SA TABI LANG PO: PAG-IBIG
Sept - Oct 2015
"Ayayay
pag-ibig,
nakakakilig!" Alam kong kinanta mo yun, ako din nga, eh. Pag-ibig. Sino nga kaya ang hindi pa nakakaranas nito? Bawat isa sa atin ay may kanyakanyang sariling kwento tungkol sa kanyang first love, puppy love, childhood sweetheart, true love, secret love, dreamboy, dreamgirl, the one that got away, the one na gusto kong ipasalvage, at kung anu-ano pa. May ibang masaya sa kanilang lovelife at mayroon din namang mga bitter dahil nasaktan. Merong iba na sa sobrang saya ay halos lahat ng ikinukwento ay laging isinisingit ang tungkol sa jowa. At meron din namang mga bigo na pasikretong nagwiwish na "sana mag break kayo" dahil sa sobrang inis.
Una akong naka experience ng "puppy love" noong ako ay nasa grade 2. May kaklase akong si Farid at palagi kaming seatmates. Si Farid ay half Arabo kaya't napakagwapo niyang batamatangos ang ilong, makapal ang mga pilikmata at mapulapula ang mga labi. Gumawa kami ng Valentine's Day Card at dapat itong iaddress sa aming katabi. Naexcite akong magbigay ng card kay Farid kaya't nagdrawing ako ng heart na may lace sa borders nito sa cover ng card. Sa loob isinulat ko ang, "Dear Farid, You are my friend. You are nice. You are my seatmate. Happy Valentine's Day. Love, Renaliza" sa pinakamaganda at pinaka straight na handwriting na kayang isulat ng mga kamay ko noon at ibinigay ito kay Farid. Nakatanggap din ako ng card mula kay Farid at tuwangtuwa ako. Ngunit nang akin itong binasa, ang nakasulat sa loob ay, "Dear Renaliza. You are very fat and ugly like piglet. Happy Valentine's Day. From Farid."
Naglaho bigla ang mundo ko. Ito yata ang pinaka-una kong heartbreak. Ni wala man lang nakasulat na "Love" sa dulo at "from" pa ang isinulat. Kinabukasan, sinadya kong magbaon ng chocolates. Pinaglaway ko si Farid. Humingi siya ngunit hindi ko siya binigyan. Magdusa ka.
Nung ako'y tumungtong ng high school, mayroon akong naging ultimate crush, si Patrick. Napakabait niya, gwapo, friendly at maalaga-in. Ikinukwento ko siya lagi sa dalawa kong pinakamatalik na mga kaibigan, kesyo nag "hi" siya sa akin, kesyo nagusap kami sa canteen. Binigyan ako ni Patrick ng isang maliit na papel nung kami'y nag retreat, isang goodluck note na ang tanging nakalagay ay, "Good luck, Ren!" Abot tainga ang mga ngiti ko. Ipinagmalaki ko ito sa aking mga kaibigan at hindi ko maitago ang tuwa at kilig na naramdaman ngunit wala silang kibo. Paulit-ulit ko itong binasa at kinilatis pati ang handwriting niya, at inamoy-amoy pa. Noong kami'y nasa retreat house ay bigla na namang naglaho ang aking mundo nang ipagtapat ng aking kaibigan na sila na pala ni Patrick. Ipinakita niya pa sa akin ang isang malaking card na ibinigay sa kanya ni Patrick para sa retreat. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang hiya ngunit nagkunwaring ok. Itinapon ko ang good luck note ni Patrick sa fountain.
Fourth year na ako nang nakatanggap ako nga totoong love letter. Paguwi ko galing eskwela, may natagpuan akong sobre sa sahig ng kwarto ko. Binuksan ko ito at laman nito ang mahabang sulat sa yellow paper at postcard na may dalawang pusa. Napakahaba at napaka sweet ng sulat at sadyang nagbubuhos ng saloobin. Napakabait ko raw at matulungin kaya't napa-ibig siya sa akin. Sana daw maibalik ang dati naming pagsasamahan tulad ng dalawang pusa sa postcard na nagmamahalan at pag nagkataon ay dadalhin niya ako sa sayawan at isasayaw ng sweet. Ito ang pinakauna kong love letter at kahit sinong babae ay kikiligin at titili sa binasa ko...maliban sa akin. Wala akong nadama ni konting kilig, puro pagkadiri lang at awa ang aking naramdaman dahil ang sulat na ito ay galing sa pinsan kong may deperensya sa utak.
Andami kong naranasang pagkabigo sa aking lovelife, lalo lang itong tumindi habang ako'y nagkaedad. Noong elementary years puro pambubully ang nakukuha ko sa mga "crushes" ko dahil ako'y mataba. Noong ako'y nasa high school, lahat ng nagugustohan ko ay napupunta sa aking mga kaibigan dahil sila'y magaganda at ako'y mataba. Noong college ako, mataba pa rin ako at medyo may kabobohan. Ang aking lovelife noon ay walang kwenta at walang silbi dahil padalos-dalos. Ang nangyari kasi noong college ako ay....di bale na, masyadong mahaba kung ikukwento ko pa.
Lahat naman siguro tayo may mga naranasang pagkabigo, bibihira ang hindi nakaranas nito. Sila siguro yung first love=true love na kaagad. Sila na yata yung mga pinagpala ng Diyos. At tayo namang nakaranas ng kabigu- an, tayo ang may iku- kwento, tayo ang may mga matatag na kara nasan. At kung sakali mang dumating ang taong masasabi nating "the one" ay mas maaappreciate natin. Ika nga nila, mas masarap kumain ng kanin at ulam kapag nakatikim ka nang magdildil ng asin.
Sabi nila, okay lang ang madapa basta matuto ka lang bumangon. Ako, dalawang beses na yata akong nadapa ngunit awa ng Diyos ay nakabangon naman. Bata pa ako, marami pa akong mararanasan sa buhay. Pero tama na ang dala- wang beses akong nadapa at sana huwag na akong mapangatluhan pa at baka ako'y magpa- gulong-gulong na sa putikan. Sa ngayon, heto ako masaya naman sa buhay. Merong napapasaya at may nagpapasaya. Ang aking mga pagkabigo ay itinuturing kong valuable life lessons at ang aking katabaan ngayon ay isa nang very valuable asset. Nasa huli ang pagsisisi, Farid.
No comments:
Post a Comment