Shoganai: Gaijin Life
Sept - Oct 2015
Ever wonder why people started posting Throwback Thursday (TBT) pictures online? Anywhere from Facebook to Instagram to Twitter, parami ng parami ang #TBT. Isang mabilis na internet check ang nagbigay liwanag sa pinagmulan ng TBT. Ayon sa ilang sites, ang pinagmulan ng TBT ay mga litrato ng lumang cartoons, uploaded by a site in 2006. Mula noon, naipasok na sa Urban Dictionary ang salitang Throwback Thursday. Ang basic definition nito ay ang pag-upload ng pictures online, in any of the available social media sites, at ang picture na ito ay dapat lumang picture, or a picture from the past. At, ideally, dapat i-upload on a Thursday. Mula ng nauso ito, nagkaroon na rin ng mga variations, tulad ng Flashback Friday and Sentimental Sunday.
Talagang popular ang pag-upload ng mga #TBT pictures. Bakit kaya? Kayo ba, dear readers, nakapag-upload na ba kayo ng throwback picture? Ano ang reason ng pag-upload ninyo ng picture? At anong klaseng litrato ang inap-load ninyo? Nung kayo’y nasa elementary school? High school? College? Nung nasa beach kayo noong 19xx at super bagay pa ang bathing suit?
Karamihan ng nagthrothrowback pictures, ang nilalagay ay mga group pictures noong nasa eskwelahan pa sila. Malamang nauso ito sa ating mga Pilipino dahil sa naglipanan na mga class reunions. Sa totoo lang, taon taon halos meron mga nag po-post ng throwback pictures in commemoration of their school days. Isa yan sa pinaka-popular na klase ng #TBT pictures. Ang pumapangalawa naman ay pictures ng kasal, lalo na kung mahigit sampung taon na lumipas mula noong ikinasal. At pangatlo naman, dahil sa totoo lang, ang internet yt talagang pinangungunahan ng mga kabataan, ang mga throwback pictures nila ay yung noon baby pa sila, para sa akin, ito ang mga pinakacute na #TBT pictures.
Ayon sa uri ng mga litratong madalas i-upload, nakikita natin na ang nangungunang rason kung bakit nauso ang Throwback Thursday, sa isang salita ay, sentimentality. Looking at the pictures from our past makes us quite emotional, and because of social media, we can now share that emotion to the whole world. Perhaps old pictures show a side of us that most people haven’t seen or have forgotten, and posting them online, we show the world that what we used to be, what we are now, and how we have come a long way. Kaya, dear readers, post lang ng post ng #TBT, who knows, baka tayo mismo, maalala natin ang ating nakaraan, at dahil dito, mas makikita natin ang maari nating maging kinabukasan. Ika nga ni Ka Jose Rizal, “Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”
No comments:
Post a Comment