Thursday, January 12, 2012

SAVINGS by Isabelita Manalastas-Watanabe



EARNINGS – EXPENSES = SAVINGS
by Isabelita Manalastas -Watanabe

Marami sa atin ang nagko-complain, na hindi maka-save, dahil sa ang dami at ang laki ng ating mga gastusin.

Di-ba, kapag gumagawa tayo ng family budget, unang gagawin ay ililista natin ang mga anticipated na gastos sa isang buwan? Pagkatapos, titingnan naman natin kung magkano naman ang papasok na pera. Kung mas malaki ang anticipated na gastos kaysa anticipated na income, e-di “shoga nai” – wala munang savings sa buwan na iyon. Kasi nga, Earnings minus Expenses = Savings, di-ba?

Buwan-buwan, ganito ng ganito. Kamot ulo na lang tayo – shoga nai, sasabihin natin, walang magagawa, kasi laki talaga ng gastos at mas maliit ang kita.

E kung baguhin natin ang formula?

Gawin nating:

Earnings – Savings = Expenses

Ang ating gagawin, ay mag-aim ng kahit maliit lamang na halaga na gusto nating i-save, basta’t siguraduhin lang na hindi tayo papalya.

Kunwari, kahit kalahating lapad (JPY 5,000) lamang sa isang buwan. Mas mabuti na iyong maliit lang ang ambisyunin natin, basta’t 100% nating gagawin ang pagtatabi ng pera, kaysa mag-ambisyon ng mas malaki, at magawa ito ng ilang buwan lamang, tapos papalya na. At kapag pumalya ng minsan, mas malaki ang posibilidad na magpapalya na naman.

Saan natin kukunin ang JPY 5,000 sa isang buwan? Heto ang posibleng magawa natin:

1. Mag-skip ng pagkain sa labas. Kahit JPY 1,000 lang per eating out, kung dalawang beses sa isang buwan ay sa bahay na lang kakain, o kaya’y mag-prepare ng obento para hindi kakain sa labas.
Savings: JPY 1,000 x 2 times = JPY 2,000
2. Huwag mag-coffee and/or dessert kahit 2 beses lang sa isang buwan.
Savings: JPY 200 x 2 = JPY 400
3. Mamalengke ng 15 minutes bago magsara ang department store kung saan ka namimili ng isda, gulay, prutas, etc. Karamihan, may mala-king discount na ibinibigay, dahil nga ayaw na nilang itago pa ang mga ito, para ibenta ulit sa next day. Potential savings: JPY 500. Gawin itong pamamalengke ng almost closing time, ng isang beses sa isang lingo.
Savings: JPY 500 x 4 = JPY 2,000.
4. Kung 2 bottled/ canned juice normally ang binibili mo sa vendo sa isang linggo, gawing isang beses na lamang.
JPY 150 x 4 times = JPY 600

Total savings: JPY 2,000 + JPY 400 + JPY 2,000 + JPY 600 = JPY 5,000.

Parang ang liit-liit lang ng JPY 5,000 na savings sa isang buwan, pero kung consistent tayong maka-save ng kahit ganito lang, ay mayroon na tayong JPY 60,000 sa end of 2012, di-ba?

JPY 60,000… Mga PHP 33,000 pa rin ito @JPY/PHP = 0.55.

Parang namulot ka lang, kasi effortless naman ang ginawa mong paggawa ng target monthly savings mo.

So, sa December 2012, bahala ka kung ano ang paggagamitan mo nitong pera – i-remit sa iyong savings account sa Pilipinas? Mag-travel sa Korea, ng 4 days 3 nights? (pwede, kasi mga ganito lang gastos kasama na ang eroplano, hotel, at ilang meals). O kaya’y magpunta sa Kyoto, o kaya’y sa Hiroshima? Kahit mag-bullet train ka, at mag-hotel, kasya na itong savings mo! O i-pamper mo ang sarili mo, at pumunta sa esthe salon?

Kahit ano pa ang plano mo sa naipon mo at the end of 2012, mayroon ka ng spare cash bago mag-bagong taon ulit, at bago mag-umpisa ka na namang mag-ipon, buwan-buwan.

No comments:

Post a Comment