Wednesday, March 19, 2014

Anita Sasaki

BAWAT  GISING,  MAY  BLESSING!   




March-April 2014

Noong nakaraang August, meron akong napuntahan na lugar na napakalakas nang air-condition. Pag-uwi ko doon nag umpisa sumakit ang aking likod. Hindi ako makatulog sa sakit at inabot nang tatlong araw. Ayaw  ko naman tumawag ng ambulansya. Hintayin ko na ang Lunes para magpatingin sa doctor.  Maaga na akong pumunta sa clinic pagdating ng Lunes. Nag-alala ang doctor ko at alam niya ang sakit ko sa puso (Anjaina  Pectoris). Nag-alala ang doctor dahil sa init ng panahon. Bawal ako na sobrang init o lamig. Para maiwasan ang heart attack, binigyan ako ng gamot para sa puso. Ngunit hindi nawala ang sakit ng aking likod. Kaya Miyerkoles, balik ako agad at pina x-ray at nakita ang dating resulta noong general check-up. Kaya gusto akong i-confine doon sa ospital sa Hirai kung saan namatay si Tatay. Ngunit ayaw ko kaya sa ibang hospital ako pina-reserve magpa MRI. Lumabas ang resulta sa pagkalipas ng tatlong araw at nakita nila meron akong cancer of the lungs. Naramdaman ko ang matinding lungkot pero tanggap ko na kung ito ang KANYANG pasya.
Ni refer ako sa isang lung specialist at laking suwerte ko ng nalaman kong maga-ling siyang mag English. Malinaw lahat ang kanyang mga paliwanag. Ang lumabas na diagnosis din ay “Malignant Lymphoma.” Sabi ko nga, THY WILL BE DONE.

Subali’t ako ay nanalangin at naniwala na ako ay MALUSOG, WALANG SAKIT at MAGA-LING. At noong Oktubre 2013, wala  akong ka planu-plano at ang anak ko na kararating lang galing Pinas at dahil sa na delay ang eroplano ay dinaanan na kami sa bahay ng aming kaibigan at biglang nakasama ako sa pilgrimage sa Akita. Nag-alala ako dahil sa haba nang biyahe. Tumuloy kami sa hotel upang mag bihis at saka kami tumuloy sa Convent para sa Vigil. Nguni’t di ako napagod at pagharap ko sa Mahal na Birhen ng Akita ay para siyang kumindat sa akin. 

Wala akong ibang ginamot kundi ang nilagang dahon ng guyabano at bignay na may pandan. At alternative medicine gaya nang tinadtad na bawang, luya, pulang sibuyas, lemon at pulot o honey. 
Pinabalik ako makalipas ang tatlong buwan at kinunan ng dugo at iba pa para sa laboratories at MRI.
Pagkalabas ng mga resulta, lumaki ang mga mata ng aking doctor at di niya makita ang mga hibla-hibla, tubig na dating nakikita sa lungs ko. Negative din ang laboratory results.
At sabi nga, “We should always be prepared o dapat laging handa because death may come anytime. Nagkasakit ako noong nakalipas na summer season. At ng na diagnose ang sakit ko ay autumn season naman. Don’t focus on the falling leaves but focus on the beautiful colors of the falling leaves na maihahambing ko sa aking lakas na dahan dahan nang nawawala. Ayon kay Nelson Mandela, “The greatest contribution is what we left behind and not what we carry with us.” Kaya huwag nating ikalungkot ang mga nalagas na dahon kundi tignan natin ang magagandang kulay nang mga nalagas na mga dahon.
Isa pang natutunan ko ay kung noon tayo ay nananalangin ang sagot sa ating mga panalangin ay inaabon ng matagal na panahon. Parang Air Mail letter na ang tagal bago makarating sa atin. Hindi tulad ngayon text text na lang ang bilis. At ganoon ko ihinambing ang sagot sa akin nang Diyos- ang bilis TEXT TEXT  lang, may sagot na  SIYA. Kaya habang may buhay, may PAG ASA.

And this was and always be my prayer:
Heavenly Father, I call on you right now in a special way. It is through Your power that I was created. Every breath I take, every morning I wake, and every moment of every hour, I live under Your power.
Father, I ask You now to touch me with the same power. For if You created me from nothing, You can certainly recreate me. Fill me with the healing power of Your spirit. Cast out anything that should not be in me. Mend what is broken. Root out any unproductive cells. Open any blocked arteries or veins and rebuild any damaged areas. Remove all inflammation and cleanse any infection.
Let the warmth of Your healing love pass through my body to make good any unhealthy areas so that my body will function the way you created it to function.
And Father, restore me to full health in mind and body so that I may serve You the rest of my life.
I ask this through the intercession of Mama Mary and Your Son, Jesus Christ, our Lord.
AMEN.

At ang lagi kong bukang bibig ay, 
“I am HEALED, 
I am HEALTHY, WEALTHY, 
PROSPEROUS 
and LOVED.”



No comments:

Post a Comment