Friday, September 26, 2014

Warren Sun

NEWS BITS




Sept - Oct 2015

Pinoy Scholars To Be Deployed To Japan In September

Ang unang batch ng Pinoy student scholars sa ilalim ng Japan-East Asia Network Exchange Students and Youths (JENESYS 2.0) ay ipapadala sa Japan nitong Setyembre 8 to 16 at ang second batch sa Nobyembre 3 to 11.
Inilahad din ng DepEd na ang layunin ng programang ito ay mabigyan ng pang-unawa ang kultura ng Japan at kabuluhan sa pamamagitan ng mga youth exchange programs. Ito ang magbubukas oportunidad para mabigyan ng 21st century skills ang mga public school students.
Bago ipapadala ang first batch,  sasa ilalim sila sa isang national formation program na gagawin ng DepEd sa Setyembre 4.

Pinoys In Japan Warned Against Illegal Solicitations 

Nabigyan ng paalala ang mga Pinoy sa Japan laban sa illegal solicitations kung saan humihingi silang pera bilang tulong para sa mga bata sa Pilipinas. Ang Philippine Embassy sa Tokyo ang nagbigay ng babala magmula nang natanggap nila ang balitang racket na ito. 
Ayon sa Philippine Embassy, lahat ng fundraising activities ay dapat sumunod sa ilalim ng batas ng Japan. Dahil dito, pinapaalala ulit ang publiko na “exercise caution and judgement” kapag may taong lalapit sa kanila na nagre-request ng donation para sa isang charity or organization.

Japanese Allegedly Commits Suicide In Cebu

Isang Japanese national ang nakitang patay sa kanyang boarding house sa Barangay Kasambagan, Cebu noong Agosto 18. Ayon sa tagapagsiyasat, pinaniniwalaan nila na suicide ang dahilan sa pagkamatay.
Masaki Hashimoto, 31 na taga Osaka, ay nakitang patay ng kanyang roommate na nakabigti sa tabi ng kanyang pinto. Ayon sa kanyang landlady, nag-aaral siya ng English as a Second Language (ESL). 
Iniimbestiga ng mga pulis kung ano ang naghudyat sa kanyang pagtangkang suicide. Makikipag ugnay din sila sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng Japanese Embassy dito sa Pilipinas.

No comments:

Post a Comment