Thursday, January 12, 2012

DAISUKI by Dennis Sun



DAISUKI by Dennis Sun

BRING YOUR OWN SUNSHINE!

Wherever you go, no matter what the weather, always bring your own sunshine!
- Anthony J. D’Angelo

Remember the time with the waiting for the coming of the year 2000 millennium? People in the computer and financial industry were so worried about the breakdown of the computer system all over the world. People had to stay in the office on new year’s eve to see what will happen exactly with the entrance of 2000. Baka masira raw ang data nila sa computer. Kasi hindi yata naka program ang computer data system beyond the millennium. Pero anong nangyari? Wala. Tuloy pa rin ang ikot ng mundo.

This new year, whatever your situation, whatever you do, wherever you are, always look for the goodness in someone or something no matter how small it is. Try to find joy in your life even in the hardest of times. Joy is the ultimate gift of life. Natatandaan pa ba ninyo kapag bumabagyo sa Pinas noong bata pa tayo? Diba ang saya natin? Kasi we didn’t have to go to school. Sa bahay lang tayo. Walang exams! We just watch TV or Betamax or VHS. Wala pang DVD noon. At kung naputulan man ng kuryente dahil sa lakas ng hangin, masaya pa rin tayo dahil tuloy pa rin ang laro nating magkakapatid. Scrabble, monopoly at iba’t ibang card games.

Kaya minsan, it’s good to be like children when facing problems. Ang bata, iiyak because he feels the pain. Pero bigyan mo lang ng kendi o laruan yan, tatawa na bigla. Sana tayong mga matatanda, ganoon din. Tingnan ang mga bata sa daan sa Pinas, naglalaro sa labas tuwing bagyo. They enjoy the rain. Umulan man o umaraw, ang mga bata, masayang naglalaro.

Marahil, marami sa atin dito sa Japan ang umuwi sa mga kani-kanilang probinsiya nung nakaraang Christmas. Ang isang taon na pinaghirapan ni Mario, biglang mawawala na parang bula sa kanyang mga gastos sa kanyang pamilya. Wika ni Mario, “Diyan ako masaya… Makita lang ang aking pamilyang maligaya at maginhawa. OK lang mawala ang pera. Babalik rin iyan next year!”

Wala naman akong nakikitang problema sa pag- gastos ng pera. Hindi forever, darating ang pera sa buhay natin. Tao lang po tayo. Tumatanda at nagkakasakit. Kailangan din natin i-plano ang bukas natin. Paano kung wala ka na? Sino ang magpapakain sa mga anak mo? Paano ang kanilang edukasyon? Isipin mo ito habang genki ka pa.

Tanong at obserbasyon ng mga ma-intrigang tao sa Pinas: “Bakit daw napakaputi at makinis ang kutis ng mga Pinay na galing sa Japan?” Sagot ni Elsa na isang caregiver sa Tokyo, “Kasi hindi kami lumalabas ng bahay. Kapag winter, super lamig kaya it’s better to stay at home. Pareho rin tuwing summer. It’s super hot! Kaya it’s better to stay inside the house na naka full blast ang aircon!” Ganoon ba? Talaga? Bigla akong napatingin sa mukha ni Elsa. Oo nga. Parang namumutla yata si Elsa. Parang anemic na kulang sa dugo. O baka naman sa make-up niya? Elsa, wala ka na sa omise! Isa ka ng caregiver kaya hindi mo na kailangan pang gumamit ng makapal ng make-up at lipstick!

Ito naman si Aruray, ang napaka-beautiful kong kaibigan. More than 12 years na rin siya sa Japan at ang alam lamang niyang Nihonggo ay “Irrashiaimase!” (with a strong Visayan accent). Kahit ganyan yan, mabait naman. Nasa Shinjuku kami at nag sha-shopping. Ewan ko ba at pina-pa fill-up ng form si Aruray. Biglang humarap sa akin at nag-dramang, “Dennis, paki-sulat mo naman ito at medyo masakit ang aking mga daliri.” Hay naku, Aruray, sana this year, kahit man lang ang pangalan mo, maisulat mo sa katakana o hiragana.

For now, just feel good about yourself. If you’re in Japan, how about having a dip in your nearest ONSEN? Aba, kailangan mo ng relaxation para hindi ka magkasakit at tumanda ng bigla. At Inday, para pag-uwi mo ng Pinas, hindi ka mukhang garutay. Feeling fresh and beautiful ka pa rin!

Have a great 2012!

No comments:

Post a Comment