Friday, September 26, 2014

Anita Sasaki

KWENTO ni NANAY
As I Always Say...
EVERY GISING, A BLESSING !




Sept - Oct 2015

Sa tuwing pagmulat ko ng aking mga mata, itong mga katagang ito, “Every Gising, A Blessing!” ang lagi kong nasasambit.

Isang araw, may nagpunta sa aming bahay para kausapin ako kung gusto kong mag-gym at sa ganoon ay makapag exercise naman ako.
Una ay ayaw ko. Pero
bumalik sila at ako ay isinama sa isang lugar na puro may mga may edad na at nag e-exercise. May mga gamit pang gym. Ay ang ganda pala sabi ko. Nguni't medyo bantulot ako kasi puro sila Hapon. Ako lang ang gaijin or foreigner.

Pero sa madaling sabi, sinubukan ko. Ang galing galing! Meron sumusundo pa sa akin sa bahay at pagkatapos ng session ko ay ihahatid ka rin sa bahay (parang school service). Aalalayan ka pa. Before you start they will get your BP (blood pressure). Then after the session they will check again the BP. During intervals of your exercise, they will serve mugi cha. 

There I tried the thread mill, bicycle, machine for the back and stomach and a lot more. Hindi ko alam kung ano ang tawag. At kung anu-ano ang mga exercise na pinagawa sa akin. Pero alalay lang. Ang galing nga. From head to foot. Iba-ibang exercise na hindi naman stressful.

Ayos talaga! Ang schedule ko ay twice a week. 
Nakakatuwa parang naalala ko noong bata pa ako dahil may umaalalay sa iyo sa lahat ng gagawin mo. Meron kang kasama na super baldado na, meron ok ok pa. Yong iba siguro na stroke kaya naka baston na pero mas marami naka baston dahil sa matanda na talaga. Ako siguro ang pinakabata. Kung meron man mas bata sa akin yon sila ay mga na stroke kaya di makalakad. Ang edad namin doon from 50 - 90 years old.
Grabe meron akong nakasama na ang edad ay siguro 80 taong gulang na. Maayos pa at naka make-up at naka alahas pa.

Doon ko na realize na ang panlabas na anyo ay di mahalaga.
Naka make-up ka nga kahit na yon pinakamamahalin make-up pa ang ginamit mo eh kung puro pleats na ang face natin wala ng effect ang kahit na anong brandong make-up. Naka singsing ka nga ng 3 karats pero di mo ma appreciate ang ganda ng alahas dahil ang daliri ay kulubot na baliko pa dahil sa gout. Kaya dito sa akin nakikita. Dito mare-realize mo na the real beauty is not the outside or the physical beauty but the beauty within. Whether you are 19 years old or 90 years young, the inner beauty never fades. Kahit na anong mamahaling damit at alahas ang gamitin mo wala ka nang igaganda pa dahil kumupas na ang panglabas na ganda mo. So we should be beautiful inside because that is the only beauty that lasts. And the beauty inside radiates outside.

At noong kaarawan ko, para akong bata na may children's party. Nakakatuwa. Blessed na blessed ang feeling ko. May personalized birthday card pa. Dito ko napatunayan na ang kasabihang: "What goes around comes around." Kung nakakapagpasaya ka sa ibang tao, ibabalik sa atin ng Diyos ng mas higit pang kaligayahan. Hindi kailangan mamahalin bagay. Simple things are even more better than those expensive things. It is the thought that counts ika nga. Umuwi ako nang umaapaw sa kaligayan sa puso. At walang ibang masabi kundi ang "THANK YOU LORD."

Dito ko rin na realize na napakaganda nang pamamalakad ng bansang Hapon. Dahil sa ako ay nag babayad ng tama ng aking buwis noon ako ay nagtratrabaho, kaya ito ang ibinibigay sa akin na biyaya nang bansang Hapon. Hindi nasasayang ang ating ibinabayad dahil alam natin where our taxes are going. Napakaganda nang bansang ito pagdating sa ating mga privileges. Kaya Bansai Nippon!!!


No comments:

Post a Comment