ADVICE NI TITA LOLITS
Take it or Leave it!
Nov - Dec 2014
Dear Tita Lits,
I earn in Japanese yen with my main job and in US dollars with a few part-time jobs. Thus, I have savings in both currencies. My question is: “Which currency should I spend when I go back to the Philippines?” The value of Japanese yen has been falling down. Should I use my US dollars instead? I don’t have any peso savings account in the Philippines so I have to buy pesos once I get home. Do you also suggest that I start a peso account in a Philippine bank so I can use the money there for my expenses while in the Philippines? Salamat po!
Marco, Gunma-ken
Dear Marco:
As of this writing, the Japanese Yen has started strengthening again. USD/JPY exchange rate was already at 110.00 and now, it is less than 108. I am not sure what will be the exchange rate when this reply to your question comes out in Jeepney Press.
I do not know where you keep your US dollar notes. In cash, or in a USD savings account in a Japanese bank? If in cash, just use the US dollars when you travel outside of Japan, so that they will not just be lying there somewhere in your house or wherever you have put them for safekeeping. If in a US dollar savings account in a bank in Japan, please remember that whenever you deposit US dollar cash to your savings account, the Japanese bank will always charge you a minimum of around JPY 2 yen for every US$1 you deposit. I think for withdrawing US$ cash from a US$ deposit A/C there will be no charges.
Anyway, it does not really matter so much whether you decide to use JPY or USD when you go back to the Philippines. Both are freely convertible to the Peso, and you can change either in banks or in many authorized money exchange centers there. Both will have good rates in the Philippines as there is always a demand for Yen and USD by Philippine importers.
You can of course open a Peso savings A/C when you go back to the Philippines. Best if you request for an “OFW” savings account, so that you will not be required to have a big maintaining balance. When you return to Japan, you can remit any time to that account, whenever the JPY/PHP rate is good. When you travel next to the Philippines, just withdraw from your savings A/C, for your various expenses.
Dear Tita Lits,
Asawa po ako ng isang matandang Hapon dito sa Yamagata-ken. Ilang taon na lang, malapit na siyang mag-retire. Pero napaka-genki pa rin niya. Paminsan-minsan, nagtatalik pa rin po kaming mag-asawa. Hindi po kami pinag-pala na magkaroon ng anak. Nabuntis na po ako ng dalawang beses pero parehong nauwi sa kunan. Gusto ko pa rin magka-anak ngunit ayaw na ng mister ko. Ngayon, eto po ang problema ko, umuwi po ako minsan sa Pinas at nagkita kami ng dati kong boyfriend. Naging sabik kami sa isa’t-isa hanggang mayroon nangyari. Tatlong buwan na po akong buntis. Hindi po alam ng mister ko. Kapag sinabi ko na buntis ako, siguradong alam kong alam niya na hindi sa kanya ang bata. Hindi ko po alam ang mabuting gagawin ko. Bigyan ninyo po ako ng payo.
Perla, Yamagata-ken
Hay naku, Perla. Ito na yata ang pinakamahirap na tanong na natanggap ko, buhat ng kung ilang taon na akong nagbibigay ng advise dito sa column ko.
Ngayon lang yata ako magbibigay ng advise na magsinungaling ang isang tao. Kaya lang, kasinungalingan na parang kailangang gawin, na ang end result is peace for all. Kung pagbalik mo noon sa Pilipinas ay nagtalik kayo ng iyong asawang Hapon, baka hindi niya mahalata na hindi kanya ang iyong ipinagbubuntis ngayon. Kung ito ang situwasyon, ang aking advise ay tumahimik ka na lang. Para din sa kapakanan mo, ng iyong isisilang na anak, at ng iyong asawa. At pwede ba, huwag mo ring sabihin kahit kanino ito kahit doon sa iyong dating boyfriend sa Pilipinas, para wala na lang maging komplikasyon pa kapag ipinanganak mo na ang bata.
Ngunit kung siguradong wala kang lusot, wala kang choice kundi maging truthful at humingi na lang ng patawad sa iyong asawa. Kung papatawarin ka niya, well and good, at salamat sa Diyos. Kung hindi, at ikaw ay hihiwalayan, or worse, ay i-divorce, iyan ang iyong parusa dahil sa iyong pagiging taksil. Ewan ko kung permanent resident ka na dito sa Japan. Kapag hindi pa, patay ka, dahil mawawalan ka ng bisa kapag diniborsiyo ka ng asawa mo. At baka ni kusing wala ka ring makuha, dahil nga ang rason sa pagdi-divorce niya sa iyo, ay ang kataksilan mo.
Patawarin ka nawa ng Diyos at patawarin na rin ako sa aking pag a-advise na magsinungaling.
Dear Tita Lits,
Isa po akong mama san dito sa Nagoya. Problema ko ay yung mga ibang Pinay na mama san sa ibang omise ay nag nanakaw ng mga okyakusan ko. Ang omise ko po ay nasa 2nd floor. Sila naman ay nasa first floor. Bago umakyat ang mga okyakusan ko, ina-abangan nila sa hagdanan. Alam naman nila na mga okyakusan ko ang mga iyon pero sinusulot nila ako. Okey lang po kaya na lusubin ko sila sa mga omise nila?
Myrla, Nagoya
Dear Myrla:
Napatawa ako noong mabasa ko sulat mo. Kasi, parang same experience tayo. Iyong kumpanya namin, may remittance office sa Roppongi. Tapos, may nagbukas na isang remittance company din, sa same floor namin. Sinabihan ko iyong head ng remittance company na huwag namang manghila ng kliyente. Basta’t bigyan ng karapatang mag decide kung saan gustong mag-remit ng kliyente.
Anyway, talagang patayan na yata ngayon sa business sa Japan, hindi lang pala sa remittance kundi sa mga omise din.
Kung tumayo ka kaya diyan sa ground floor para bumati sa mga kliyenteng pumapasok sa building ninyo. Ke kliyente mo o hindi, batiin, at sabihan in a polite and respectful manner, na welcome sila sa iyong omise on the second floor. Kung busy ka, mag utos ka sa isa mong magandang staff, na siya ang bumaba sa ground floor para gawin ito. Araw-araw ninyong gawin ito. Siyempre, may cost ka sa paglalagay ng isang tao sa baba ng building ninyo, pero palagay ko sulit. Tinggan ko lang kung makakaagaw pa sila!
Dear Tita Lits,
Totoo po bang hindi na kailangan mag apply ng tourist visa papuntang Japan? Kahit passport lang ang dala mo, pwede nang makapasok sa Japan?
Jenny, Sendai
Dear Jenny,
Hindi totoo!
Pero baka sakaling malapit-lapit ng bigyan tayong mga Pilipino ng visa free entry sa Japan. As of this writing, hindi pa. Ang huli kong nabasang update, by end of this year, ang mga Indonesians na mayroong certain type of passport (iyong may digital information embedded sa passport nila), ay pwede ng pumasok sa Japan ng walang visa. For your information, hindi na pwedeng derechong mag-apply ng visa sa Japanese Embassy sa Pilipinas. Dapat gumamit ng isang travel agent na authorized ng Japanese Embassy. May sisingiling fee na mga PHP 1,500 ang authorized travel agent. Ang authorized travel agent ang tutulong para sabihin sa iyo ang mga dapat mong kumpletuhing dokumento. Sila din ang magpa-file ng visa application mo. Iyong isa kong kaibigan, 4 days lang, lumabas na tourist visa niya sa Japan.
At least dumali-dali na ang pag a-apply.
Kapag na-aprubahan ang visa, at kahit single entry lang ang ibigay, ang dali lang daw ma-aprubahan na naman ang susunod na pag a-apply.
No comments:
Post a Comment