kanya buwan-buwan sapagkat wala na pong business
ang aming mga magulang. Nasaktan po ako. Ang feeling ko, ginawa po niya kaming parang investment. Kailangan po bang suklihan ang pinagbigay at ginastos ng magulang sa kanilang mga anak? Responsibilidad ba ng anak na bayaran o ibalik ang nagastos ng magulang sa kanilang anak? Ano po ang opinion ninyo?
Martina,
Sendai
Dear Martina:
Sa aking personal na opinyon, responsibilidad ng isang magulang na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. At palagay ko, walang makakapa-argue, na ang best gift that a parent can give to his child will be the best education. Ang edukasyon kasi ang passport natin for a better future – a good job, good income, and thus, a more stable future (financially).
Sa unang parte ng sulat mo, ang unang naging reaction ko ay walang masamang tumulong kayong magkakapatid sa poultry at piggery business ng inyong magulang, tuwing inyong summer vacation. Good for you na matutuhan ninyo kung papaano i-run ang business, at ma-appreciate ninyo ang hirap ng inyong mga magulang para kumita at mapag-aral kayong magkakapatid. Pero sa latter part ng iyong sulat, parang na-disappoint naman ako kay Nanay at Tatay. Parang utang na loob ninyo na kayo ay kanilang pinag-aral. Mali yata sila dito. Obligasyon nila na pag-aralin kayo. In fact, hindi ninyo obligasyong magbigay buwan-buwan sa inyong mga magulang. Ang pagbibigay ay kusang-loob, at bigay iyon na pang-kunswelo sa kanila, at hindi dahil ibinabalik ninyo ang mga ginastos nila sa inyo. I can sympathize with you when you said na nasaktan ka. Ang payo ko ay keep quiet ka na lang. Isipin mo na lang na siguro, tumatanda na sila at nagiging mas sensitive in their old age. Kung bukal sa loob ninyong magkaka-patid na bigyan sila ng pera buwan-buwan, ituloy ninyo. May grasya iyong kapalit – God will return all the good things you do, in many ways.
Tita Lita
No comments:
Post a Comment