Sunday, December 21, 2014

Anita Sasaki

KWENTO ni NANAY
As I Always Say...
EVERY GISING, A BLESSING !


Nov - Dec 2014

Maski gumising tayong malunkot o masaya... blessing pa rin, dahil buhay pa rin tayo.

Dahil ang ating mga emosyon ay parang roller coaster minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba, minsan naka baliktad tayo, minsan nasa tamang side din tayo.

Normal sa atin na pag nakamit natin ang ating mga mithiin sa buhay, ang tingnin natin sa buhay ay masaya, maliwanag. Ngunit kung ang positibo nating emosyon ay di nakamit o di nakamtan, ang tingin natin sa buhay ay biglang dumidilim at lumulungkot. Parang lahat nang magaganda sa buhay natin ay biglang natapon, naglaho bigla.

Isipin natin ang isang trahedya sa buhay natin na nangyari.  Ano ang naging emosyon natin? Ano ang ating naramdaman kinabukasan? Makalipas ang isang linggo? Isang buwan? Ngayon ulitin natin ito ngunit ang isipin natin ay isang magandang pangyayari. Gaano katagal ang kaligayahang naramdaman? 

Bakit mas matagal ang ating galit kaysa sa ating kasiyahan? Ito ay sa kadahilanan na habang tayo ay umaani sa buhay nang tagumpay, tayo ay lalong nagiging materiyalosa. Gusto natin na mas pa ang ating materyal na yaman, mas maraming salapi o pera.  Hindi na tayo na ko-kontento sa kung anong mayroon tayo. Pareho ito, maging mayaman man o mahirap.

Napagaralan na ang kayamanan ay hindi papantay sa kaligayahan. Ngunit mag ka pareho ang masaya at ang malusog.
Studies show wealth does not equate to happiness. However, being happy is similar to being healthy. 

Sa sobrang ''stress'', ang tao ay hindi nagiging malusog. Sa pamumuhay natin ngayon sa teknolohiyang matatawag nating advance. Tayo ay natatakot sa mga bagay na may kinalaman sa pinansyal. Pag ang tao ay may suliranin sa pera o pinansyal,  ito ang dahilan nang di tayo maka- kain at makatulog. Na kung minsan ay nakaka-apekto sa ating propesyon at personal na buhay. Pag tayo ay natatakot o ninenerbiyos, nawawalan tayo nang pasensiya sa ating mga nasa paligid.

Ang ating mga gustong gawin sa araw-araw ay may epekto sa ating pananaw sa buhay.  Ang pang araw-araw na gawain o pang uugali ay importante sa ating malusog na pamumuhay. Ang kalusugan at kaligayahan ay may epekto sa atin. Ang masarap o magandang pakiramdam ay nanggagaling sa mga simpleng bagay na gusto natin gawin na nagpapaligaya sa atin.

Ang pagiging kontento, na tayo ay kabahagi at may dahilan sa buhay ay nag bibigay nang kasiyahan.  Ang pananaw sa buhay sa kabuuan ay nagbibigay nang kasiyahan at masayang pakiramdam.  Kung na-aabot natin ang ating mga adhikain at pangarap, tayo ay masaya.

Kung tayo ay nakakatanggap ng mga positibong reaction sa ating mga ginagawa ay lalo nating pagbubutihin ang ating mga gawain. Nagkakaroon tayo ng self-confidence o tiwala sa ating mga ginagawa. 

Kung tayo ay nagta- trabahong mabuti, kailangan din nating maglaro o malibang. Dapat tayong makihalubilo sa komunidad,  sa ating mga kaibigan para sa ating kalusugan.

May mga taong laging nagsasabi nang "Walang problema." Sila ang mga taong masiyahin at ang laging nakikita ay ang basong puno o ang buhay na puno nang kasiyahan at hindi ang basong walang laman o ang buhay na malungkot. Walang buhay, walang kaligayahan. Nabubuhay sila sa kasalukuyan at hindi nalubog sa nakaraan.  Tanggap nila na ang nakaraan ay di na mababago at alam nila na ang kasalukuyan ang huhubog nang hinaharap.

Sa ganitong mga pananaw sa buhay, mas madali tayong maka-kilala nang bagong mga tao at mga bagong ideya at bagong eksperiensya. Ang kaligayahan ay tungkol sa pamumuhay sa ngayon, pagiging masayahin, at ang pagtanggap nang mga realidad sa buhay.  At dito tayo lalong magi-ging malusog at  maging handa sa pagharap sa mga laban sa buhay.

Para mabawasan ang stress sa trabaho dapat mas marami ang oras sa pamilya at mga kaibigan. Ang mahilig sa hayop or pet ay nakaka-relax sa tao.

Bakasyon lang ang katapat niyan. Ang pag-babakasyon ay isang remedyo sa stress. 

In short, mahalin ang trabaho. Take it easy!  Mag-enjoy sa buhay at maging masaya ka!


No comments:

Post a Comment