Shoganai: Gaijin Life
Eroplano, Eroplano…
Kung kayo ay tulad ko na ilan taon na ring naninirahan sa bansang Hapon, malamang ay nakailang beses na rin kayong nasakasay ng eroplano.
Ako kasi, mula nang nag-aral ako sa Japan, once or twice a year umuuwi ako. Minsan lang ngang hindi ako nakauwi, dahil tinapos ko yung research ko, pero ayoko na maulit yun. Kung kaya, umuuwi talaga ako.
Dahil nga sa medyo madalas akong umuuwi, panay rin ang sakay ko sa eroplano, at sa totoo lang, wala naman akong phobia sa pagsakay sa mga sasakyang panghimpapawid. Natutuwa nga ako every time merong travel, kasi sa akin, eroplano pa lang, adventure na!
Nitong nakaraang March, umuwi na naman ako, bakasyon kasi sa eskwelahan na pinagtuturuan ko. Pabalik ako ng April 7, mahigit isang buwan din ako sa Pilipinas. Ayun na nga at naghihintay na ako sa boarding gate ng Hong Kong. Kasi Cathay Pacific ang sinakyan ko at meron itong stopover sa Hong Kong. Natutuwa rin naman ako sa mga stopovers kasi parang mini-travel experience ito.
Habang nasa Hong Kong, binago ang boarding gate ng papuntang Nagoya, kaya kinailangan pa ako mag lakad ng malayo, dahil yung unang boarding gate, malapit lang dun sa pinag-babaan ng flight from Manila to HK.
Pagdating ko sa bagong boarding gate, meron naka-paskil na sign, sinasabi na merong 26HK$ meal vouchers ang lahat ng pasahero sa flight ko. Aba, bakit? Kung namimigay ng pagkain, malamang hindi maganda ang balita tungkol sa flight schedule. Naranasan ko na rin naman na ma-delay ng 10 oras, kaya talagang pinakain kami ng airline noon.
Nagtanong ako at sinabi na meron 2 hour delay. A, dalawang oras lang pala, namigay na sila ng voucher? Ito ang inisip ko noon, pero hindi nga naman maganda tumanggi sa grasya, kaya, kumain ako sa isang Taiwanese Beef Noodle restaurant malapit sa boarding gate.
Nang malapit na ang bagong boarding time, pumila na ako, at madali rin naman nakapasok sa eroplano. At dito nagmula ang parang action movie experience ko.
Wala namang kakaiba, naka-upo lang kaming mga pasahero, yung iba pinag lalaruan ang TV, yung iba inaayos ang blankets nila, yung iba nag-babasa ng in-flight magazines. Ganyan naman halos ang mga pasahero kapag hindi pa umaandar ang eroplano. Pinag-iisipan ko kung babasahin ko ba ang Duty Free magazine nila ng biglang may napakalakas na tunog, na parang may mabigat na bagay ang bumagsak, sabay yanig ng buong eroplano. Sobrang takot ko, unang sumagi sa isip ko, may nagpasabog ba ng bomba sa loob ng eroplano? Wala naman akong outward reaction, malakas lang kaba ng dibdib ko, kasi nga, paano kung sumabog o magkasunog? Tinanggal ko agad ang seat belt ko, at tinignan ang pinakamalapit na exit. In retrospect, na-realize ko na ginawa ko yung palaging sinasabi ng in-flight safety video, na akala ko e baliwala lang. Na-retain din pala ng memory ko.
Sinubkit ko agad yung maliit na bag ko, at inisip ko pa nga kung makukuha ko yung malaking handcarry na nasa overhead compartment. Pero sa loob-loob ko, pag naka-amoy ako ng gasolina o makakita ng usok, iiwanan ko na yung hand carry na yun.
Lahat ng ito nag flash ng mabilis sa utak ko matapos yung ingay at yanig, as in split-seconds lang. Mabilis naman nagkaroon ng announcement ang Kapitan ng eroplano, sinabi niya na yung air bridge connecting the plane to the terminal ay bumagsak. Sinabi rin na we are in no danger, and we should wait while they try to fix the plane doors.
After marinig ko yun, medyo nawala kaba ko, pero hindi ko pa rin sinuot yung seat belt, kasi nasa lapag naman, at mas madali tumayo pag walang seat belt.
Mahigit 30 minuto matapos bumagsak yung air bridge, andoon pa rin kaming mga pasahero sa loob ng eroplano. Sabi ng flight attendants wag tumayo, pero since walang naka-upo sa seats na malapit sa bintana, lumipat ako doon at sumilip. Nakita ko nga na na bagsak ang air bridge. Tinanong ko yung flight attendant kung merong mga taong naglalakad doon nung bumagsak, wala daw sabi niya. Tapos may kumalat na rumor na meron daw ground staff na nadaganan. Wala naman nag confirm nito.
Matapos ang halos isang oras, nag-announce na sila na palalabasin na kami ng eroplano. Doon kami door na malapit sa buntot ng eroplano pinadaan. At merong buses and emergency personnel na naghihintay sa tarmac para dalhin kami sa terminal.
Nung lumabas ako ng eroplano, noon ko lang nakita na medyo malaking aksidente yung nangyari, dahil hindi mabilang ang dami ng firefighters na nakapaligid sa eroplano, and at least seven fire trucks ang naka parada.
We ended up having to stay an extra night in Hong Kong. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nasa loob na ang mga pasahero nung bumagsak ang air bridge, at bukod sa pintuan, aywalang naging major damage ang eroplano.
Kaya dapat maging alert sa tuwing merong mga emergency situations, alamin ang safety procedures, dahil totoong ito ang sasagip sa inyong buhay.
Napaka-exciting na experience! Sana hindi na maulit ever!
No comments:
Post a Comment