Wednesday, March 19, 2014

Warren Sun

Kusuri sa Kusina
TOMATO GLOW




March-April 2014

Ang  tomato o kamatis ay nauugnay bilang isang gulay sa karamihan pero hindi alam ng lahat na isa itong wonder fruit na walang pangkaraniwang tamis tulad ng mga ibang prutas.  Nakikita natin na laging gamit ang tomato sa panghalo sa salad, pasta at iba’t-iba pang mga ulam  na suking-suki ito sa ating kusina. Pero ano nga ba ang nakukuha nating health benefits sa kamatis?

Reduce Risk of Cancer Ayon sa pananaliksik, ang pag kain ng maraming kamatis ay nagpapababa ng peligro sa lung, stomach at prostate cancers.  Ito ay may substance na tawag ay Lycopene na isang powerful antioxidant na nagbibigay proteksyon laban sa iba’t-ibang uri ng cancer.

Prevent DNA Damage
Mataas ito sa antioxidants tulad ng Vitamins A & C na tumutulong sa DNA damage at pinaniniwalaan din na nakakatulong sa mga age-related diseases tulad ng Atherosclerosis at Diabetes.

Reduce the Risk of
Heart Disease
Ito rin ay may nutrients tulad ng Niacin, Folate and Vitamin B6 na tumutulong sa pagbaba ng heart disease.  Sa isang pananaliksik, kung gagawin natin ang tomato-rich Mediterranean Diet  na may kahalong extra virgin olive oil o kaya mixed nuts, ay tiyak magpapababa ng heart attack o stroke sa mahigit na 30%.

Promote Healthier Sleep   Ang kamatis ay tumutulong din sa pagbibigay ng mahimbing na pagtulog.  Pinaniniwalaan nila na ang nga pinaka may mahimbing sa pagtulog ay masagana sa kamatis. Isang tasa lang ng cherry tomatoes na may 20mg ng Vitamin C ay nagbibigay ng 31% na recommended daily amount base sa 2000-calorie diet.

Beautify Skin and Prevent Sunburn
Kung gusto niyong gumanda ang inyong kutis, kumain lang ng kamatis.  Ang Lycopene ay may molecules napro-collagen na nagbibigay ng magandang kutis. Ito rind daw ay tumutulong sa pagbigay ng proteksyon sa sunburn. Sa isang pananaliksik, 55grams lang ng tomato paste at magbibigay ito ng 33% increase skin proteksyon laban sa ultraviolet exposure.

Hindi kaduda-duda na ang kamatis nga ang isa sa pinaka masustansyang prutas sa buong mundo. Murang kamatis na mabibili sa palengke o sa supermarket para sa pagpapahalaga ng inyong pangkalusugan at para sa isang kutis tomato glow.

No comments:

Post a Comment