Sunday, December 21, 2014

Abie Principe

Shoganai: Gaijin Life
Ang Pasko Ay Nasa Puso 


Nov - Dec 2014

Malaking pag kakaiba ng Pasko dito sa Japan at sa Pilipinas. Noong una akong dumating dito, hindi ko agad nalaman kung saan pwedeng magsimba. Mabuti na lang at mayroong kapwa Pilipino na nagturo sa akin kung saan pwedeng magsimba. Ok talaga ang networking!

Noong una kong naranasan ang Pasko dito, grabe, nakakalungkot! Malamang dahil sa estudyante ako, at karamihan ng kapwa estudyante ko ay nag-siuwian na noong palapit na ang Pasko. Kunsabagay, ako rin naman, madalas, umuuwi. Pero noong taong iyon, tinatapos ko thesis ko, deadline ng presentation sa January, kaya, talagang buong December, nagsusulat ako.

So it came to pass that for that year, I stayed in Japan for the holidays. Kaya, for the first time, naranasan ko mag Pasko sa bansang Hapon. Hindi ko makalimutan na napakalungkot ng pakiramdam ko noon. Lumalala pa kapag naririnig ko na meron na naman akong kaibigan na pauwi ng Pilipinas.
Tapos hanap pa ako ng hanap ng mga bagay na nagpapahiwatig sa akin na Pasko na. Tulad ng belen, parol, bibinka, at iba pa. Sa tuwing naalala ko na wala ang mga yan dito, lalo pa akong nalulungkot.

Siguro, kung hinayaan ko ang sarili, lalo lang akong nabaon sa homesickness. Pero, as luck would have it, mayroon akong nakausap na Amerikanong pari mula sa isang Simbahang Katoliko dito sa Nagoya. It was just a coincidence that I was checking out the posters at the church bulletin board, looking for an announcement about Masses for December 24, when he passed by and asked me what I was looking for. So I told him. Hindi ko alam kung napansin niya na homesick ako, or talagang magaling lang siyang magkipag-usap, pero he started talking about Christmas, and about how it is the birthday of Christ and that Christ celebrates his birthday with anyone, anywhere. Doon ko na-realize na ang Pasko ay nasa puso, hindi sa bibinka, o sa parol, o sa mga dekorasyon. Na kahit nasaan tayo, maari nating bigyan halaga, at maari nating maramdaman ang diwa ng Kapaskuhan, dahil nasa puso natin ang tunay na dahilan.

Maligayang Pasko sa ating lahat!

No comments:

Post a Comment