Samahang Filipino Para Sa Pagbabago
At Pagkaka-isa/SFPPAP
(present name since June 2009)
United Filipino Community/UFC (former name)
Iida-Shi, Nagano-ken, Japan
Noong ika-18 ng Setyembre taon 1994 ng simulang itatag ang samahan UFC sa tulong ni Father Joseph Hermans OFM, Sister Jane Pineda RGS and Sister Celeste Yuson RGS. Layunin ng samahang ito na palaganapin ang pagkakaibigan at pagkakaisa, hindi lamang sa mga kapwa natin Pilipino kundi pati na rin sa iba't-ibang lahi na naninirahan dito sa bansang Hapon. Gayun din sinimulan ang pagbibigay ng abot kayang halagang mailalagay sa pondo upang may maitulong sa mga tao kung sakaling may mangangailangan.
Nagkakaroon ng iba't-ibang activities tulad ng taunang bazaar, bingo, etc., upang mas maging aktibo ang bawat isa at magkaroon pa ng mas masayang communication. Kung inyong mapapansin ang aming founder ay mula sa simbahan kaya naman lahat ng aming gawain ay kasama lagi ang aming parokyang Iida Catholic Church. Mayroong kaming taunang pagbisita sa iba't-ibang simbahan sa malalayong lugar.
Sa ngayon, abala po kami sa paglikom ng mga donasyon tulad ng damit at pera para po ibigay sa mga biktima ng Bagyong Sendong. Patuloy po namin itong gagawin upang kami po ay makatulong.
No comments:
Post a Comment