Thursday, January 12, 2012

PEDESTRIAN LANE by Mylene Miyata



PEDESTRIAN LANE by Mylene Miyata

SPARKLING 2012

Welcome 2012!

Ano kaya ang meron para sa bawat isa sa atin this 2012? Exciting! Enti-cing! Enchanting!
Talking about the next twelve months to come would mean so much... Again, gaya last year, we either learn or get better. Apart from the "hula" thing last year na malapit na daw ang katapusan ng mundo, heto sabay-sabay nating i-celebrate ang bagong taong 2012.

Kada sasapit ang bagong taon, napakaraming pumapasok sa isip natin. Bagay na gustong baguhin, simulan o iwasan. There are so many things each one of us are aspiring and looking forward, wishing ...praying each year. Maraming marami. Natural po iyan dahil kada sasapit ang bagong taon, halos para na ring nagbe-birthday ang bawat isa sa atin ng sabay sabay. Panibagong taon, panibagong simula. Sabay sabay na nagbaba-bye sa nakalipas na taon. Nagpapaalam sa kung anuman ang hindi kagandahang parte nito. At naghahanda sa panibagong simulang dala ng panibagong taong parating. Pagkakataon para isaayos ang hindi kaayusan sa nakalipas na 2011. That is how blessed we all are no matter what po! Ang magkaroon ng pag-asa.

For 2012, nag-uumapaw na pag-asa at pasasalamat lamang ang hiling ko para sa ating lahat, lalo na sa atin dito sa Japan. In case we may feel we have wasted some chances last year?... Cheers! Because here comes another sparkling year, another chance to make things happen the way we want them to. Something to look forward to and be thankful for, di po ba?

Traditionally, kapag sinabing new year, dapat may kasunod na--New year's resolution, di ba?
Ano nga ba yung new year's resolution natin nitong nagdaang 2011? Hmmm... may mga ilang taon na din akong hindi naggaganon eh. Naging sapat na kasi sa akin ang salubungin ang parating na taon ayon sa kagustuhan ng Lumikha.

The simple thought na merong panibagong taon should already fill our hearts po. Beyond all other things, good health para sa bawat isa sa atin this New Year. Masyado kasing redundant kung paulit ulit na lang magsasabi ng ganito at ganyan ang gusto kada new year eh. The simple, the better siguro. Kayo po? Merong panibagong labing dalawang buwan. Paano nyo po ito gustong gamitin? Para iwasto ang hindi kagandahan? Ipagpatuloy ang kanais-nais? Magsimula ulit? Natural po na magkamali kahit sinoman sa atin, kaya wala pong dapat ikabahala kung sakaling sablay man tayo minsan. Huwag lang gawing bisyo ang pagiging sablay. Dahil sayang naman ang 2012 kung sakali, di ba? Live it wisely para sakto. Try ko din po. Try natin.

Malusog, maligaya at makinang na 2012 po para sa ating lahat!


No comments:

Post a Comment