Sunday, December 21, 2014

Warren Sun

NEWS BITS: Bagong Uri ng Dengue Virus Nakita sa Japan


Nov - Dec 2014

Bagong Uri Ng Dengue Virus Nakita Sa Japan

Binalita lang kamakailan ng gobyerno ng Hapon noong September 29 na may nakitang lalaking nahawaan ng dengue virus na may kakaibang genetic sequence kumpara sa virus na nakita sa mga ibang tao na naulat noong August.

Ayon sa lalaking may dengue virus, nakagat siya ng lamok at nahawaan din ang mga tao sa Yoyogi Park. Naiulat din ng Ministry of Health na may kabuuan na 150 tao na nahawaan ng dengue sa Japan. Walang naiulat na kaso ng dengue virus sa Japan mula noong 1945.

Japanese Yen- Humihina At Nagiging Mapanganib Sa Ekonomiya Ng Japan

Bumaba ng 110 level ang Japanese Yen sa unang pagkakataon sa loob ng anim na taon nitong buwan ng Oktubre. Noong dumating ang krisis pinansiyal noong 2008, 50% ng produksyon ng  Honda Motors ay para pang export. Binalak ng presidente nila na ilipat ang produksyon nila sa ibang bansa noong panahon na lalakas pa ang yen.

Bagamat bumababa ang yen kamakailan, madaming industriya ang nakikinabang nito tulad ng mga industriya ng makinarya, citizen machinery sa Nagano ay tumututok sa kanilang produksyon sa Japan at 70% naman para pang export. Sa kabila naman, ang industriya ng parts makers ay nanganganib sa pagbaba ng kanilang benta dahil ng krisis pinansiyal at ang pagtaas ng presyo ng materyales.

Buwis Para Sa Pampublikong Telebisyon Sa Japan

Ang pagbayad ng buwis 
sa Japan ay kakaiba. Sa malalaking kumpanya, binabawas ito sa kanilang income tax. Sa iba naman, nadodoble ang pagbayad ng buwis sa kanilang residency tax. Pero ang pinaka kakaiba dito ay ang pagbayad ng buwis para sa pampublikong telebisyon. Madaming nangongolekta ng buwis door-to-door at ibang mga nasa administrasyon na naniningil ng buwis kahit wala kamang TV. Ang pampublikong telebisyon ay nasa panga-ngasiwa ng (Nippon Hoso Kyoukai) NHK. Nango-ngolekta sila nang mahigit kumulang 13,600yen at sa 24,090yen sa mga may satellite TVs. Walang batas na nagsasabi na mayroong parusa sa pag hindi pag bayad.

Sa panahon ng modernong teknolohiya, bumababa ang porsiyento ng manonood ng telebisyon at madami ngayon, lalo na ang mga kabataan, ang gumagamit ng Internet para makapanood ng balita at iba pang impormasyon. Ayon sa NHK, 73% lang ng mga sambahayan ay nagbabayad ng buwis na pampublikong telebisyon. May petisyon ding isinasagawa ang NHK na magiging sapilitan ang pagbayad kahit wala kang pagmamay-aring telebisyon pero ito ay nananatiling ideya parin hanggang ngayon.








No comments:

Post a Comment