Sunday, December 21, 2014

Warren Sun

KUSURI SA KUSINA: Strawberries for a Merry Berrh Season


Nov - Dec 2014

Strawberries o ichigo sa Japanese ang tawag nilang “Queen of fruits” dahil sa madaming sustansyang binibigay nito. Sa Pilipinas, kapag sinabi mong strawberries, lumalabas sa ating isipan na nanggagaling ang mga ito sa Baguio City, diba? Sa Japan naman, karamihan ng mga popular cake na mabenta ay strawberry shortcake. Pero anu-ano nga ba ang natatanging health benefits ng strawberries?

Help burn stored fat.  Ang pulang kulay nito ay may anthocyanins na tumutulong sa pag alis ng stored fat.

Boost short term memory. Ayon sa pananaliksik, ang anthocyanins ay tumutulong sa pagsigla ng short term memory kapag kakain ka nito sa loob ng dalawang buwan.

Regulate blood pressure. Dahil mataas and potassium content nito, nirerekomenda ito sa mga taong mataas ang blood pressure para matulungan ma-neutralize and epekto ng sodium sa katawan. 

Anti-aging properties. Ang mga strawberries ay masagana sa biotin na nagbibigay ng matibay na buhok at kuko. Meron din itong antioxidant content na tawag ay ellagic acid na pinoprotektahan ang elastic fibers para maiwasan ang pangungulubot ng ating balat.

Promote eye health. Kapag kakain ka ng mahigit na tatlong servings ng prutas na ito ay nagbibigay ng mababang sanhi sa pagkakaroon ng macular degeneration na isang kondisyon sa pagkakawala ng paningin.

Help ease depression. Ang Folate content nito ay tumutulong sa pag alis ng depression. Inaalis nito ang sobrang hymocysteine sa pagbubuo sa ating katawan para hindi na ito aakyat sa ating isipan.

Tiyak na mag-iiba ang paningin natin sa strawberries na talagang kasangga natin sa ating kalusugan at pangangatawan. Marahil kailangan din nating idagdag ang strawberries kahit sa anung paraan para sa isang masagana at malusog na Noche Buena. Merry Berry season to all of you!

No comments:

Post a Comment