SHOGANAI: GAIJIN LIFE by Abie Principe
Let’s Put the “New” in “New Year”
Nung nakaraang ka-Paskuhan, mara-ming natanggap na messages sa Facebook, ang tema ay: Let’s put “Christ” back in “Christmas.” Napakaganda ng mensaheng ito. Nung nakaraang Pasko ba, ilan lang sa atin ang talagang naka-pag “Happy Birthday” kay Jesus? Pero napa-karami sa atin ang nag-shopping, namigay (at tumanggap) ng regalo. Sana hindi natin nakalimutan na mag-regalo din kay Jesus, birthday pa naman niya!
Maari rin natin ihalintulad ang mensaheng ito ngayong year 2012. Ilagay natin ang “Bago” sa “Bagong Taon.” Ibig sabihin ay maging seryoso sana tayo sa pagkakaroon ng “bagong” buhay nga-yong taon na ito. Hindi yung new year’s resolution na tatagal lamang ng isang linggo (ang iba nga isang araw lang!). When we speak of the New Year, let’s really make it “new!” Ang mga bagahe natin (emotional, physical, financial) bagama’t mabigat, dapat pagsikapin nating gumaan ngayong taon na ito. Kadalasan naman, tayo rin ang nagpapabigat nito. Kaya’t tignan natin ang nakaraang taon, at isipin ang mga bagay na dapat baguhin. Mara-ming nag-iisip na “hanggang dito na lang ako” o “wala naman akong ibang kayang gawin.” Kung ganito ang inyong pag-iisip, hindi ninyo nilalagyan ng “Bago” ang “Bagong Taon.” Kahit umpisahan natin sa maliit na bagay, i.e. ang kumain ng mas maraming gulay ngayon taong ito: ang itigil paunti-unti ang paninigarilyo; ang hindi agad magalit sa mga kasambahay dahil sa mga hindi pagkakaintindihan. Ang mga ito ay maliliit na pagbabago, ngunit sa pagtagal, malaki ang kabutihang maidudulot.
Ang mga holidays, sa totoo lang, ay nandyan hindi lamang para mag-celebrate tayo, kundi upang mabigyan tayo ng oras para tignan ang ating buhay, at pag-isipan kung paano tayo mas-mapapabuti. Ang Pasko ay para maalala natin ang ating paniniwala sa Diyos, ang Bagong Taon ay para sa ating paniniwala sa ating sarili. That in the end, ano pa man ang iniisip nating mga balakid sa pag-unlad ng ating sarili, lahat ito, dala din ng hindi natin pagkilala na kailangang may baguhin tayo.
Kaya, ngayong buong 2012, huwag nating kalimutang to put the “New” in “New Year!”
No comments:
Post a Comment