Thursday, January 12, 2012

PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI by Fr. Bob Zarate


PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI by Fr. Bob Zarate

CONFESSIONS of a Priest... Mga Angal ng Isang Pari Part 2

Happy New Year sa lahat! I am sure marami tayong mga projections and plans for the year. Marami rin tayong mga prayers and wishes for sure. Ako rin. Deep within, bilang isang pari, mayroon din akong mga “sana” wishes sa puso ko... na lagi ko na lang ginagawa every year kasi walang nangyayari! Kaya, eto pa rin po ang mga angal ng isang pari after 10 years in Japan. Let them not ruin your 2012. Rather, sana ay makapag-gabay ito sa inyo as we all start another year of blessing from God.

Pag Nagalit ang Pari

Bakit nga naman ba kapag nagagalit si Father, o kahit pag naging istrikto si Father, ay bigla na lang aangal, “Pari ba yan!” O kaya, “Pari pa naman, tapos ang sakit niyang magsalita!” Naku naman... tama na ang drama! Hindi naging pari ang isang lalaki para magpa-cute. Nagiging pari siya para ipagtanggol ang katotohanan. And sometimes, the truth can really hurt.

Madalas nating i-compare ang pari kay Hesus na nakasulat sa Bibliya (yung pagkabait-bait na may awa sa lahat ng mga maysakit, mga makasalanan, mga humihingi ng tulong sa Kanya). Pero dapat tandaan din nating nagalit si Hesus. Want to check it? See your Bible... sa Matthew 21, 12-13. Doon nagalit si Hesus dahil dinadaya ng mga nagtitinda ang mga timbang nila. Grabe ngang magalit si Hesus... pati ba naman mga gamit ng mga nagtitinda, tinumba pa Niya! Ayan, napako lang kasi tayo sa mga paintings at statues ni Jesus na maamo at mabait. Pero kapag katotohanan ang pag-uusapan, fired up si Hesus!

Ganyan din ang pari. Kapag may sinabi si Father na medyo “Aray!” at tagos sa puso, huwag kaagad mag-react. Isipin muna natin kung totoo ang sinasabi niya. Especially kung pigil pa ang tono ng boses ni Father at ramdam mong ayaw niyang sumigaw, ibig sabihin noon ay pinag-isipan niyang mabuti ang sasabihin niya -- yun bang kailangang tatarok talaga sa puso. He has to say these things for your own good. Trabaho niya yon. Walang personalan sa loob ng puso niya para saktan ka.

Sinabihan ka na ba ni Father pag late ka sa Misa? Nagsalita na ba siya laban sa damit mong super casual pag nagsisimba? May mga comments ba siya pag sintunado kayong kumanta, magaslaw ang iyong kilos, o parang palengkera kung magsalita? Kung hindi ka pa sinasabihan ni Father, mag-ingat ka na. Baka nagpapa-cute lang siya!

Iwasan ang mga paring nagpapa-cute!

Mga Bangag na Kristiyano

Yes, I know I have to be sensitive and caring to people who need help, lalo na iyong mga lumalapit sa mga pari kasi super depressed sila o talagang lubog na lubog sa problema. Honestly, nakakapagod makinig sa kanila. Meron silang tendency to shift everyone’s attention to themselves -- na para bang sila lang ang may problema sa mundo! Pero, sa totoo lang, mas madali silang i-direct kumpara sa mga wala nang ginugol kundi mga bagay na espiritwal.

Don’t get me wrong. Totoong malaki sa trabaho ng isang pari ang spiritual matters katulad ng Grace of God, Blessings, Presence of God, at marami pang iba, pero hindi kami nakapako sa mga bagay na espiritwal lamang. Ang tao ay katawan at kaluluwa. Kung katawan lang siya, siya ay isang bangkay. Kung kaluluwa lang siya, siya ay multo. Pero ang taong buhay pa dito sa lupa na walang inatupag kundi espiritwal na bagay... bangag na Kristiyano!

Our Christian Faith is not our escape from our problems. Ang ating Pananampalataya bilang Kristiyano ang siyang dapat mag-gabay sa atin upang humarap sa realidad ng buhay dito sa mundo.

Halimbawa, may mga nanay na nagdadasal sa simbahan at pinapabayaan ang mga anak nilang magtakbuhan sa loob, mag-games, o kumain. Oo, mahal ni Hesus ang mga bata, pero gusto din ni Hesus na i-train natin ang mga bata na galangin ang simbahan at magdasal sa loob nito. Minsan nga sinagot ako ng isang nanay, “Eh Father, ang dami-dami ko nang problema! Dito na lang nga ako nakakapagdasal kasi kailangan kong alagaan ang anak ko lagi!” I had to tell her, “May problema ka o wala, hindi ka magkakaroon ng break from your being nanay sa anak mo. Habang bata pa ang anak mo, lahat ng lugar at oras ay chance to train him para paglaki niya, alam niya kung ano ang gagawin... kahit sa loob ng simbahan.”

Nakakagulat lang talagang isipin na kayang iwanan ng isang tao ang kanyang dapat gawin sa buhay (like pag-aalaga ng bata o pagluluto ng pagkain sa bahay) at pupunta sa simbahan, tapos sasabihing, “Ginagawa ko naman para sa Diyos ‘to eh!”

Naku, Neneng, huwag mong gawing takasan ang simbahan. Rather, pumunta ka sa simbahan, magdasal nang taimtim, makinig sa Salita ng Diyos, tumanggap ng Komunyon, at umuwi dala ang Kanyang biyaya upang lalo mong kayang harapin ang realidad ng buhay.

Samahang Simbahan, Nagiging Barkadahan

Philippine community... here, there and everywhere! May mga grupong Pilipino na hango sa probinsya o sa wika. May mga grupong Pilipino na hango sa trabaho. May mga grupong Pilipino na hango rin sa relihiyon. Ang dami-daming Philippine communities around Japan na kapag tinanong ka ng Hapon kung mga ilan ang communities dito, sagutin mo na lang ng tanong: “High tide or low tide?”

Of course, pati sa mga Catholic churches dito sa Japan, tiyak may Philippine community din -- mga matagal nang naitayo, o yung bago pa lamang... at iyong naghihingalo dahil sa mga away-away nila!

Bakit ba ang tawag nila dito ay Philippine community? Hindi naman sila ang buong Pilipinas. Hindi rin naman sila ang kalahatan ng mga daan-daang Pilipino na nagsisimba pag may English o Tagalog Mass. Hindi rin naman sila ang mga representative ng mga Pilipino kasi hindi naman nila personally kilala ang mga ito. Tapos, organize pa sila nang organize ng mga activities at fund-raising na pagdudulutan pa ng away, tampuhan, back-biting at hindi na pagpunta sa simbahan. Sayang.

Tinawag tayong lahat ng Diyos upang maging anak Niya. Tayo ay nabinyagan upang maging Katoliko. Tayo ay tinipon ng Diyos upang maging Bayan Niya. Yes, upang maging Community NIYA... hindi barkada nyo! Kapag hindi “based on faith” at hindi “Christ-centered” ang inyong pagiging Philippine community, someday, magwawatak-watak din kayo. I really get turned off kapag may mga nalalaman ako o nakikita sa facebook, o mismong nakikita ng aking mga mata ng mga Philippine communities na based sa simbahan, at kung mag-party ay lasingan galore! Tapos kung anu-ano pang kabastusan na ang nangyayari. Ang nagiging impression tuloy ay: nagkakilala sa simbahan, naging barkada, naging party people!... Ayun, naiwan si Hesus sa simbahan!

Kapag nagsama-sama ang mga Pilipino sa simbahan, panatilihin sana ito sa simbahan. Huwag nang dalhin ang samahan sa mga clubs diyan o pub doon. Huwag nating bahiran ang samahan sa simbahan ng mga bagay na dala ng kamunduhan. Samahang simbahan ito, hindi ito samahang lasingan with for-adults-only parlor games.

Let our church communities be based on the Gospel. Let our communities be faith-communities. Kung magpaplano ng any activity, always think kung paano ito makakapagpalalim ng ating pananampa-lataya, kung paano ito makapagbibigay sa atin ng chance para i-apply ang Gospel sa ating buhay. Pray more. Learn more about our Faith. Share more with each other your Faith Journey. Kung ganito lang sana ang ating mga Philippine communities sa simbahan, tiyak hindi to maghihingalo.

No comments:

Post a Comment