Kapatiran
Sept - Oct 2015
Taon taon ay ipinag- diriwang dito sa Japan ang kani-kanilang kapistahan sa bawat lugar. Karaniwan, nagsisimula ito pagsapit ng Hulyo at Agosto at sa ilang lugar sa buwan ng Setyembre. Sinisimulan muna ito sa pagsayaw sa o-matsuri at iba’t-ibang programa. At kapag natapos na iyon, may nakatakdang oras para masilayan ang nag gagandahan mga magagandang pasabog na tawag nila ay HANABI.
Paano nga ba nagsimula ang ganitong tradisyon dito sa Japan?
The history of fireworks of Japan started in 1549, when guns and gunpowder were introduced by Lusitanians. It was recorded that Tokugawa Ieyasu, the first Shogun of the Edo Government saw fireworks from the Edo castle. As fireworks manufacturers had improved their skills during the Edo period (1604-1868), fireworks became summer entertainment for the public by the 18th century.
Ang Sumida River Fireworks Festival ang isa sa pinaka unang nagsagawa nito at naging taunan na nilang event ang naturang hanabi kapag sumasapit ang summer dito sa Japan. Naniniwala sila na sa pamamagitan nito ay mapapaalis ang malas at masasamang espirito at magkaroon ng kapa-yapaan ang mga kalulu-wang milyong taong namatay sanhi ng epidemya at gutom.
Ilang taon ang lumipas ay sinubukang umangkat ng ibang chemical ang isang maker ng fireworks mula sa ibang bansa upang magkaroon ng panibagong techniques. Bunga nito naging mas maganda, mas makulay at mas makislap ang pagsasagawa ng naturang hanabi.
Taun-taon paganda ng paganda ang kani-kanilang technique sa pagsasagawa ng hanabi. May mga bulaklak, star, cartoon character at kung minsan mayroon din animong parang isang mahabang ilog na may falls na umaagos na tubig. Napakagandang pagmasdan ang tubig lalo na kapag mismo sa harapan mo nakikita ng buong- buo ang hanabi.
Kapag sumasapit ang ganitong okasyon, karaniwan ang mga tao ay sumasakay lang sa densha o di kaya ay naglalakad na lamang upang masaksihan ang ganda ng hanabi. Isinasara kasi nila ang mga daan upang magkaroon ng pwesto ang mga tao na makapanood. Yung iba ay nagdadala ng kanilang mauupuan, inumin at makakain. Marami ring mga yatai o mga may tindang pagkain sa paligid at may mga tindang laruan para sa mga bata.
Masasabi kong masaya ang bawat tao dito sa Japan kapag sumasapit ang ganitong panahon dahil naglalaan sila ng oras sa pamilya upang sabay-sabay nilang panoorin ang hanabi. Alam naman nating lahat na halos karamihan dito ay mga abala sa kanilang mga trabaho. Ngunit sa mga ganitong pagkakataon mayroon silang oras para sa pamilya.
Isa lamang ito sa mga tradisyon ng bansang Hapon na binibigyang halaga ng mga tao. Katulad din ng cherry blossom viewing. Isang napakaganda at makulay ang gabi habang nagkakasiyahan ang mga tao. May inuman, kainan at pagsasama sama ng mga tao upang sabay- sabay na ipagdiwang ang nasabing tradisyon.
No comments:
Post a Comment