Sunday, December 21, 2014

Jasmin Vasquez

Ano Ne!
FUSEN (Balloon o Lobo)




Nov - Dec 2014

"Ako ay may lobo. Lumipad sa langit. Hindi ko na nakita. Pumutok na pala, sayang ang pera ko pinambili ng lobo. Sa pagkain sana nabusog pa ako."
  
Tandangtanda ko pa nung ako ay bata pa, yan yata ang unang kanta na aking na memorize. Iyan din ang unang kantang itinuro ko sa aking anak nung siya ay nagsimulang mahilig sa mga tugtog. Kung iisipin mo, noon, ang lobo ay isa lamang goma na lalagyan mo ng hangin at sa isang iglap, ito ay lulutang sa hangin. Isang lobo na nagbibigay ng lubos na kasiyahan sa maraming bata. Madalas ito ay tinatali ng mga magulang sa kamay ng mga bata upang hindi ito makalipad sa langit. Dahil sigurado kapag ito ay nakawala at lumipad na sa langit, matinding hagulgol at iyak ng bata ang susunod na mangyayari.

Karaniwang ito ay makikita sa mga party katulad ng birthday, welcome party at kung ano-ano pa. At dahil unti unti dahilan sa pagkakaroon ng mga makabagong technology sa iba't-ibang bagay, ang lobo o balloon ay nagkaroon  din ng mga bagong disenyo na lubos na nakakapag paligaya,  hindi lang sa mga bata kundi sa mga matatanda na rin. Maraming cartoon  character ang kanilang nagagawa na nauuso ngayon at nakikita natin sa mga television o sa movie. Maari mo ng i-customize kahit na anong gusto mo. Hindi katulad noon na basta bilog lang at may hangin lang ok lang.
  
Mayroon akong isang kaibigan na naisipan nya mag negosyo ng mga lobo. Humiling ako sa kanyang ibahagi ang kanyang kwento kung paano binago ng lobo ang kanyang panumuhay at hindi naman ako napahiya dahil nag paunlak naman sya at masaya nyang ibinahagi ang mga ito. Tatlong katanungan ang aking ibinigay sa kanya upang isalaysay nya kung paano nga ba sya nag simula

1) PAANO KA  NAGSIMULA SA PAGGAWA NG LOBO?

Una sa lahat, ako po ay si Jocelyn Kuroda, at ang asawa ko po ay si Makoto Kuroda.  Bata pa ako tuwing makakakita ako ng lobo sa simbahan, lagi ko pinapangarap na sana pag birthday ko puno ng ibat-ibang klase at kulay ng lobo, na hindi ko naman naranasan sa aking kabataan. Nang ako’y nagkatrabaho at nagkaroon ng sariling buhay at pamilya, tuwing may birthday, hindi nawawala sa handaan ang balloon decorations. Dumating sa yugto ng buhay ko ang isang napakahalagang bagay ang pagdodonate ko ng kidney sa aking asawa na nangangailangan nito. Namalagi ako sa ospital ng ilang panahon, naging libangan ko ang paggawa ng ibat ibang designs ng lobo, dun ko inuubos ang aking oras. Pinamimigay ko sa mga nurses, doctors at ibang staff ng ospital. At nakikita ko sa mga mukha nila ang tuwa at pagkamangha paano ko nagagawa ang mga iyon. Hanggang sa ako’y umuwi, lalo akong nagka interes sa pagdiskubre pa ng mas magagandang designs. Pinamimigay ko sa mga malalapit na kaibigan at kapitbahay ko dito sa Japan, hanggang isang araw naisip ko subukan ko kayang ibenta ang designs ko sa murang halaga, ipinost ko sa facebook, madaming kaibigan ang umorder hanggang sa ito ay kumalat at nabalita sa mga kaibigan ng mga kaibigan. Dumating sa point na may mga umo-order na ng malakihan at naisip ko na kinakailangan ko na ng isang tamang lugar o tindahan para dito. Sa tulong ng aking asawa, kami ay nakapagpatayo ng HannaHanna Fussen Art dito sa Iida, Naga- no. At sa tulong ng Diyos at ng mga kaibi- gan at kapwa natin Pinoy dito sa Japan, naging matagumpay naman at mas natututo pa ako ng ibat-iba pang designs at techniques sa paggawa ng lobo. Sa kasalukuyan, apat na buwan na ang HannaHanna Fussen Art mula ng itinayo ito noong June 8, 2014. At sa kasalukuyan, nadag- dagan pa ito ng ibat-ibang personalized items at party needs. 

2)Ano ang naging epekto nito sa buhay nyo at mga taong naging bahagi nito?

Malaki ang naging epekto nito sa aming buhay: una sa aking pamilya na lalo kaming naging intact ang family dahil sa tuwing may mga orders at party package, katuwang ko ang aking asawa at mga anak sa paggawa. Natuto na rin sila dahil di lang negosyo ang tingin namin dito kundi isa na rin katuwaan at libangan ng pamilya. At sa tuwing makikita namin ang saya sa mga taong tumatangkilik ng aming items, hindi masusukat ang kasiyahang balik sa amin nito. Malaki ang naibigay ng negosyong to para maging lalong close ang aking pamilya at mas magkaroon kami ng maraming oras sa isa’t- isa.

At sa aking mga kaibigan na naging bahagi sa pagsisimula ko ng negosyong ito, malaking kasiyahan at pagmamalaki nila dahil isang Pilipina ang nakapagsimula ng unang Fussen Art business dito sa Iida, at utang na loob ko sa kanila ang lahat dahil sila ang mga unang tumangkilik ng ibinigay na talento sa akin ng Diyos. Hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob kung hindi rin ako na motivate ng aking pamilya at malalapit na kaibigan. 

3) Ano ang maibibigay nyong payo sa iba para ma encourage na magkaroon din ng sariling business?

Para sa mga kababayan natin lalo dito sa Japan, wag niyo sayangin ang pagkakataon na makapag negosyo. Gamitin natin lahat ng opportunities na meron tayo lalo ang mga talento na ibinigay sa atin ng Diyos. Pananampalataya sa Diyos, lakas at tibay ng loob ang puhunan sa pagtatayo ng negosyo. Di natin maiiwasan ang mga bagay na magtutulak sa atin upang manghina o umurong, mga bagay na magtutulak sa atin pababa. Pero kung pananalig ang mangingibabaw sa atin, lahat ng bagay na ating pinaplano at ginugustong gawin ay pagtatagumpayin ng Poong Maykapal. Sa bawat paggawa natin sa araw araw, samahan natin ng panalangin, kasiyahan sa puso, at positibong isipan. Kung ang lahat ng ito ay ating gagawin, walang alinlangan na magtatagumpay tayo sa lahat ng adhikain natin sa buhay. 
Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga kaibigan, kakilala, at mga taong tumatangkilik at sumusuporta sa aming munting negosyo.

Kung kayo po ay nangangailangan ng All events Party Packages, bukas po ang Hanna-Hanna Fussen Art sa lahat. Balloon Decoration and designs, Food Catering, HannaHanna Mascot rental ang other party needs. Meron din po kaming personalized items na magandang panregalo tulad ng t-shirts, mugs, giveaways, tarpaulin, at iba’t-ibang balloon bouquets na tiyak na ikatutuwa ng inyong reregaluhan.
Bumisita lang po o tumawag sa FUSSEN ART HANNAHANNA
Address : Nagano Ken Iida-shi Matsuo Machi 4 chome 11-2 
(Iida Eki Mae)
Tel No: 0265-480-839

  
Katulad din ni Jocelyn, maari rin tayong mag-isip ng pwede nating paglibangan at the same time ay kikita tayo. Dahil sa mahal ng mga bilihin ngayon at gastusin, kailangan talaga natin gumawa ng paraan para makapag impok ng pera.

Muli sana po ay may napulot po tayong tips para sa araw-araw nating pamumuhay, hanggang sa muli po. Ako po si Jasmin, mabuhay po tayong lahat at God Bless po.

No comments:

Post a Comment