Thursday, January 12, 2012

PISNGI NG LANGIT by Doc Gino


PISNGI NG LANGIT by Doc Gino

Sa kolum na ito, ating tatalakayin ang mga pang-araw-araw na karamdaman na maaaring dumapo kanino man. Nasa inyong pagpapasiya kung nais ninyong sundin ang payo ng inyong abang lingkod. Bisitahin ang kanyang blog site: http://doctorsronline.blogspot.com/

Mga ugat sa bayag (Varicocele)
Tanong (T): Hi po, ‘yung isa ko pong egg eh mas malaki kesa sa isa at parang may ugat ugat na lumalabas pero wala po akong sintomas ng hernia.. Ano po ba ito?

Doc Gino (DG): Sa tingin ko, ang iyong kondisyon ay ang tinatawag na "varicocele". Ito ay kapareho ng "varicose veins" na nakikita sa mga binti. Ang "varicocele" ay nangyayari kapag ang dugo sa mga ugat ay hindi nadaloy ng lubusan kung kaya't ito ay naiipon na nagreresulta ng paglaki ng mga ugat sa bayag.

Kung wala namang ibang sintomas na nararamdaman gaya ng pana-nakit o pagkabaog, ito ay hindi naman kailangang gamutin. Kung ito ay magsanhi ng pagkabaog, kinakailangan itong operahan ng isang "urologist" o espesyalista sa ari ng mga lalaki.
Ang operasyon ay maaaring gawin ng ilang oras sa OPD. Maaaring malaman ang dagdag impormasyon mula sa iyong "urologist."

T: Delikado po ba ang sakit na yan? Ako po ay 17 taong gulang pa lamang po! Mga magkano po ang nagagastos sa pagpapa opera sa luslos? Estimate price lang po?
DG: Mas mainam kung sa ospital o clinic magtanong at sila ang nakaaalam kung magkano ito.


No comments:

Post a Comment