Wednesday, May 15, 2013

Isabelita Manalastas - Watanabe

ADVICE NI TITA LITA
Take It Or Leave It!

Dear Tita Lita,
    
Meron po akong medyo personal question sa inyo. Namatay na po ang aking asawang Hapon noong nakaraang 5 taon na. Pagkatapos ng 3 taon, nagsimula po akong makipag-date sa ibang mga lalake. Nasa late 30’s na gulang po ako at ayoko  pong mag-isa. Ngayon, ito po ang aking tanong. Kapag nag date po kami, lagi na lang po ako ang nag-babayad. Tingin ko sa sarili ko, para akong sugar mommy nila. At first, sabi ko sa sarili ko, OK lang kasi pinagpala naman ako kesa sa kanila. Tsaka alam nila na mas mayaman ako sa kanila. Parang na gi-guilty ako kung pababayaan ko na sila pa ang magbayad. Ano ang palagay ninyo? Ano kaya ang magandang gawin?
    
Mely
Dear Mely:

Ang gusto kong malaman sana, ay kung anong nangyari sa inyong unang-unang date out.  Hindi ba siya nag-offer magbayad?  At dahil hindi, ikaw ang bumunot at nagbayad?  Kung ganito ang nangyari, posibleng tingin niya, OK sa iyo na ikaw palagi ang magbabayad.

Habang hindi pa huli, dapat siguro, i-set mo na straight ang “rules.” Sa next date ninyo, after kumain kayo, sabihan mo kaagad, “thank you for the nice dinner,” at huwag kang bubunot.  Kapag hindi pa nakahalata, sabihan mo ng derecho “maybe you can treat me out tonight?”

Kung hindi pa rin siya bumunot, ay palagay ko, mas mabuting maghanap ka ng ibang mamahalin. Kasi, baka iyan ang mapa-ngasawa mo, at magiging bitbitin mo siya habang buhay.  Gusto mo ba ng ganito?  Di-ba masarap naman na tayong mga babae ang sasandal sa ating mga asawa, hindi the other way around?

Tita Lita

Dear Tita Lita,
Natuklasan ko po na meron akong sakit na cancer of the uterus. Natanggap ko na po ito sa aking sarili pero wala pong nakaka-alam sa aking karamdaman. Hindi ko naman masabi sa aking asawang Hapon na naka destino sa ibang bansa. At hindi rin po maganda ang pagsasama namin. Yung mga magulang ko sa Pinas, parehong may malubhang sakit din at ayokong dagdagan pa ang pag alala nila sa akin. Wala rin po akong mga close-friends na maitutu-ring ko na pwede kong lapitan dito sa Japan. Lagi na lang po akong umiiyak araw-araw. Iniisip ko na doon sa Pinas na lang ako mag pa gamot kasi marami ang moral support mula sa pamilya at kaibigan. Kung dito naman po, hindi po ako dalubhasa sa wikang Hapon at walang dadalaw sa akin sa ospital. Ano po ang payo ninyo?
Nena

Dear Nena:

Ang pinakamahalagang bagay na iyong dapat i-consider, ay kung saan ka mas malaki ang posibilidad na ma-cure ang iyong sakit.  Hindi ko alam kung anong stage na iyan, pero kung stage 1 or 2 lang, laki ng posibilidad na magagamot ka. May alam  ako, stage 4 na nga, nag-respond pa sa cure.

Tama ka na may moral support kang makukuha mula sa pamilya at kaibigan mo sa Pilipinas.  Pero handa ka ba sa napakamahal na treatment doon sa atin, na wala ka namang health insurance?

Sa Japan, kung may health insurance ka, at least hindi ka na maglalaan ng napakalaking halaga for your treatment. At may mga hospital naman dito na may English speaking doctors/staff who can assist you.  Hindi ko alam kung saan ka nakatira sa Japan, pero kunwari, sa St. Luke’s hospital sa Tokyo, kahit hindi ka masyadong marunong mag-Hapon, may doctors na marunong mag-English, or may staff na tutulong sa iyo.

I-consider mong imbitahin pumunta sa Japan ang nanay mo or isang kapatid mo, para may makasama ka naman dito while you are undergoing treatment. 

At palagi kang lumapit sa Diyos, at magdasal.  Hindi ka Niya pababayaan, at hindi ka mag-iisa, kasi palagi mong kasama si Lord.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Lagi po akong nag papadala ng pera buwan-buwan sa aking pamilya sa Pinas. Meron po ba kayong paraan para mas makamenos kaming mga OFW sa pagpapadala ng pera sa Pinas?

Marco

Dear Marco:

Before April 2010, bago ma-implement ang Japan Payments Act, mga banko lamang ang maaaring mag-remit ng pera sa Pilipinas.  After April 2010, nag open-up ang bansang Hapon para bigyan ng remittance license kahit mga non-banks. As of this writing, 33 remittance companies na yata ang may lisensiya para mag-remit.  Dahil marami na ang may lisensiya, siyempre, nag-ko-contest ang mga ito sa pagalingan ng serbisyo, at saka best value for your money.  Good for the remittance client - marami ng choice.  Magtanong-tanong sa mga kaibigan or kakilala kung saan magandang magpadala. Kung gusto mo naman, pwedeng tumawag ka sa 080 4385 8040, para magtanong/ magpatulong.

Sa mga OFWs naman na may binabayaran regularly, tulad ng monthly payments sa kanilang biniling real estate property, best kung magbukas kayo ng inyong checking account. Tapos, mag-issue na lang kayo ng post-dated na tseke, payable doon sa real estate company ninyo kung saan kayo bumili ng property.  Make sure lang na may pondo ang tseke ninyo, by remitting periodically sa inyong checking account.  Hindi kailangang buwan-buwan mag-remit. Mag-remit lamang kapag mauubos na ang pondo sa checking account. Tandaan, kapag tumalbog ang tseke ninyo, pwera pa sa masisira ang iyong credit standing, may penalty pa ng mga PHP 2,000 para sa tumalbog na tseke.

Tita Lita

Sa readers ni Tita Lita:

May gusto ba sa inyong maging part-owner ng isa sa mga licensed remittance companies dito sa Japan? (Filipino owned ito, so atin talaga). Ibig sabihin ng maging part-owner, mag-i-invest kayo sa stock ng kumpanya na ito, at kung kikita na, kikita din kayo in the form of dividends. Pero tandaan, kahit anong investment, mayroong risk.  So i-weigh ninyo ang risk over the possibility to win naman, in terms of growing with the company. At hindi madalian ang returns sa investment – dapat munang lumago at kumita ng mabuti ang kumpanya, bago kayo maka-enjoy ng dibidendo.  Pwedeng tumawag sa 080 4384 2728 for more information.






No comments:

Post a Comment