KUSURI SA KUSINA
Pumpin’ up with Pumpkin
Sept - Oct 2015
Madami sa atin lalo na ang kabataan na madaling ihambing ang pumpkin o かぼちゃ o kalabasa sa pagdating ng Halloween. Marahil ito ay mabenta sa pagdaraos ng Halloween, Thanksgiving at sa Pasko. Ngunit sa mga Pinoy, ito ay ginagamit o kinakain sa buong taon, may okasyon man o wala. Mababa ito sa calories kumpara sa mga iba’t ibang gulay na makikita ninyo. Anu nga ba ang mga health benefits ng pumpkin?
Promotes healthy vision Ito ay may Zeaxanthin na nagsisilbi bilang isang natural na anti-oxidant na may UV (ultraviolet) rays na tumutulong sa macula lutea sa bahaging retina ng ating mga mata. Ito ang dahilan na nakakatulong sa “age related muscular disease” (ARMD) sa mga matatanda.
Low in calories
Sinasabi nila na kalahating lata lang ng kalabasa ay nagbibigay nang 40 calories. Isang tasa ng kalabasa ay nagbibigay nang 3 grams of fiber at ito rin ay magandang substitusyon sa paggamit ng asukal, butter o oil.
Source of healthy fats
Ayon sa mga health experts, kailangan isama ang mga buto ng kalabasa sa pagluto dahil ito daw ang pinaka-masustansyang parte ng kalabasa na may unsaturated fat, antioxidants at fiber. Natural source of protein daw ang mga pumpkin seeds na may kasama na ring vitamins, minerals and zinc.
Rich in Beta-Carotene
Ang kulay na orange ng pumpkin ang nagbibigay nang beta-carotene na nagiging Vitamin A sa ating katawan para magkaroon ng healthy immune system at glowing skin.
High in Inflammatory Reducing Beta-Cryptoxanthin
Ang Beta-Cryptoxanthin ay isang pro-vitamin A carotenoid. Nagbibigay ng madaming health benefits. Isa na rito ay pinapababa nito ang paglaganap ng inflammatory diseases tulad ng Arthritis.
High source of potassium
Ang potassium ay isang essential mineral na kailangan natin para sa isang malusog na pangangatawan for the heart and muscles. Ayon sa mga health experts, subukan lagyan ng kalabasa ang inyong post-workout snack para sa isang malusog na muscle at electrolyte recovery.
Marahil sa mga nabanggit na mga health benefits na ito, mag iiba na ang paningin ninyo at mas sasarap pa ang panlasa ninyo sa kalabasa mapa lutong Pinakbet man o ginataang sitaw at kalabasa.
No comments:
Post a Comment