Thursday, November 15, 2012

Marty Manalastas-Timbol

SHITTERU?
by Marty Manalastas-Timbol

 ALAM NYO BA…if you want to learn or study again for free lalo na sa math, biology, chemistry, etc., there is this site introduced by my friend Ely and this site is a free world-class education for anyone? Khan Academy, a not-for-profit organization, free lessons online para ma-practice ulit ang inyong math starting from the basic of 1 + 1. Check the Khan Academy URL for free at www.khanacademy.org/about.

ALAM NYO BA…if mahilig kayong magluto or gusto nyo pang matuto or learn the basics sa pagluto o baking, may isang cooking studio sa may Tokyo Midtown Roppongi. This school is the ABC Cooking Studio, where you can learn and enjoy cooking or bake cakes and can even learn how to make a bread and pwede even Japanese food…wow, di ba? So check this site and enroll na kayo sa gusto ninyong araw at oras at kung ano ang gusto ninyong matutunan.
 http://www.abc-cooking.co.jp/srv/english.php

ALAM NYO BA…pag lumalamig na ang simoy ng hangin sa karamihan nararamdaman na nila na malapit na ang pasko. Pasko, pasko, pasko na naman….

ALAM NYO BA…na nag-issue ng babala ang ating Philippine Labor Secretary na si Madam Rosalinda D. Baldoz? Ito ay ukol sa mga Filipino doctors, nurses and other professional medical workers sa pag apply ng trabaho sa Commonwealth of the Northern Marianas Islands (CNMI) dahil sa economic situation ngayon sa Saipan, ang capital ng CNMI. Hindi na daw ito maganda for our medical workers or other skilled professionals sa dahilan na baka di rin sila mabayaran dahil sa may financial problem ang kanilang Commonwealth Health Center (CHC).

ALAM NYO BA…na mas masarap o may kasabihan na there is no place like home. Tayong mga nasa ibang bansa, yes, we have a good life and sweldo is ok, pero iba talaga pag nasa sariling bansa natin. Karamihan sa inyo na nandito sa bansa ng Japan, you work to earn for your family…yun lang, pero at the end of the day, you always look forward to go home and be with your family. Mahirap ang inyong buhay pero ginagawa ninyo ito para sa mga mahal ninyo sa buhay. I hope that your family back home knows na malaki ang inyong sakripisyo para sa kani-lang kabutihan at para umunlad ang kanilang buhay. After you retire sa trabaho ninyo sa ibang bansa, di ba karamihan will say, mas masarap sa atin…there is no place like home…because, it is more fun in the Philippines. Mabuhay kayo mga OFWs and God bless you all.

ALAM NYO BA…na di kayo kailangan magbayad ng airport tax sa Pilipinas kung kayo ay may working visa dito pag kayo ay babalik ng Japan? Mag-apply lang po kayo ng Overseas Employment Certificate (OEC) sa Labor Office ng Philippine Embassy. Para sa karagdagang inpormasyon, tumawag lang po sa Labor Office: 03-5562-1574.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat at Manigong Bagong Taon!

Sally Cristobal-Takashima

KANSAI CRUSADE
by Sally Cristobal-Takashima

Scenes and images of autumn is amidst us. Weren't we just planning our Shinen Kai a while ago. Now, most of us are winding up our skeds, taking reminder notes on what to do for the holidays and early next year.

Kumusta po? Suma inyo ang bagong sikat ng araw. Wala pong gabi, puro araw. Autumn has come and I love this season for the yummilicious persimons that it brings. Yes, already we had our Matsutake gohan when our daughter came over to visit from Tokyo. There are still cicadas that can be heard. Famous for what can be irritating high decibled songs. This requeim of songs usher in the coming of winter which can be depressing. Good gracious, taglamig na naman. Luma na yata yun aking Ugg Boots. Also got to check out this season's heat tech by Uniqlo. I wish they would come up with underwears made of light wool and a bit of silk.

In Japan, the autumn foliage starts to be visible in the north (Hokkaido) and on to Osaka then all the way to the South (Nagasaki). Do you know that the word "koyo" literally means red leaves, oyo refers to yellow leaves and katsuyo are brown leaves. 

In the olden days in Japan until now, taking a leisurely walk to enjoy the beauty of autumn has been a custom. Looking for golden leaves are depicted in scenes of the Genji Monogatari (Tales of Genji), a classic tale of the leisurely lives of the women and men of nobility during the Heian Era.

Autumn is also a reminder to clean up, pay up any atrasos, debts, favors received and take stock of what things to buy or to dispose.

I notice that extreme cold weather drive people to the library and department stores to warm themselves.

Mapunta naman tayo sa mga balita galing sa Pilipinas. O, hindi lang Manny Pacquao meron tayo. Meron din tayong Nonito Donaire who defeated Toshiaki Nishioka in a technical knockout in October 13th. Business Watch, a business website referred to the Philippines and Indonesia as the new "Tigers in Asia” based on its fast recovery from the recent Asian financial crisis, high potential for growth. Nakatawag ng pansin ng iba't ibang investors ang Pilipinas dahil sa patuloy na pag-unlad nito.

The canonization of Filipino martyr, Pedro Calungsod in Rome was held in October. He is the second saint to be declared by Roman Catholic Church after St. Lorezo Ruiz. Si Sto. Calungsod kaya ang magiging patron ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)? His Feast Day will be April 2nd.

Last but not least, you may want to know about the recently implemented K-12 Educational System in the Philippines lalo na yun mga taong may mga anak na pinag-aaral sa Pilipinas. Ang sistemang K-12 ay isang taon sa Kindergarten, anim na taon sa Elementary School, apat na taon sa Junior High School at dalawang taon sa Senior High school. The first batch of graduate who completed the requirements will graduate Year 2024.

And now the buzz from Kansai.The Philippine Community Coordinating Council recently held its much awaited Sports Fest 2012 with many Filipino communities in attendance. Blessed with good weather, various sports competitions and games were held. Lucky winners got their well deserved prizes. Consul Jerome John O. Castro gave a most inspirational talk. Our sincere thanks to Joy Mizutani who beautifully sang the Philippine National Anthem, to Beth Kan, our Emcee, to the PCCC Officers headed by Malou V. Sato, to the Sports Fest Committee Coordinators: Jorge Takara, Eunice Hashizuka, Carisa Sugiama and Joy Yoshitomi. Also to Head Facilitators Marlon Mangila and Katrina Fujikawa and Members: Bong Yamaguchi, Bernard Latoja, Roland Sekimoto, Aya and Tadao Honggo, Chris Macam and Myrna Takao. PCCC also sincerely thanks all the sponsors, supporters, attendees and all who helped - alam ninyo kung sino kayo. Until next year po.

San Lorenzo Ruiz Filipino Japanese Community and Amagasaki Filipino Community recently held their anniversary parties. The groups are headed by Marlon Mangila and Maritess Kita respectively. The Sama Sama Community hosted the Immigration Seminar initiated by the Philippine Consulate General. The Shiga Filipino Community held their Recollection Day and participated in the International Day Festival in Shiga Prefecture.

The Kyoto Pag-asa Filipino Community held their first Divine Mercy Crusade in Kyoto. Also the KPFC periodically hold Tsunagaru Kai, a Study Group for Youth who are at least 12 years old, in Wings Kyoto. The Samahan sa Kitano held a Farewell Party for Nixon Cacao, an active community leader and friends to many Filipinos in Kansai. He immigrated to Canada. The Kurashiki Filipino Circle welcomes Marjorie Oyama as its new leader. It was a pleasure to have all of you - Mirasol Furuya, Daisy Kojo among the many who attended Thank you sa uulitin. See you all sa December 2 for the celebration of the 10th Anniversary of the founding of the Philippine Community Coordinating Council.

Everybody out there - let's all watch the NHK drama "Jun to Ai" that is aired daily at 8:00 -8:15 am and 12:45-1:00 pm daily. Mariya is played by Maryjun Takahashi born in Shiga ken and daughter of Filipina Pen Takahashi. For details pls. contact Pen who is in Facebook.

Marjun has appeared in various TV shows and commercials and often participates in Tokyo fashion shows. "Jun to Ai" is an NHK drama filmed in Miyakojima in Okinawa.

Journey to Year 2013 about to begin. Destination Unkown. You chart your own itinerary. Plenty of food and drinks on board. Reserve your seats now. Year 2013 will be the best year.

To all the faithful readers of Jeepney Press , have a Merry Christmas and a Prosperous New Year. See you!

Mylene Miyata

PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata
 Ikaw Na!

Few weeks to go!  Like in less than two months,  2012 will be charged to memories already.  So, makakahabol pa ang ilang memories for treasure box this year.  Have a blast!  Syempre pa, this graceful exit is alloted to give way for 2013 !  Move over, 2012?... na nga ba talaga?  Parang kamakailan lang...  At here comes the "Year of the Snake" na po.

Sabi ni Charles F. Kettering----"You can’t have a better tomorrow if you are thinking about yesterday all the time," daw.  Wow! Iba itoh!  Simple pero kailangang i-download para makita ang icon sa totoong buhay.  Bagay na totoo kung magmamasid sa kapaligiran everyday.  At kapag nagpumiglas at nagpapalag sa daloy ng panahon, saan kaya ang paglalagyan mo?  Ikaw na bahala!

Akalain mo nga naman ang bilis ng panahon.  Parang habulan!  Yan, bistado tuloy na marami rami na ang nakolektang edad, noh?! Pero, sobrang thankful tayo dyan.  Dahil aging is a privilege not given to all.  Thus,  everyone is blessed everyday indeed.  Come to think of it, year by year, we gracefully age nga naman diba?!  Hindi lahat kaya yan.  Pero, ikaw, blessed nyan! Lahat tayo.

According sa editor namin, going a decade old na daw ang minamahal nating Jeepney Press.  Ganoon katagal na itong pumapasada sa kalsada ng buhay- buhay natin dito sa Japan.  Imagine?  Sa lahat ng biyahe, Ikaw ang kasa-kasama namin?  Kaya, ikaw na gorgeous pasahero ng Jeepney Press. Salamat sa happy "trips" natin palagi.  Excited tayo lahat for the coming issues sa mga susunod pang pasada natin. 

Sa kaliwa, kanan, taas o baba man at kahit saan ka bumaling, wala na talagang pipigil sa gigil ng pagbabagong dala ng panahon.  Nakakaaliw!  Nakakabaliw!  Halimbawa, ano nga kaya kung analog pa rin ang lifestyle mo sa digital na mundo ngayon?  Pwede kaya?  Pwede?  Bakit hindi?  Oo naman!  However, maaari din naman nating I-enjoy ang "benring"  pamamaraan kung gugustuhin.  Depende sa choices.  Ikaw na naman ang pipili. 

November na.  December pa!  One of the most awaited moments ng karamihan sa atin.  Saan ka magpa-pasko this year?  Eh, New Year?  Saan ka magpa-paputok?  Well, we wish you the best this year end mga kabayan. Kumukutikutitap na 2013 ang naghihintay para sa ating lahat.  Ikaw na bahala.   

You'll never know! Hindi ko rin alam eh!  Sabihin na lang natin, "Ikaw na po!"...

HAPPY HOLIDAYS! ENJOY THIS YULETIDE SEASON! 
Have fun! Lots of fun! 





Jackie Murphy

Side Trips 
by Jackie Murphy
Early retirement…a denial of truth!

With most of us and our other ‘kababayans’ who started their lives in Japan during the 80s and 90s (our generation called ‘the baby boomers’), we sometimes can’t help but think of what Japan still has to offer us a decade more other than getting our pensions (or ‘nenkin’) for working so hard for the past how many decades here. Do you have other alternatives on how to deal with becoming senior citizens? Some are anxious to get hold of their discount cards and some are still wondering why time has it so soon for them to have one. Do we have other options? Have you checked your finances? Or have you thought about your own personal interests? Do you ever ask yourself where to retire in the first place? Or kaya mo rin bang mag-alaga sa mga apo mo all throughout your retirement years? Dito ba o doon? Dito ba sa Japan o sa Pinas ka? It’s safe to think that Filipino family ties are more intact and much more closely related compared to the Japanese culture though. To some of our ‘kababayans’ who have lost their husbands or wives already, in other words, widowed or perhaps divorced or better yet, have lived and stood up as single parents to their kids, do they rely on their Japinoy children to take care of them when they grow old here or accept the fact that they will end up being sent to ‘homes for the aged’ (‘rojin’ homes) whether they like it or not!

Sa panahon ng pagmumuni-muni, di mawawala sa isip natin how time flies. As one gets older, we can’t help but think of how we are going to start, deal with and enjoy our retirement. Meaning, not with how far our careers would take its peak but where will we be when we retire? At this moment, there’s no room for regrets nor how much time was wasted nor how soon time has lost your youth.

I was once asked by a friend to write something about signs or symptoms of getting old and so many times I thought of giving it a shot (coz I’m one of them…wee!) Mga nararamdamang kirot sa mga kasukasuan, mga namamanhid na mga muscles, pagkahilo nang mas madalas, mood swings, etc. Gosh, take it or leave it, sometimes there’s this denial of truth! Minsan eh kailangan pa talagang mangatuwiran na napagod lang ng konti today o dili kaya ay overworked lang yesterday yung mga ganun so that these illnesses or symptoms of getting old are consistently and honestly justified... hmmp! Pag may nakalimutan or na-misplace then someone will jokingly say: tumatanda na kasi…May nakalimutan lang matanda na ba kaagad? Di pa pwedeng nagmamadali lang? tsk…But at the end of the day, when you lay your back at the seat of your car or at a train or bus, you find yourself wanting to be home soon, getting a hot bath and possibly go straight to bed. And for a while forget about your usual lifestyle of socializing with your circle of friends, attending parties here and there, getting a cold beer at your favorite ‘izakayas’ or bars and relax for a while. It will surely cross your mind about an old cliché: 'Those were the days... my happier days and younger years'!
With all these having said: you think about… retirement. Do you ever plan for what’s next in your life? Your stairway…like, say, a retirement haven! Travelling! Golfing at the most exclusive golf courses around! Who will you be with? Will you be joining short courses of weaving or crocheting or going back to your hobbies like gardening or cooking and try new menus on exotic foods mga ganun…

There’s no turning back, guys, it’s around the corner! But there are still a lot to learn in life while enjoying the fruits of your hard labor and you will surely end up asking yourself back these questions: Did I do it good? Did I do it fair and square? Did I serve well? Did I cooperate and give my full understanding for the less fortunate people in my community? If your answer is yes, then, it’s time for you to go forth and spread the news to inspire other people especially the young children and the next generation. Tell them your mistakes too that they may also learn from them and to truly feel the sincerity of your story. Go ahead and free yourself from the burden of boredom and individuality. But if you’re unsure of your answer, don’t waste time, it’s not too late. Do it now and start the last step on your stairway! Join your local organizations and local politics. Volunteer, communicate and coordinate with your community and join livelihood projects! Do some volunteer works for your neighborhood too and from there, you’ll feel more fulfilled and rewarded.

Some might be thinking of a second career or a special interest you want to pursue during your retirement. Ask yourself if you want to do it full time or part time. Or you might want to open a business or thinking about going back to school! Then again the situation varies if you are single or with a partner because if you are with a partner and you are both retired, you will find time spending more precious moments together. No matter where and how you want to spend it, paalala ko lang: make sure to review your finances, have a good plan and enjoy life to the fullest.

Happy retirement… happy reading!

Tippi Delarosa

NOTES
by Tippi Delarosa
LOVE

I stare blankly at an abyss of nothingness. For what seems like forever I feel no urge to move. I can hear the clock on my bedside table ticking, but as seconds turn into minutes and minutes into hours I simply lay motionless on my bed. I am not tired. I am not sleepy. I just...feel.

As the sun starts to set, I find myself getting up. I go to a corner in my tiny apartment and start doodling on a piece of paper. Looking back, I was around 25 when I did this last. I will never forget this because it was at that age when I stopped doing everything that would make me emotionally vulnerable.

My left hand continues to move even as my heart swells to unbelievable proportions. There is so much inside me that has to be channelled creatively.

I am happy.

I have never been this happy in a long time -- the kind that brings inner peace even as it spills over to make the world a more beautiful place in which to live.

I feel so loved it makes me sing even if I cannot actually carry a tune. The fact that I didn’t see this coming makes it all the more special. In the mid of the emotional chaos I’ve recently experienced, this love served as hope....a guiding light at the end of a dark and lonely tunnel.

I feel so loved all my senses are in full alert. Suddenly every single nerve in my body becomes very sensitive. Food tastes better. Leaves look greener. Roses smell sweeter. Birds sing chipper. Pillows feel softer.
In return, I love. I love like this is the first time I have ever done so. I love, that all I think about is his happiness...and peace of mind.  I hurt when he is hurt. I smile when he is happy.

Oh how I love. I so love he makes me want to be the best that I can be. Every. Single. Day.

I wake up and roll over my bed. It’s a sunshiny day. I get up and brush my teeth. I turn on the shower knob and the first blast of cold water wakes up my still lethargic muscles. The temperature slowly turns from cold to warm. I savor every single drop. Later as I ponder what to wear from an array of clothes I have in my closet, I smile.

I am happy.

Ours is not a perfect bond. It has its own hills as well as valleys. Who cares? As long as we know we are there for each other no matter what, then it’s okay.
He’s protective of me to the point of being territorial. I bask in this possessiveness. I feel giddy every time I remember his declaration that I am his. For, indeed, I am.

He breathes energy into my days. He inspires me to draw. He inspires me to write. He inspires me to read. Most of all, he led music back into my life.

I walk towards the train station. I think of the small cubicle I lovingly call home and marvel at how cozy it has become. In less than a year it has witnessed two turning points in my life – 1) my letting go of someone who now belongs to the past; and, 2) my salutation to a love that now defines my very existence.

I accidentally bump into a giggling young woman who looks ready to party. I say ‘sorry,’ she says ‘sumimasen.’  We go our respective ways. I think: such is life. When something is over, you just move on. Meantime, I look forward to going home.

I am happy.

Thousands of miles may separate us now but technology has a way of bridging oceans. We will see each other again, I know.  I am just thankful that he chose to come into my life when he did.


Jose Miguel Parungao

Beep-Beep!
by Jose Miguel Parungao

by Nori Yokohama
Santa: Merry Christmas!
Boy: Inay! Paalis na si Santa Claus. Kinuha lang niya yung mga alahas mo at pera. Bye-bye, Santa!

by Maria Takashi
Boy: Walang hiya kang Santa ka! 10 years na kitang hinintay. 10 years na akong wala regalo. Lumayas ka!
Santa: Hindi ako si Santa. Costume ko lang ito sa halloween party.

by Boy Sunilang
Boy:  Daddy, aalis na po si Santa Claus.  And I saw mommy kissing Santa Claus! Huli ko kayo!
Santa: Psst! Huwag kang maingay!
Basta “silent night” ka lang diyan at meron kang aginaldo sa akin!
Boy: It’s a deal!

by Mila Kudo
Boy: Mery Xmas Ninong!
Santa: Jus ko po, eto ang ina-anak ko. Suot ko na lang ang santa costume at magkunwari na ibang tao ako. Bigyan ko na lang ng kendi para tumigil na ang maingay na batang ito.

by Bong Fong
Santa: OMG! Mukhang weird ang batang ito. Tapos na ang halloween ha, ba't naka alien costume pa sya! O baka naman alien house itong
napasok ko, ngeeeek!

by Bong Fong
Santa: Bakit gising pa ang batang ito? Mukhang hinihintay ang pagdating ko o baka naman katatapos lang magpuyat sa kakalaro ng play station, huh! Pwes, wala siyang regalo!





Arlene Esperida

Walang Sabit
by Arlene Esperida

Nestor Puno

Edukasyon at ELCC, Para sa mga Batang Pinoy
ni Nestor Puno


Ang edukasyon ay isang karapatan ng bawat bata, at hindi isang oportunidad. Ang lahat ng bata, sa anumang kaayusan ng lipunan, ay may karapatan na mabigyan ng sapat na edukasyon upang siya’y matutong bumasa at sumulat na siyang magsisilbing gabay sa kanyang paglaki at paghahanda sa pagsuong sa buhay para sa hinaharap. Karapatan din ng bawat bata na makahalubilo at makalaro ang kapwa bata, malinang at mapahusay ang kanyang sariling kakayahan. Ang lahat ng ito’y naglalayon na makatulong sa bawat bata sa pagkilala sa kanyang sarili, at maunawaan ang kanyang tungkulin na dapat gampanan sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at higit sa lahat, sa lipunang kanyang kinabibilangan.

Hanggang noong Taong 2003, hindi hinahayaan ng lokal na pamahalaan ng Aichi Prefecture na makapasok sa karaniwang paaralan ang mga anak ng mga “bilog” kaya’t maraming mga anak ng Pinoy ang hindi nakakapasok sa paaralan kahit na sila ay nasa edad na dapat mag-aral. Makikita mo sila sa mga parke na malapit sa kanilang tinitirhan kahit sa karaniwang araw, habang ang mga tulad nilang bata ay nag-aaral at naglalaro sa kani-kanilang paaralan. Ang kanilang nalalaman ay kaalaman mula sa telebisyon na hindi angkop sa kanilang murang pag-iisip at mga bagay na naririnig mula sa mga matatanda. Hindi balanse ang kanilang natutunan sa kapaligirang kanilang kinalakihan. Marami sa kanila ang hindi nakakabasa at nakakapagsulat batay sa kanilang edad. Sa kabilang banda naman, may mga nalalaman sila na hindi karaniwang alam ng mga kasing-edad, at tanging matatanda lamang ang maaaring makaunawa, tulad ng bisa, dohan, at iba pa.

Naging kapuna-puna ang mga batang ito sa mata ng mga lider ng Filipino community at nakipag-ugnayan sa mga magulang nila upang malaman ang kanilang kalagayan. Nabuo ang kaisahan na magtayo ng maliit na paaralan para sa mga batang tulad nila, at inilapit sa mga simbahan upang makalikom ng suporta. Tinanggap ito at itinayo ng Anglican Church of Japan – Chubu Diocese ang Ecumenical Learning Center for Children (ELCC), ang paaralan para sa mga batang Pinoy na hindi nabibigyan ng pagkakataong makapasok sa mga paaralan dito sa Nagoya. Layunin nito na mabigyan ng batayang edukasyon, malinang ang wika at kulturang Pilipino, upang maihanda sila sa panahon ng pagbabalik sa ating bansa. Ito rin ang nagsilbing lugar na masasabi nilang kanila at hindi nag-aalala na masita ng sinumang awtoridad at makakilala ng bagong kaibigan upang mapaunlad ang kanyang sariling kakayahan at malinang ang tinatawag na kolektibong pagkilos.

Mula ng Taong 1998, ang ELCC ang naging kanlungan ng mga batang Pilipino na pinagkaitan ng kanilang karapatan sa edukasyon. Sa kabila ng kalagayang hirap ng bawat pamilya at limitadong pondo ng paaralan, natugunan nito ang mga pangangailangan ng mga bata hinggil sa edukasyon, at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang mga batang umuwi sa Pilipinas ay maayos na nakaugnay sa mga paaralan at marami sa kanila ang nangunguna sa iba’t-ibang larangan. Para sa mga nanatili dito, matagumpay silang nakapagtapos, may mga nasa kolehiyo na at ang iba naman ay may asawa’t anak na din.

Ang mga itinuturo sa ELCC ay, Nihongo, Filipino, English, Mathematics, Science, Philippine & Japanese Social Studies, MAPE, at Religion. Ang kurikulum ng Nihongo ay nakabatay sa mga aklat-aralin na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon ng Japan, at ang Filipino, English at iba pa, ay nakabatay sa minimum na pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon ng ating bansa. Ang mga asignaturang ito ay naglalayong magamit ng mga bata kung saan man sila dalhin ng kanilang kapalaran sa mga darating na panahon.

Hindi lamang edukasyon ang tinutugunan ng ELCC. Layunin din niyang matugunan ang suliranin ng kanilang pamilya upang makapamuhay ng maayos at mapayapa. Naging kasangkapan ito upang legal na makapanirahan ang mga bata at kanyang pamilya dito sa Japan kahit walang anumang kaugnayan sa Hapon. Dahil sa tulong ng indibidwal at grupo, at determinasyon ng bawat pamilya, halos lahat ng pamilyang naghain ng apila sa immigration ay nabigyan ng kaukulang visa.

Sa kasalukuyan, relatibong malaki ang ibinaba ng bilang ng mga “bilog,” marahil ang iba ay dahil sa nagkaroon na ng visa o umuwi na ng Pilipinas. Sa kabila ng may kaluwagan na makapasok sa karaniwang eskwelahan, hindi pa rin nagbabago ang papel ng ELCC para sa mga batang Pilipino na nani-nirahan dito sa Japan.

Bata at Kabataang “Newcomer”

Kapuna-puna na lumalaki ang populasyon ng mga batang Pilipino dito sa Japan, o ang tinatawag na “newcomer”. Mga Japanese-Filipino Children o JFC, Hapon ang nasyonalidad na lumaki sa ating bansa. Mga batang anak ng mga Filipina sa kanilang unang relasyon at isinama dito upang makasamang manirahan ng kanilang magulang. At anak nang kapwa Pilipino at ng mga nikeijin (descendants). Bagamat iba’t-iba ang kanilang kalagayan, mayroon silang natata-nging komon na usapin, kung paano makakaagapay sa kapaligirang kakaiba sa salita at kulturang nakalakihan. Ang mga bata din ay kailangang mag-migrate mula sa ating bansa, kasabay ng kanilang mga magulang.

Sa kasalukuyan, ang mga mag-aaral ng ELCC ay pawang may visa. Bagamat maaari na silang pumasok sa karaniwang paaralan, minabuting ipasok sa ELCC upang dito matuto at masanay magsalita ng Nihongo bilang pagha-handa sa pagpasok nila sa eskuwelahan, at upang hindi mabigla sa sistema ng paaralan dito sa Japan. Layunin din nating mapanatili ang lengguwahe ng kanyang magulang, at ng Wikang Ingles. May pagkakataon din na kahit may visa o Hapon ang bata, kailangan niyang bumalik ng Pilipinas, kaya’t mahalaga na mapanatili ng mga bata ang ating lengguwahe.

Ano naman ang magiging epekto ng binagong batas ng imigrasyon sa mga bata?

Kahit pinayagang makapasok ang mga anak ng “bilog” sa mga karaniwang paa-ralan, hindi na ito mangyayari kapag ipinatupad ang batas na ito. Wala na silang maipapakitang pagpapatunay kung saan sila residente dahil hindi na sila maaaring makakuha ng alien card at ayon sa bagong batas, ang residence card (kapalit ng alien card) ay kailangang kunin mismo sa immigration. At isinasaad din sa batas na ito, na maaari lamang silang mabigyan ng serbisyo sa lugar na kung saan sila nakarehistro, kung sakaling sila ay mayroong residence card.

Dahil dito, maaaring bumalik na naman sa tulad ng dati, na maraming bata na naman ang mapagkakaitan ng edukasyon. Bakit kinakailangang maapektuhan ang mga batang walang kinalaman sa gawa ng matatanda? Kailangang pag-aralan ng mga kinauukulan kung paano matutugunan ang pangangailangan ng mga bata, ang makapamuhay ng maayos at mapayapang kapaligiran.

Wednesday, September 12, 2012

Jeepney Press Cover Autumn Edition

Jeepney Press Cover Autumn Edition
September-October 2012

Designed by Dennis Sun
www.dennissun.net


Dennis Sun

DAISUKI!
By Dennis Sun

In Memory of Juanito C. Sun
DADDY IN DA PILIPINS

Sa nakaraang isyu, I wrote about “FUN” in the Philippines. Pero sa isyung ito, daragdagan ko iyong “FUN” into a longer word, FUN + ERAL. Just a few weeks after I went to the Philippines last June, I was back there again in July not to enjoy the “Fun in the Philippines” but to mourn my dad’s passing, as in a “Funeral in the Philippines.”

My dad was supposed to die 10 years ago. Sabi ng mga doctor sa ospital, pati na rin ang mga albularyo, manghuhula, psychic at faith healers, they all agreed that wala na raw oras ang ama namin. Tatlong buwan na lang daw. He was given a life sentence already. Kaya sabi ng mga doctor niya, ibigay na ninyo lahat ng gusto niya: mga luho at bawal kasi malapit na rin siyang pumanaw. Kaya hayun. Tuloy pa rin ang paninigarilyo. Tuloy pa rin ang sugal na kuwaho at sige pa rin sa puyat. Tuloy ang kain ng mga masasarap na lutong Kapampangan. Let your dad enjoy the remaining last months of his life. Kaya siguro lalong tumagal ang buhay ng daddy ko. Kasi, lalong nag-enjoy siya sa buhay niya. Wala ng kumokontra. Lahat ng gusto niyang kainin, binibigay.

At isa pa, hindi naniniwala sa mga manghuhula si Daddy. At hindi rin siya pwedeng kumbinsihin ng mga doctor na mamamatay na siya. Malakas ang will power ni Daddy. And surely, he proved both the psychics and doctors wrong. Imagine, 3 months became 10 years long! Actually, kung pwede pa rin i-extend yon, siguradong hahaba pa rin ang buhay niya. Subalit nag-give-up na ang kanyang katawan after all those years. Sabi nga, “The spirit is willing, but the flesh is weak.” Buto’t balat na lamang ang father ko later on. Bedridden na kaya kailangan ng 24 hours na pag-aruga ng mga caregivers na sumusuko sa kanilang gawain. Kasi, minsan, 24 hours din nag-babawas at nagsusuka si Daddy. Nakaka-awa talaga siya pero naaawa rin ako sa mga nag-aalaga sa kanya.

Actually, kahit sabihin kong nag-enjoy ang daddy ko, he suffered a lot and for a very long period of time. He was undertaking dialysis treatment twice to thrice a week for 10 years. Just in case you don’t know what this is, here is a very simple illustration: ipapasok ang malaking karayom sa ugat para kunin ang dugo na ilalagay sa isang makina. Lilinisin ang dugo at ibabalik ulit ito. Matagal, mahaba at masakit na proseso. Minsan, dahil sa haba, nakikita kong natutulog na lang ang dad ko. Noong una, nakikita ko na meron siyang nakukuhang ginhawa. Pero pagdaang ng mara-ming taon, parang wala na rin epekto. Nagsisigaw ang Daddy sa loob ng ospital. Alam naming masakit pero wala kaming magagawa. Minsan, sa kanyang tulog, kaila-ngan naming gisingin para masigurado na buhay pa rin ang tatay namin. Kaya sa loob ng sampong taon, kay raming mga pinagdaanang tusok ng karayom. Kay raming mga peklat at marami pa rin mga sugat na hindi pa nagkukumpa.

True. Once the doctors give your loved one a life sentence, you start prepa-ring for the worst. We waited for 3 months. After that, the family kept telling ourselves my dad will leave us any time soon. So prepare. Prepare. Get ready. Tumagal ng sampong taon sa ka ka-prepare. Akala ko nga, ready na rin ako once that time comes. Pero hindi. When my dad passed away, I was online in Facebook. My brother relayed to me the message. Dad is gone. Of course, I was not shocked anymore. I had 10 years of preparation, diba? Pero, hindi po. The reality is, masakit pa rin. I cried and cried that night. Naubos ang dalawang boxes ng tissue paper. Para akong nagka-kafunsho. Hindi ako natulog. Gising ako hanggang umaga. I was thinking of all the good memories I had with my Dad. At tsaka iyak lang po ako ng iyak na parang bata. I was missing my dad. I had to face the reality that even if I go back home to the Philippines, wala na siya.

This is actually a difficult article to write. Because I needed to cry, pause and stop many times to continue writing this. Hayan, naubos na naman ang tissue paper.

The night before the burial, my nephew did a film tribute to my dad. Afterwards, they all let us, his children and grandchildren, give our final messages.

During my turn, I told everyone present there that I did not lose my dad. That the one inside the coffin is not my dad anymore. My dad gave up his body already and is more alive now in spirit. And I had to tell my mom that my dad is not dead. That he is with us always and that we should always talk to him as he would appreciate it very much that we acknowledge his presence.

With my dad’s demise, I began to question our funeral tradition and compare it here in Japan. Dito, hindi dini-display ang mukha at katawan ng patay. Nasa loob lang ng kabaong. Sa atin, complete with make-up and hair style. Hindi ko alam kung sino ang nag make-up kay father. Nag mukhang bakla! Super kapal ng foundation and blush- on. At yung lipstick, shocking bloody red ang kulay! Ang cheap! Ayoko nang ganito. Mabuti na lang, yung pinsan kong babae, nag prisintang bawasan ng konti ang make-up at lipstick. Pero dumikit na ang kulay sa balat kaya masagwa pa rin.

Sa atin, uso ang paglalamay at pagpupuyat sa funenaria. Ewan ko kung bakit kailangan pa ito. Bakit ba kailangan pang bantayan ang patay, eh, hindi na naman siya aalis at magliliwaliw pa kung saan.
O kaya’y manakawan pa ang kanyang bangkay. Pwede bang lagyan ng deadline ng 8 or 9 pm? Wala naman ginagawa ang mga tao sa loob. Actually, puro tsismisan lang ang nangyayari. Nagkakasala pa ang mga tao. Patawarin! Yung iba, nakiki-kamag-anak kahit walang relasyon. Sila yung dere-derechong pupunta sa kabaong at iiyak ng malakas. Mga drama queens kuno! Gusto lang makikain at makisawsaw sa handaan. Ni isa sa mga kamag-anak ko, hindi sila kilala. Pag dating sa hapag kainan, grabe silang kumain. Pag busog na, eat and run!

Pero what I love about this is the sudden family, friends and classmate reunions. Yung mga hindi mo nakikita for so many years, biglang mag sisirati-ngan. And then you ask them, “Sino po sila?” Kasi you don’t recognize them anymore. Siya pala yung crush mo sa high school! Ngayon, “crushed” na siya kasi nag-iba na ang hitsura. May tumangkad, tumaba, pumayat, lumapad, umitim, nakalbo, gumanda, pumanget, tumanda, bumata, yumaman at isa pang hindi ko mapaniwalaan… meron pang nangungutang! Ano ba naman sila? Namatayan ka na nga at hindi pa sila nahihiyang mangutang sa yo?

At eto pa. The funeral house was not adjacent to the cemetery. Kaya imagine the traffic that the procession caused in the hi-way. This would definitely create trouble to so many people especially if they are in a rush. I think funeral houses should be placed strategically near the cemeteries.

On the day my dad passed away, he was calling all the names of his children who are mostly abroad. He remembered us all even we were so far away. Dad, sorry I was thousands of miles away to hear you call my name. But I wanted in all my life to hear you call my name again. And hear you say your good-bye.

I will always think about you, Dad, and cherish all the good things you have showered us. You have done so much to the world by raising the best kids who will carry on your legacy of helping other people. You may not have been the perfect dad, but you are the best dad!



Alma R. H. Reyes

TRAFFIC
by Alma R. H. Reyes
Beat the Heat

There is a lot to be said about the heat and humidity that swept Japan these past months. Despite coming from a tropical country, one never stops to complain about the heat… heat… heat… The extreme humidity is just so overwhelming that, especially for myself, I would find myself completely laid back, lethargic, not being able to function well, think well, nor eat well. Many Japanese actually develop a kind of sickness due to the heat, with some elderly people collapsing in their homes.
   
Last year, after the colossal nuclear plant explosion, there was the “setsuden” (electric power savings) mode that ruled all over Tokyo, especially. It was equally discomforting to go to shopping malls, stores, and train stations with air-conditioning controlled at 28 C; line up behind one escalator because the rest of the escalators were blocked; and crowd behind turnstiles because the rest of the turnstiles were also blocked. This year, however, the “setsuden” mode did not seem as harsh as last year. In fact, it felt like the Filipino “ningas cogon” wherein we start with something but don’t continue it later. Did the Japanese have enough of “setsuden?” Did they already learn from their mistakes? Of course, the answers are NO. But, whatever and however they plan to do to maintain social consciousness in energy saving, one can only hope they do it wisely and sincerely.


Japan, According to the Book of Jobs

   
You know how they say, when it rains, it pours? Japan’s economy is said to be going down the drain, with increasing unemployment in the air. Many people have been losing their jobs; many businesses have been closing down. And, many still cannot find job replacements. The first step in preparing for a job hunt in Japan is to organize your “rireikisho,” the Japanese curriculum vitae. Many of us may have seen this one folded sheet, with items listed that you just need to fill up. It is not like the Western-style curriculum vitae, where you practically have to draft it by yourself, enumerate your past work experiences and current potentials and credentials. In the Japanese rirekisho, the format is summed up to your educational profile, work profile, hobbies, and any certificates you may have garnered, with of course your address, date of birth and photograph. This format has been used for generations, without a single amendment; whereas in the Western-style curriculum vitae, the date of birth and photograph are sometimes omitted, and your personal profile is trimmed for a more customized outline to suit the specific company or establishment you are applying for.
   
Nobody likes job interviews. I’m certain, likewise, that many of us who work in this country, have had nightmare experiences with job applications. I certainly have. I can never forget one of my very first job interviews in Japan. I was fresh out of the university and had neither knowledge nor preparation on what a job interview in Japan would look like. In fact, on the same day of my job interview, I had an appointment to go to Kamakura to spend a day with a Japanese acquaintance working for Matsushita Corporation. As it was a pleasure trip to Kamakura, I merely wore a casual long skirt and blouse. Having badly estimated my train schedule back to Tokyo, I showed up late for my interview, in one of Japan’s biggest multinational companies, the Mitsubishi Corporation. I was on the phone several times informing my in-house contact at Mitsubishi that my train was running late. She started to panic for me and kept reminding me to hurry. When I arrived at Mitsubishi, I was sweating with a mix of anxiety and tension, knowing that I arrived late. My friend escorted me quickly to the interview room. I did not even have time to pass by the ladies’ room to groom and calm down myself. When I opened the door, I thought I would have a heart attack. There was a long table with about more than fifteen if not more, manager-looking businessmen in suits seated, looking and waiting for me impatiently. And, I showed up in a casual long skirt and blouse! My friend did not inform me it was going to be a panel interview. I imagined the whole time it was going to be a man-to-man interview. There was a single chair in the middle of the room, which was obviously my seat. I entered bowing with an apologetic face, feeling so small and timid, grossly embarrassed. After I expressed my apologies for my tardiness, one of the managers spoke, “So...how was Kamakura?” Ughhhhhh…… Do I have to conclude if I got the job or not?
   
You probably see how around February or March, many young women walk hurriedly in the streets, train stations and outside office buildings. They wear typical black business suits (skirt and blazer) and white undershirt, black shoes, and a black bag. For men, it is the same: black suits, white undershirt, and a black portfolio. This is a typical and standard “get-up” for a typical job interview for a typical Japanese company. You would not dare show up in any other attire as this, or Japanese would simply think you “don’t fit.”
   
School interviews are the same. Fathers and mothers dress up in business suit attires—for mothers, normally in dark blue color, and dark blue or black pump shoes. Their children, as young as kindergarten-age, likewise, dressed in crisp children’s suits: business-like short pants for the boys; and smart-looking black or dark blue dresses for the girls. Dress code is such an essential factor in formal interviews in Japan.
   
When you are over 30 or 35, the job market in Japan is very hard to penetrate; double the difficulty for women. Like in any other setting, you would end up with not what you know, but whom you know.
   
I did some part-time private English teaching when I was still studying in the university. During those years, one could earn an hour’s teaching job for twice the rate being given today. What a shame!
   
Yes, times have changed. And, no longer as rosy as we wish to imagine…

Motto gambarinakya!!!!



Jasmin Vasquez

Ano Ne!
ni Jasmin Vasquez

Basurang Tinapon N’yo, Babalik Din sa Inyo!!!

Alam nyo po ba na pumapangalawa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakaramaming basura sa buong mundo sa karagatan? Pinangungunahan ito ng Estados Unidos at pumapangatlo naman ang Costa Rica.

Ayon sa Ocean Conservancy, may 1,355,236 piraso ng basura ang na-recover mula sa mga bahagi ng karagatan at baybaying-dagat ng Pilipinas sa kanilang isinagawang International Coastal Clean-up noong Setyembre ng nakaraang taon. Nanguna sa listahan ang Estados Unidos sa pinakamaraming basurang nakuha, na umabot sa 3,945,855 piraso. Ikatlo ang Costa Rica na may 1,017,621 piraso.

Isa ito sa pinaka-malaking problema ng ating bansa. Ang kawalan ng disiplina at walang tigil na pagtatapon ng mga basura sa ating karagatan. Kaya namamatay ang ating mga yamang-dagat sanhi ng polusyon sa tubig.

Nangununa sa listahan ng mga bagay na nakuha sa dagat ay ang mga plastic bags, paper bags, at food wrappers, basura ng sigarilyo (gaya ng upos filter at kaha), at diapers. Gayun din ang ilang mga piraso ng damit at sapatos.

Dahil dito, tuluyan ng nangamamatay ang mga isda sa dagat at ilog na isa sa ating ikinabubuhay. Magtataka ka pa ba kung wala ng mahuling isda ang ating mga mangingisda?

Nakakatakot isipin ang hagupit ng dagat kapag tayo ay siningil sa ating pag-aabuso sa pagtatapon ng mga basura. Mayroon tayong kasabihan na kung ano ang iyong itinanim ay sya mong aanihin. Kung kaya ang mga basurang mga itinapon mo sa ating karagatan ay maaring bumalik sayo.

Katunayan unti-unti na tayong sinisingil ng dagat sa ating mga pag-aabuso. Ilang beses ng bumagyo sa Pilipinas at habang tumatagal pataas ng pataas ang level ng tubig sa umaahon mula dito kasabay ng mga basurang tinapon nang mga tao.

Huwag nating abusuhin ang karagatan. Simulan nating disiplinahin ang ating mga sarili mula sa pag hihiwalay ng mga basura ayon sa kani-lang uri. Paghiwalayin ang mga nasusunog at di pweding sunugin; ang mga plastic, papel, bote at lata na maari pang i-recycle at pakinabangan.

Maging aral sana sa atin ang mga larawang ito upang maiwasan nating mangyari ulit sa atin ang ganitong klaseng sakuna.


Marcial Caniones

ITLOG na  PULA
by Marcial Caniones

‘Pinas Pa Rin!

Alam kong miss na miss ‘nyo na ang fish ball na nasawsaw sa maanghang na suka at sabay lagok sa malamig na gulaman.

Sigurado akong hindi ‘nyo rin makalimutan ang iyakan, bilinan at yakapan blues nuong hinatid kayo sa Airport sa Maynila. Sariwa pa rin sigurado sa inyong mga ala-ala ang umaa-lingasaw na amoy ng diesel ng mga jeep at ng ingay ng mga naghaharurutang mga bus na makabasag tenga sa EDSA.

Katakam-takam pa rin ang huling kurot mo sa balat ng litson at mamanti-mantikang napag-ipitang laman at taba na hinagod sa manamisnamis na malapot na sarsa. Na miss mo rin ba yung inihaw na bangus na may makapal na taba ng tiyan na nasawsaw sa toyo’t kalamansi na may dinikdik na siling labuyo? Ang mala-dagat na amoy ng grilled pusit na may maraming palaman na sibuyas at kamatis?

Parang nakakagutom, di po ba?

Sige mag himagas muna tayo.

Ang sarap ng halo-halo na may patong na halayang ube at leche flan at mara-ming gatas evaporada, at habang hinahalo ito ay dahan-dahang sumisi-ngaw pataas ang mala-usok na lamig mula sa pinong kinudkod na yelo na malumanay na humahaplos sa iyong mukha.

Miss mo na ang Pilipinas no?

Ako hindi!

Paano ko naman kasi mamiss ang Pinas eh, araw-araw kong naririnig ang matining na inagay ng mga busina ng jeep! May businang parang umiiyak na bata, may businang parang humahalak at may businang parang hagulgol ng kabayo! May mga jeep na nagbababa sa gitna ng kalsada. May mga pasakay na pasahero nag o-overtakan sa pila. Ika nga ‘Only in the Philippines’.

Araw-araw pa rin akong nakikipagsiksikan sa bus…“kuya kaunting usog po bandang likod… marami pa pong sasakay na pasahero” madalas sigaw ng kundoktor…hanggang na punta ako sa dulo at nang malapit na akong bumaba ay sumigaw ako ng “para...para!” at lumampas na ako ng dalawang kanto mula sa aking bababaan dahil kailangan ko muling makipagsik-sikan palabas ng bus at sasalubungin ang mga nakataas na kili-kili na nakaumang sa aking mukha na may halo-halong masangsang at makahimatay na amoy. Hay, naku po nga naman.

Araw-araw ko rin naa-amoy ang usok sa kalsada na hindi galing sa mga jeep at bus, kundi galing sa mga napakahabang hilera ng mga walang tigil na nagpapay-payang mga tindero’t tindera sa kanilang mga bina-bar-b-q sa kanya-kanyang mga ihawan sa side walk - bitukang manok, leeg ng manok, paa ng manok, ulo ng manok, balat ng manok, puso ng manok, atay ng manok, dugo ng manok, puwit ng manok, kahit nga palong ng manok; kulang na nga lang pati balahibo at kuko ng manok. Sa sobrang usok, mabubusog ka na sa amoy ng mga sari-sari bahagi ng iniihaw na manok.

Halos araw-araw din ay sardinas ang ulam ng mga kapit-bahay, mura na tipid pa sa Gasul. Ang teknik- bukas… tak-tak instant ulam na. Ihalo sa mainit na kanin gamit ang kanang kamay, pigaan ng kalamansi, kung walang kalamansi buhusan ng kaunting suka at budburan ng ga-kurot na asin, ipatong ang kanang talampakan at paa sa gilid ng upuan at isakbit ang braso sa tuhod, e halo ng mabilis ang sardinas sa mainit na kanin gamit uli ang kamay, at ihipan-hipan ang binilog-bilog na mainit at mausok-usok na kanin gamit pa rin ang kamay. Hayun... parang buhay Don at Dona kana… walang ka proble-problema.

Puro iyakan din ang mapapanuod sa TV lalo na’t wala kang cable at umabo’t ka sa bahay ng alas 6 ng gabi hanggang 9 na ng gabi. Lahat ng channel may drama. Ang mga karakter sa mga Telenobela ay hindi nagbago simula pa nuong panahon ng Flor de Luna- Ang Inay, iyakin; Ang Tatay, lasenggo; ang Anak, malikot; Ang Biyenan, matapobre; Ang Tiyahin, masungit; Ang kapit-bahay, tsismosa; Ang kapit-bahay na babae, malandi; Ang kapit-bahay na lalaki, rapist; Ang kapit-bahay na bata, abnormal; Hay, puro negatib ang napapanood!

At ang pampalubag loob at ang matinong karakter lang sa telenobela ay ang Aso.
Opo… ang aso lang ang matino! Siya lang po talaga…kasi ang may…MAGIC!

Siya po ang nagbigay ng swerte sa lahat ng mga karakter ng telenobela. At papaano ba naman ika ‘nyo? Tumatae siya ng ginto…siya ang nagpayaman sa lahat ng mga karakter at nagiging masaya ang lahat!

Wala ng- iyakin, lasenggo, malikot, masungit, tsismosa, matapobre, malandi, rapist, abnormal…dahil kung hindi sila lahat magtitino, hihinto siya ng kakatae ng ginto!

So… ‘nung pag alis mo, ganuon para rin ang Pinas…

Pero mayroon din naman unti-unting nagbabago, dahan-dahan na nagbabago, makatutuhanang pagbabago.

Yung mga padala mo:

Nabawi muli ang lupa na isinangla ni ‘Itay para ikaw ay makabiyahe.
Si Jun-Jun, natapos din ng Information Technology.
Hayun, pinapasada na ni Mister ang jeep na hinuhulagan mo.
Nakakakita na ng maayos si Lola Ising sa tulong mo sa pagpapa-opera.
Salamat daw sa wheelchair na binigay mo kay tiyo Edgar.
Ninang ka raw kay Ate Mila sa kanyang kasal, salamat daw sa bigay mong panghanda.
Yung laptop, tuwang-tuwa si lolo dahil nakausap ka niya sa internet kahit malayo ka.
Sa wakas matatapos na rin ang pangarap mong bahay.
Hiniram nga pala sa barangay ang Magic Sing na binili mo, fiesta kasi.
Na-operahan na rin sa atay si Binoy at malakas na siya ngayon.
Marami ring tambay ang nakakapag trabaho sa tinayo mong gawaan ng suman.

Hindi mo man wari,
hindi mo man ramdam,
hindi mo man alam…

Bahagi ka pa rin ng napakalaking pagbabago!

Una para sa pamilya... unti-unting…
dadaloy…

Para sa Bayan.

Loleng Ramos

KAPATIRAN
by Loleng Ramos

Ang SEMI

Sa paglabas ng issue na ito, tapos na muli ang ingay ng mga “semi” o cicada.  Malaki man ang pagkakaiba, katulad ng pagtatapos ng season ng Sakura, pareho ang pakiramdam na hinahatid nila sa akin, lungkot.  Isang taon muli bago bumalik ang kantahan ng mga semi!  Katulad ng mga mga taong mahilig mang-asar, hahanap-hanapin mo kapag nawawala pero kapag nag-iingay, kung pwede lang lagyan ng zipper ang bibig!

Bakit nga ba sila gumagawa ng ganyang ingay?  Ito raw ang tinatawag na courting song, mga lalaking semi (male cicada) lang ang gumagawa ng ingay, harana baga at eto ang mag-aakit sa babaeng cicada. Kapag napasagot ng Floranteng semi ang babae, ang mabilis na pagaspas ng pakpak ng cicadang Laura ay nanga-ngahulugan ng matamis na “oo”.  Kapag sabay-sabay silang umaawit, eto naman ang ‘cicada chorus’ at eto din ang ingay na kina-kagisnan ko sa bawat umaga ng Summer.  Paano ba naman ako hindi malulungkot kapag wala na sila, ang ibig sabihin din nito, tapos na ang Tag-init at susulong na naman ang mahabang panahon ng Tag-lamig.  Para sa akin din, nakakasaya ang ingay ng mga semi, nakakasigla at tunay na nakakamangha.  Merong mga oras na pinapakinggan ko sila habang ako ay nagmumuni-muni; ilan kaya silang nagkakantahan (iba-iba ang banda, ang bawat uri ng semi ay merong sariling himig), hindi kaya sila namamaos? Bakit pati sa gabi ay meron pa ding maiingay na semi?  Ang kantahan nila ay buong araw at magdamag, tumitindi ito kasabay sa pagtaas ng temperatura, dahil angkop ang init sa mga insektong ito, mas mainit ang panahon, mas ganado sila sa kanilang musika.  Depende din sa uri, merong kumakanta sa umaga, sa katanghalian o sa gabi.

Binabalik din nila ang ala-ala ng aking kabataan, sa tuwing nagbabakasyon ako sa probinsya noon, ang ingay ng mga kuliglig (cricket) para sa akin ay music din.  Gabi naman kapag marinig ko sila, sa pagtatapos ng aming paglalaro bago mag-hapunan, nag-uumpisa na silang magkantahan, para silang patrol na nagsasabing uwi na sa bahay at naka-abang na ang pamalo dahil madilim na ay nasa labas pa ng kami ng bahay.  Subalit hindi lamang pamalo ang nawawala ngayon sa mga bata, pati na rin ang mga kuliglig.  Sa aking mga pagbabakasyon habang ako ay lumalaki na (o tumatanda) kahit na inaabot na ako ng madaling araw sa kalye, wala pa rin ang mga kuliglig, hinahanap-hanap ko ang ingay nila na ‘music to my ears”.  Siguro dahil nawala na rin ang bukid, subdivision na ngayon, siguro din dahil mas maingay na ngayon sa mundo.  Ang mga batang nagpapatintero noon habang maliwang at bilog ang buwan sa gabi ay nasa loob na lang ng mga bahay ngayon at naglalaro ng Nintendo.  Halos lahat ay wala ng panahon na makinig sa kanila.  Nakakalungkot di ba kapatid? Sa ating tinitirhan ngayon dito sa Japan, ikatuwa natin sa halip na ika-inis ang ingay ng mga semi.  Napakahabang panahon ang inilagi nila sa ilalim ng lupa, depende sa uri; merong isa, dalawa, labin-tatlo hanggang labing-pitong taon sa ilalim ng lupa.  Sa kanilang pag-labas, handa ng mag-palit ng anyo, handa ng mag-pamilya, handa ng makita ang mundo sa buong kaliwanagan nito, tamasahin ang buhay!.  Ito na nga ang umpisa ng sa kanila ay “Utawit”.  Makisaya tayo sa kanila.  Makidiwang tayo sa buhay nila, sa loob din ng napaka-ikling panahon  pagkatapos mangyari ang sagot sa ‘utawit’,  sandali lamang, araw o ilang lingo at tuluyan na silang mama-alam sa mundo, tapos na ang kanilang buhay.  Nangyari at natapos na ang sa kanila ay layunin, ang bumuo ng susunod na buhay.

Sa molting (pagpapalit ng anyo) ng semi, iniiwan nila ang kanilang lumang talukap (exoskeleton o empty shell).  Meron akong napanood sa telebisyon na artist na nangongolekta nito at gumagawa siya ng work of art katulad ng sculpture mula rito, nakakabilib!  Kung sa iba ay medyo nakakakilabot ang pinaghubarang ito ng semi, sa kanya ay isang medium (paraan) sa pagpapahayag ng kanyang sining (Art).  Maraming katulad niya na hindi sa ingay ng insektong ito tinutuon ang pansin kundi sa hinahatid nitong inspirasyon at simbolo.  Hindi lamang dito sa Japan kundi sa maraming parte ng mundo, noon pa mang panahon ng sibilisasyon ng Greko, ang semi ay nagbibigay ng pagpapakahulugang malayo sa kung paano sila tingnan ng maraming tao.   Reincarnation, Rebirth, o pagkabuhay na muli.  Nong una akong makakita nito akala ko ay nakakalat na patay na insekto, lumang damit pala, lumang sarili.

Sa ating buhay, pwede din ito mangyari, kung tipong pakiramdam natin ay handa na tayo sa isang bagong hinaharap, sa isang pagbabago sa ating sarili, kailangan nating magbago din ng anyo.  Kung dating mahiyain tayo at sobrang kiyeme na wala tuloy tayong nakukuhang kaibigan o ka-ibigan, panahon na iharap natin sa mundo ang taglay nating katangian.  Kung sa ngayon naman ay sobra tayo sa pagpapakita ng ating katangian, mas maganda sigurong itama natin ang ating anyo, tamang pananamit, pananalita, pamumuhay, bagong ako!

O di ba kapatid, ang ingay ng semi ay isang kundiman, klasik!  Libo mang taon ang nakaraan, ang kanta nila ay pareho pa rin, ang simbolo nila ay pareho pa rin.  Ang mabuhay na muli ng may kahulugan, layunin, lalim!

Anita Sasaki

KWENTO Ni NANAY
by Anita Sasaki

Tahanan Ni Nanay
Ikinagagalak ko pong sabihin na meron na tayong Tahanan Ni Nanay (TNN)! We have transferred to the newly opened TNN last July 29.

Hindi po napakadali ang kwento ng tahanan. There were so many trials we have gone through but because God is with us, everything went out smoothly. When we saw this place last March of this year, they tried to save the place for us even after 4 months had passed. They waited until we had the money for deposit and advance. We got our Japanese friend to sponsor us but the owner of the building wanted the guarantor’s company. It means there would be an additional payment for the company. Then, they wanted us to give a copy of our bank account with at least 600,000 yen. Ami Banzon and Direk George said we don’t even have 10,000 yen. We thought that was the end of it. But God is good! We really have a good provider because there is no problem bigger than GOD! Suddenly, we got an answer to our problem. I told myself, “If God is with you, who will be against you?”

The place is very
accessible to visit as it is only 1 minute away on foot from the station, HIRAI station. The place and the location are perfect! Everything just came in the right places.

So, we are inviting the youth to come by and visit the Tahanan ni Nanay. Whether you are a full blooded Pinoy, Japanese or half, you are welcome to join us. We are open to help you in anyway we can. We would like to teach our youth the good side of life. We teach them different skills, motivate them to follow their dreams, and teach them the good Filipino values.

Dalhin po ninyo ang mga anak ninyo rito para mag-enjoy sila sa kanilang buhay sa Japan. Aantabayanan ni Nanay ang mga anak ninyo para magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Tuloy po kayong lahat sa Tahanan ni Nanay!

Jeff Plantilla



Isang Araw sa Ating Buhay
Jeff Plantilla

Paalis na ako, isang araw, sa Kibo no Ie na lugar na ginagamit para sa mga multicultural activities sa Kyoto shi, nang makita ko ang isang pamphlet na ipinamimigay nang libre. Ang titulo ng pamphlet ay Paye=an Ro (Let’s Go). Kakaibang salita, dahil ito ay salitang Ainu. Hindi ko sigurado kung alam ng marami sa mga Pilipino sa Japan ang kasaysayan ng mga Ainu, ang kasaysayan ng pagpupunyaging patuloy na buhayin ang isang lahi at kultura sa gitna ng malakas na agos ng kulturang Hapones at nang mga Hapones mismo.

Ang Ainu

Sinasabing minorya sa Japan ang mga Ainu dahil sila ay may tanging lahi (may naniniwala na may lahi silang Caucasian), at may tanging kultura, paniniwala, pagkain at iba pang bagay.

Ayon sa kasaysayan, sinakop ang mga lupang Ainu ng mga Hapones mula pa noong 18th century. Naging bahagi ang mga lupang ito ng imperyo ng Hapon. Ang pangalang Hokkaido, kilalang lugar ng mga Ainu sa ngayon, ay bigay na pangalang Hapones. Ang pagkakasakop na ito ay hindi naging mabuti para sa mga Ainu. Ipinagbawal sa eskwelahan at pamahalaan ang kulturang Ainu kasama na ang kanilang mga wika upang sila ay mapasama nang lubusan (assimilate) sa lipunang Hapones. Itinuring ang kanilang kultura na mas mababa sa kulturang Hapones. At nakuha ng mga Hapones ang marami sa kanilang lupa.

Dahil sa ganitong kalagayan, maraming Ainu ang lumikas. Mas marami pa raw ang Ainu sa Tokyo kaysa sa Hokkaido. Maraming nagtago ng kanilang tunay na pagkatao, dahil natutunan na nilang ikahiya ang sarili bilang Ainu.


Discrimination

Hindi nalalayo ang kalagayan ng mga Ainu sa Japan sa kalagayan ng mga katutubo sa Pilipinas.

Naaalala ko nung bata pa ako, madalas sinasabi ng mga matatanda sa aming mga bata na kung hindi kami magiging mabait kukunin kami ng mga Ita (Aeta). Nguni’t naaalala ko rin ang paminsan-minsang pagdalaw ng mga Ita (kadalasang mag-ina) na naglalako ng mga katutubong gamot. Hindi sila kinatatakutan (maliban sa ilang bata) at hindi sila itinataboy. Bagkus binibili ang kanilang mga panindang gamot.

Yung mismong bayan namin sa Laguna ay maaaring dating lupang Ita. Mas maraming kalahi ko ang nanirahan sa lupang yon at kaya maaaring ang mga Ita ang nawala daang taon na ang nakalipas. May mga lugar sa Probinsiya ng Aurora na ang mga pangalan ay nasa wika ng katutubo dahil sila ang nagbigay ng mga pangalang yon. Sa ngayon, ang mga lugar na ito ay barangay na ng mga hindi katutubo.

Sa aking karanasan, iisa ang istorya ng mga katutubo sa Pilipinas mula Luzon hanggang Mindanao. Pare-pareho silang naagawan ng kanilang lupa. May mga katutubong sa nais na matulungan ang mga dumayo sa lugar nila ay nagpahiram ng lupa. Nguni’t hindi na ibinalik ang mga lupang ito sa paglipas ng panahon. Iniisip ng mga katutubo na nangangailangan din ng lupa ang ibang taong mahirap kaya nagpapahiram sila ng lupa. Nguni’t hindi nila inakala na hindi igagalang ang kanilang karapatan sa lupa. May mga nakatanggap ng isang karton ng sardinas na akala’y regalo lamang, yon pala ay bayad na sa lupang kinuha. May isang NGO worker na umakyat ng bundok sa kanyang probinsiya at nagulat nang makitang may katutubo pala sa lugar nila. Tumanda na siya sa probinsiyang yon nguni’t noon lamang niya nalaman ang mga katutubong naninirahan sa bundok. Kaya’t paulit-ulit na ring itinatanong ng ilang katutubo na kung patuloy na aagawin ang kanilang lupa, saan na sila pupunta? Sa tuktok ng bundok?

Iisa rin ang istorya ng mga kabataang katutubo, nahihiya sila sa kanilang identity bilang katutubo. Mabuti na lang at may mga programang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanila na ipagmalaki ang pagiging katutubo. Sabi nga ng isang dalagitang Aeta sa isang TV report tungkol sa isang Aeta Beauty Contest sa Central Luzon, hindi dapat ituring ang mga Aeta na mas mababang uri dahil sa kulay ng kanilang balat. Sabi pa niya, sila ay tao rin na nasasaktan sa panglalait ng iba.


Pagbabago

Matagal na panahon bago nagkaroon ng pagbabago sa pagtrato ng pamahalaan sa mga Ainu. Nito lang 1990s nagkaroon ng batas na kinikilala ang halaga ng kulturang Ainu. Ito ay dulot ng patuloy na kampanya ng ilang lider Ainu at mga kasamang grupo na naniniwalang hindi dapat manatili ang pagmamaliit sa mga Ainu dahil ito ay labag sa kanilang karapatang pangtao. Nakarating sila sa mga pulong ng United Nations sa New York at Geneva para mapilit na harapin ng pamahalaang Hapon ang hindi tamang polisiya tungkol sa mga Ainu.

Sa pagpapakahirap ng isang lider na Ainu na miyembro ng Diet, at ng mga kasamang grupo, naisabatas nung 1997 ang pagkilala sa kulturang Ainu at pagtalaga ng tulong sa pagpapatuloy at proteksyon sa kulturang ito.

Nung 1997, hindi pa rin kinikilala ng pamahalaang Hapon ang mga Ainu bilang mga katutubo. Sila ay cultural minority lamang. Nung 2008 lamang nagpasa ng resolution (hindi batas) ang Diet na kinikilala ang Ainu bilang katutubo o indigenous people.


Museums

Nakasulat sa Paye=an Ro ang mga museums sa Japan na may display tungkol sa Ainu.

Mahalaga ang mga museums na ito para sa pagpapakilala ng mga bagay-bagay tungkol sa Ainu. At baka makatulong din ang mga ito sa mga Ainu mismo sa kanilang pagsisikap na manatiling buhay ang kanilang kultura, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, at iba pang bagay.

Ang Pilipinas ay may ilang museums o lugar na nagpapakilala din ng mga katutubo. Isa na riyan ang Baguio Museum na nagpapakita ng mga materyales ng mga katutubong komunidad sa Cordillera. Meron namang Mangyan Heritage Center sa Calapan (Oriental Mindoro) na isang "library, archive, and research & education center" para maipakilala ang yaman ng 8 katutubong komunidad sa buong isla ng Mindoro. Ang bawa't isang komunidad na Mangyan ay may sariling pangalan, wika at uri ng pamumuhay. Sa mga T'Boli sa Mindanao, ang Sta. Cruz Mission sa Cotabato ay may record ng mga awit, sayaw, pananamit at pamumuhay ng mga T'Boli upang lalo pa silang mapangalagaan, at nang maibahagi rin ang mga ito sa ibang Pilipino.


Eskwelahan

May isang ideya na dapat pahalagahan ang indigenous knowledge at dapat maging malaking bahagi ito sa pag-aaral ng mga batang katutubo. Ilang indigenous schools na ang naitayo na sumusunod sa ganitong paniniwala sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Ang isang documentary tungkol sa pagpupunyagi ng mga katutubo mismo ay nanalo ng 2003 Japan Prize ng NHK. Ito ay ang documentary na may titulong "School of the Highlands." Nagustuhan ng mga kasapi ng 2003 jury ng Japan Prize ang sinasabi ng mga matatandang katutubo na ang pagkakataong makapag-aral ng mga batang katutubo ay iiral sa pamamagitan lamang ng kanilang sariling pagsisikap. Ang mga eskwelahan na ito ay sinusuportahan ng Asian Council for People's Culture (ACPC) sa pamamagitan ng proyektong Schools for Indigenous Knowledge and Traditions (SIKAT). May ilan pang indigenous schools sa ilang lugar sa Pilipinas tulad sa Mindoro (TUGDAAN) at sa Davao (Pamulaan, na isang college na bahagi ng University of South Eastern Philippines).


Katutubong yaman, pambansang kayamanan

Sa aking tingin, ang aking identity bilang Pilipino ay mas yumayaman kapag lumalakas ang pagpapahalaga sa katutubong kultura ng Pilipinas.

Kaya nararapat na ipagdiwang at ikagalak ang kulturang katutubo sapagkat ito ay yaman ng bansa.

Sana ay lumakas din ang pagtingin ng nakararaming Hapones sa kahalagahan ng pagpapatuloy ng Ainu bilang isang komunidad at katutubo.

Renaliza Rogers

SA  TABI   LANG   PO
Ni Renaliza Rogers

Waterproof
Medyo sumobra ata sa pag luha nitong mga unang araw sa buwan ng Agosto ang kalangitan ng Pinas. Umulan ng umulan hannga't sa bumaha sa karamihan ng lugar sa Luzon. Alam naman nating karaniwan na lang ang baha sa Pilipinas kaya't medyo carry lang naman. As usual, walang klase ang mga estudyante, uso ang mga evacuation centers at lumantad na sa publiko lahat ng nakatagong basura. Alam kong nakakalungkot ang bahain ng lagpas tao sa maraming lugar at meron ding mga namatay. Paumanhin po pero hindi ito ngayon ang focus ng sinusulat ko ngayon.

Nakakatuwa makita na kahit binabaha na at lahat ang mga kabahayan ay nagagawa pa rin ng mga Pinoy na ngumiti at magpa-picture.  Andami kong nakitang mga picture ng mga taong nagkakatuwaan na lamang at ngumingiti sa kabila ng pagbaha sa kanila. Merong nagpapa-picture sa loob ng bahay nilang lubog sa tubig na wari mo'y proud na proud sa mga ari-arian nilang pa lutang-lutang sa loob ng bahay. Merong mga dalagang nagpapa-cute sa salamin habang may swimming pool sa kwarto pero abot tenga ang ngiti at naka peace sign pa. Mayroong lalaking nagsuot ng kumot na ginawang buntot ng sirena at umupo sa bato. Instant Dyesebel in floodwater. Uso ngayon ang Olympics kaya't may nagsuot ng swimming goggles, pumatong sa mesa at pumusisyong kunwari ay ready nang mag dive. At ang pinaka-nakakatuwa ay yung litrato ng dalawang lalaking nag-iinuman sa ulan habang nasa gitna ng baha.

O di ba? Kapag bumaha sa Pilipinas, wagas! Oo, nakakapanglumo kapag binaha ang kabahayan mo, pero wala ka na namang magagawa eh kundi ang maghintay na humupa ang baha. Alangan namang mag-mukmok ka na lang ng mag-mukmok, kaya't make the most out of the situation na lang ang mga Pinoy. Nagagawa pa rin magkatuwaan na parang wala lang.

Sa ibang bansa, kapag may dalubyo o baha, akala mo'y end of the world na. Wala kang makikitang picture na ngumi-ngiti or nagkakatuwaan sila. Puro umiiyak at wari ba'y napaka- helpless na nila. Kung tutuusin eh mas mayayaman sila kaysa sa atin pero hindi nila alam kung ano ang gagawin kapag may kalamidad kasi hindi sila sanay dito. Oo mas marami silang kagamitang pang rescue pero and mga tao halos sa rescue na lahat umaasa. Iba nga naman talaga siguro kapag sanay na sa kalamidad tulad natin, parang wala na lang. Parang usual na lang. Kanya-kanyang akyatan ng gamit para hindi mabasa, kanya-kanyang akyat sa bubong at makipag-sigawan sa kapit bahay kung mayroon pa ba silang gatas dahil si bunso ay kailangang dumede o di kaya'y extra sanitary napkin kasi meron si Nene.

Dito, lahat napapakinabangan. Walang bangka? Eh di gamitin ang interior ng gulong para lumutang, kahit kabaong na walang laman pwede na ring gawing bangka. Mga sanggol nilalagay sa labador o planggana habang naglalakbay sa baha para lumutang. Nakakatawa pero totoo. Dito lumalabas ang resourcefulness at camaraderie ng mga Pinoy. Wala nga kaming pera pero carry lang din...

Ngayon eh maiba naman ako, bakit bumaha? Oo, umulan ng umulan ng sobra sa isang araw lang. Pero ang totoo noon ay bumaha dahil sobrang barado na ang mga drainage system, punong-puno ng basura kaya't hindi na maka-agos ang tubig baha. Andaming nagreklamo at sinisi na naman ang gobyerno. Anak ng--! Lagi na lang gobyerno ang salarin! Ang tanong, naranasan mo na bang magtapon ng basura sa kanal dati? O di kaya'y basta na lang nagtapon kung saan-saan? Kung ang sagot ay oo, eh di wala kang karapatang magreklamo kung bakit bumaha!

Lahat siguro ng Pilipino sa mundo ay nagtapon na ng basura sa paligid. So ibig sabihin ay walang sinuman ang pwedeng mag-reklamo kung bakit bumaha. Nakakadiri ang tubig pero i-enjoy mo na lang at kasalanan mo rin naman eh. I-reserve mo na lang ang pagmumukmok once humupa na ang baha dahil kailangan mo nang linisin lahat ng putik sa bahay mo.

Haay, ang Pilipinas nga naman, mala paraiso pero puno naman ng mga taong matitigas ang ulo. Okay lang kasi ang tigas ng ulo din naman minsan ang nagbibigay sa atin ng kakayahang mag survive. Bagyo, baha at kung anu-ano pa, kaya yan basta Pinoy! Tulad nga ng sisasabi nila, "THE FILIPINO SPIRIT IS WATERPROOF."

Isabelita Manalastas -Watanabe

ADVICE NI TITA LITA
Take It Or Leave It!
by Isabelita Manalastas -Watanabe

Dear Tita Lita,

How do you forecast the value of dollars in the future? Would you advice to buy dollars now and save them until their value comes up again in the next few years? Or I would just stick with my yen, which is what I'm earning from my company?

Dory



Dear Dory:

Iyan ang one million dollar question!  Kung masasagot natin iyan precisely, siguradong yayaman tayo (or mayaman na, if we could have predicted in the past what would have happened to the currency market in the future).

I was assigned in Europe for 4 years, from 2006-2010, and I was receiving Euro for my salary.  I remember exchanging Euro for the Yen while I was there, and I received Yen 145, for my Euro 1. 

If I still live in the Euro zone and spend in Euro – it does not make any difference for me whatever happens to the value of the Euro against the Yen or the US$.  I earn in Euro, and I also spend in Euro. 

But to convert my Euro savings now into Yen, that is where it will hurt, and hurt badly.  I am back in Japan, and converted some of my Euro savings into Yen in July, and I got a little over JPY 90 Yen for Euro 1, or a loss of around 38% of the value of my Euro savings in terms of Yen.

If you earn in Yen, and you live in Japan and spend in Yen (for your apartment, for your daily living expenses, etc.), it does not make any difference whether the yen is strong or weak against the US$.  Earn in Yen, spend in Yen.

Your savings in Yen is another matter.  In terms of US$, your Yen 80,000 is now equivalent to around US$1,000 (@Yen/US$ = 80).  If you think those who predict that the Yen will strengthen further against the US$, to Yen 50 (yes, JPY 50!!! – this prediction appeared in one Japanese magazine), then your Yen 80,000 will then be worth more in US$ - to US$1,600!  (Yen 80,000 divided by 50).  If the Yen/USD rate goes to JPY 100, then your JPY 80,000 will be worth US$800 (Yen 80,000 divided by 100).The same amount of Yen, but different equivalent in US$, depending on how strong or how weak the Yen is/will be against the US$.  I personally think that Yen 80 = US$ 1 is already a very good exchange rate if you want to convert some of your savings into US$.  But I also think you should go for not more than 20% of your current savings.  This is the rule of thumb, when making “unsure” investments like stocks, etc. You should also be willing to wait for at least another 2 years, hoping for the US$ to regain its lost strength against the Yen, and then convert back your US$ back into Yen.  Remember that there is at least a Yen 2 cost for every US$ currency conversion.

Always remember:  currency speculation is really a gamble – you may win big, but you may also lose big.

Tita Lita
 

Dear Tita Lita,

Permanent resident na po ako ng Japan for more than 30 years. Naguguluhan po ako ngayon kung saan ako mag re-retire in a few more years. Gustuhin ko man sa Pinas, pero para na rin akong turista doon. Hindi ko na rin alam ang mga pasikot-sikot sa atin. Well-adjusted na po ako sa Japan at feeling at home na rin ako dito. Kapag umuuwi sa Pinas, parang hinahanap ko yung disiplina ng mga tao sa Japan, yung modern technology, cleanliness and safeness. Kapag nandito naman ako, miss ko naman ang pagkain, bonding ng family and friends, at kulturang Pinoy. Ano po ang advice ninyo?

Clarissa



Dear Clarissa:

Talagang ang buhay ay give and take – may dapat i-give up, to be able to get something in return, tulad na rin ng nasabi mo sa iyong sulat.

Ang hindi ko alam ay kung single ka or married na.  Kung dito ka mag-re-retire, at wala kang pamilya sa Japan,  sino kaya ang mag-aalaga sa iyo kung ikaw ay magkasakit, or kaya’y ma-ospital?  Or kung retired ka na, at matanda na, willing ka bang tumirang nag-iisa sa iyong condo/apartment sa Japan?  Paano kung mga 70+ ka na, at hindi mo na kayang alagaan ang sarili mo, willing ka ba, at kaya mo bang pumasok na lang sa old-age home sa Japan?

Hindi ko rin alam kung maganda ang sweldo mo sa Japan, at enrolled ka sa pension system dito sa Japan.  If yes, e-di medyo malaki ang iyong magiging monthly pension.  Kung ganoon, pwede kang mag-best of both worlds.  Uwi ka sa atin kapag winter season dito sa Japan, dahil habang tumatanda tayo, mas bumababa na ang resistance natin to the cold weather (feel na feel na ng ating tired and ageing bones ang lamig!).  November – February siguro, at doon ka sa atin mag-Pasko palagi, para masaya.  The rest of the time, sa Japan ka.

Pero kapag tumanda ka na talaga at hindi mo na kayang magluto at alagaan ang sarili mo, uwi ka na sa atin.  Kahit hindi ka alagaan ng pamilya/kamag-anak mo, you can afford to get your own private nurse, using your monthly pension.

Tita Lita




Dear Tita Lita,

Ganyan na ba talaga ang krus na dinadala nating mga OFW? Mukhang lapad na lang ang tingin ng aking mga pamilya sa akin. Bawat tawag, bawat e-mail at bawat text, siguradong humihingi ng lapad. Hindi naman umuulan ng pera sa Japan. Parang hindi nila alam ang pagdurusa at pagtitipid na ginagawa natin dito. Paano ko maipamumukha sa kanila na hindi ako isang bangko? Feeling guilty naman kung hindi ko sila bibigyan kahit meron akong konti. Saklolo!

Boy


Dear Boy:

Sinabi mo pa!  Tama ka talaga diyan, Boy. Hindi tayo namumulot ng lapad dito sa Japan.  Pawis at dugo (at maraming kalungkutan) ang ating puhunan para lang kumita ng Yen.  At parang Pinoy na ugali talaga ang mag-remit ng walang sawa sa ating mga magulang, mga kapatid, mga pamangkin, pati mga apo!  At tama ka rin, naririnig ko sa mga remitters namin sa Speed na may tawag lang sa kanilang pamilya/kamag-anak nila sa Pilipinas kapag may problema  sila (generally  money-related).

Ang sabi ko nga sa mga kliyente namin, huwag ipadala lahat, dahil ke kaunti, ke marami ang i-remit, ubos na ubos pa rin iyan. Kapag sinanay ng malaki palagi padala, wala ng incentive na mag-trabaho ang ating mga sinusuportahan sa Pilipinas – aasa na lang palagi sa ating dole-outs.  Magandang kaugalian ang pagtulong, ngunit kailangan din naman nating matutong mag-save para sa ating sarili.  Kapag tayo ang nagkasakit, sino ang tutulong sa atin, di-ba sarili lang natin?

So tulong tayo, pero huwag ibuhos halos lahat.  Magtabi rin para sa ating sariling panga-ngailangan. At matutong tumanggi, at huwag ma-guilty, kung sa luho lamang mapupunta, ang padala nating pera. 

Tita Lita