Thursday, January 17, 2013

Marty Manalastas-Timbol

SHITTERU?
by Marty Manalastas-Timbol

ALAM NYO BA…na parang kailan lang at Valentine’s day na! Pag labas nitong article na ito, tapos na ang Pasko at tapos na rin ang taong 2012. Bilis talaga ng panahon...tatanda na naman tayo ng isang taon.

ALAM NYO BA… marami sa atin ang naninibago o nahihirapan sa bagong patakaran ng immigration. The current alien registration system will be abolished with the start of the new residency management system. Yung mga di pa nakakaalam ukol sa bagong immigration law or yung new residency management system, check the website of the Immigration Bureau of Japan .

ALAM NYO BA…na ang stress ay isang dahilan para maging sakitin ang isang tao o di kaya’y maging dahilan o sanhi ng pagkamatay ng isang tao? It’s no surprise that stress can make people sick because stress can control your body and make you weak and sickly. Stress causes deterioration in everything, from losing appetite to eat, to heart ailment or from common cold to cancer. Make sure you are aware that what causes your body ache is not simply because you are tired, but because of stress. If you think you are not sure about how you feel, consult your doctor or siguro be more positive and have faith.

ALAM NYO BA…na ang sambong ay isang herbal medicine na nakakatulong sa mga may problema sa kidney or a cure for cough, colds and hypertension. Sambong ay isang shrub that grows wild sa mga tropical climate countries gaya ng Pilipinas, Africa o India. Mas ginagamit ang Sambong sa Pilipinas. Sambong is used as herbal medicine na ginagamit sa paggamot ng isang sugat, sa rayuma, anti-diarrhea at lalo na sa mga may kidney stones. May nabibili na ngayon sa mga drugstores sa Pilipinas na Sambong tablets.  Para sa karagdagang inpormasyon ukol sa Sambong at ang health benefits nito, check ninyo itong website: www.medicalhealthguide.com/articles/sambong.
htm
(Source: Medical Health Guide)

ALAM NYO BA…that Jeepney Press will celebrate its 10th Anniversary sa taong 2013. Simula Enero 2013, we will be celebrating the 10th Anniversary of Jeepney Press.

Happy New Year po sa inyong lahat and God bless you all!

Loleng Ramos

KAPATIRAN
by Loleng Ramos

Pangarap!

Kapatid, Manigong Bagong Taon! Tatanda na naman tayo, tatagal na naman tayo dito sa Japan pero ang maganda, mas iikli na ang paghihintay natin sa kagampanan na ating mga pangarap. Meron ka bang pangarap? New Year’s Resolution?Anong plano para sa taong ito? May mga nagsasabing, “Masarap ang mangarap,” pero ang totoo, masama ang hindi mangarap. Sa isang pangarap nagsisimula ang lahat. Isipin mo na lang kung wala kang minimithi? Di ba mabigat ang ating katawan? Walang buhay, nakakatamad! Sa pagsu-sweldo na lang, di ba kung gusto nating halimbawa, makapag-pa-kisame ng bahay sa Pilipinas, mas ganado tayong mag-overtime. Kung mas kailangan natin ng pera para mas malaki ang maipadala natin sa Pilipinas, iisip pa tayo ng side business, “Magtinda kaya ako ng sinampalukang panimpla sa Japan. Sige, sa pag-uwi ko magbabaon ako ng marami pabalik dito.” Di ba nakakagana ang trabaho? Sabi nga, hindi ka raw bibigyan ng Diyos ng problemang hindi mo kaya, kung mas kailangan mo ng pera, sabi lang ni Lord, “Mas sipagan mo pa ang pagtra-trabaho kase alam kong masipag ka at matyaga.”  Syempre pa, sa bawat tiyaga ay may nilaga. Hindi mo mamamalayan, isang araw nakaipon ka na pala ng hindi lang pang-kisame, pangpagawa na ng buong bahay. Isang paalala lang, sa isang pangarap ay isa ring responsibilidad, baka mamaya magaling ka nga mag-ipon pero napadaan ka lang sa pachinko, gusto mo kase ng mansyon na at buo mo na ang pera para sa isang bungalow, sinugal mo ang naipon mo. Kapatid, huwag kang magpapa-udyok, masasayang lahat ng iyong pagsisikap at baka masira lang ang isang pangarap na halos hawak mo na!

Paano ba ang mangarap? Nakakabasa ka ba ng mga artikulo ni Brother Bo Sanchez? Isa siyang preacher sa atin, Nagbibigay siya ng mga inspiring words of wisdom. Subukan mo siya hanapin sa internet at marami kang inspirasyon na makukuha mula sa kanya. Sabi niya nga, pangarapin mo ang mga bagay na halos hindi mo akalain na papangarapin mo kase tila imposible, sa Diyos at sa bigay Niyang kakayanan sa iyo, walang imposible? Ang importante lang, sa pag-buo mo ng pangarap, kasama ang liwanag ng pag-iisip. Ang ilang mga great dreamers kase katulad ni Adolf Hitler at Napoleon Bonaparte na tinagurian ding mga anti-Christ ay mga taong pambihira ang pangarap. Nais nilang mag-hari sa mundo, napakataas ng kanilang mga pangarap at halos naabot nila, pero dahil maitim ang mga pangarap na ito, para din silang ibon na sa taas ng lipad at bilis ng pagaspas ay nabalian ng pakpak at tuloy-tuloy na bumulusok sa lupa. Si Walt Disney naman, ang siyang utak ng isa sa pinakamasayang lugar sa mundo, Disneyland: California, Tokyo, Paris & Hong Kong. Sabi niya, “All our dreams can come true, if we have the courage to pursue them.” Tapang ang kailangan sa pag-abot natin ng ating mga pangarap, kase kung napapansin mo, kapag meron tayong isang bagay na gustong mangyari o gustong makuha, meron palaging may mga pangyayari na tila haharang sa atin sa pag-abot nito, pero ang mga balakid na ito ang mas magpapatatag pa sa atin at magbibigay ng direksyon. Nagsasawa ka na bang mag-trabaho sa gabi? Tipo bang mas gusto mo na ngayon iyong hindi ka lang nasisikatan ng araw, ikinatutuwa mo na rin ang masikatan nito. Kaya lang ang trabahong hawak mo ngayon sa gabi nga lang, paano ang gagawin mo? May nahahawakan ka bang pera? Umpisahan mo mag-ipon iba kase kapag meron kang hawak na sarili mong pera parang mas panatag ang loob mo na kaya mong ingatan ang sarili mo. Isang araw makikita mo naririyan na ang pagkakataon para makalipat ka ng trabaho. Kung wala ka namang trabaho at ayaw mo pang umuwi sa Pilipinas dahil pakiramdam mo may pagkakataon ka pa para makapag-hanap-buhay dito sa Japan, dapat din sigurong maging matapang ka at lumapit sa isang mapagkakatiwalaang Filipino na maaring makatulong sa iyo. Kung ang pangarap mo naman ay isang maayos na pamilya pero malimit kayong mag-away ng asawa mo, na kung pwede lang hiwalayan mo na siya, pero iniisip mo ang kapakanan ng mga anak ninyo, gawin mo ang lahat para maitama mo ang lahat. Naipakita mo na ba ang lahat ng katangian mo sa asawa mo para mas bigyan ka niya ng halaga at respeto? Alam mo, ang maganda sa isang pangarap ng isang tao ay sa kanya lamang nakasalalay ang katuparan ng kanyang pangarap. Hindi maaring gagawin ng nanay mo ang pangarap mo para sa iyo, pangarap mo iyan, diskarte mo yan! Totoo merong mga tao na sinuwerte na tila hindi man lang nakatikim kahit konting sakripisyo sa pag-abot ng kanilang  mga pangarap (manalo kaya ako sa Lotto?) pero iba ang hatid na saya ng katuparan ng isang pangarap na pinaghirapan mo, na pinagpaguran mo, mas makinang, mas nakakataba ng puso, mas may halaga!

Iba-iba ang ating mga suliranin at iba-iba rin ang ating mga pangarap. Pinagkalooban tayo ng lakas para sagupain ang lahat ng problema at inspirasyon para mangarap. Bakit hindi natin gamiting mabuti ang mga instrumentong ito para sa mas makulay at mahusay na buhay? Huwag lang tayong makakalimot tumawag sa Kanya at makikita mo kapatid.  Bagong Taon, bagong buhay!

Dr. JB & Nelly Alinsod

Prayer for a Blessed 2 0 1 3
by Dr. JB & Nelly Alinsod

Lord God Almighty, we receive the New Year as a gift from you. The old has gone and a new life is in front of us this year. We believe that there are new opportunities, guidance, blessings and favor to make our life better this year.

It is our desire that this year will end according to your plan and purpose. So, we confess our need for your presence and guidance as we venture into this year. Help us to live our days purposely that we may present to you a wise heart. We need your mercy in our times and seasons that we may rejoice and be fulfilled.

You alone, O God, know what this year holds for us. We have our goals, plans and expectations but the challenges before us are beyond our control. Please equip us with your power and grace to meet each day as you planned it to be. Help us to humbly entrust everything into your loving hands and to seek your will more than our desires.

Gracious Father, in life’s uncertainties, let your unchanging love casts out all our fears and gives us stability. In the face of heartaches and miseries, may your comfort be our refuge. When temptations besiege us, help us to surrender our stubborn desires to your will and help us to bravely pay the price of the life that is pleasing in your sight. In our pursuits for a better life, open our eyes to the deprived, the hurting and the lonely in this world so we may respond with compassion to meet their needs.

Lord, we pray for our nation. May peace, justice and prosperity cover all our land. Help us to build national harmony, quietness and happiness. May equality and fairness saturate all levels of our society, as we become responsible citizens. Unite us to pray for the good of our country and remind us always that a nation is blessed when God is the Lord [Psalm 33:12].

As we begin our journey into this New Year, we are thankful for all the goodness you gave us in the past year. Permit your mercy to lead us to repentance and your goodness to humility. May your love and concern for us be our anchor of hope as we commit ourselves to make you the focus of our life and aspirations for this year! We will travel this year with faith in our Lord and Savior Jesus Christ. Amen.



Jeff Plantilla

Isang Araw sa Ating Buhay 
ni Jeff Plantilla

May mga Hapones na nagsasabi na ang Osaka ay ang kitchen ng Japan. Pero nung sinabi ko ito sa isang Hapones, hindi siya sumang-ayon. Sa tingin niya, yung lugar niya ang kitchen ng Japan. Basta’t pagkain, malakas ang interes ng mga Hapones.

Kalagayan Ng Pagkagutom
Ang pinuno ng regional office ng Food and Agriculture Organization (FAO) para sa Asia-Pacific ay isang Hapones. Nagbigay siya ng isang report sa isang meeting sa Bangkok nitong Disyembre 2012 tungkol sa kalagayan ng pagkain sa buong mundo. May ilang bagay sa sinabi niya na magandang malaman. May isang bilyong tao sa ngayon na nasa status ng “chronic hunger.” Ito ay yung mga taong talagang mahirap at hindi kumakain ng sapat sa bawa’t araw. Nguni’t may isa pang bilyon ng mga tao na overweight at kaya may problema sa diabetes, at iba pang mga sakit sa katawan. Sa gitna ng mga taong ito, may dalawang bilyong tao na  may “micronutrient deficiency,”  yung mga taong  may kulang sa ilang bagay sa katawan tulad ng vitamins.

Marami pa rin ang may problema sa pagkain – may nagkukulang ang budget sa pagkain at may nagtatapon na ng pagkain dahil sobra na ang dami.

Ang rehiyon ng Asia-Pacific ay may pinakamataas na economic growth rate sa buong mundo. Ito ang may pinakamagandang economic outlook. Pero 62% ng mga taong gutom ay mula sa Asia-Pacific. Ibig sabihin, kahit mataas ang antas ng paglago ng ekonomiya sa Asia-Pacific, hindi pa rin ito sapat upang mapaliit ang dami ng taong gutom. May napakalalaking mga bansa na sakop ng Asia-Pacific na may napaka-maraming mamamayan. Mahigit sa dalawa at kalahating bilyon ng mga tao sa buong mundo ay nasa Asia-Pacific. Kaya malaki ang problema tungkol sa pagkain. Sinabi rin niya na ang paglaki ng  mga siyudad, pagdami ng tao sa mga siyudad, ay dahilan ng pagbaba ng dami ng pagkaing napo-produce. Nababawasan ang mga magsasaka sa probinsiya, at ang mga lupang tinataniman ng pagkain (palay, gulay, prutas at iba pa) ay nagiging subdivision o housing projects o commercial zones. Dagdag pa rito ang mga disasters – bagyo, lindol, tag-tuyot, baha at iba pang sakuna – na bumabawas sa pagkain at nagdadagdag sa pangangailangan ng pagkain.

Pagkain Sa Japan
Isa sa mapapansin natin sa Japan ay ang dami ng pagkaing mabibili. Marami ang galing sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kilalang-kilala na ang saging, pineapple at manga mula sa Pilipinas. May salmon na galing sa Norway, karneng baka mula sa Australia, prutas mula sa California, at iba pa.  Karamihan sa mga ito ay may mataas na kalidad, at minsan ay mura.

Mas mahal yung pagkaing galing sa Japan mismo tulad ng bigas, gulay at prutas. Mara-ming nagsasabi, at nakikita naman natin, na ang magsasakang Hapones ay hind tulad sa ating magsasaka na mahihirap. Sa imbes, sila ang may malalaking bahay sa kanilang kanayunan at maganda ang buhay kahit pagsasaka lang ang ikinabubuhay.

Napatunayan sa Japan ang benepisyo ng land reform, na ipinilit na gawin sa  bansa ng mga Amerikano upang mawasak ang lakas ng mga maimpluwensiya at mayamang pamilya na sumuporta sa pamahalan nuong second World War. Samantalang sa Pilipinas, walang land reform na nangyari sa loob ng 50 taong pamamamahala ng mga Amerikano. Si General Douglas McArthur ay parehong naging opisyal na namuno bilang bahagi ng gobyernong Amerikano sa Japan at Pilipinas. Nguni’t  magkaiba ang kanyang programa, lalo na tungkol sa lupa, sa dalawang bansa. Kung ginawa kaya sa Pilipinas ng mga Amerikano ang land reform na ginawa sa Japan, aangat din kaya ang buhay ng magsasakang Pilipino?

Bigas Bilang Kultura
Nung minsang ginawang madali ang pag-import ng bigas mula sa ibang bansa, may nabalitang pagtutol ng ilang mga Hapones. Nakita ito sa isang photo sa dyaryo ng isang negosyanteng Hapones na nagtapon sa kalye ng bigas na imported para sabihin na hindi niya ipagbibili ang ganuong klase ng bigas.  Gusto niyang ipahiwatig ang halaga ng bigas japonica na dapat ay solong bigas na itinatanim, ipinagbibili at kinakain ng mga Hapon.
Dito lumalabas ang malalim na dahilan kung bakit ang bigas japonica ay mahalaga sa mga Hapones. May sinasabing ang bigas japonica ay kaugnay sa kulturang Hapones. Ang kanilang pagkain tulad ng sushi ay nangangailangan ng bigas japonica upang maging tunay na pagkaing Hapones.
At dahil dito, mahalaga na mapangalagaan ang bigas na ito at hindi mawala dahil sa pag-i-import ng mas mura at ibang klaseng bigas mula sa ibang bansa.

May nabasa ako na ang bigas na itinatanim ng mga taga- Mountain Province (kasama yung sa rice terraces) sa Pilipinas ay kapareho sa bigas japonica. Maaaring tama. Ang butil ng bigas na ito ay kapareho sa hugis ng bigas japonica – may pagkabilog at maikli – hindi katulad sa ating karaniwang bigas sa palengke sa Pilipinas.

Pero hindi  kailangang bigas japonica ang gagamitin para makakakain ng sushi sa Pilipinas. May natuklasan kami ng asawa ko sa isang mall sa Pilipinas na sushi at lasang tunay na sushi ngunit bigas mula sa Pilipinas ang ginamit. Ang sekreto ay ang paghahalo ng bigas na malagkit sa bigas milagrosa at yan instant bigas japonica! May nabalitang isang paraan upang mapangalagaan ang bigas japonica ay ang paglimita sa dami ng bigas sa palengke. Dahil ang pagdami ng bigas na ibinibenta ang magpapababa ng presyo ng bigas. Sa ganitong paraan, protektado ang kita ng mga magsasaka. Sinusuportahan ng gobyerno ang magsasaka sa hindi pagtatanim ng palay upang hindi dumami ang palay at bumaba ang presyo ng bigas sa palengke. May kita ang magsasaka  kahit nagbabawas ng pagtatanim ng palay!

Nguni’t nagbabago ang panahon at isipan. Kung noon ay kayang itapon sa kalye ang imported na bigas, hindi na ngayon. Una, tinatanggap na rin ang imported na bigas dahil nasasarapan na rin sa ganitong kakaibang uri ng bigas. Pangalawa, dahil sa hindi magandang kalagayan ng ekonomiya, hindi na masyadong mahalaga kung ito ay bigas japonica o imported, ang mahalaga ay kung ito ay abot-kaya ng bulsa. Nguni’t kahit  nagbabago na ang isipan at panglasa ng mga Hapon, malakas pa rin ang pag-iisip ng mga taga-gobyerno at ng mga magsasaka na pangalagaan ang pagtatanim ng bigas japonica sa gitna ng malakas na puwersa ng free market. Naging malaki ang epekto ng “Lehman shock” sa ekonomiya ng bansa at sa pag-iisip ng mga Hapones. May mga pamilyang nasira – nag-divorce ang mga mag- asawa - at naghirap ang pamilya. May isang TV show na nagpalabas ng isang documentary tungkol sa isang biktima ng Lehman shock. Bumagsak ang negosyo niya at nag-divorce sila ng asawa niya. Umalis siya ng Japan at hindi na nakikita ang apat na anak. Nagdesisyon siya na tumira sa Paraguay – sa isang community ng mga Hapones. At bilang hanapbuhay, nagtitinda siya ng himono – sardinas na pinatuyo at iniihaw bago kainin – na siya mismo ang gumagawa. Ang paggawa at pagtitinda ng pagkain ang tunay na isang mahalagang pinagkukunan ng hanapbuhay.

Malaki na rin sa ngayon ang negosyong 100 Yen shop dahil maraming Hapones na ngayon ang gusto ang murang bilihin na galing sa Japan at ibang bansa. Sa lugar namin, nawala na ang dalawang grocery stores at napalitan ng isang 100 Yen shop na may pagkain at ibang bagay na kailangan sa araw-araw na buhay. Nagbago na ang pag-iisip ng mga Hapones tungkol sa mga bagay na binibili kasama ang pagkain, kumpara sa aking dinatnan mga 17 na taon na ang nakakaraan.

Bigas Bilang Export
Ilang bansa sa Asya ang pinakamalaking exporters ng bigas sa buong mundo. Sobra-sobra ang kanilang inaaning bigas kaya’t nakakapag-export sila ng marami. Kaya nga sa ibang rehiyon ng mundo (north America o Europe), kapag bigas ang hahanapin, ang bigas mula sa mga bansang ito ang mabibili.

Nguni’t kung maraming mamamayan ang nagkukulang sa pagkain, isang bansa sa Asya ay sinasabing hindi dapat nag-e-export ng bigas. Sinasabing sa imbes na mag-export dapat ay sa sariling naghihirap na mamamayan nagbebenta o di kaya ay nagbibigay ng libreng bigas.

Need And Greed
Sinabi nung taga FAO na sa pangkalahatan ang dami ng pagkain ay hindi sapat sa dami ng pangangailangan. Kulang ang pagkain para sa dami ng taong kakain. May mga disasters na sumisira sa mga pananim at lupang taniman. Kulang na ang lupang tinataniman sa ilang bansa sa Asya na hindi na kayang magpalawak pa ng kanilang taniman. May problema din sa tubig, kulang na para sa pagtatanim o anumang gawain sa pagpo-produce ng pagkain.

Nguni’t ang isang mabigat na dahilan ay yung problema ng hindi pantay na pag-ikot ng pagkain (food distribution). Kahit na hindi pareho ang dami ng pagkain sa dami ng kakain, kaya pa ring mapakain ang hindi kumakain nang sapat kung ang pagkain ay umiikot nang maayos. Akma pa rin ang sinabi ni Mahatma Gandhi: “There is enough on Earth for everybody's need, but not enough for everybody's greed.”  Kapag maraming pagkain masaya ang lahat. Yan ang pinagmulan ng mga matsuri at fiesta. Nguni’t kapag nagkukulang ang pagkain, maraming problema ang lumalabas. 

Doc Gino

Doc Gino
Pisngi Ng Langit

Mga suliranin sa puso
dahil sa isyu na ito dinaraos ang Valentine’s Day, narito ang ilan sa may mga suliraning pampuso. Happy Valentine’s Day to all.

Tanong (T): Dr. itatanong ko po sana if pwde png magamot ang butas sa puso? kasi ang babaeng pinakamamahal ko mayroon na skit na ganun :( gusto ko po siyang tulungan na mapagaling ung skit nya khit magkano po gagastos ako guma-ling lang po siya help nmn po doc... please ...
Doc Gino (DG): Ang paggagamot ng butas sa puso ay depende kung ano ang sintomas ng tao at kung wala namang sintomas kahit na may butas, sa tingin ko ay hindi naman dapat galawin. Upang makatiyak, mas mainam kung siya ay magpapakonsulta sa isang "cardiologist" upang masuri nang mabuti at mabigyang-payo.
T: Dr,  itatanong ko lang po kung anu ang sanhi ng pagkakaroon ng butas ng puso ang isang sangol.. kc po ang anak kong babae ay 8months na ngaun. nung 6months po siya nalaman ko pong may butas ang puso niya... pinatingin ko po siya sa pediatric cardiologist at napaultrasound ko na ang puso nya... sabi ng doctor 2 ang butas ng puso nga, di ko po alam kung bakit siya nagkaroon ng butas sa puso, saka di naman po siya nangingitim pag umiiyak,
DG: Ang pangingitim ng sanggol sa tuwing iiyak ay isa lamang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng butas sa puso. Mas mainam kung ikaw ay bumalik sa iyong "pedia-tric cardiologist" upang malaman kung ano ang naging sanhi nito para sa iyong anak.
T: ano po ang kailangan gawin pag may butas ang puso? operation po ba talaga? wala na po bang ibang way para gumaling ang bata? tanong lang po ;) salamat po.
DG: Hindi naman lahat ng butas sa puso ay nanga-ngailangan ng operasyon. Mayroong mga kaso na kusang nagsasara. Ilan sa mga dahilan ay ang laki ng butas, lokasyon nito, at edad ng sanggol. Ipasuri ang sanggol sa isang "pediatric cardiologist" upang malaman ng mabuti ang kondisyon ng bata, at kung ano ang mga posibleng mangyari.

Renaliza Rogers

SA  TABI   LANG   PO
Ni Renaliza Rogers

Anong Bago?

Bagong taon na naman, 2013 na. Ang bilis ng panahon. Hindi na ako mabibigla kung maya-maya eh 45 years old na ako ng hindi ko namamalayan. Ang buhay ko'y medyo ganun pa rin, salamat sa Diyos at buhay pa. Hindi pa naman pala katapusan ng mundo. Sabi kasi nila December 21, 2012 daw magugunaw na ang mundo. Kaya't hindi ko na tinupad ang resolution ko last year (ang mag-diet) kasi wala rin namang kwenta ang magpa sexy kung magugunaw din lang ang mundo. Palpak pala ang mga walang hiyang mang-huhula at heto ako't lalo pang lumusog.

So, 2013 na nga naman, na survive na natin ang "end of the world." Isang taon na naman ang lumipas pero anu-ano nga ba ang nagbago sa personal nating mga buhay? Eto ang tanong na palagi kong tinatanong sa sarili ko...ano nga ba ang nagbago sa buhay ko sa loob ng isang taon?

Marami nga naman ang nagbago. Natural lang naman yan sa buhay ng tao. Ika nga, walang permanente sa mundo kundi ang pagbago. Pwede namang bagong tina ang buhok ni lola, pwede ring bagong gupit si Nonoy, bago na ang trabaho ni Juan, bago na rin ang shota ni Neneng at kung anu-ano pa.

Sa taong 2012, nagtapos na ang aking buhay estudyante nung Marso. Kung tutuusin, pang habambuhay tayong estudyante ng buhay pero ang kolehiyo ay may hangganan. Matapos nun, naging tambay ako ng kaunti, aasa-asa sa konting inipon na galing sa baon at kung anu-anong raket, hanggang sa nagsawa din sa buhay tambay at naghanap ng trabaho after a few months. Sa lahat ng trabahong pwede kong pasukan, ang pagtuturo pa ng English ang aking kinindatan. "Mabuti nang tamad kesa pagod" ang aking pilosopiya sa mga panahong iyon kaya ang magaang trabaho ang aking pinili. Buti naman at nag-eenjoy ako kahit papano sa kakarampot kong sweldo.

Sa taong 2012 din, apat ang inampon kong kuting na pinagpupupulot ko sa kalsada at lahat sila'y namatay sa hindi maipaliwanag na dahilan. Noong una'y natagpuan ko si "Juice" at ang kapatid niya  sa damuhan na basang-basa sa ulan at may tali sa leeg. Nilinis ko sila't pinakain. Naunang pumanaw ang kanyang kapatid makalipas ang tatlong araw dahil sa pagtatae. Si Juice naman ay naging malusog at kamuntikan pang  madala pauwi ng kapitbahay naming Koreano nang hinanap nito ang nawawala din nilang kuting. Ngunit isang araw ay biglang nanghina si Juice at kinabukasa'y natagpuan ko na siyang walang buhay kaya't nilibing namin siya sa ilalim ng malunggay.

Makalipas ang dalawang buwan ay animo'y parang tukso at nakatagpo ulit ako ng dalawang kapapanganak na kuting sa tapat ng bahay. Ito'y sina Jimmy at Winston. Naging masaya sila dahil inampon sila ng aking pusang si Ursula at pinadede kaya't sila'y lumaki at lumusog sa loob ng dalawang buwan. Ngunit ang masaklap ay nasagasaan si Ursula sa labas ng bahay at nawalan ng foster mom ang dalawang pusa. Isang araw, bigla din silang nanghina pareho at, tulad ni Juice, bigla ko na rin lang natagpuang wala ng buhay kinabukasan sina Jimmy at Winston. Sa ngayon, sina Bob at James na lang ang natitira sa aking mga pusa. Ang lima ay nailibing na sa ilalim ng malunggay.

Isa pang bago sa bahay namin ay nadagdagan nanaman ang aming palamunin. Meron kaming bagong tuta at ang pangalan niya'y Mike. Christopher ang orihinal na pangalan niya nang bigla siyang ibinigay sa amin ng akin tiyahin. Kaya lang, masyadong mahaba ang Christopher kaya't Mike na lang. Kung ikukumpara sa pitong taong gulang kong asong si Stanley, napakapangit nitong si Mike. Kung sila'y naging tao, mestizo itong si Stanley at si Mike naman ay masyadong jejemon na ubod ng payat. Ang nakakatuwa lang sa kanya ay animo'y tuwang-tuwa siya tuwing nakikita niya kami. Tuwing darating ako sa bahay, hindi na magkaintindihan sa saya itong si Mike. Tatakbo siya't sasalubong ng kekembot-kembot ang pwet. Sa sobrang tuwa nga minsan, siya'y napapa-ihi.

Marami nga namang nangyari sa 2012. Sa taong din iyon, sumakabilang-buhay na ang aking mahal na lola. Napakalungkot pero masaya na rin kahit papaano dahil siya'y nakapag-pahinga na sa piling ng Diyos. Oo, sa panahong iyon medyo nagunaw ang mundo ng aking pamilya. Siguro nga'y iyon na ibig sabihin ng mga end-of-the-world theorists.

Kung aking iisipin, mas masaya at mas kuntento ako sa buhay ko ngayon dahil sa nagdaang taon. May mga natapos na yugto sa buhay ko at may mga nawala pero may mga panibagong simula at mga bagong dumating sa buhay ko na mas nagpaganda ng aking pananaw at mas nagpamahal ng buhay sa akin.

Sa ngayon, wala munang masyadong resolution. Magsumikap muna sa abot na makakaya upang maging mas maunlad, masaya at makabuluhan ang taong 2013 para sa akin. At kung sakaling kapusin man, okay lang, kakayanin! Hindi bale kasi may makakain naman at mataba ang malunggay.



Karen Sanchez

TULUY-TULOY
Mga Tula ni Karen Sanchez

Buhay sa Japan
Sa Manila ako'y naging isang tindera,
Ng mga damit sa SM at Glorietta
Nangarap na makapangibang bansa,
Nang maiahon ang aking pamilya
Sa Brunei at Malaysia ako'y naging turista,
Nagtrabaho kahit walang karampatang bisa
Sa kaunting kita, hirap at pagod ay di ininda,
Makapagpadala lamang sa aking
mga kapatid at ina
Kaibigang Hapon sa akin ay naawa,
Kami'y nagkasundo at dito ako'y
kanyang dinala
Upang kanyang mga magulang
ako'y mag-aalaga,
Pag nagkasakit at sa kanilang pagtanda
Sa simbahan, mga Pilipino'y nakilala
Dito rin ay nag-aral ng Hapon na salita
Trabaho ay marami, pag masipag ka
Edad o edukasyon rito ay di alintana
Dito, kailangan tiis, sipag at tiyaga
Oras man o trabaho ay may halaga
Maging ikaw ay Hapon man o banyaga
Pagkat karamihan buhay dito ay kanya-kanya
Ngunit para sa akin pamilya ay nangunguna
Kaligayahan ko'y ang matulungan sila
Magsakripisyo man, para sa kanila
Alam kong ang Diyos
ako'y kanyang pinagpapala.


Mga Hapon at Hamon

Mula noong pangalawang digmaan
Mga Hapon sa Pilipinas ay nagpuntahan
Manakop para sa kapangyarihan
Ngunit sa Amerika ay naging talunan
May maganda't pangit na kainahinatnan
Ang iba'y lumisan at may ibang nanirahan
May pinakasalan at may naanakan
Kagandahan nito, sila'y di napapabayaan
Bansang Hapon sila ay pinagkakalooban
Karapatang makapagtrabaho at manirahan
Taon man ang mga nagdaan
Tinuturing sila rin ay mamamayan
Karamihan "Japan" ay gustong puntahan
Kung bakit, ito'y sa maraming dahilan
Sa pamamaraang pangkabuhayan man
At sa gobyerno batas ay pinahahalagahan
Sa pulitika malaki din ang kaibahan
Mga namumuno pag di kaya,
pwesto binibitawan
Sa Pilipinas di man sapat ang kaalaman
Ang iba'y di naiisip, sila'y maluklok lamang
Buhay nga naman ay para-paraan lamang
Maganda man o hinde ang mga pinagmulan
Mahalaga ay kung paano ka lumalaban
Sa hamon ng buhay,
Diyos nama'y di ka pababayaan.


 

Isabelita Manalastas - Watanabe

ADVICE NI TITA LITA   Take It Or Leave It!
by Isabelita Manalastas - Watanabe

Dear Tita Lita,

Gusto ko sanang magtanong tungkol sa TRAVEL INSURANCE na binebenta sa mga international airports at mga travel agencies kapag bumibili ng ticket. Do you think it's advisable to get one whenever I go back home to Pinas? Sa isang linggong uwi sa Pinas, parang isang lapad din ang presyo ng travel insurance. Lagi po akong bumibili kapag umuuwi. Pero sabi ng friend ko, sayang lang daw ang pera. Ano po ang advice ninyo?

Lito


Dear Lito:

Ang asawa ko, Hapon siya, ay laging kumukuha ng travel insurance bawa’t trip niya outside of Japan.  Ako, tulad ng maraming ka-Pilipino natin, na siguro ay sanay pa rin sa “Bahala na” attitude, ay hindi rin sanay kumuha ng travel insurance. 

Sabi naman ng asawa ko, para din daw naman sa kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang desisyong kumuha palagi.  Kung may mangyari daw sa kanya,  pwera pa sa may makukuhang insu-rance benefits, ay hindi na mahihirapan ang family member niya to fly to the place kung saan nagka-disgrasya, dahil kasama iyon sa kanyang kinukuhang insurance benefit.

So, kanya-kanyang desisyon iyan – Bahala na, kung ma-di-disgrasya;  o, sige, mamuhunan ng kaunti, at baka kung saka-sakaling may mangyari nga, ay may matatanggap namang mga benepisyo ang mga mahal sa buhay ng naka-insured.

Tita Lita


Dear Tita Lita,

I am covered under the National Health insu-rance in Japan where I pay only 30% of my medical expenses and the remaining 70% is paid by the government. Should I get sick in the Philippines or in another country, can I claim the 70% of the bills from the Japanese government if I show them my hospital bills? Salamat po!

Mirasol


Dear Mirasol:

Pwede.  There is a form that you will have to fill up and submit to your health insurance company, to get a refund.  How much you will get back will depend on your health insurance policy.  Generally, it is the lowest bill for the two choices:
(1) equivalent medical fee if performed in Japan; (2)  -70% of the local fee.

For the Japan National Health Insurance members, check-out their website for more information, and to download all the necessary forms:
http://www.kyoukaikenpo.or.jp/13,99427,99,156.html

Importante ring malaman mo na pwede ka lang mag-claim kapag nagkasakit ka while you are outside of Japan, hindi iyong pupunta ka outside of Japan, to seek medical treatment. 

Tita Lita


Dear Tita Lita,

I am 55 years old, Filipino, divorced from a Japanese, and working as a waiter in a Pinoy club. I have a permanent resident visa. My question is about the pension system in Japan. Although I have been paying my Japanese taxes, I haven't paid anything for the national pension. Can I still qualify to enlist in the Japanese pension? I am worried about my future. Is the pension important? Do I need it? And if I don't qualify anymore because of my age, what do you advice me to do instead? Please help me.

Lester



Dear Lester:

Nasa sa iyo kung gusto mong mag-member sa pension system ng Japan.  May kakilala akong Haponesa na nag-decide hindi siya mag-me-member.  Sabi niya, mag-se-save na lang daw siya from her salary for her old age.  From her opinion, baka daw pagdating ng araw na entitled na siyang mag-pension, ay bankrupt na ang pension system ng Japan. Well, opinion niya ito.  Ako, personally, mas gusto kong i-rekomenda sa iyo na mag-member ka, basta’t sa tingin mo ay you will really stay in Japan for a long time, until retirement mo.  Otherwise, kung mag-member ka, at ilang taon ka lang nandito, tapos hindi mo na itutuloy, baka hindi sulit.  Pero kung mga 10 taon ka pang magta-trabaho dito, good siguro na mag-member ka. After kang mag-retire, at least you can look forward to receiving your pension.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Meron po akong 2 million yen savings. Nasa bangko lang po siya ngunit napakaliit ng interest sa Japanese bank. Totoo po bang mas malaki ang interest sa Philippine bank? Kung ganoon, di mas maganda kung i-transfer ko na lang ang savings sa Philippine bank? Pwede po ba ang yen savings sa Philippines?

Charito



Dear Charito:

I interviewed the head office of one of the biggest Philippine banks in the Philippines, which offers Yen Deposit Accounts.  Buti at may kinikita pa kahit kaunti ang Yen savings mo sa Japan. According to the Philippine bank, which I interviewed, non-interest bearing ang Yen A/C.  May required pang minimum deposit at minimum maintaining balance na JPY 50,000.  So, kung gusto mo talaga ng Yen A/C, better na nandito sa Japan ang iyong savings.  Kapag nasa Pilipinas, dapat ka pang nandoon para mag-withdraw, at saka depende din sa Yen availability kung makaka-withdraw ka in Yen (pipirma ka ng waiver when you open your Yen A/C in the Philippines, that you understand that you can withdraw yen only if available, and if not available, then the bank has the option to pay you in another currency).

Tita Lita



Dear Tita Lita,

Ilang beses na po akong nag-apply ng credit card sa Japan at ilang beses na rin po akong na deny. Arubaito lang po ang trabaho ko at puro mga sideline. Marami naman akong napundar na pera sa bangko. Ano po ba ang mga requirement para magkaroon ng credit card dito sa Japan? Wala na po ba akong pag-asa? Sa Pinas kaya, pwede po kaya akong mag-apply kung sakali? Minsan, nauubusan din ako ng cash pag-uwi sa Pinas dahil dumarami ang gastos. Kaya sabi ko, maganda rin ang meron kang credit card na dala.

Nena


Dear Nena:
Ako din, years ago, when I first applied for a credit card in Japan, hindi man lang ako nakatanggap kahit rejection letter.  Basta’t wala na lang akong narinig from the company.  At that time, ang laki pa nga ng sahod ko.  Ang conclusion ko noon, baka ayaw kasi gaijin ako.  Or dahil hirap silang mag-communicate sa atin in English.
Iyong case mo, siguro hindi magiging very attractive for the card company kung ang trabaho mo ay hindi regular – meaning hindi ka permanently employed.  Kung gusto mo ng debit card, instead of a credit card (debit card – kung ano lang ang laman ng card ang pwedeng gastusin;  sa credit card, kahit wala ng pera, pwede pa ring gumastos, tapos later ang bayad, with interest), kontakin mo ako sa 03-6268 8010.  Baka matulungan kita – either Visa or Mastercard. 

Tita Lita

Jose Miguel Parungao

Beep-Beep
by Jose Miguel Parungao


Arlene Esperida

Walang Sabit
by Arlene Esperida


Marivic Oyama

FORECAST
January-February
ni Madam Marivic Oyama

HORSE
Ibayong pag-iingat ang dapat gawin sa pagpasok ng taon dahil nasa iyo ang aggressive sword # 7. Huwag basta magtitiwala sa mga taong hindi lubos na kakilala dahil maging kaibigan ay hindi mo alam kung ano ang kanilang balak sa iyo. Mag-ingat sa mga bagong makikilala gayun din sa mga matatamis ang dila kung mangusap dahil sila ang may mga maitim ang balak laban sa iyo. Upang ma-ingatan ang mga mahahalagang bagay, magdala o gumamit ng talisman for protection at ilagay sa ilalalim ng unan. In February, isang mapayapa at tahimik na salubungin ang bagong taon ng mga ahas. May mga bagong oportunidad na darating ngunit maging maingat sa pagdedesisyon dahil maaaring makagawa ka ng mga bagay na hindi kayang unawain ng iba.

RABBIT
Maganda ang pasok ng taon sa iyo at magtatamo ka ng tagumpay sa iyong mga plano. Malaki ang pagbabago sa iyong buhay ngayong pagpasok ng taon, nakapila ang mga magagandang pagbabago na darating sa iyong buhay. Iwan mo man ang taon ng Dragon, tuloy-tuloy pa rin ang magandang kapalaran sa iyo. In February, hindi imposibling pumasok ang tagumpay na dala-dala pa rin ng nagdaang buwan. Ingatan ang taling humihila dito para tuloy-tuloy ang pasok ng suwerte sa iyo. Ito ang tamang panahon upang magisip at magplano ng mahalagang bagay. Iwasan ang pakikipag talo ng walang kabagay-bagay.

SHEEP
Magtatapos ang taon ng mapayapa at maganda ang pasok nito sa iyo, ngunit dahil sa bilis ng iyong mga ginagawang desisyon ikaw ay nagiging pabigla-bigla. Maging mahinahon at isiping mabuti ang mga susunod na mangyayari. Ingatan din ang iyong kalusugan dahil madali kang kapitan ng sakit. In February, maging pokus sa mga gawain dahil nasa iyo ang tagumpay sa pananalapi at maging aktibo sa mga gusto mong gawin. Magsaya at magkaroon ng kompeyansa sa sarili dahil kaya mong gawin ang lahat ng iyong naisin. Isa ka ring magaling na leader at epektibong manguna sa grupo. Panatilihing ang pagiging mabuting ehemplo sa mga kasamahan sa trabaho.

BOAR
Mas maganda ang darating na buwang ito sa iyo kumpara sa mga nagdaang buwan. Ito rin ang simula ng iyong kasiyahan dahil mas mapapabuti ang iyong pakikisama sa mga kaibigan at kapareha sa buhay. Makakatanggap ng pabuya sa mga ginawang pagpupursige sa trabaho. Maaari din na mapunta sa seryosong usapan ang iyong relasyon. Ingatan lamang na huwag masira ng ibang tao ang magandang samahan. In February, may mga magagandang oportunidad din na darating para sa taon ng ahas, ngunit ito ay may dalang gulo o hindi pagkakaunawaan sa samahan. Huwag makipagtalo at umiwas na lamang. Huwag seryosohin ang mga bagay at maging mahinahon sa pakikipag negosasyon. Ito ay magbibigay sa iyo ng mabuting impresyon.

DRAGON
Mag-iiwan sa iyo ng illness star ang nagdaang taon ng Dragon. Mas magiging mahina ang iyong katawan keysa dati dahil sa dami ng iyong trabaho, hindi ka nakakapag-pahinga ng sapat, madali kang mapagod at madali kang kapitan ng anumang karamdaman. Magagawa mo rin ang iyong mga responsibilidad kung hahatiin mo ang iyong oras sa trabaho at pahinga. In February, puno ng pangako ang dala sa iyo ng year of the snake dahil sa pagiging positibo, madadagdagan ang iyong determinasyon at madali para sa iyo ang pagtitipon dahil na rin sa taas ng iyong kakayahan na ipakita sa kanila ang iyong angking talino. Maganda ang takbo ng buhay pag-ibig, iwasan lamang ang masangkot sa isang sex scandal o third party.

MONKEY
Sa pagsisimula ng taon, tataas ang iyong antas sa larangan ng trabaho. Sa mga may kinalaman sa pagnenegosyo mas mapapabuti at mapapahusay ang pagpapa-takbo nito, dahil may naghihintay sa magandang kapalaran sa iyo. Iwasan lamang ang padalos-dalos na desisyon dahil ito ang magdadala sa iyo ng problema. In February, maging pokus lamang at magtatagumpay ka sa iyong mga proyekto ngunit makakaramdam ka ng mga panghihina ng iyong katawan kung hindi magiging maingat sa mga kinakain. Magkaroon ng sapat na tulog at health habit upang ma-enjoy mo ang iyong excellent star sa buwang ito.

OX
Sasalubong sa iyo ang magandang kapalaran sa pagbukas ng taon. Aanihin mo ang tagumpay mula sa taas. Maganda ang kalalabasan ng mga nagawang desisyon dahil magtatagumpay ang lahat ng mga plano. Maganda ang pasok pagdating sa pera dahil isa ito sa mga buwan na masu-werte para sa iyo. In February, ang buwang ito ay puno ng pagsubok at balakid sa iyong mga plano. Maging mahinahon at gamitin ang pagiging mapamaraan mo sa pagresolba ng mga problema upang malagpasan mo ang mga dumarating na pagsubok.

ROOSTER
Ang # 5 yellow misfortune star ay nasa iyo at ito ay magdadala ng mga hindi inaasahang pangyayari. Hindi ito ang tamang panahon upang mag plano ng mga bagong akitibidad lalo na kung may kinalaman sa iyong trabaho. Iwasan ang pakikipagsapalaran lalo kung alam mo na hindi maganda ang kalalabasan. Huwag magpaka-bayani na pasukin ang problema ng iba dahil mayroon pang mas importanteng bagay na dapat unahin. In February, maganda ang pasok ng iyong buhay pag-ibig, ngunit huwag paiiralin ang iyong puso sa paggawa ng desisyon dahil ito ang magdadala sa iyo sa kapahamakan. Makakasakit ka lamang ng kalooban ng iba. Umiwas sa maling relasyon dahil nasa huli ang pagsisisi.

TIGER
Masuwerte ang dating ng taon sa iyo dahil magaan at madali ang pasok ng pananalapi sa iyo. Maraming mga bagong oportunidad ang darating na mas dadag-dag sa iyong pinagkaka-kitaan. Panatilihing bukas ang pintuan para sa mga taong gustong mag-abot ng tulong sa iyo. In February, ang # 5 misfortune ay nasa iyo ngayong buwang ito ngunit dahil sa paglabas ng iyong # 8 auspicious star ay malalagpasan mo anumang balakid o kasawian ang dumating sa iyo. Kung may mga bagong idea, hindi ito ang tamang panahon upang ihatag sa iba ang kaalaman. Gawin ito pagdating ng takdang oras.

SNAKE
Pag-ingatan ang iyong kalusugan dahil mahina ang dating ng iyong pangangatawan at madali kang mahawa sa mga may sakit. Kumain ng masusutansiyang pagkain, regular na ehersisyo ng katawan at tamang pahinga. Magbakasyon kung kinakailangan para mabawasan ang bigat na dinadala ng iyong katawan. Makakatulong din ang pagsusuot ng mga alahas. In February, nasa kahinaan ngayon ang iyong pag-ibig at madali kang madala sa tukso at temtasyon. Para sa mga may asawa, sikaping magkaroon ng family bonding at huwag hayaang masira ng ibang tao ang inyong pagsasama.

RAT
Kung mayroon kang isang bagay na dapat ipagbunyi, yun ay walang iba kung hindi ang salubungin ang bagong taon na dala ang kasaganahan at tagumpay sa iyong buhay. Walang nagplano sa mga bagay na ito dahil lahat ng ito ay para sa iyo. Hintayin at magsaya na lamang sa mga maliligayang araw na darating sa iyong pribadong buhay. In February, ang year of the snake ay nasa paligid at may dalang robbery star. Ito ay magbibigay sa iyo ng kapahamakan, pagkawala ng mga bagay at kaguluhan. Iwasang magtiwala ng basta sa hindi kakilala, maging low profile at mahinahon. Iwasan din ang sugal.

DOG
Magandang panahon para mag saya at magbakasyon kasama ang pamilya. Mas lalong gaganda at bubuti ang samahan ng mga kasamahan. Paglalakbay kasama ang buong pamilya ang siyang magbibigay ng kaligayahan sa bawat isa, may pera man o wala set your heart and you will find money. In February, huwag masyadong i-stress ang sarili at kung magagawang mag-relax at magbakasyon, gawin ito ng malayo sa prisyon o pressure. Dahil mas makakatulong ito sa iyo maging sa personal na buhay o sa trabaho. May mga balakid na darating sa iyo ngunit maiiwasan mo ito kung hindi ka papatol o hindi ka masasangkot sa anumang kaguluhan o sigalot sa trabaho.

Sally Cristobal-Takashima

KANSAI CRUSADE
by Sally Cristobal-Takashima

Unang Pasada

Facing the East while awaiting the first sunrise of a new year gives a deeper meaning to the ritual of truly welcoming Year 2013.

In Japan, many Japanese prefer to be awake just before sunrise. But, in the Philippines and in the United States, late New Year Eve parties take a toll on merrymakers and heavy drinkers so they wake up much later in the morning, some still with headaches recovering from a hangover.

But, anywhere in the world, people try to catch up to relax so they can start the year refreshed and ready to tackle the new challenges of the Year of the Snake.

Habang sinusulat ko po itong article na ito, marami pa rin mga taong malalim na nag-iisip kung ano talaga ang mensahe ng 12-21-12 or the End of the World. Hindi naman daw ibig sabihin ay delubyo pero sa dami ng mga likas na mga sakuna, baha, lindol at iba pang mga kapahamakan ay maraming nagdadalawang isip na baka nga delubyo ang hinaharap ng mundo natin. Huwag nating lahat paniwalaan ang mga balita at sa halip ay alamin ang dalawang parte ng isang isyu at intindihin sa tulong ng pag-aaral.

Ang problema na dagsa ng impormasyon ay nililito ang mga tao dahil hindi na malaman kung sino ang paniniwalaan. Ang reaksiyon ay ang pagtanggi ng impormasyon o ang pagwawalang bahala sa mga pangkasalukuyang isyu, pagtawa o pagbibiro.

Ngunit maganda ang nabasa ko na bagong daloy ng makabagong sigla ang mapapasa mundo upang maalis kung ano mang katamlayan ang dumaan sa buhay ng tao. Ito daw bagong sigla na ito ay makakatulong sa pagpapatupad ng ating mga panaginip.

Most of all, Dec. 21, 2012 was the end of the Mayan 5125 cycle.

While you are reading the first issue of Jeepney Press 2013, you might still be eating some of Japan's New Year delicacies. The Toshi Koshi soba served early in the year is from Nov-Dec harvest. Like the Filipinos eating noodles/soba, it relates to a wish for longevity and recovery from debts and unhappiness.

Osechi Ryori started in the Heian Period (794-1185). It is a collection of various Japanese dishes arranged in tiered lacquered boxes called jubako. Each dish of osechi ryori carries with it a message, symbolism or a wish.

Kazunoko (herring roe/fish eggs) means Prosperity for descendants, a wish to be blessed with many children. Kamaboko (broiled fish paste) or white and pink kamaboko is for festivity. Datemaki (sweet rolled omelet with a castella flavor) symbolizes a man’s happy days who wears fine clothes and is having good times. Konbu (a popular seaweed used for making soup broth) symbolizes joy. Kuro Mame (sweet black soybeans is for good health. Tazukuri (dried sardines cooked in sweet sake and soy sauce) is for abundant harvest. Tai (sea bream) is celebration of a happy event. Shrimp is for longevity, and also  Zoni (clear soup with Omochi).

The celebration of special days is a Japanese custom of Chinese origin. The women are busiest in December and they have to complete the cooking, cleaning on or before New Year’s Eve. Some believe that the heavy work will help atone for their sins. Nowadays osechi ryori are sold in department stores but it is still cheaper to make them at home and mix with ingredients bought from stores.

Ohakamairi during early January can be tedious because of the traffic congestion. There is always a fight between my daughter and her 4-yr old girl about buying the Doraemon castella when we pass the temple stalls selling overpriced oden, yaki soba, takoyaki etc. The little girl often gets her way—hands down. It is New Year after all.

We go to Ohakamairi to visit my husband’s parents. The ritual starts by pouring water on the tombstone by using a bucket and a ladle provided by the temple. The water washes the dust, dried petals and leaves from previous visits. Then, the offerings of sake or shochu, flowers and incense are done followed by silent prayers. There is no hanging around, sitting on the grass, enjoying the fresh air like what we always do in Manila Memorial Cemetery. The ritual in Ohakamairi takes no longer than 15 minutes or more with picture taking.

As of this writing and it is mid-December, we have already made hotel reservations at a hotel famous for its onsen and breakfast. The onsens in Arima have a long history. It is said that great Emperors of olden times traveled for days just to rejuvenate themselves in the mighty onsens of Arima, in Hyogo Prefecture.

Filipinos visiting Kansai, I suggest you make Arima Grand Hotel the hotel/onsen of our choice next time you visit Kansai. It is a bit pricey but for New Year, everyone splurges.

Now for our Kansai update. The grand gathering of Philippine communities in Kansai to celebrate the 10th Anniversary of the Philippine Community Coordinating Council was held in Dec. 2nd at the Osaka Hilton Hotel. Filipinos from as far as Gifu, Nagoya and Hiroshima graced the occasion. PCCC granted awards and recognitions to various persons and groups who have supported PCCC in their various projects and events. Various lively Christmas parties were held in Nara, Shiga ken, Suita City, Osaka and Kyoto, all well attended by members, friends and supporters.

The Philippine Consulate General held a Concert of Philippine Classical Music at the Osaka International House. The event commemorated the Birth Centennial of Filipino National Artist Felipe de Leon and the 65th Death Anniversary of Filipino composer Francisco Santiago. The performers were Eri Yoshida, a lirico puro soprano who has performed in Italy, Austria, Philippines and Japan. Joseleo Logdat, a Filipino baritone made his debut performance with the Philippine Philharmonic Orchestra in 2008. He has performed in operas , among others, Pagliacci and La Boheme. He is now in Hiroshima taking his Master's Degree course.

The Osaka Prefectural Government invited the foreign residents to attend an Exhibit and a Lecture on Tsunami Storm Surge Disaster Prevention. We shall encourage more Filipinos to see the exhibition to raise awareness on how to prepare for any natural disasters. For New Year, let us hope that developed countries keep their promise of raising climate funding for poor countries to $100 billion dollars. About 20 typhoons hit the Philippines every year causing a lot of destruction. (NBCNews.com) Let us thank Philippine United Nations climate negotiators for urging the UN to wake up to the realities of global warming and finalize their financial assistance program to nations affected by natural disasters.

Last but not least, let me mention about a very talented and already a champion in various junior golf competition-Ruji Nozawa, 13 years old from Kyoto and son of a Japanese and a Filipina from Cavite. He is a person to watch. Minasan oen shimasho. He is well focused and on his way to realizing to be a major golf player. Ganbatte ne Ruji kun. Behind Ryuji's success are supportive, multi-tasking Mom, Daisy and Dad whose first priority is the care of their family.

Feliz Navidad and Prospero Anyo Felicidad. Suma inyong lahat ang Masaganang Bagong Taon to all JP readers.

tippi delarosa

notes by tippi delarosa

Love, Once Again

Even being alone is better than sitting next to your lover and feeling lonely.
- Celine, Before Sunset

When I am happy, people automatically think I am in love. This makes me smile.  What others don’t realize is that I’ve truly loved only one man since I was 14 -- my erstwhile next- door neighbor who also happened to be my first love.  Back when I was a teenager, I adored him like a puppy would a bone.  He was the older brother that I never had. Good-looking, intelligent and kind-hearted, my family loved him like he was part of us. He could ransack my parents’ library and they wouldn’t mind. His family accepted my quirks, and even loved me for them.  When I went home three years ago, I literally jumped over the fence so I could eat lunch with his mom after Nanay started harping about my need to go on a sensible diet. 

All my life, he has loved me unconditionally. I relish saying that he’s the only man who has loved me “from the top of my head to the tip of my toes” -- no questions asked, no strings attached.  Those who know us can attest to the strong bond that we share. Perhaps no other person was privy to my insecurities. His capacity to understand me seemed boundless.  I repeatedly hurt him but he never really lashed back at me.  Even after we went our separate ways, he continued to be there for me.  "I think ours was a case of the right love at the wrong time," he said.  He was right.  Whenever I look back, I still could not believe the intensity of the feelings we shared.  Although he and I had argued over so many things while we were growing up, this one we can both vouch with honesty and certainty.

When he got married years later, I was ecstatic. Every time I fall in love, he gets excited.  You see, the love we feel for each other has already transcended the ‘romantic’ kind. Almost three decades since we started building play houses from carton scraps in our backyard and treating candy wrappers as play money, we still rush to each other’s side when the need arises. He will always be my rock, the one person I can turn to when the going gets tough. I have the confidence to be what I want to be because I know that no matter what happens, he shall always stand by me.

Now here’s the thing.  I remember asking long ago, “Who am I  to ask God two of something others didn’t even have?”  So I happily sailed through the years dating here and there, letting myself believe sometimes that there was fire where there was only spark, and marching on fearlessly when things didn’t work out as expected.
  
Then this other person came along. He offered me something so nurturing I started believing in second chances. Real second chances.  I met him many years ago when I was trying to decipher what I really wanted in life. In the span of time that we have known each other, I have learned so much about living. That he revealed his whole self in front of me before I could even blink was something that unnerved me.  However, in doing so, I realized that I was not alone even in my solitude. Defying distance and time, we reached out to each other at the most trying of times.

We will always be friends. Whenever we were forced to do things that run contrary to what we feel, he’d say, “I think you know me well enough to discern why this has to be so.” I could only nod, and smile.  There is nothing he can do or say that I will not understand. This is the least I can do for him after he patiently made me whole again.

That he loves me is something that I no longer question. He taught me things I didn’t know before. He held me in his arms when it was so much easier to let me fall apart. Despite the distance separating us he made me feel that he was accessible by whatever means. I didn’t have to explain myself to him because he accepted me for who I am. He made me laugh, oh how he made me laugh. We were each other’s tower of strength when there was nothing to hold on to around. As a result, loving him back came naturally.

"My life is all the richer and happier [because of you],” he wrote.  Though we know that some things are better left unsaid, every now and then we give in to the truth.  It is the one thing that keeps us going amid the phoniness that often overshadows our world.  Am I scared of loving again?  On the contrary, this love gives me strength. The future may be uncertain but I am old enough to realize that some people come and go in our life. Why should I let this fact keep me from being ecstatically happy?  At the end of the day, nobody can really take away from us what we’ve had. 

Today, we have our respective roles to play, battles to win and life to live. We have learned to be happy with whatever we have, and no matter how far apart we are.  After losing a lot in the past, we hope to continue forging on. If there is one thing that continuously strengthens me, it is the fact that he has given me so much love to last a lifetime. Indeed, with him I have already gone full circle.

Candy Ledesma

SUNNY SIDE UP!
by Candy Ledesma

GOD DOES WORK IN MYSTERIOUS WAYS

People think I don’t pray. I’m the kind of person that can easily be mistaken for baliw or luka-luka. I always find the humor in things around me and most of the time, people around me find it funny too. I can sometimes be very abrasive because of my frankness - taklesa daw. Care ko?

I don’t think that I have to justify myself by letting others know that I do, in fact, pray. I pray at the drop of a hat. I say the rosary daily, installment nga lang because of the numerous things that have to be done through the day. But yes, I make it a point to finish 20 mysteries.

During one of my longer “kwentuhan” with the Lord, aside from endlessly thanking Him for all His wonderful graces, I asked Him what I can do to be of help to others. Keep in mind that I spent my entire childhood in a Catholic school. The nuns hammered us with the idealism that we are all servants for others. Naman, hindi naman siguro lahat kami dapat maging maid noh, you get what I mean. We should always think of ways how we can be helpful to many, by our deeds or simply just being there, an ear to listen, etc, chorva... Siyempre, God doesn’t answer audibly but somehow, He creates a situation where you see clearly His plan - in this case - His very reply to my question/ request. Out of the blue, a good friend sent me a text message. Now, this friend and I don’t text everyday but we text to ask how each is doing, what’s up for the day, etc. In other words, lahat ng kababawan pero it shows that we care enough to keep the friendship going. Nerissa, has been a friend since pre-school - sus, since birth nga yata, because we grew up in school together and we even have birthdays that are close together.

She never mentioned anything, but I could sense in her text that something was not right. So being the master of kakulitan that I am, I badgered her with questions until she finally gave in and told me the whole MMK story. I can’t convey the entire screenplay of the several events in her life that led to such
mishaps (papatayin ako ni Dennis, mauubos ang pages ng diyaryo niya, hehehe! Labyu Dennis!)

So anyway, here’s a really short background of Nerissa. Like me, makulay din ang buhay niya. She has gone through so many trials in her life. Thing is, a lot of people misunderstand her. And to make things worse - people judge her without really knowing the truth, the whole truth and nothing but the truth - Sranghamneda, Bo.

So there, her problems started little by little. Thinking that she will be able to overcome the little things, everything went the other way. Nagkandaleche-leche na ang lahat. To make a very long story short, she’s now down in the dumps and totally bankrupt. As in wala talaga! Ugh, I hate this situation because I too was out of resources. Even if I wanted to help her financially, I was totally helpless. Kainis, really. Then she asked me if she can come and stay with me for a while. I was torn between saying yes and no. I wanted to but if I think about my financial woes, jeez! So, a quick consultation with the Big Boss - somehow, His reply was a resounding YES, do it!

A few days later, Nerissa arrived with her son and daughter in law. I know I had room for Nerissa but the son and daughter in law would be “floating.” Nerissa probably saw the look on my face so she explained that they only brought her to my house but they’ll be staying with the in-laws.

Nerissa and I sat down and discussed several ideas that might help her get back on her feet. We settled on a network marketing business. I can almost see your faces. Network? Does it ever work? Scam yan, di yan totoo and whatnot. You’d be surprised. Yes, maybe while starting, the earnings may be minimal but as you work on it, it grows, whether you like it or not. The only thing I can help her with was with her registration fee in the company. Even for that very minimal amount, I did not have the money. So we devised a plan where we will not have to pay out of our own pockets but try to earn the registration fee first before anything else. With God’s graces and the benevolent powers of the universe all conspiring for a favorable outcome, we achieved that goal in two days! Imagine that? How can you not be grateful?

Nerissa is still staying with me. We make do with what we have. Sharing all our resources. I am thankful that she is here though. She helps me get around. With my health issues, she is a godsend. Maybe it’s her way of repaying what little help I offered but she doesn’t know how much I appreciate her being around. Her presence also helps me tremendously. With her here, lending an ear when I need it, giving me the care and assistance when I need it most and just being my friend - is always a wonderful thing and I thank God for it.

Hopefully, we can be examples of how we can turn life around just by being selfless and truly willing to offer whatever help we can and not just surrender. We just have to keep in mind that God always has something good in store for us despite all the trials. We may not understand His plans immediately but just let it flow and things will eventually become clear.

Mylene Miyata

PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata

Fresh Start!

New years are always glamorous!  Swear!   

Imagine how gracious life can actually be?
Well, another fruitful year to begin with for all our successful kabayans! Cheers! Lalo na sa minamahal nating JEEPNEY PRESS! Happy 10th anniversary! Salute and cheers to all! 

And if by any chance, hindi satisfying  ang naging 2012 mo?... Brace yourself up 'cause here comes another year which comes with confetti for a fresh start. This time, choose what you deserve. And enjoy the price of it eventually. Dahil yan ang "Gift" na natatangggap natin every year. Enjoy and make the most out of this special gift.

How do we start fresh nga ba this 2013?
Let us count the ways...Uhmmm...Pwede ding ilista lahat ng goals for this year. In that way, merong black and white na pagbabasihan. Malinaw kung anu-anong targets ang gusto mong marating at matupad. Para minus excuses malamang. Listahan factor, sayang kasi just in case, makalimutan mo ang ilan sa kanila, depende sa kagustuhan mo. Have it your way.

Dito sa Japan naman, one of the common traditions they practice every new year is to clean up their dirty stuffs sa bahay. General cleaning ang peg nila. Literally, they clean up! In that way, they inhibit the feeling of a real "fresh start" nga naman. But for those people na talaga naman nakagawian nang linisin pati singit singitan ng kung saan, you may skip this step anyway. Karamihan naman sa ating mga pinoy, natural na ang maglilinis nang maglilinis ng kabahayan, diba?

Sakali namang, personal refreshment ang need mo...Try to relax some more?! Baka naman puspusan ang kasipagan mo, kabayan! Chill ka ng kapiraso paminsan minsan. Try to reward your hardworking self. Deserve mo yan! 

Finally, according to studies, reflecting over the past year helps. Contemplate on where you've reached in life so far daw. Magmuni-muni sa nakalipas na taon. In that way, answers for every fresh start will naturally bloom out of nowhere. Are there new things you need to start? Saang parte kaya ng daily routine mo halimbawa? Health? Wealth? Human relations? Spiritual? Physical?! At iba pa. 

Everyday, lahat tayo entitled to freedom to choose. Galing diba?!  Parang treasure hunt halos araw-araw. Kaya naman puno lagi ng excitement  ang buhay. Something to look forward. Something to be thankful for, as always! At sa susunod na year end, sigurado, lahat magiging excited sa outcome ng kani-kanilang pagsisikap. Most especially, dahil pinili nating magkaroon ng "fresh start" na puno ng enthusiasm. Uhmmm…Fresh Start!




Anita Sasaki

KWENTO Ni NANAY
by Anita Sasaki

MASAGANANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!     

Kumusta po ang ating Pasko? Dahil ngayon usung-uso ang pag-tetext maski pagbati o greetings natin ay dinadaan natin sa text. Meron po akong kuwento. Nag ko-kompose po ako ng text message, dahil po sa pagmamadali or because of haste, instead of MERRY, I accidentally texted MESSY Christmas. Ito po ang nangyayari kung tayo ay nagmamadali. We give in to stress and pressure because of haste.

I hope you had a MERRY, not MESSY Christmas! More than that, I hope that you have not only a MERRY Christmas, but a MARY CHRISTMAS—full of SIMPLICITY, PEACE, HOPE and LOVE.

December is Yuletide Season, season for gift-giving and receiving. We should not underestimate generosity and the tremendous effect it has on the receiver and the giver. Di po ba may kasabihan na  "Little things do mean a lot, not only for the receiver, but also for the giver as well."

Ngayong 2013 sana po ay alisin natin ang ating mga maling diskarte sa buhay. Dahil ang buhay ay parang isang laro. LIFE is like a  GAME. There is a WINNER and a LOSER. We also have RULES.                                                                      

Game of Society—Larong Lipunan—this is how to make MUCH money—economic value.
Law ng Mahirap o ng walang pera.
Law ng  Payamanan —Kapitalismo

Warning o Paalala po:
Game of Life—ay magpapalago sa atin sa Katotohanan.
Game of Money—ay hindi katotohanan. Laro lang yan.

Dahil sa Paghahabol sa Pera, ilang bilyon tao ang lubhang naghihirap. Tulad nang nangyari sa Pagadian, Mindanao. Di po ba dahil sa paghahangad na malaki ang kikitain ng kanilang pera, ang daming tao ang nag-invest dito sa pyramid scam. Pero ano ang nangyari, lalo silang nawalan ng pera.

Ang game ng Paramihan ng Pera ay siya  ring umaagaw sa ating buong pagkatao. Nakakalimot sa salitang binitawan. Nagiging bato; nawawalan nang pakiramdam; nawawalan nang respekto sa iba at sa sarili.                                   

Sa pagpili nang ating kinabukasan, kailangan natin i-readjust ang ating lifestyle. So we have to go to the REALITY and enjoy what is there.     

A BLESSED, PROSPEROUS 2013 TO ALL!!!     

Jackie Murphy

Side Trips 
by Jackie Murphy

Ano ba itong term na “breadwinner” ito? Ito ba ay bread o ito ba ay “winner?” (just kidding…)! Ito ba ay namamana o choice? Sino-sino ba ang mga gumaganap na “breadwinner,” mga lalaki ba o babae? Panganay ba o bunso? Gaano o paano ba nagsimula ang concept na ito? Originally, sa isang pamilya sino ba talaga ang tumatayong breadwinner? Tatay ba o nanay? Si ate ba o si kuya? Pero bakit marami sa ating mga Pinoy na sa murang edad pa lang ay isang ‘breadwinner’ na? Hanggang kelan ba ang responsibilidad na ginagampanan ng isang breadwinner? Paano ba nagsimula ito?

Sa bawat pamilyang Pilipino, ang breadwinner ay mga ama ng tahanan. Pero ng dahil sa mahigpit na pangangailangan o situwasyon, ito ay kusang naipapasa sa mga susunod na miyembro ng pamilya at taos-puso itong inaako. Kung hindi na kaya ni tatay dahil nawalan ng trabaho o dahil maliit ang kita, di sapat para sa buong pamilya isama pa ang humihinang kalusugan ng mga magulang. Ito ay kusang-loob na pinani-nindigan ng pinaka-may-pagmamalasakit na anak. Isama na rin natin ang mga anak na napipilitang akuin ito kung ang kanilang padre de familia ay sumakabilang-bahay na…tsk..

Bihirang sinasabi o ipinapatong ng mga magulang ang napaka-bigat na responsibilidad na ito sa mga anak bagkus ay kusang nakikiramdam ang mga anak upang magbigay daan para makapagpahinga hanggang bumalik sa tamang kalusugan ang mga magulang. At dito na magsisimulang magpaalam ang mga anak na tumigil sa pag-aaral at maghanap na lang ng trabaho para makatulong para sa pamilya.

Nandiyan ang pumasok bilang kasambahay makapagpadala lang ng buwanang pantustos sa araw-araw na gastusin.

Nandiyan din ang mga di na nakapag-asawa hanggang tumanda ng dahil sa di matapos-tapos at di maubos-ubos na pagtulong at pag-aaruga sa mga miembro ng pamilya.

Nandiyan din ang magprisintang mag-OFW para mas malaki ang ipon sa pagpapaaral sa mga bunsong kapatid at pagpapa-ospital at gamot sa karamdaman ng mga magulang.

Eh bakit hindi uso ito sa ibang bansa kagaya ng Japan, America o Canada?

For one, it’s not a part of their culture to take care of other members of the family’s needs. “To each his own” ika nga. Everyone is responsible for his own welfare if the parents can’t provide. When you reach the adult age, you need to find yourself a job, get yourself an apartment and be responsible for your own life the way you want it. Total freedom… equals… Survival…

Secondly, halos lahat ay may trabaho kahit maliit lang ang suweldo. Mahalagang ma-sustain ang pang-araw-araw na pangangailangan at ikabubuhay unlike sa Pilipinas na marami ang walang trabaho, marami rin ang mga tambay at kung may mga kamag-anak na nagpapadala ng dollars o dinar o lapad, bihira na ang nagbabanat ng butong maghanap ng trabaho. Kung maka-hanap naman ng trabaho halos kulang pa at pantawid-gutom lang din. Pilit na pinagkakasya ang maliit na sahod sa araw-araw na panganga-ilangan ng buong pamilya.

Samantalang sa mayayaman na bansa, kahit teenager pwedeng makaipon ng pambili ng kotse o pantustos sa sariling pag-aaral na hindi na kailangang umasa pa sa magulang. Ito ay nakakamtan sa pamamagitan ng disiplina sa luho sa katawan at pagpupursigi na matupad ang pangarap.
Likas sa ating mga Pilipino ang matulungin sa kapwa lalo na sa panahon ng kalamidad at kagipitan ng mga kapatid at kapamil-ya. Pero ang tulong na yun ay minsan lang hanggang makabalik at makabawi sila sa hagupit na pinagdaanan.

Samantalang kung breadwinner ka, tanong ng karamihan sa atin ay, “Hanggang kelan matatapos ang responsibilidad na ito?” Paano kung mag-asawa na si kuya o si ate, sino pa ang tutulong sa amin, kina tatay at nanay? Sa sobrang close family ties ng mga Pinoy, nandiyan pa rin ang mga sikretong pagpapadala on the side (kahit na mas konti na kesa sa dati) ni kuya sa mga kapatid at magulang ng di nalalaman ni misis. At kung sakaling malaman, naku po, yan ay isa sa mga nagiging sanhi ng pag-aaway ng mag-asawa. Marami tayong mga kababayan na nasa ibang bansa na di maiwasang mag-aalala sa mga magulang at kapatid na naiwan doon, patuloy na umaasa sa buwanang padala ngunit ang katumbas madalas ay makalimutang ang pagpapahalahaga o paglalaan din para sa sarili.

Ang hindi alam ng marami ay ang napakalaking sakripisyong pinagdadaanan ng mga itinuturing nating mga breadwinners mapalokal man o OFW sa ating mga pamilya na sila ay mga buhay at totoong mga “bagong bayani” ng ating bayan. Nandiyan ang tinitipid ang sarili sa pagkain o pamasahe o bumili na lang ng bargain na winter jacket para sa sariling kaarawan makabili lang ng brand new na bisikleta para kay Junior.

At ilan sa aking mga nakakakuwentuhan ay dumadaing din ng kanilang saloobin pagdating sa kanilang role bilang isang breadwinner. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa kanilang mga hinaing:

1. Hindi napapahalagahan ang mga pinapadala bagkus ay nawawaldas sa mga mas hindi kailangan na bagay sa bahay.
2. Nalulustay sa bisyo ang mga pinagpagurang pera.
3. Nagdudulot ng mas higit na katamaran sa mga miyembro ng pamilya dahil sa siguradong nakalaang buwanang sustento.
4. Paglilinlang o pagsasamantala sa mga situwasyon para makahirit pa ng mas malaking halaga.
5. Naaalala lang sila kung may kailangang bilhin o bayaran.
6. Minsan feeling remote dahil sobrang unfair na walang ibang kamag-anak na tumutulong sa pamilya kasi nakapatong sa balikat halos ang lahat-lahat na tungkulin.
7. Inaabuso ang mga patakaran dahil walang nagsusumbong o di kaya’y nagtatakipan para di mabisto ang mga kalokohan.
8. Hindi nabibigyan ng halaga o malasakit ang mga bagay o gamit na naipundar.
9. Napapagod na sa walang katapusang responsibilidad.
10. Walang nakakaalala sa birthday ko o di man lang sila makapagpadala ng Christmas card man lang tanda ng ako’y kanila ring naalala sa kaarawan kong yun. Pag natanggap ang pera pati “thank you” wala rin.
11. Pati mga kapatid at mga pamangkin na nagsi-asawa na at malalayong kamag-anak ay umaasang matulu-ngan din sila at kung hindi mapagbigyan ay ito na rin ang hudyat ng selos at away.
12. Nakapagbigay at tumulong ka na nga, meron pa rin silang nasasabi. Di man lang nila ma-appreciate ang nakayanan ko.
13. Pambayad ko na lang ng mga utilities ko, sa kanila ko pa ilalaan dahil sa mga pang-emergency nilang pangangailangan.


Hayyyzzz….kahit na ano pa ang pinagdadaanan natin sa ngayon, maituturing na ibang klase pa ring tayong magmahal na mga Pinoy unconditionally kung tawagin lalo na sa ating mga mahal sa buhay. Walang kadaladala…ganyan natin sila kamahal…tsk…

Wala mang due date ang role mo at responsibilidad na ito para sa pamilya mo pero sa kalooban mo alam mong ikaw ay nakakatulong at mararamdaman mong ikaw ay higit at patuloy na mamahalin at kakailanganin nila. Alam mo ring ikaw ay isang dakilang “bayani” hindi lang sa puso at diwa kundi sa isip at gawa.

Mabuhay ka, Pinoy!
Happy reading!
Yoroshiku onegaishimasu...

Abie Principe

Shoganai:  Gaijin Life
By Abie Principe

Bagong Taon, Bagong Buhay, napaka-cliché, pero angkop sa panahon. Hindi talaga naiiwasan ang pag-usapan, pag-isipan at pag-debatehan ang pagbabagong buhay sa tuwing sumasapit ang katapusan ng taon.

Umamin nga tayo, minamahal na taga-basa, kelan ba talaga na TOTOONG nagbago tayo kasabay ng bagong taon? Really? Sa totoo lang? Malamang kung gagawa ako ng survey, at makatotohanang sasagot ang mga tinanong, siguro wala pang 20% ang totoong nagbagong buhay. Pero taon-taon naman binabalak magbagong buhay. Bakit kaya? Food for thought, di po ba? Hindi ko kayang sagutin ang tanong na “Bakit?” Ang teorya ko lamang ay “human nature.”

Basic nature natin ang gustuhin magbago, ngunit basic nature din natin ang mag-maintain ng status quo. Medyo conflicting, hindi po ba? Pero yan din ang kagalingan ng human nature, kayang mag-harmonize ng conflicting ideas. Hindi tayo gaanong na-stress kung hindi man matupad ang New Year’s resolutions, kasi kaya natin i-blank out muna yung “need for change” at instead mag-focus sa “maintain status quo.”

Ngayong napag-usapan natin kung bakit hindi talaga nagbabagong buhay tuwing Bagong Taon, paano kaya natin totoong magagawa ang pagbabagong buhay? Hindi ko kayo bibigyan ng tract at sasabi-hing tanggapin ang Panginoon, sa ibang venue po ang usapan na iyan. Ang masasabi ko lang, dapat magkaroon ng “focus” —ibig sabihin, dapat meron talagang konkretong balak gawin, at pagpursigihang gawin ito. Wag mag pa-distract sa ibang tao, wag gumaya sa mga plano ng ibang tao, wag pabagu-bago ang isip, sa isang salita “focus.”

Halimbawa, matagal ninyo nang balak asikasuhin ang ilang importanteng papeles, at ngayon hindi ninyo ginagawa dahil “busy,” “ayaw ako tulungan ng asawa ko,” “wala akong pera para asikasuhin,” etcetera, etcetera. Ang mga rason na ito pinapatunayan ang kakula-ngan sa “focus.”

Tulad ng “busy,” kung talagang busy kayo, malamang hindi importante ang papeles ninyo, dahil, kung talagang importante, kahit gaano ka busy, mabibigyan ng oras ang pag-aasikaso.
Focus on the level of importance, work vs. documents.

Yun namang, “ayaw akong tulungan ng asawa ko,” isang tanong po lamang, kanino po ba ang mga papeles? Kung ang papeles ay sa inyo lang, at hindi kasali si misis o si mister, dapat asikasuhin ninyo mag-isa. Huwag umasa sa ibang tao pagdating sa mga importanteng papeles. Dahil hindi naman naka-focus ang ibang tao sa papeles ninyo.
Focus on the importance of the documents for yourself, not others.

Tungkol naman sa “walang pera para asikasuhin,” medyo nalilito ako sa rason na ito. Kung tulad ninyo ako, at nandito ako sa Japan dahil sa trabaho, at madalas pa nga, dahil sa gusto nating makapag-padala ng pera sa ating mga pamilya, hindi ba ibig sabihin nito ay kumikita tayo ng pera habang nandito? At malamang ang mga papeles na dapat asikasuhin ay para makapagpatuloy ng pagtra-trabaho dito sa Japan, hindi po ba? So, hindi ba dapat paglaanan ng budget ang mga papeles? Babalik na naman yan sa “focus,” dahil hindi dapat doon sa “gastos” ang focus, kundi doon sa “pagkakataon na tuluy-tuloy ang pagtira at paghanapbuhay sa Japan.” Focus on the long term, not the short-term.

Mga suhestion lamang naman ito. Sa kahuli-hulihan, kayo ang bahala sa desisyon ninyo. Pero kung napanood ninyo ang movie na “Limitless” directed by Neil Burger and starring Bradley Cooper, impressive pala ang epekto ng mga taong very focused. Bagama’t fiction ang palabas na ito, ang basic storyline niya ay maaring ma-aaply sa pang-araw-araw na buhay natin, na ang pagkakaroon ng focus ay magbubukas ng iba’t ibang opportunidad sa iba’t ibang tao.

Sana ngayong taon na ito, magkaroon tayo ng “focus” sa ating buhay.

Maligayang 2013 sa ating lahat!

Nestor Puno

Rebisyon ng Immigration Law At Bagong Residence Management System sa Japan, Pagluluwag ba O Paghihigpit sa Atin?
ni Nestor Puno

Bagama’t naipatupad na ang bagong rebisyon ng immigration law at ng residency management system noong nakaraang July 2012, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi lubos na nakakaunawa sa nasabing mga batas na nagdudulot ng sari-saring espekulasyon o haka-haka batay sa kani-kanilang kalagayan. Mahalagang maintindihan natin ang nilalaman nito upang maka-iwas tayo sa problemang maaaring idulot nito dahil sa simpleng hindi natin alam. Kasabihan nga, “ignorance of the law is no excuse.”

Ang bagong batas ba ay pagluluwagan o paghihigpit sa atin?

Maraming natutuwa kasi hindi na natin kailangang magbayad ng re-entry permit kapag tayo ay lalabas ng Japan. Madami din ang natuwa ng magkaroon ng 5 years visa, at magkakaroon na din tayo ng juminhyo (residence certificate) tulad ng lokal na mamamayan.

Subalit sa isang banda, karamihan sa atin ay hindi naman madalas lumabas ng bansa sa loob ng isang taon kaya hindi tayo dapat matuwa dahil makakatipid tayo. Ang pagkakaroon ng mahabang visa tulad ng limang taon ay mangangahulugan ng pag-antala ng pag-aaplay ng permanent visa. At baka hindi natin alam, dati 1 taon ang pinakamababang visa, subalit ngayon ay mayroong 3 buwan at 6 na buwan depende sa inyong visa. Mayroon ng mga karanasan na dating 1 o 3 taon ang visa, subalit ng mag-aplay para sa ekstensyon, binigyan lamang sila ng 6 na buwan. Imbes na humaba o tumagal, umikli pa ang bagong natanggap na visa.

Ang bagong batas na ito ay pinabigat, at nagbibigay sa ating mga dayuhan ng mas maraming tungkulin. Ito ay nagpapataw ng multa, kaparusahang kriminal, kanselasyon ng pananalagi sa Japan at mapauwi sa Pilipinas.

Ang simpleng hindi pagpapakita sa kinauukulan o pagdadala ng residence card ay maaaring mapagmulta ng 20 lapad. Gayundin ang pagbibigay ng maling impormasyon o hindi naipaalam ang mga pagbabago na nakalagay sa inyong residence card tulad ng pangalan, edad, tirahan, pinagtatrabahuhan, atbp., ay maaari ding maging dahilan para makansela ang ating legal na pananalagi at mapauwi sa Pilipinas.

Kung lilipat ka ng tirahan, kailangang mag-abiso sa city hall na iyong pinanggalingan, at gayundin sa munisipyo ng bagong lilipatan. Kung saang lungsod ka nakarehistro, doon ka lamang maaaring makatanggap ng serbisyong pangkagalingan. Paano iyong mga biktima ng domestic violence na tumakas sa kanilang asawa, hindi siya maaaring humingi ng tulong sa ibang lugar na malayo sa kanyang asawa. Sa mga lugar na maliit ang populasyon, na halos lahat ng tao ay magkakakilala, kapag nagreklamo ka sa pulis o munisipyo ay madaling nakakaabot sa asawa.

Maging ang mga may maliit na negosyo at mayroong manggagawa (kabilang ang mga omise) ay kailangan ding maging maingat sa pagtanggap ng mga empleyado dahil maaaring maparusahan ang mga may-ari ng pagkakulong ng hindi hihigit ng 3 taon o magmulta ng hanggang 3 milyong yen, o pareho. Hindi rin maaaring idahilan na hindi natin alam ang status ng ating empleyado.

Ito ay ilan lamang sa mga paghihigpit ng mga naturang rebisyon. At ang higit na maa-apektuhan dito ay ang mga tinatawag na “bilog.” Sa dating sistema, kahit wala kang visa, nakakakuha ng alien card sa mga city hall at naipapakita ito sa mga ahensya ng pamahalaan upang makatanggap ng serbisyo na maaaring maibigay sa kanila sa kabila ng kanilang kalagayan. Ito rin ang nagagamit na pagpapatunay ng mga magulang kung saan sila nakatira upang maipasok ang kanilang mga anak sa karaniwang paaralan. Sa bagong batas, dahil sa immigration office na dapat kumuha ng residence card, hindi na sila maaaring makakuha nito. Wala na silang maipapakitang papel upang makatanggap ng anumang panlipunang serbisyo, laluna ang mga bata. Dadami na naman ang mga batang hindi makakapasok sa karaniwang paaralan.

Ang mga sumusunod naman po ay ilang mga katanungan na ipinaabot sa inyong lingkod, at ang mga kasagutan, kasama na rin ang ilang opinyon.


Q 1. Mawawala na ba ang permanent visa?
A 1. Hindi. Maaari pa ring mag-aplay nito kung nasa takdang panahon na batay sa inyong visa. Subalit dahil sa nagkaroon ng 5 taong visa, baka ito muna ang kailangang matanggap bago ang permanent visa. Sumangguni sa abogado o higit na nakakaalam kung maaari na kayong mag-aplay ng permanent visa.

Q 2. Mawawala ba ang permanent visa kapag nakipaghiwalay sa Hapon at muling nag-asawa?
A 2. Hindi. Nakuha ninyo ang permanent visa sa panahon ng inyong pagsasama, at hindi kondisyon na kapag naghiwalay ay mawawala ang naturang visa.

Q 3. Ano ang ibig sabihin ng, “not engaging in activities as spouse?”
A 3. Ibig sabihin nito, mga bagay na ginagawa bilang asawa. Ang mga salitang ito ay isang batayan para makansela ang visa ng may asawa, lalu na sa Hapon. Ito ang gray area, mahirap patunayan kung ang isang may asawa ba ay gumagampan ng kanyang tungkulin bilang asawa o hindi. Hindi porke’t nagsasama sa isang bubong ay masasabing ginagampanan niya ang kanyang tungkulin. At sa isang banda naman, hindi porke’t magkahiwalay ay hindi na niya nagagampanan ang tungkulin bilang asawa. Hindi lahat ng mag-asawa ay pare-pareho ang kalagayan, na dapat ay naninirahan sa isang bubong o nagtatabi sa pagtulog. May ilang kalagayan na kailangang magkahiwalay  ng tirahan o magkalayo nang hindi nagdi-diborsyo. Kailangan lamang nating maipakita na ginagampanan natin ang ating tungkulin bilang asawa. Mungkahi lang, magtala ng ating mga ginagawa o kaya ay bagay na magpapatunay ng ating ugnayan sa ating asawa.

Q 4. Sa dating alien card nakalagay ang kanji (Chinese character) ng aming pangalan, na ginagamit bilang identification sa bangko, insurance, atbp. Pero sa residence card, alphabet (romaji) lamang ang nakalagay. Saan maaaring kumuha ng identification na magpapatunay ng aming kanji name tulad ng dating nasa alien card?
A 4. Maaaring kumuha ng residence certificate sa munisipyo ng inyong tinitirhan, na kung saan nakalagay dito ang kanji characters ng inyong pangalan. Ito ay opisyal na dokumento at maaaring isumite bilang pagpapatunay ng inyong pangalan.

Kung mayroon po tayong katanungan o nangangailangan pa ng dagdag na paliwanag, maaari po kayong dumulog sa kakilalang abogado, o makipag-ugnayan sa inyong lingkod, at maisangguni natin sa mga taong mas higit na nakakaalam. Maari po kayong sumulat sa aking facebook account, Nestor Puno, o kaya sa nestorpn@yahoo.com.

Maraming salamat po. Mapayapa at Masaganang Bagong Taon!

Farah Trofeo-Ishizawa

Short-Cuts
By: Farah Trofeo-Ishizawa

First Cut –
Happy New Year to all the readers and fans of Jeepney Press.
How did you spend your holidays? Did you celebrate here in Japan or somewhere else?
Did you feel that the year 2012 went so fast? Or, is it just me who thinks that way?

Second Cut –
Anyway, looking back, 2012 was a beautiful year for me and my family.
That is because we celebrated the Golden Wedding Anniversary of our beloved mama and papa last October 2012.

Third Cut-
Can you imagine yourselves being with someone for 50 years or even more?  I hope your answer is "YES." Seeing my parents renew their marriage vows in front of our very good friend and mentor, Fr. Jerry Orbos, SVD, made me feel so happy and proud. For us children, our parents are truly our role models.
(Photo: Pa and Ma—1962 and 2012)

Fourth Cut-
Love and marriage—the importance of both seems to have dwindled through the years. But for those who believe in the sanctity of marriage, I encourage you to continue living and believing in it. For those who may be having problems right now, reflect on how you and your partner talk and treat each other. Do you still talk to each other and laugh together? Do you still trust and respect each other?

Fifth Cut-
If you have trust, honesty, and respect, you will be okay. But the moment that you have traces of doubt, and when your suspicious minds get you rattled and anxious, it is time for you to do something before it is too late.

Sixth Cut-
A happy relationship with love, trust, respect, honesty, and all the other virtues won't be complete without "forgiveness."
Can you say "sorry" when you are at fault? Or does your pride keep you from saying this word. Again, let me quote Fr. Jerry: "Humility is the key to forgiveness. Without humility, we cannot accept our mistakes, and without humility, we cannot accept others’ mistakes. Pride is the single biggest block on the road to reconciliation and forgiveness." Also, "never go to sleep or end your day without forgiving each other."

Seventh Cut-
Let me end this with a beautiful and very well known quotation from the greatest book we Christians know:
1 Corinthians 13:4–8a (English Standard Version)
Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never ends. As for prophecies, they will pass away; as for tongues, they will cease; as for
knowledge, it will pass away.

Have a beautiful year everyone. God Bless –Mama Mary loves us !

Thursday, November 15, 2012

Cover November-December 2012

Jeepney Press Cover November-December 2012
by Dennis Sun
www.dennissun.net