Friday, September 26, 2014

Karen Sanchez

OMOTENASHI




Sept - Oct 2015

Isang kalugud lugod na naman na panahon ang ating masisilayan sa kasalukuyan.  Ang panahon ng paghahanda para sa taglamig at ito ay ang panahon nang  taglagas. Ngunit hindi ang paglalagas  ang dapat nating inaabanagan kundi ang panahon kung saan nagpapalit ang kulay ng mga dahon sa buong kapaligiran ng halos lahat ng lugar dito sa Japan. At ito ay ang kaayaaya at nakakamanghang ganda ng mga dahon na dating berde o luntian ay nagkululay dilaw, ginto, kahel o pula. Magandang eksena o panahon muling makapamasyal at magpicture taking sabay uploads na naman sa ating mga facebook, instagram, line at  twitter kung saan tayo ay updated palagi, kung hindi man lahat ay halos lahat na nandirito ngayong naninirahan dito sa Japan ay ito na ang naging libangan pag may oras lamang.kabuuan ng Japan ang katagang ito dahil sa araw araw halos ay maririnig mo sa telebisyon sa mga balita maging sa komersiyal dahil ito ang naging katagang pambato upang mapasa ng Japan ang 2020 olympics na ngayon pa lamang ay lubos nang pinaghahandaan ng pamahalaan. Naging daan ito upang ipursigi ng mga Hapong matuto o makaintindi o makaunawa ng salitang Ingles. Hinihikayat ang lahat lalo na ang mga kabataan pag-aralan ito  ngayon. At makikita ang naglipanang eskwelahan at mga dayuhang kabataan sa mga istasyon ng tren o mga kalsadang malapit sa eskwelahan o paaralan upang mamigay ng kani-kanilang flyers para sa English lessons o tutorials.

OMOTENASHI ay may iba’t-ibang kahulugan kung ita-translate natin sa salitang Ingles. OMOTE means surface at NASHI means less or none. Pwede ring ibig sabihing “single hearted.” Ibig sabihin nito ay ang pag-kaka-isa ng layunin o dedikasyon. OMOTE could also mean “to carry” or dalhin. NASHI could also mean “to accomplish.” Kaya dito, masasabi natin na ibig ipahiwatig ang magiliw na pagtanggap ng serbisyo. 

Sa ibang pananaw naman, ito daw ay ang  ibat-ibang relasyong walang pangingibabaw o pantay-pantay. Isang relasyon sa pamamagitan ng nagbibigay at ang tumatanggap ng serbisyo at nagmumula sa kahit sino maging ikaw ay isang sikat na tao, mayaman o ordinaryong tao. At para po lubos nating maintindihan, isang magandang halimbawa ay nakaugalian at nakalakihan na nating mga Pinoy ang pagtanggap ng bisita sa ating bahay.  Kilala tayong mga Pinoy na maasikaso sa bisita, yung pag-hahandaan natin sila ng mga espesyal na luto  at  pag-aasikasong hindi inaasam ng mga bisitang ating maibibigay sa kanila.  Nakatatak na sa ating mga Pinoy ang pagiging pala-kaibigan at matulungin sa kapwa. Likas din sa ating mga Pinoy ang kusangpalo o walang pag-aatubiling pagpasyang tumulong sa mga nangangailangan sa abot ng ating makakaya. Sa pagpasok natin sa restaurant o sa simpleng mga kainan o mga lugar aliwan at ito ay ang pagbibigay ng oshibori o puting maligamgam o malamig na tuwalyeta o towel at kasabay nito ay ang pagbibigay ng tubig  o kaya ay tsaa nang walang bayad o libre. Ito ay isang paraan ng mga Hapon sa pag welcome o pagpatuloy ng mga bisita sa bahay man o sa kanikanilang mga tindahan. At sa panahon ngayon may mangilan-ngilan na rin mga establisyemento sa atin sa Pinas na nagpapraktis ng ganitong kaugalian lalo na kapag sa isang Japanese restaurant  tayo pumasok. 

Nakakatuwang isipin na unti-unti ay naaadapt o nakukuha o naiaaplay na rin natin ang ibang techniques o diskarte ng mga Hapon sa kung papano sila umasenso at nakilala sa buong mundo. At kung ating mapapansin lalong dumaraming mga Hapon ang nagpuntahan sa ating bansa upang magtayo ng kanilang negosyo. At kung ating maaalala, ilang buwan lang ang nakakaraan ay nagkaroon ng pagpupulong ang ating Presidenting Noynoy Aquino at Prime Minister Shinso Abe na nagbabalak o nagpaplanong magtayo ng mga pagawaan o pabrika para sa mga produktong papasok dito sa Japan na kung saan malaking porsiyento sa ngayon ay hawak ng Tsina. Sa pagpupulong ding ito, binibigyan tayo ng pag-asang mga Pinoy dito sa Japan at sa mga nasa bansa na darating din ang araw ay magkakaroon na rin ng malawakang pagtatanggap ng mga trabahador o mga empleyado mula sa atin dito kagaya ng kasambahay, caregivers o care takers, at maaaring lumuwag ang pagtanggap dito ng mga guro, nars o doktor mula sa ating bansa.  Ipinapakita lang dito na kapag ang lahat ng ito ay nagkatotoo, marami sa ating bansa ang mabibigyan ng maayos na trabaho at malaki ang tsansang makapagparito ang mga Pilipino.

Mga kababayan, malapit-lapit na rin ang 2020 Olympic na gaganapin dito at hinihikayat ang bawat isa sa ating mag-aral pa ng Nihonggo dahil siguradong marami-raming trabaho ang nakaabang sa lahat at siyempre mas malaki ang tsansa nating nandirito lalo na kung bihasa na rin tayo sa Ingles. Isa ring karanga- lan o alaalang mananatili sa atin kung tayo ay makadalo sa ganitong uri ng pangyayari sa mundo. At dapat din nating ipagmalaki na nanana-laytay na sa ating mga dugong  Pinoy ang salitang “OMOTENASHI.”

No comments:

Post a Comment