Wednesday, March 19, 2014

Karen Sanchez

POETRY: Sakura




March-April 2014

Ganda mo’y kakaiba at kaaya-aya
Sa buong Japan ay masisilayan ka
Mula sa Okinawa, Osaka
hanggang Tokyo at Hokkaido
Mga turista ika’y sadyang dinadayo

Taun-taon ganda mo ay nag-iiba
Na sa maiksing panahon
lamang makikita
Mga tao ay inaabang-abangan ka
Maging sa umaga o gabi
ganda mo ay kahanga-hanga

Katiwasayan, kalinisan at pag-asa
ang iyong dala-dala
Sa mga tao, sa ganitong panahon
ay asam-asam ka
Sa kulay mo, paligid ay
nagkukulay-rosas na
Kaibig-ibig at nakakabuntong hininga

Katangian mo sa buhay ay nagtutugma
Mga katangian, madalas na
maikukumpara
Na kung minsan ay may
mga nangyayaring maganda
Mga bagay na sa kalauan
kusa din itong mawawala

Kasabay ng simoy ng hangin,
talulot mo'y nalaglag isa-isa
Kung saan man ito papadparin,
di na ito inaalintana
Sapagkat, mawala ka man
sa kanilang paningin
Tiyak  naman muling masisilayan
ang iyong ganda

No comments:

Post a Comment