Wednesday, May 15, 2013

Karen Sanchez

Mga TULA


"Tag-Ulan"

Panahon na naman ng tag-ulan
May matutuwa at may malulungkot na naman
May mga mapeperuwisiyo at may makikinabang
Kasabay nito may ibang mata ay luhaan

Mapapalad ang tulad nating naaambunan
Sapagkat sa ibang lugar ay di man lang umuulan
Maraming hirap sa kanilang kabuhayan
Ni paligo o mga katawan ay di man lang mahugasan

Sa pagsasaka hudyat ng pagtatanim na naman
Lalo na sa may malalawak na palayan
Huwag lamang sana itong masobrahan
Pagkat mga pananim ay aanurin lamang

Huwag rin sana bahain ang mga bayan
Sapagkat marami ang maaapektuhan
May mawawalan ng trabaho at kabuhayan
Pamilyang binuo at bahay na pinaghirapan

Tanging sandata natin sa Diyos ay magdasal
Nawa'y huwag Niya tayong pabayaan
At tayo'y gabayan ng Espiritung makapangyarihan
At lahat tayo ay maligtas sa anumang kapahamakan



"Para-paraan Papuntang Japan"

May mga pinagpala sa talino ay nangunguna
Kanilang eskwelahan sa Japan sila ay pinadala
Upang mag-aral ng ibat-ibang teknolohiya
At nang maibahagi sa ating bansa ang natutunan nila

Yung iba naman ay talento sa una
At dito pinalad na makapag-asawa
At manirahan hindi bilang banyaga
Kundi isang mamamayang tulad din nila

May mga pinalad noong panahon ng giyera
Sila ay may dugong sundalong Hapon na nakidigma
Binigyang prayoridad para magkabisa
Makapagtrabaho at manirahan hanggang gusto nila

Mayroon din namang mga ahensiya
Kumukuha ng empleyado para sa malalaking kumpanya
At may ilang taon ang kanilang kontrata
Swertihan lang din naman kung makakabalik pa sila

May mga mapapalad na naging turista
Sa ibat-ibang pamamaraan sila'y nagkabisa
May mga kapatid o dito ay may kapamilya
O kaibigang puwedeng maging isponsor nila

Iba-iba man ang mga dahilan at mga paraan
Ang mahalaga natupad na napuntahan ang Japan
Sapagkat hindi lahat ay nabibiyayaan
At hindi lahat sinusuwerte may pera ka man

No comments:

Post a Comment