The Red School : The Coolest Filipino Driving School in Japan, and More
by Stephanie Jones Jallorina
This year, as in the past, Jeepney Press aims at bringing you closer to reality, to the truly inspirational Filipinos here in Japan, that no matter how sad it always must have been not being able to go home for Christmas and New Year, it is not that bad - at all, because we have Filipino spirit here - the kindred spirit; the spirit of community and of belongingness and, the Christmas spirit that is innate - with every Filipino, including drivers.
The Kindred Spirit
It is a known fact that Filipinos are one if not the craziest (in a good way) and happiest people on Earth. Ang salin-wika po nito ay, "Ang Pinoy lang ang tanging nakangiti pa rin kahit lubog na sa mga problema." Mahilig ang Pinoy mag-saya kahit na may dinadala. Ang mga babae, pupunta lang sa mga mall at kahit mag-window shopping lang, masaya na. Ang mga lalaki naman, idadaan na lang sa inom, "solb" na!
The Spirit of Community and Belongingness
By definition, “community” is a social, religious, occupational or other group sharing common characteristics or interests perceived as distinct in some respect from the larger society. With Pinoy’s history and in effect, its diversity, mahilig ang Pinoy sa ka-community. Dito sa Japan, siguro may hundreds or more Filipino communities. Hindi nasusukat sa dami ng communities na sinasalihan ang ikakaunlad ng isang tao; kahit isang community lang basta yumayaman ang sarili sa kaibigan, sa karunungan at may maasahan sa oras ng pangangailangan, may karamay sa oras ng kagipitan, at may kasama ka sa bawat kasiyahan at tagumpay.
I have been into so many communities and I have known so many great groups of Pinoy but I have yet to discover those who we seem as just some “ordinary people” but actually can, and eventually will impact our lives in such an extraordinary way. I am proud to feature a truly centerfold-worthy, not one, not two, but a group of Pinoy men and women that would surely inspire all of us here in Japan. Tadaa!!! Meet and Greet… the Red School, a.k.a The Champions of Dabawenyos Organized Society (DOS) first ever Christmas Choral competition, bagaman at hindi pa man din mga Bisaya!!!
The Red School is a school of Pinoy drivers, and their wives, and family. They were originally coined as “Group Name Pending” in Facebook to “Red School” or in short “The Reds” when they joined this Christmas Choral contest with theme, “Ang Diwa ng Pasko sa Pinas”. Sa unang tingin nga, akala mo sila yung one of the “ordinaryong” Pinoy lang. Yung bahay-trabaho-bahay, inom-tambay-inom. Walang community na pagkakaabalahan, grupo ng pinagsamang masayahin lang, at wala ng ibang “commitment,” pero may kasabihan nga na, “Don’t judge the book by its cover.” 2012 na so dapat talaga matuto na tayong, ‘wag manghusga, bad yun! Ang Red School ay nabuo ng malikhaing isip ng akala mo mga, “drayber” lang, na akala mo pa-easy-easy lang sa buhay pero may angking talento, kakayahan, nag-iisip, naghahanda, nagpupuyat, at determinadong manalo – seryoso din pala!
The Christmas Spirit
Sinasabi ngang natural sa Pinoy ang pusong Pasko dahil kahit saang lupalop man ng mundo, basta may Pinoy, may Pasko. Bonded with this common spirit, and for a noble cause which is to spread Christmas love to the rest of Filipino brethren, kaya may mga mag-asawang Vinoe Kulafo at Glenda Argamaso, Jonas at Cheryl Peralta, Rico Gonzales, at JP Punzalan at Marie Cordova, mga mag-isang nagtatrabaho dito na sina Noreen Argamaso, Emma Espinosa at Thia Mangahas, at may mga mag-anak na sina Lila, Alden at Avel Estolas; at Melvin, Bria at MJ Sarvida na sumali at umabot sa contest. Merong mga nag-practice hanggang sa kahuli-hulihan pero sa kasamaang-palad, dahil sa tawag ng trabaho at propesyunalismong angkin ng Pinoy ay di nakasama at kinailangang pumasok sa araw ng contest: Andrin Macasaet, Elmer at Ferdinand “Junior” Atienzar, Sally (ni Rico) Gonzales at Tina (ni Alden Estolas).
Kahit pa sabihing lima lang ang naging kalahok, nag-back out pa yung dalawa, alam kong mananalo ang Red School! It took over a month for The Red School to get their talents and skills together, and to put up a good fight. Di nila ini-smol yung competition, yung posibleng kalaban nila, yung magiging concept ng kalaban nila, yung magiging biases ng posibleng judges nila, hence, I knew in my heart then, that they will bring home the “hamon de bola,” (smile). Mula sa piyesa na orihinal na inareglo para mabigyan ang mga kababayan ng kakaibang timpla ng pasko, hanggang sa detalye ng damit na susuotin, ng mga props na gagamitin, lahat metikulusong pinag-isipan. Bukod sa signature na converse shoes na kahit gipit at Pasko pa naman ay isiningit sa budget. Yung bow and tie, socks with lace, ribbons, lalagyan ng cellphone na may application ng flashlight (na animo’y yung sa pelikulang Step 3 lang ang peg), suspender, instruments, mga parol, lahat ay labor of love at di basta lang ready made na binili. Dahil ang Pasko ay panahon ng nag-aalab na pagmamahalan kaya naman, mas pinasagana ng Red School sa pula ang paligid. Magulo, masaya at may angking talino ang totoong Pinoy, nakatapos man o hindi – may sariling diskarte sa buhay kaya naman ibinabalik ang concept ng eskwela ala Iskul Bukol. Catching at hindi nakalagpas ang concept na ito kanino man nung mismong event ng DOS na panay ang picture dito, picture doon ng mga taong naparoon at nanuod. Kahit si Ambassador Manuel M. Lopez na siyang panauhing pandangal ng araw na iyon, sa kauna-unahang pagkakataon ay nabighani sa mga nagagandahang “kolehiyala.” Naging favorite at darling of the crowd ang Red School na sa pag-akyat naman ng mga lalaki ng stage, hiyawan naman ang mga babaeng manu-nuod ng “Ako Budoy!”
Pero siyempre, di nga lahat ng matatamis na tagumpay ay parang taya sa lotto na .01 ang chance ng panalo. Ang Red School ay dumaan sa masusing paghahanda. Ang isa sa kagandahang asal na pinamalas ng Red School ay kahit na sabihing may angking galing sila sa kantahan at musika, naging open knowledge at wisdom yung hindi pagiging confident at over-confident na attitude towards any contest in life. Kumbaga sa pag-aasawa daw ika nga ni Junior, aka “Brader” ng grupo, di sapat yung salitang “mahal” mo lang ang isang tao, lagi-lagi, bukod sa “tiwala,” may kalakip yun na pagsusumikap at mga sakripisyo para mapanatili at mapag-ibayo ang relasyon. Kahit pagod sa buong araw na trabaho, at kahit umuulan at sobrang lamig, pinag-puyatan ang mga ginawang pag-eensayo ng Red School; nagkakasya sa isang bahay at sa handaang nasa hapag. Dahil walang magbabantay, kasa-kasama lagi ng Red School at ng mag-asawang Bria at Melvin ang bunsong anak na si MJ, na nagsilbing “lucky charm” ng grupo. Mataas magsalita ng Ingles at Nihongo ang bata kaya naman sa edad na tatlo at bagaman matalas ang pick-up, slang pa rin ang pagkanta ng “kumuthekuthetap, bumubhusehbuhsehlak…
chandhy…”
Halos buong weekend ng halos isang buwan, nag-ensayo di lamang sa bahay kung saan contained yung boses, kungdi maging sa park. Habang palapit na palapit ang araw ng kompetisyon, at maging sa kalaliman ng gabi ng ensayo, nagawa ding pumunta ng studio ng grupo para lang malinis pa ang kanilang presentation. At siyempre, sa bawat pagkakataong makakapag-ipun-ipon, bukod sa alak na animo’y “friendship bond” ata ng grupo, at siyang dahilan kung bakit unsolicitedly nalaman ko na di lang pala puro kalokohan ang pinag-uusapan ng mga mahilig uminom na drayber na kilala natin. Kumpisal tuloy nila Jonas at Vinoe, sa umpisa lang yung mga malokong usapan at yung walang kamatayang “wala ka sa tatay” ko na payabangan, pag mag-umaga na, doon mo maririnig ang totoong kwento ng buhay, ang normal na tinatakbo ng bawat Pilipinong namumuhay rito sa Japan, mula sa kung gaano at paano ang mga babayarin sa bahay, ipapadala sa Pinas hanggang sa kung gaano sila ka-proud sa kani-kanilang mga anak sa Pinas. One more amazing truth about Red School is that while the husbands enjoin their wives or vice versa in these “sessions,” what seems to be as only a “friendship bond” from the surface, then means so much more, a “marriage bond.” If I can fully play by play recap the whole picture of the victory session, I see wives making kurot and making batok their husbands pag kunwari ibubuking ng mga kabarkada sa kalokohan, tapos ang ending, sabay-sabay malulungkot pag naalala ang mga anak o asawang naiwan. I guess if this is one thing that could keep a marriage work, I would advocate na sana mag-VO (read: alak po ito) na lang lahat ng mag-asawa. Dahil sa VO, may mga mag-asawa who became the best of friends. With that being said, you really cannot and should not judge people by the color of their skin, the way they talk, they walk, or by what and how they drink or because drivers drink when they don’t drive.
Gaya ng ibang organisasyon, ang Red School ay dumaan din sa di-pagkakaunawaan, di-pagkakaintindihan at minsan sa mga biruan may mga nasasaktan at may nagkakatampuhan. Minsan may mga salitang binitawan na mami-misinterpret ka, at dahil nabitawan mo na ang salitang yun, tatak at tatak sa puso’t isipan yun. Kung masakit, talagang masasaktan ka. Pero normal yun sa kahit anong relasyon. Ang di-normal doon ay kung sa bawat pagkakatampuhan ay di natututong lumimot at mag-move on ang mga taong involve. But because this group gave so much importance on how they started and where they came from – all from a place where their worth has been taken for granted and their skills have been underestimated – they surfed up on every trial; they can forgive and forget every miscommunication. And, I too, strongly believe that when they never, (really) not even once, hurt each other while they are under the influence of alcohol, I know they can go easy with each other when they are sober. I also believe that they will continue to stick together, strengthen and encourage each other, and, create better music and perform vibrant shows to the great amazement and hearty glee of Pinoy crowd, and fan like me, mawala man ang Converse shoes, pramis!
No comments:
Post a Comment