Friday, January 24, 2014

Jeff Plantilla

Isang Araw sa Ating Buhay 




July-August 2013

Sa audition ni Joseph Apostol, isang Pilipinong nakatira sa United Kingdom, sa The Voice – UK 2013 sinabi ni Tom Jones na maraming magagaling na singers sa Pilipinas. Sinabi niyang alam niya ito dahil narinig na niya silang kumanta. Sa seryosong salitang ito ni Tom Jones, ramdam ko ang saya bilang Pilipino. At si Tom Jones ay hindi nag-iisa.

Isang Malaysian diplomat ang nagsabi na masaya siya sa assignment niya sa Pilipinas dahil sa mga live bands.  Dati sa Bangkok, karamihan sa mga music bands sa mga hotels ay mga bandang Pinoy. May napabalita din na maraming singers sa mga luxury cruise liners ay mga Pinoy at Pinay. Sa isang TV show sa Singapore, may nagpaliwanag na hindi na isinama ang mga Pilipino sa singing contest dahil magaga-ling silang kumanta.

Habang sikat si Victor Wood nung 1970s sa Pilipinas, sikat din siya sa Indonesia. Bago pa sumikat si Charice at Arnel Pineda sa US, lumabas na sa American TV nung 1960s ang Fabulous Echoes na karamihan ay mga Pilipino ang musikero/singers.

Ang kasaysayan ng pagsisimula ng jazz music sa Japan ay kaugnay sa mga Pilipinong musikero na tumugtog sa Japan ng jazz music bago pa ang World War II. Sila, kasama ang mga Amerikano, ang nagturo ng pagtugtog ng jazz music sa mga Hapones.  Mga Pilipinong musikero din ang tumutugtog sa mga hotels sa Shanghai bago pa mag-gyera.

Bago pa dumating ang marami nating mga kababayang babae sa Japan para sa trabaho, mga musikerong lalaki na ang tumutugtog sa ilang clubs sa bansang ito. At ngayon, ilang Pilipina ang kilalang jazz singers sa Japan.

Halos gustong sabihin ng ilang hindi Pinoy na lahat ng mga Pilipino ay magaling kumanta. Kahit hindi naman totoo, naging isang image na natin ang pagkanta.

Kanta Bilang Makabayang Gawain
Sa pagdiriwang ng ika-33 taong ng tinatawag na Gwangju Uprising sa Korea nitong Mayo 18, 2013, naging isyu ang pagkanta ng “March for Thou.” Noong 1970s, panahon ni Pangulong Park Chung-hee, kinakanta ang “March for Thou” bilang protest song.  Parang ito na ang naging pangalawang national anthem ng mga Koreyano sa pagpapahiwatig ng kanilang pagmamahal sa kanilang bayan. Noong nagaganap ang tinawag na Gwangju Uprising nung 1980, kinakanta din ng mga taga-Gwangju city ang “March for Thou” habang tinututulan ang martial law sa Korea.

Sa pagdiriwang sa taong ito, nagdesisyon ang pamahalaan ng Korea na hindi pakantahin ang mga tao ng “March for Thou” dahil darating ang bagong Pangulo, ang anak na babae ni Park Chung-hee, si Gyunghae Park. At dahil siya ay anak ng dating Pangulo nung 1970s, hindi daw magandang kantahin ang “March for Thou” sa harap niya. Kaya may orchestra at choir sa Gwangju Uprising Memorial ceremony para sila na lang ang kakanta.

Nguni’t nung kumakanta na ang choir ng “March for Thou,” sumabay nang buong sigla ang mga naulilang magulang at kamag-anak ng mga namatay nung Gwangju Uprising.  Ang mga nakaputing cholgori na mga naulilang kababaihan ay hindi nagpapigil sa mga security personnel sa kanilang pagkanta. May ilang Koreyanong napaiyak sa pagkantang iyon.

Ito ang isang halimbawa ng lakas ng kanta na makaantig ng damdamin sa tao. Kapag may malalim na kahulugan ang kanta, mahirap pigilan ang pagkanta ng mga tao.
Sa Pilipinas, may sinulat na libro ang yumaong Jose W. Diokno na may pamagat na “To Sing Our Own Song.” Ito ay sinulat niya nung panahon ng martial law sa Pilipinas. Gusto niyang ipahiwatig na hindi dapat pigilan ang kalayaan ng tao kasama na ang pag-awit ng sariling kanta. Maraming bawal noon sa panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, kasama ang mga kantang pumupuna sa kanyang pamahalaan.

Tulad sa Korea, may kanta din tayong naging pangalawang pambansang awit noong mga panahong hindi pa napapalitan ang pamahalaan ni Pangulong Marcos. Ito ang kantang “Bayan Ko.”  At kahit na nagbago ang pamahalaan nung 1986, ang “Bayan Ko” ay kinakanta pa rin sa mga pagtitipon ng mga Pilipino.

Dati pang protest song ang “Bayan Ko” na kinakanta laban sa pamahalaan ng mga Amerikano.

Kanta Bilang Bahagi ng Pang Araw-Araw na Buhay
Minsan, habang kausap ko ang isang Canadian, bigla akong kumanta nung bumanggit siya ng mga salitang kapareho ng lyrics ng isang kanta. Sabi niya na yun daw pagkanta ko ay “very Filipino.”  Totoo nga naman. Basta’t may mabanggit na salitang katulad ng lyrics ng kanta, kumakanta na tayo kaagad.  Bakit kaya?

Sintunado man o hindi, kumakanta tayo sa ating pang araw- araw na buhay.  Kahit mga bata kumakanta ng mga kantang pangmatanda, kasama na ang pagkumpas ng kamay at paglabas ng damdamin sa mukha.

Hindi halos kumpleto ang kasayahan kung walang kantahan.  Dati ang kailangan lang ay gitara at tuloy-tuloy na ang kanta habang nag-iinuman. Sa aming lugar sa Laguna, may mga nagbabarik (nag-iinuman) na puro kababaihan (obasan kung baga), at lambanog ang iniinom, na nauuwi sa kantahan kasabay ang paghampas sa lamesa bilang background music kapag lasing na. Sa Quezon, hawak-hawak ang bote ng lambanog at baso habang inaawitan ng babaeng nagtatagay ang mga lalaki para mapilit na mapainom. Nagkakaisa ang awit at inom sa ganitong pagkakataon.

Balita ko sa mga bara-barangay ngayon, ang party ay kailangang may sing-along machine.  At maaari na ngayong umarkila ng sing-along machine para tuloy-tuloy ang konsiyerto ng lahat ng may malalakas ang loob. Asenso na tayo ngayon!

Kanta Sa Buhay Sa Japan
Ilang beses ko nang narinig sa mga kababayan ang magandang naidudulot ng pagkanta sa loob ng karaokehan. Halos walang katapusang kanta at sayaw ang ginagawa sa loob ng ilang oras ng saya.

At sa katapusan, nagpapasalamat sila dahil nawala kahit paano ang kanilang stress, o nabawasan man lang.

Maaaring dahil hindi natin kadalasang naririnig sa Japan ang mga dating paboritong kanta sa Pilipinas, kaya’t kung kakantahin ang mga paboritong yon parang bumabalik ang mga masasayang panahon sa Pilipinas. Parang nagiging bata muli. Maaaring sa iba, parang muli silang umiibig.

Kaya na nga therapeutic ang pagkanta sa mga taong maraming stress sa buhay – tulad maaari ng marami sa atin na mga dayuhang naninirahan sa Japan. Ang pagkanta ay isang bagay na mabilis gawin, at may malaking tulong sa ating isipan at damdamin.

Yung nakasanayan na nating ugali na kumakanta nang wala sa oras at lugar ay siyang nagiging mabisang paraan para maibsan ang lungkot, o malimutan ang problema kahit sandali lamang.  Kailangan natin ng time out sa mga pang araw-araw na stress sa buhay kaya ang pagkanta, o di kaya ay pakikinig sa mga kanta, ang isang magandang break.

May nagsasabi na ang mga awit ay panalangin din. Kaya maaaring ang pagkanta ay paraan upang makapagdasal.

Minsan habang naglalakad sa kalye dito sa Japan, napapakanta ako (nang pangsarili lamang). Sa Pilipinas karaniwan lang yan, pero sa mga lugar na iniikutan ko dito sa Japan, bihira ang kumakanta habang naglalakad sa kalye. Kaya’t napapatigil ako sa pagkanta kapag napapalingon sa akin ang mga Hapones. Pero, masaya ang pakiramdam na uuwi ka pagkatapos ng trabaho at may kinakanta ka habang palakad sa bahay. Pang-alis ng pagod, pangdagdag sa masayang pagtatapos ng araw.

























Rey Ian Corpuz

Nasyonalismo
ACHI-KOCHI



July-August 2013

Paano mo ba matutulungan ang ating bansa bilang isang OFW? Marahil marami sa atin isa lang ang sagot. Ang pagpapadala lang ba ng pera ang sagot? Siguro karamihan sa atin ay ito ang sagot. Ngunit hindi natin alam na kahit sa simpleng bagay na ginagawa natin sa ating buhay sa Japan ay nakakatulong tayo sa pangkalahatan. Sa aking opinyon ay ang pagkakaroon ng pagmamahal sa ating bansa ay masasabi nating isang malaking tulong na hindi pinansiyal. Sa loob ng limang taong pagtuturo sa mga pampublikong paaralan sa Japan ay kailanman hindi ako nahiya na ako ay Pilipino. Kahit sabihin natin na pangit ang reputasyon ng mga Pilipino at pilit ko itong pinapakita na may mas maraming magandang bagay na dapat tayong ipagbunyi bilang isang Pilipino.

Unti-unting dumarami ang mga Pilipino na nagtuturo sa Japan bilang mga Assistant English Teacher. Sa unang lingo o buwan ng kanilang pagiging AET ay nabibigyan ng tuon ang kanilang bansa para ito ay ibahagi at ikwento sa mga bata. Ang pagiging cultural ambassador ng mga AETs sa mga pampublikong paaralan sa buong Japan ay isang malaking tulong para maiba ang imahe na naitatak ng mga Hapon sa mga Pilipino simula noong Bubble Era.

Karamihan sa mga guro na nakakatrabaho ko ay nagugulat sa mga pinapakita kong mga larawan lalo na ang mga pagkain, kultura, at pagiging “diversified”
nating bansa sa lenguahe. Sa paraang ito ay kahit paano, nabubura ang masamang imahe nating mga Pilipino dito sa Japan.

Limang taon ko nang ginagamit ang mga posters at brochures na pinapadala ng Department of Tourism ng Philippine Embassy. Sa kada paaralan at siyudad na ako’y na de-destino ay namamangha ang bawat nakakakita ng ganda ng Pilipinas. Marahil ito na lang ang masasabi ko na hindi pinansiyal na kontribusyon sa ating bansa. Pinapakita ko parati ang mga magagandang tanawin at mga kakaibang bagay na malimit na makita ng mga turistang Hapon sa ibang bansa.

Bilang isang mamamayan ng siyudad ng Dabaw, pinagmamalaki kong ibahagi ang Mt. Apo bilang pinakamataas na bundok sa ating bansa. Ang ating “monkey-eating eagle” na karamihan ay natatagpuan lang sa Mindanao at kakabansag lang itong pambansang ibon. Ang “orchids” na “walingwaling” na natural na nabubuhay sa rehiyon ng Davao at Mindanao ay isang simbolo ng pagiging hitik sa yamang halaman ng ating bansa. Alam nyo ba na ang mga saging at pinya na kinakain natin dito sa Japan ay lahat galing sa Davao at Mindanao? Ang ating jeepney ay isa din sa ating pwedeng ipagmalaki dahil ito ang simbolo ng ating pagiging Pilipino. Maliban nito ay mayaman din ang ating bansa sa mga coral reefs at diving sites. Meron tayong tarsier at Chocolate Hills sa Bohol, at Underground River sa Palawan. Iyan ay iilan lang sa mga mabubuting bagay ukol sa Pilipinas na gusto kong ibahagi.
Sana maging proud lahat ng Pilipino sa Pilipinas. Eh mga dayuhan nga eh proud sa bansa natin, desho? Kahit sa inyong munting paraan, ibahagi ang mga magagandang bagay tungkol sa ating bansa. Tama na ang mga kwento ng kahirapan, at kaguluhan. Sawa na mga Hapon sa mga yun. Gusto nilang marinig ang mga mabubuting bagay ukol sa Pilipinas.


Ping-ku

Narutokintoki, ima deshou!
Kansha Alkansha


July-August 2013

So many things are happening in the here and now of the Japanese economy. It all started in November last year when former Prime Minister Yoshihiko Noda announced the dissolution of the Japanese parliament's lower house. This paved the way to the December 16th General Elections and gave us the incumbent and second-timer Prime Minister Shinzo Abe. A re-energized conservative leader back in power aimed at resurrecting the Japanese economy from stagflation from Day One. And boy, did we feel the effects. For those of us who were home for the Christmas holidays, we saw how the yen rapidly declined to around 0.46 pesos to the yen in a few weeks. We can tell that Mr. Abe was and still is bent on cranking up the economy with everything in his toolkit and I could almost hear everyone in his team of technocrats chant “Ima deshou!”

We can also see these apparent changes in our midst by looking through the business pages. Let’s see what kind of ads are on a major broadsheet like the Nikkei Shimbun on a weekday. A page and a half on travel packages—nothing unusual there with the upcoming summer break. Yes, but look at the prices 295,000 yen for a 10-day Hokkaido tour via the JR 2429D sleeper train covering 2,500 kilometers! Or, 398,000 yen tour package for 7 days of autumn in Alaska. Price tags I have not seen for a very long while indeed.

What else? A variety of newly released books and soon to be released business magazines with a whole special issue highlighting the tough summer ahead for the 2-month old BOJ president. Catchy bullet points such as interest rates, re-balancing inflation targets, investor’s choice picks, analysis of rising interest rates overseas and its effect on the BOJ, etc. As early as June, a business magazine is already profiting from reselling its back issues for the first three months of the new fiscal year with banners like “Market choice picks in Abenomics era” for the April issue or “Lessons learned from May 23rd,” (the day when the Nikkei index fell by over 1000 points after over a month long ferocious rally) in the May issue and “The lost month of May” for the June issue. All these ups and downs and a lot more in between happened in the first six months of Mr. Abe’s term (and I suppose more to come)— seems like the dawning of a renewed era for the economy that created the super efficient, faster than the speeding bullet trains?

Well, let’s take a closer look at the Nikkei broadsheet. How is Mr. Abe’s term affecting the private sector? Another masthead reads “Seven Keizaien, Kigyo kaeru” (7-eleven economic park changes business) with a small photo inset of the 7-eleven logo and bullet heads that read “Chase market saturation blues with constant change according to Chairman Suzuki” and “Private brands are taking over instant noodle market”. Okay, so it’s yet another article glorifying the convenience business based innovation chain. There are also FREE orientation seminars on new IPO listings, filings and issues that may diminish or interrupt trading, a seminar on surefire way to choose a juku for your child, or health seminars on how to stimulate the brain in your 90s—yes, all for free and sponsored by the Nikkei group of companies.

But what really fascinates me is the motley of ads introducing a variety of goods and services from SMEs to large scale companies. There are ads on insurance plans, memorial parks, silkscreen art, advance sale of 2014 World Cup commemorative gold coins, cloud CAD services, a wide selection of health foods that are panacea for high blood pressure, weak knees, like aojiro, garlic pills, sesame pills, etc. Yes, all of that on today’s Nikkei Shimbun.

On TV, things get a bit fancier. We, in Kansai, often hear catchy commercial jingles from companies BUYING old pianos (piano utte chodai!), or several others selling tombstones. There are also a good number of popular stars who appear in unlikely ads like Akiko Wada endorsing a whole product line of hairline enhancers or even SMAP’s Shingo Katori endorsing Dole bananas! Agricultural farm products advertised on prime time TV include Koshi-hikari rice, Wakayama or Ehime mikan, Aomori apples, Miyazaki mangoes and even Tokushima narutokintoki or sweet potatoes! Not in my wildest dreams would I see a TV commercial in the Philippines promoting the humble kamote. I remember being threatened by my elders when I was young that if I did not do well in school, I would be banished to a life planting kamotes. Well, here in Japan, people will give you a blank stare and say, “Well, as long as you know how to cultivate narutokintoki, you will be fine.” The strategy of branded farm products creates positive feedbacks not only for the agricultural sector but for revitalizing local economies where these farm products are cultivated.

The hubby came back from a day long drive to the countryside with his college buddies with omiyage of narutokintoki.  A net of this variety of kamote came with a small mimeographed paper explaining its origins, nutrients, proper way of storage to keep the kamotes fresh and yes, a picture of the farmer who harvested the kamote and his guarantee that you get your money’s worth when you eat his kamotes! Appa-rently the narutokintoki originated from the areas around the Yoshinogawa river in Tokushima prefecture which were perennially flooded during heavy rains. Upland soil and all its nutrients were washed downstream and through the years enriched the soil in low lying areas. The lowland farmers were limited to planting crops that survive in murky soil and learned to perfect the narutokintoki variety of sweet potatoes. They later found out that the floods made their land fertile grounds for cultiva-ting this variety of kamote which is popular in Kansai for its elegant color and sweet flavor. The kanji characters 「鳴 門 金時」seem to express the twist of fate with the floods as a blessing in disguise for the lowland farmers: Google sensei translates the characters as “When gold comes.”

After cooking the kamotes, I shared my stash with my in-laws and the first thing that my mother in law said after savoring its hot steaming golden creaminess, “Yappari oishii ne. Noukka wa yoku ganbatte kureteita wa. Arigatai desu!” (Indeed, very good tasty. The farmers did well. Much thanks to them!) One of the solid pillars of the Japanese economy is the availability of a rich variety of goods and services that sustains and satisfies the distinct preferences and taste of its domestic population. Whether you are a big manufacturer like Dole or a small kamote farmer, you get a chance to introduce your quality products in the market and make a good living. With Mr. Abe at the helm, he is clearly setting his sights on making the Japanese agricultural sector competitive by selling farm produce in the global market through the TPP. Undoubtedly, there will be tough times and rough sailing ahead. But I say, “Ganbare to the farmers! Narutokintoki, ima deshou!”

Neriza Sarmiento Saito

The Question Of:
To Praise Or Not To PraiseON THE ROAD TO:


July-August 2013

A few days ago I was talking to a colleague about  how effective praising has done for her son. After coming home exhausted from work, she was delighted when her junior high school son offered to wash the dishes, something that he has never done before!

In my long years of teaching here in Japan, sometimes I wonder why many teachers prefer to scold rather than praise students. Understandably, it could be a way to make students work harder. This is deeply rooted in the Japanese perception of humility and perfection. But for someone like me, who is generous with praises, I know for sure that the only way to see a smile in a child's lonely face are simple words like: Very good!  You did very well!  That's very nice of you!

I grew up in an environment where discipline and praise are a must. My parents were very strict! One day, a fire almost burned down the trees in our backyard because we played
"bahay-bahayan" with my younger brothers and sisters. We cooked rice in "palayok" and used matches to start a fire. When my parents came back home from work, we got the proper discipline we deserved 2 spankings each on our buttocks but I received an extra spanking because being the eldest child, I should have had the command of responsibility. My mother said that I should have told our maid that we were going to use the matches. However, after a long sermon, my father praised me for acting quickly to put off the fire and for bringing the younger children to safety. And that episode in my childhood days left a great impact on the way I treat my students that they must be responsible for the consequences of their own actions.

In the May-June issue of JP, I introduced the Uenomiya Taishi Global Studies Club members and their adviser Mr. YOSHIHIDE MARUYAMA. Their pictures will appear in this issue.
We apologize for not being able to print the pictures in the previous issue. Mr. Maruyama, who graduated from Kwansei Gakuen University is a teacher par excellence. His English classes are well structured, very functional and envigorating! Sometimes the students are required to memorize passages from a digital textbook using shadowing techniques. His strong belief that students should be exposed to global English led to their visit to the Philcongen. When the students gave a presentation to the student body after that visit, he praised the students for being able to recite in front of the  other students with confidence.
   
Recently, a new kind of glow can be seen on the faces of the GSC members. Takuya Namba, Chisato Sasaoka, Maki Oeda, Ohno Koki, Daiki Shiraishi, Yuma Aono and Jun Matsunaga and with the current adviser Mr. Yoshiaki Oshio. Through their activities at the GSC, they are able to observe and experience diverse cultures by studying languages other than English. It also affords them the chance to appreciate the uniqueness of individuals in relation to society, to prepare them to work in the emerging global society.

Who knows, a few years from now, some of them might be working at international companies or promoting “Cool Japan” overseas or might be interpreting at conferences?
     
As for me, I will continue to praise! It doesn't even cost a yen and the smile I can see in their faces will forever be my treasure!

Abie Principe

Shoganai:
Gaijin Life
On Festivals and Friends
and Volunteering

July-August 2013



Nakaraan na naman ang isang Fiesta sa Nagoya, nitong May 26, at alam naman ng lahat na ako ay isang mainstay sa ating Festival. Taon-taon itong ginagawa ng CPFA, and for the past 6 years, nag vo-volunteer ako dito.

Masaya ang mag volunteer.  Maraming nagsasabi na, ok ka lang ba, nagtra trabaho ka ng matagal, at napapagod ka, hindi ka naman babayaran. Pero ang pag volunteer naman ay bukal sa kalooban. Wala naman nagpipilit na mag volunteer ka, ikaw mismo, gusto mo. Sa aking experience, bagamat wala ngang monetary compensation ang volunteering, meron naman itong ibang benefits. Hayaan ninyong isa-isahin ko ang mga benefits of volunteering:

Una, FRIENDS. Sa pag vo-volunteer, maraming nakikilalang mga iba’t ibang tao, mula sa iba’t ibang parte ng society, at nagiging mga kaibigan sila. Making new friends, talaga is a big benefit. In the years I have volunteered, hindi lang sa Festival, kundi sa mga ibang events din sa Nagoya, tulad ng World Collabo Festa, at Foreign Artists’ Exhibit, masasabi ko, na talagang marami akong nakikilalang mga kakaibang tao, at ang iba pa nga, naging kaibigan ko.

Pangalawa, SENSE OF ACHIEVEMENT. Ang pakiramdam na mayroon kang nagawa na may kabuluhan ay mas matindi kung ginawa mo ito ng walang bayad. Bagama’t maraming magsasabing mayroon namang sense of achievement pag nagtra-trabaho ka sa isang makabuluhang project, in the end, it is just a job. Isang bagay na ginagawa para makatanggap ng salary at the end of the month. Pero ang volunteering, at the end of the day, and when all is said and done, mayroon kang ginawa, nai-bahagi sa marami, at nai-pakita sa mga kababayan natin, at hindi dahil sa binayaran ka, ginawa mo ito dahil bukal sa kalooban mo na gawin ito, ng walang bayad, and that makes the feeling different from a day job. Mahirap maintindihan ito, lalo na ng mga hindi talaga mahilig mag-volunteer. Pero sa mga taong tumulong noong Tohoku Earthquake, alam nila ang feeling of achievement that comes with volunteering. Maaring maliit na halimbawa ang pag-volunteer sa mga events, pero halos lahat naman nag-uumpisa sa maliit, hindi po ba?

Pangatlo, NETWORKING. Ayan, ito naman ang medyo self-serving side ng volunteering. Sa totoo lang, hindi lang ibang tao ang matutulungan kapag nag-volunteer kayo, kundi pati sarili ninyo. Kalakip ng pagkakaroon ng mga bagong kaibigan, magkakaroon din ng pagkakataong makilala ang ilang mga importanteng tao, at kapag nakita ang kakayahan ninyo sa pag-volunteer, maaring maging daan ito para magkaroon ng mas magandang trabaho, o di kaya, oportunidad na makakita ng international projects na maaring salihan. 

Ilan lamang ito sa mga benefits ng volunteering. Itinuturo ng volunteering na hindi lamang monetary gain ang paraan upang umunlad, mayroon ding ibang paraan. 
Kaya, humanap na po kayo ng volunteer activities sa inyong mga lugar, who knows, baka dito ninyo pa makita ang matagal ninyo nang hinahanap na makakapagbigay ng  meaning sa buhay ninyo.

Nestor Puno

JAPAN IMMIGRATION
LAW WATCH (JIL WATCH)


July-August 2013



Magandang Araw po sa inyong lahat! Ang tatalakayin naman po natin ngayon ay hinggil sa epekto ng “revised immigration control act” na ipinatupad noong ika 9 ng Hulyo, 2012. Ano na po ba ang nagiging epekto nito sa atin? Paborable ba sa atin ito, o nagiging pahirap?

Sa loob ng halos isang taon magmula ng ipatupad ito, marami ang naapektuhan ng mga pagbabagong ito. Kailangan maging maingat tayo at pag-isipan muna ang lahat ng mga alternatibo bago gumawa ng hakbang na may kaugnayan sa ating visa. Kung hindi sigurado sa mga hakbang na gagawin, dumulog sa mga higit na nakakaalam o abogado, at hindi sa mga taong lalo lamang magpapagulo ng inyong isipan.

Isang halimbawa ng medyo kakaibang paghihigpit nila ngayon ay ang usapin ng buwis (tax). Mayroong Pilipina na nagpakasal sa Hapon at mayroon na silang anak, na nagsumite ng aplikasyon ng visa. Hindi siya nabigyan at sinabihang umuwi na lang sa Pilipinas. Nang tinanong kung bakit, ito ay dahil sa mayroong panahon na hindi nabayaran ang kanyang asawa na buwis. Hindi siya mabibigyan ng visa kung hindi sila nagbayad ng naturang buwis. Kung tutuusin, walang kinalaman ang asawang Pilipina sa buwis ng kanyang asawa, lalupa’t ito ay sa panahon na hindi pa sila kasal o marahil ay hindi pa magkakilala. Pero ito ay nagiging dahilan ngayon upang tanggihan ang mga aplikasyon ng visa ng mga may asawang Hapon.

Para naman sa mga nais makipaghiwalay sa asawang Hapon. Pag-isipan muna natin ang lahat ng bagay bago tayo gumawa ng hakbang at paghandaan natin kung anuman ang nais nating gawin. Dati, kahit na mayroon ka pang natitirang visa kahit na nakipaghiwalay ka na, maaari mo pa ring tapusin ang natitirang visa mula sa dati mong asawa. Pero hindi na ganoon ang sistema ngayon. Halimbawa, hindi kayo nagsasama o nag-diborsyo na, maaari nilang ikansela ang natitirang visa, maliban kung mayroong mabigat na kadahilanan. May lumalaganap na balita na kapag nakipaghiwalay sa asawa ay hindi na makakabalik dito kapag lumabas ng bansa. Maaaring maganap ito sa darating na panahon. Kahit hindi natin i-report sa immigration ang diborsyo, dahil sa nagpapalitan ng mga impormasyon ang mga ahensya ng pamahalaan, malalaman din ito ng immigration. Kampante tayo na uuwi ng Pilipinas, akala natin ay hindi pa alam ng immigration, at pagbalik natin dito ay sasabihan tayo na hindi ka na pwedeng makapasok dahil hindi ka na asawa ng Hapon.

Kung nais nating makipaghiwalay sa ating asawang Hapon, na siyang pinagkukunan natin ng visa, may pag-asa na magkaroon tayo ng sariling visa kahit wala kayong anak. Magmula sa spouse visa, maaari tayong magpalit bilang long-term resident. Pero siyempre, ito ay may karampatang

kondisyon at kailangan nating maipakita na tayo ay responsableng tao bilang isang residente at may kasanayan sa pamumuhay dito.

Kailangan ay mayroon tayong maayos na trabaho, nagbabayad ng mga buwis at nakapasok sa segurong pangkalusugan, sa minimum. Lalo na sa mga nagtatrabaho sa gabi, at kadalasang hindi binabawasan ng buwis, pwede tayong pumunta sa munisipyo ng ating tinitirhan upang ideklara ang ating kinikita at mga gastusin na siyang maaaring pagbatayan ng babayarang buwis. Maaari din tayong kumonsulta sa kanila para sa mga insurance na dapat nating bayaran. Kailangan nating mai-adopt ang mga bagay na maaari nating magamit sa ating pamumuhay dito, kabilang na rin ang pagsasalita ng Wikang Hapon. Anuman ang katayuan ng ating visa, magiging batayan natin ang mga ito upang makapanatili tayo sa bansang Hapon.

Kailangan nating maging mapagbantay sa mga magiging epekto ng batas na ito at hindi dapat maging kampante na magiging magluluwag ang immigration. May napanood nga ako sa internet na napabalita sa Pilipinas na magluluwag na daw ang Japan sa pagpasok ng mga turista mula sa Asya, kabilang ang ating bansa.

Kailangan nating mapag aralan ang bawat anggulo ng batas upang maiangkop natin sa ating kalagayan. At tiyakin na walang malalabag na karapatang pantao, laluna ang karapatan ng mga bata. Kailangan nating makasama ang mga local na mamamayan, laluna ang mga kasapi ng NGO/NPO na tumutulong sa mga foreigner, gayundin ang mga abogado, at mambabatas na makakatulong sa pagsusulong ng ating mga karapatan at kagalingan. Ang ating maayos na pananatili sa bansang Hapon ang siyang magbibigay puwang para sa layunin ng pamahalaan na “multicultural society”.

Kailangan nating magbuo ng monitoring group upang sumubaybay sa mga pagbabago at epekto ng batas migrasyon dito sa Japan. Inaanyayahan ko po kayong lahat na makilahok sa facebook group na ating itatayo upang mangalap ng mga impormasyon at karanasan mula sa ating mga kababayan dito sa Japan upang makita natin ang kaganapan sa buong bansa at maibahagi natin ito sa iba. Tatanggap din tayo ng mga nais kumonsulta, sa pamamagitan ng grupong ito at hihingi tayo ng payo mula sa mga abogado at immigration lawyer ng ating network. Ang group na ito ay tatawaging, Japan Immigration Law Watch o JIL Watch. Abangan po natin ito sa facebook, at dito po tayo magkita-kita.

Maraming salamat po.


Marty Manalastas-Timbol

SHITTERU?

July-August 2013



ALAM NYO BA…na sa ibang tao napakahirap ang umamin na sila ay mali. Dahil pag inamin nila na sila ay mali, it involves saying, ‘I am sorry’, na mas mahirap gawin ng iba. May mga ibang tao kasi na hirap na hirap sa pagsabi ng sorry. I know a person who can’t say sorry at all….secret. O ikaw kabayan, marunong ka bang mag sorry? Saying sorry and pag-amin ng maling ginawa will make you feel better…kaya go and say sorry sa mga taong iyong nasaktan and you’ll feel better.

ALAM NYO BA…na according to the book Real Simple, Eating Well, limang bagay o pagkain ang dapat ilabas sa inyong refrigerator dahil mas maigi ang mga ito at room temperature. Ito ay ang potatoes, hot sauce, kamatis, tinapay at cake. Di ko lang siguro about the cake pero sabi nila, if cake is chilled it becomes dry. Siguro nga dahil nawawala yung pagkamoist ng cake. Yung naman kamatis, kasi daw they will turn mushy and bland. Sabi din sa libro ng Real Simple, you can put bananas in the refrigerator, to keep it cold as they will stay at their perfect peak ng mga isang lingo. Siguraduhin lang na hinog na ang saging bago ilagay sa ref ninyo.

ALAM NYO BA…kung bakit tayo pumupunta or we go to our Doctor? According sa survey ng health stats from 2005 to 2009, people go to see their doctor dahil:
1) masakit ang ulo o may migraine;
2) chronic neurological disorders;
3) high blood pressure; 4) anxiety, depression;
5) cholesterol problem; 6) colds and flu or upper respiratory conditions;
7) skin disorders;
8) back pain;
9) diabetes and,
10) osteoarthritis and joint disorders.
Alam nyo ba na sa mga nabanggit na sakit skin disorders are a more common reason at mas mataas ang percentage nito. Sa mga nabanggit na sakit, 67% of the most prevalent diseases ay mas common sa mga kababaihan. (source: Reader’s Digest)

ALAM NYO BA… that we celebrated the 115th year of Independence of our country, the Philippines last June 12? It is to commemorate the struggles and hardships ng ating mga ninuno ng ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa. Be proud of our country, be proud to be a Pilipino.

ALAM NYO BA…that sesame seeds ay di lang para sa mga ibon. Ito ay nakakatulong to fight high cholesterol. Sesame seeds helps in lowering cholesterol by keeping your intestines from absorbing the stuff. May anti-oxidant din ito na nakakatulong sa pag block ng cancer. You can use sesame seeds when you eat salad, boiled veggies pati na rin sa ramen.

ALAM NYO BA…na maganda daw para sa puso if you rest or take a sick leave when you are not feeling well.  Reporting to work sick ay hindi nakakabuti lalo na if you have a high blood pressure or diabetes. Why take a sick leave? 1) Makakatulong ito para sa health mo para makapahinga ka ng husto;
2) Pag may sakit ka, naturalmente, di gugustuhin ng mga officemates mo na nasa office ka;
3) Mas mataas daw ang chance na magkaroon ng heart attack kung pipilitin mong pumasok when you really do not feel well. So, remember, when not feeling well, call in sick, you have nothing to loose and besides…naghihintay ang unan mo…hehehe.

Have a great summer but make sure to keep cool. Enjoy and have fun!

Jackie Murphy

Side Trips
“What are the qualities you look for in a friend?”

July-August 2013



Bihira ko yatang hindi marinig sa mga kapwa Pinoy natin dito sa Japan na ayaw na nilang makipagkaibigan sa mga kapwa nila. Mas madalas ay gusto na lang daw nilang manahimik sa kanilang mga buhay-buhay at magmukmok na lang sa kanilang mga bahay. Samantalang kung tutuusin ay napakalungkot ang manirahan sa ibang bayan, malayo sa pamilya at malayo sa ating Inang bayan. Nakakapagtaka…bakit kaya?

Question:  Bakit bihira kang makipagkaibigan sa mga kapwa Pinoy natin?

Noong una, sobra akong na puzzle. Curiosity wise, nagtanong-tanong ako.

Una, sa mga Pinoy na  nakilala ko sa mga social events. Nagulat ako sa kanilang mga sagot. Si friend A nagsabing pagkatapos niyang nakatulong ihanap ng trabaho ni hindi man lang daw siya nailibre kahit man lang paborito niyang relo...ha? Relo agad agad? (bilmoko vs. walang utang na loob…)

Si friend B naman, noong una daw ay naging mabait naman daw yung kaibigan niya. Kalaunan ay inutangan daw siya ng di naman kalakihang halaga at kahit magkasama sila sa work ay wala man lang daw paghingi ng paumanhin kung di makabayad...
(the borrower vs. the usurer)

Si friend C naman, tumamlay ang pagsasama nila ng kanyang mister dahil sa Pilipina na yun. Sa madaling sabi… yun na nga yun… (the wife vs. the mistress)… hay naku, nakakapanlambot ng puso.

At itong huli naman, ‘magmula nang bumagsak ang kabuhayan ko ay  halos lahat ng mga dati kong kaibigan ay hindi na ako kilala, palibhasa nakinabang sila sa akin noong ako’y may kaya pa sa buhay’… Malungkot na kuwento itong huli… tsk… tsk…

Ano ba yun? Ganito ba talaga ang lakaran ngayon ng pagkakaibigan ng mga Pinoy  sa bansa na ‘to? Parang malayo naman yata sa friendly Filipino image  that I have known throughout these years. ‘More fun in the Philippines’ image nating mga noypi ay the friendliest faces in Asia! Anong nangyari? Or hindi lang talaga applicable dito ang cliché na ‘yan…weh…!!!

Bigla tuloy akong napaisip…may kinalaman ba ang estado ng buhay ng tao bago kaibiganin? Kailangan bang pumasa sa panlasa mo o at least makahabol man lang sa lifestyle mo before you can call someone a friend? Pag baduy ba manamit o sa factory o sa construction nagwo-work di mo pwedeng maging kaibigan? Kailangan bang bonggang-bongga ang mga properties niya sa Pinas o kailangang may sinasabi sa buhay bago mo siya maging kaibigan? O kaya dapat pareho ba kayo ng bisyo? Pag non-smoker ka at di ka umiinom, ayaw mo sa taong umiinom at naninigarilyo? Ano-ano ba ang pamantasan mo bago siya maging kaibigan mo? Ang united answer naman ay: ugali…

Pero napakalalim ng salitang yan bago husgahan ang pagkatao ng isang tao sa unang pagkakakilala, di ba? Eh, pag mas maboka at sikat ba  mas gusto mong kaibiganin? Eh, sa taong tahimik ayaw mo? Eh sa taong mahiyain, ayaw mo rin? Mas type mo ba ang taong mas maporma…mas may dating kasi? Sa guwapo, sa maganda? Eh paano naman ang mga ordinaryong mukha at di masyadong kagandahan? tsk…tsk…

Honestly speaking, there are those who look for honesty, integrity, trustworthiness, compassion in you before you become their friend. You don’t need academic excellence or you need not be highly skilled to qualify to their specifications. Just be yourself lang. Don’t pretend to be someone naman kasi when you are not.

And of course, there are those who like you to be their friend because you are exactly one of them, you speak like them (meaning literally…? pwede…!!!) you dress like them, your lifestyle is like them. But if you feel that you are NOT one of them, huwag  na mag join…malalaman at malalaman din nila ‘yan kung di ka nila kauri…nakakatakot talaga…pero sige kung matigas ang ulo mo baka ipakagat ka sa langgam…ikaw rin…ahahaha

Whatever you call it kanya-kanya tayo ng pananaw at gusto sa buhay. Pwedeng maging okay ka sa tingin ng iba pero hindi sa karamihan. Pwedeng okay ka sa tingin ng karamihan pero hindi sa lahat. Kung ano’t ano pa man ang gusto mo, yan ang sundin mo.  Ang importante huwag ka lang makasagasa sa buhay ng iba at kung yan ang nakakapagpasaya sa ‘yo, gawin mo ng walang takot… manindigan ka lang sa mga prinsipyo at pananaw mo sa buhay and you’ll be fine.

Whoever friend comes your way, huwag kalimutan: magmasid, makinig at makibahagi.

And the secret to your lasting friendship… ’Stand by your friend no matter what’!

Happy reading!

Sally Cristobal-Takashima

KANSAI CRUSADE

July-August 2013


Nowadays increasing number of people are downloading movies and music. It does not cost a fortune and they can enjoy the latest of their favorites in the comfort of their homes alone, with friends or their families. That's how far we have challenged the music and film industry and if they are not about to retaliate, that's something we can think about. No, I don't download music nor movies but I print out short articles I find interesting. For long articles, I record excerpts and have them filed for me to go back to. Election concession and victory speeches are written by special personages at a very special period of their lives. Their speeches must be well written and well thought of.

Although these speeches might have been written by a gifted ghostwriter, nevertheless for me, it is still "collectible". It also gives me something to go back to. Another person might find it amusing to collect all of Senator Miriam Santiago's quips but another person is content to collect a famous person's grammatical errors. One online article I have is entitled, sana kayong ma turn off... "Individual Refllected Vibrational Make Up". Mahaba po ang title but hindi naman po gaanong mahirap basahin. Unang hirit nitong anonymous writer ay: Who a person is, all of our actions and resulting experiences are reflected in our own body vibrations. Meron tiempo na sa una pa lang pagkita sa isang tao ay nakagaangan mo na agad ng loob at mayroon naman na pagkakataon ng baliktad ang impression mo. In other words, nakabigatan mo ng loob ngunit hindi mo mawari kung ano ang dahilan. It so happened that the person you found pleasant to meet emitted good vibrations. Gently tap a fine crystal glass and you hear a fine high vibration. Now, do the same thing with an ordinary glass and what you'll hear is a dull, boring, lifeless sound that you don't want to ever hear again. In life, we are surrounded by vibration. In fact everything is vibration, the food we eat, everything we drink. One can write so many pages on all that has been written about Vibration. The best Tagalog translations of Vibration would probably be ugong, tagintig and yanig. Ayon sa nakaulat sa artikulong ito, ang kalidad ng ating pagkatao, aksyon at pag-iisip ay may kinalaman sa ating Individual Vibrational Make up. Fine crystal ba or ordinary glass ba ang isang tao. Kagandahang loob, pagkahabag or pag-ibig sa kapwa, pagkakaisa, pagkakasundo ang mga nasabing dahilan upang ang isang tao ay magkaroon ng mataas, dakila at tinatawag na divine vibrations. We can most likely say that there are devoted priests and nuns in this category. Mayroong kakaibang yanig at ugong ang kanilang anyo, tindig at kahinahunan.

Ang kabuuan at mensahe ng artikulong ito ay ang pagbibigay kamalayan sa kahalagahan ng harmony sa buhay ng isang tao.

And now, I quote from the article (Ref: http://www.
rumormillews.com/cgi-bin/forum.cgi?read=148780

The energy from God is perfect harmony. Your reflection of this vibration is often imperfect and need work. When you take a real interest in the vibratory activity of your being, your destiny load will gradually become lighter. Remember, no person, place, condition or thing is important enough to destroy the harmony, balance and equilibrium within you.

Here in Kansai, the Philippine Community celebrated the 115th Philippine Independence Day with a morning Flag Raising Ceremony, an exhibition of the life and times of Jose Rizal and a Buffet Lunch attended by members of the Osaka Consular Corp., distinguished representatives of the Osaka Prefectural Government, PCCC Advisers, Philipppine Community leaders and friends. The newly elected PCCC officers for the Year 2013-2015 had its Oathtaking Ceremony at the Hearton Hotel on June 16th. We congratulate all of the new officers and wish them well. Among the attendees were Beth Kan, Emi Arai, Carisa Patrimonio, Tess Dimalanta, Jorge Takara, Heidi Terada, Sally Yamamoto and Malou Sato.

To each and everyone, have a safe Summer Vacation.

Enjoy and It's More Fun In The Philippines.

Mylene Miyata

PEDESTRIAN LANE
"Mamma Mia"

July-August 2013



Mamatomo... 
Mama-mother!
Tomo-tomodachi /kaibigan

What is like to be in it daw ba?


Kung susubukan intindihin,  makahulugan, may kalaliman.  Kaya siguro trending madalas ang topic na ito.  Trending sa mundo ng parents; sa Japan man o hindi.  To the extent na isinasa-drama pa nga dito ang issue.  Napanood mo ba?...  Kung sasaliksikin ang kalooban ng ilan, ayun!  Talagang  mahaba-habang usapan.  Actually, umabot  ng higit 100 comments ang isang article sa Japan Today tungkol sa issue.  Sila-sila mismo nagbabangayan. Nakakalito pero informative naman.  May basihan at may katotohanan.  


Mama, mga magulang na babae. 

At kapag sinabing "mama"?! Paano nga ba sila "maging" ina?... Ano nga ba ang mga pang karaniwang katangian nila bilang mga magulang na babae?  Simplest equation could be: "May madaling intindihin, meron din namang "mahirap espelengin" sabi nga".  Human nature!  Natural.  Walang magagawa.  Tanggapin o iwanan ang laro kung baga.  At kung maswerte, mainam ang mabubuong samahan o relasyon.  Kung hindi?! Paano nga ba? Hindi ko din alam, magulang na babae din kase ang inyong lingkod.  


Magulang, mga taong may responsibilidad na arugain ang kanilang pamilya. 

Responsibilities o yung pananagutan to work the entitled duties attested as a parent.  Working nga! Pwedeng hard working, pwede  din namang  cool mom approach.  Depende sa pangangailangan.  Syempre, during the early stages of child-rearing, loaded yan.  So,  marami-raming bagay ang kailangang isaayos as foundation.  Kapag medyo independent naman na  si anak, slow down na si mommy ng bahagya.  Preparation to next stage naman ang dapat pagkaabalahan.  


At higit sa lahat - mga babae!

Walang kaibahan sa mga "single ladies" o sa mga  wala pang anak ang mga babaeng may anak na.  Pareho silang babae.  Yun nga lang, ang mga "mama" na napapag-usapan dito ay may  malaking "responsibilidad".  Merong pamilya.  Natural lang na maging "mas" maarugain, mapagmahal, protective, at maging mabuting halimbawa hangga't maaari.  Higit sa lahat, hangga't makakaya.  Hindi compulsory pero makakatulong sa pagiging "ilaw ng tahanan", sabi nga.  Seeking excellence may mean competition, it's a fact!  Thus, somewhere, some tend to forget the margin.  Again, human nature.  Bala-balanse din 'pag may time?!...

At kung bakit may napapaloob na "spoiled" aspect  sa mundo ng mga inang napapabi-lang sa grupong napag-usapan...? Kayo na po ang magsabe ...  Kakailanganin ang masusing pang-unawa at pag-i-ingat!  After all, grupo ito ng mga ina na nagsasama-sama ayon sa sarili nilang kagustuhan.  Malamang, karamihan, nag-e-enjoy.  Yung iba, pwede ring hindi.  Magkaiba pa rin naman ang magkakaibigan na mga "grouped moms" kumpara sa mga ina na may mga kaibigang naging ina na din tulad nila. 

PARENTAL GUIDANCE!
 
Margarita?! Anyone?!

Richard Diaz Alorro

A CUP OF COFFEE


July-August 2013

Kumusta mga kababayan? I had a little break from our Jeepney Press and it’s nice to be back! I’m glad that you are still there giving your solid support to JP.

Summer na naman! For sure, fully booked na naman ang inyong mga weekends for summer get aways with the family at mga kaibigan. Mountain resorts, lake or river side camping sites, beaches, and swimming pools are common destinations ngayong panahon ng tag-araw. Minsan, we need to escape the hustle and bustle of the city life and renew our communion with nature. Isang magandang paraan ng de-stressing ang pagpunta and to spend time with nature. Even a simple picnic under the canopy of trees or an early morning walk in the woods ay nakakatulong para ma refresh tayo after a week long of tiring work. Nakakabuti din sa ating mga mata ang pagtingin-tingin sa mga bagay na green or blue (trees, grasses, sky, or sea), after hours of spending in front of computer or long hours of reading. Ang maganda dito sa Japan, sometimes we do not need to go out of the city to experience nature. Maraming mga parks and leisure areas within the city na madaling puntahan at libre pa! So take a packed lunch with you in the park, take a leisure walk, or grab that bicycle, feel the heat of the sun and enjoy time with your family and friends.

In this issue, I would like to share some thoughts about life and it is about the story of a pencil.

Before I left Sapporo almost 3 years ago, my dear friends, Ped and Jelyn, gave me “Like the Flowing River”, a book by Paulo Coelho. The book is a 2006 story collections of the Brazilian author who is well known for his novel, The Alchemist. Thanks to this book, for at some point, it served as my source of hope and a reminder that life will be fine and everything will be alright when I was down and felt alone. There is one story that has struck me and inspired me a lot and that is the story of a pencil. Thanks Ped and Jelyn for the wonderful gift.

Who would forget the yellow instrument we used for writing when we were in elementary school? Naaalala mo pa ba ang Mongol 1 and 2? Naalala mo pa ba na kapag paubos na and kulay pink na pambura ng iyong lapis, kinakagat mo ito para umusli ang parteng natatakpan ng metal case? Who would forget the pencil which guided us to learn how to write? Who would forget the pencil which played a significant role in cultivating our literacy? Isang napakalaking bahagi ang ginampanan ng lapis sa ating pagtamo ng karunungan at paghubog ng ating buhay. Ngunit higit pa sa edukasyong ating nakamtan, ang lapis ay may iba pang mahalagang bagay na isinisimbolo. The pencil symbolizes each one us and how we see life.

Here is the story and I hope you will be inspired. May each one us be like a pencil and find our way to happiness.

The Story of a Pencil
(“Like the Flowing River”, Paulo Coelho, 2006)

A boy was watching his grandmother write a letter. At one point he asked: ‘Are you writing a story about what we’ve done? Is it a story about me?’

His grandmother stopped writing her letter and said to her grandson: I am writing about you, actually, but more important than the words is the pencil I’m using. I hope you will be like this pencil when you grow up.’

Intrigued, the boy looked at the pencil. It didn’t seem very special.‘ But it’s just like any other pencil I’ve ever seen!’

‘That depends on how you look at things. It has five qualities which, if you manage to hang on them, will make you a person who is always at peace with the world.’

‘First quality: you are capable of great things, but you must never forget that there is a hand guiding your steps. We call that hand God, and He always guides us according to His will.’

‘Second quality: now and then, I have to stop writing and use a sharpener. That makes the pencil suffer a little, but afterwards, he’s much sharper. So you, too, must learn to bear certain pains and sorrows, because they will make you a better person.

‘Third quality: the pencil always allows us to use an eraser to rub out any mistakes. This means that correcting something we did is not necessarily a bad thing; it helps to keep us on the road to justice.’

‘Fourth quality: what really matters in a pencil is not its wooden exterior, but the graphite inside. So always pay attention to what is happening inside you.’

‘Finally, the pencil’s fifth quality: it always leaves a mark. in just the same way, you should know that everything you do in life will leave a mark, so try to be conscious of that in your every action.’




Marcial Caniones

ITLOG na PULA ni Marcial Caniones

July-August 2013

ARAW NG KALAYAAN /A DAY OF FREEDOM

Ano ang laya ko?
What is my freedom?
Kung sikmura’y kumakalam
If my stomach crumble
Nilisan man ako ng mananakop
Even when the aggressors left
Kumapit naman ang kagutuman
Hunger stucked in
Ilang taong hawak ang punyal
For years the sword is held
Upang maipagtanggol ang bayan
To defend the nation
Sa mga dayuhang mapanlapastangan
From foreign tyranny
Sila ngayon sa akin ang nambubusog
But now from them I am now being fed
Nagpapa-aral at nagbibigay ng silungan
Educated and sheltered

‘Asan na ang mga bayani?
Where are the heroes?
Tahimik ang himbing sa libingan?
At peace in their graves?
Habang ang mga napalaya
While the freed
Sila-sila ang nag-iiringan
Fight among themselves
Sila-sila ang nag-aagawan
Embezzle among themselves
Sila-sila ang nag-kukutyaan
Belittle each other
Sa maliit na pwesto sila ay nagtutulakan
Shoving each other for phony power

Kung hawak dati ay makinang na gatilyo
A shining trigger is long past held
Ang tanging puhunan ngayon
What we now have
Ay ang talino, sipag, tiyaga at sakripisyo
Is wit, diligence, patience and sacrifice
Dati ay bahaw na kanin ay bubudburan ng asin
Content then from burnt rice sprinkled with sea salt
Sapat na ngayon ang mainit na tubig
Pouring hot water
Na ibinuhos sa Nissin’s ramen
To a cup of Nissin’s ramen now suffice


Sino ba ang tunay na bayani?
Who is the true hero?
Ano ba ang bayani?
What is a hero?
Si Rizal? Andres?
Is it Rizal? Andres?
Mabini? O Kasimiro?
Mabini? Or Kasimiro?

Ang ating kasaysayan ay masaklap
Our history is etched in pain
Ang ating kasaysayan ay makulay
Our history is of wonder
Ang ating kasaysayan ay malalim
Our history is with depth
Ang ating kasaysayan ay malawak
Our history encompasses

Tayong lahat ay bahagi ng araw-araw na gawain
We all have part in the world’s daily struggles
At kinabukasan ito ay lilipas
But these comes to pass
At ang lahat ng lumipas ay kasaysayan
And all things past is history
Gaano man kaliit
No matter how insignificant
Gaano man kahalaga
No matter is its worth
Gaano man walang kwenta
Even events seem not to matter
Ang lumipas ay tapos na
What has come to pass is past
Bukas, mayamaya, gasaglit lang
Tommorow, later, seconds after
Ay ngayon na...
Is already now...

Walang tigil ang paginog
Evolution does not stop
Ng mundo
On the world we live in
Ng isip
Our thoughts
Ng tao
Ourselves

Lahat ay nagbabago
All changes
Kung saan patungo
Towards which path
Ang bayan ko at bayan mo
My country and your country
Ng buhay mo at buhay ko
My life and your life
Ang magpapasya ay hindi mga BAYANI
Is not molded by heroes

Kung hindi… sa bawat isa sa ATIN!
But by each and every one of US!





Marilyn Abellana Suico

Marilyn Abellana Suico 

July-August 2013


Thank God It's Friday

Thank God It's Friday is what they say
The last day of work and a time to play
An evening in an Izakaya or Karaoke
Or do shopping if my budget would guarantee.

It has been like this for many workers in Japan
Especially during those bubble days though they are gone
But the samurais never get tired
A kind of spirit that many of them are wired.

I may have become one of them a long time ago
I hate to admit it but just let it flow
Izakaya or Karaoke are still fun I must say
But only if good friends and nice people are in company.

As I am putting into words what I am feeling
The sight of grilled fish, spare ribs and cocktail drinks are truly inviting
After work today a good friend I am going to meet
Now who could resist a real TGIF treat.

- With a good friend one fine Friday evening...

Facebook by Karen Sanchez

Facebook by Karen Sanchez

Jeepney Press July-August 2013




Bata, matanda ay nagkakagulo
Sa chikahan, tsismisan o paglalaro
Saang sulok man ng mundo
Sa kompyuter, tablet at cellphone ay uso ito

Parang nagkaisa ang mga tao
Lahat na yata ay nag-eenjoy dito
Mabibilang mo lang ang walang account dito
Mapasimpleng tao, artista o nasa pulitiko

Ito ba'y mukha na tila isang libro
Iba-iba ang makikita mo
Hanapan rin ng nawawalang tao
Pwedeng bahagian ng problema mo

Nag-iibigan dito nagkatagpo
Pamilya ay nagkabuo-buo
Dito rin maraming manloloko
At dito mo rin sila mabibisto

Sa iba malaking tulong ito
Lalo na sa mga nagnenegosyo
Minsay sa pamilya rin ay naging perhuwisyo
At mga nag-iibigan nagkahiwalay dahil dito

Alin man ang narasan mo
Pasalamat sa nakaisip o bumuo nito
Mas marami naman ang mga positibo

Kaysa sa nangyaring negatibo.

Wednesday, May 15, 2013

Jeepney Press May-June 2013

Jeepney Press May-June 2013
COVER
by Dennis Sun
www.dennissun.net


CENTERFOLD

An Interview With The Ambassador
 by Dennis Sun

His Excellency Manuel Moreno Lopez, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Republic of the Philippines in Japan, was born in Baguio City, Philippines on May 1942. He graduated with a degree of Bachelor of Science in Business Administration from the University of the East in 1967 and from Harvard Business School’s Program for Management Development  in 1970. He started his career at the Manila Electric Company (MERALCO), eventually becoming MERALCO’s Chairman and CEO from 2001 to May 2010. He arrived in Japan on January 2011 and presented his credentials as Philippine Ambassador to Japan to His Majesty Emperor Akihito on 07 April 2011. He is married to Madame Maria Teresa Lagdameo Lopez and has four children. 

Jeepney Press is deeply honored to have His Excellency the Philippine Ambassador to Japan grace its centerfold. It is our hope that through this interview, Filipinos in Japan would get to know more  and get closer to our dear ambassador.

Japan is home to about 250,000 Filipinos. When you were given the post to become ambassador of the Philippines in Japan, what was your reaction? And how did you prepare yourself for your first job as a public servant?
I welcomed the challenge given to me by the President since Japan is perhaps our second most important partner after the United States. I tried to learn as much as I could since I wanted to leave for Tokyo right after the New Year. The reading materials on Japan were voluminous, so you tried to absorb as much as you can and at the same time meet with friends who were posted in Japan one time or another. Up until this day I continue to learn something new about Japan.

What were your expectations on your role as ambassador for the Philippines?
Definitely to serve our countrymen in Japan the best way I can and at the same time bring everyone in the Embassy staff to instill the spirit of “malasakit” to all our kababayans. Together with the entire staff, both Tokyo and Osaka, we want to bring quality service to all our countrymen to the best of our abilities.

You were welcomed to Japan with one of the country's most tremendous disasters, the 3/11 earthquake. How did you tackle the experience?
It was perhaps a most challenging and daunting experience not only for me but the entire embassy since none of us have ever experienced a disaster of this magnitude. Yes, I have experienced calamities back in the country but they were mostly on typhoons and floods. But the disaster that hit Japan in March 11, 2011 made all of us work doubly hard, sacrificed personal safety and comforts to ensure that our kababayans in the Tohoku area were attended to. I thank the leaders of the Filipino communities in the stricken areas for also rising to the challenge by supporting our efforts. Everyone did their best to see to it that those most affected especially were taken cared of. We hope there will not be a next time, but should it happen again, we shall be better prepared.


In your 2 ½ years in Japan, what has been the most difficult task you have encountered?
To try and improve the image of the Filipino and the Philippines as an admired country in the international community and deserving of the respect and recognition of the Japanese people. Our jobs are made easier with the inspiration of President Benigno S. Aquino III who has made all Filipinos proud of their country due to his “matuwid na daan” policy. With the increase in Japanese visitors to the country the last few years and the level of trade and investments of Japanese companies to an all-time high, we feel rewarded by the new image of our country and definitely the best is yet to come.

How were your expectations and preconceptions of the Filipinos in Japan before you came different from your actual encounters and experiences so far?
In my 40 plus years in the private sector, I was always involved in dealing with our employees and the community we live in and so working with the Filipino community in Japan was not really a problem. Mrs. Lopez and I have vowed to make ourselves open to meeting with them and attending to their functions. We have become close to many of the community leaders especially those in Philippine Assistance Group (PAG) who have supported the Embassy’s initiatives. Maraming salamat sa kanilang lahat.

There are many social and community events that bring the Filipino community together in Japan, but not as many that help them assimilate with the Japanese society in terms of doing projects together, etc. Do you think there is a need for this interaction and what programs or projects can you conceive that can make this happen?
This is definitely a continuing work in progress, however, I am happy to note that many of our countrymen who live here have very well assimilated with the Japanese society. Their knowledge of the Japanese language and practices are very noteworthy and certainly has made them very much a part of the Japanese society. I am quite pleased with the way the majority have adopted to their new home away from home environment. Interaction and participation in local events and activities are certainly encouraged to gain better understanding and acceptance with the communities we all live in.

In assessing the Japanese language proficiency level of the average Filipinos in Japan, I think most of them are limited to speaking basic conversational Japanese only and have difficulty in reading and writing either formal or business Japanese. The language barrier has been a huge block to hindering the Filipinos succeed in the Japanese mainstream market. What motivational projects and programs can the embassy propose to develop the Japanese language ability of the Filipinos?
Learning to read, speak and write Japanese is very difficult and even those who have studied here in Japan can attest to that. However, this should not be a hindrance in succeeding in business or working here since the Japanese community has learned to accept migrant workers who have adopted themselves to understanding the Japanese way, the best way they can.

I have spoken to a number of Filipinos working in Japanese companies and they have somehow managed even if they are not very proficient with the local language. The Japanese labor market today is very different from before. Today, they welcome more and more overseas workers who are competent and willing to work hard for their companies. It is my hope that more of our nurses and caregivers will not only become proficient in Japanese language but also adopting well to Japanese healthcare requirements which is quite challenging I was told.

What are the things you would like to achieve for the Filipinos in Japan? What is your vision for the Filipinos? How do you envision the Filipinos in Japan to be by the end of your term?
I would like to see all Filipinos living and working in Japan to be held in high esteem by the community or their employers. I am pleased to note that our countrymen working for the many different emba-ssies based in Japan are very highly regarded not only by the Ambassadors but also by their fellow workers primarily because of their proficiency in English, work habits and “malasakit.”  I have yet to hear even a mild complaint from my ambassador colleagues here on any of their Filipino staff. As a matter of fact, they were very proud of the Filipinos especially during the March 11, 2011 earthquake where they did not leave their employers for their own personal safety.

When you took the role as an ambassador, what was your mission? What legacy would you like to leave in Japan when your term ends? How would you accomplish it?
When my posting ends, I would like to be remembered as having given the best I could in the service of all Filipinos irrespective of status. I also want to thank my entire staff, past and present, for giving their 100% support to our vision of providing our countrymen quality service to the best of our abilities and at the same time creating a positive image in Japan.

What message would you like to send to the Filipinos in Japan?
Sa mga kababayan kong minamahal, maraming salamat po sa inyong suporta at pang-unawa sa Philippine Embassy at sana lagi tayong magtulungan para sa ikabubuti ng ating mga kababayan. Maasahan niyo lagi ang suporta ng buong kakayanan namin para makapaglingkod sa inyong lahat. Kung meron kayong mga hinaing, maari ninyong ipaalam sa amin at sisikapin naming matugunan ang lahat ng ito upang lalo pang mapaganda ang aming serbisyo sa inyong lahat.

Maraming marami pong salamat at mabuhay ang Pilipino!





Dennis Sun

BEBELITA TAKAYASU: Ang Sumo Mama

Hindi biro ang magpalaki ng anak. At mas hindi biro ang magpalaki ng anak dito sa Japan. Kahit sabihin mo pang ga dosena pa ang mga anak ng isang pamilya sa Pinas, parang wala pa rin problema kay nanay at tatay. Siguro, meron na kasing taga-alaga, taga-luto, taga-linis, taga-tulog, taga-palengke at taga-laba. Eh paano naman kung walang “taga” si nanay na isang hamak na dukha lamang? Siguro, kaya ganyan na lamang dumarami ang mga street children sa atin. O kaya’y imbis na meron “taga” ay “maki” na lamang: maki kain, maki luto, maki linis, maki laba, maki tulog at kung anong maki pa.

Dito nga sa Japan, isang anak lamang ang meron pero grabe sa hirap ang mga nanay. Siguro, ang isang anak dito ay katumbas sa apat na anak sa Pinas. Buti nga sa Pinas, kahit ordinaryong tao, kaya pang kumuha ng katulong sa bahay. Ngunit dito sa Japan, kahit sabihin mo pang may kaya ka sa buhay, hindi mo pa rin kayang kumuha ng katulong. Pagdurusa ang sumpang nakuha sa pagsilang ng sanggol! Hayan si Mama Olive, habang nag bibisikleta, angkas niya ang tatlong anak. Isipin mo lang kung paano niya na ba-balanse ang bisikleta. Pwede na rin siyang sumali sa circus. Hindi porket marunong kang mag-bisikleta, OK na. Tatlong bata ang angkas mo. Eh, paano na lang kung may loko-lokong driver diyan?

Gusto kong ipakilala sa inyo ang isang nanay na Pilipina na taga-Ibaraki, si Bebelita Takayasu,  na tinaguriang “sumo mama” dahil ang kanyang anak ay isang sikat na sumo wrestler sa Japan. Gusto ko sanang interbiyuhin yung anak niya mismo pero alam naman ninyo, hindi basta-basta kadali ang mag-interbiyu ng mga sumo wrestlers. Marami kang pag dadaanan na butas. Pero ang nanay naman ay napaka-available tsaka visible sa lahat ng mga events. Para na rin siyang isang celebrity! Napag-isipan ko, baka pwede natin matanong kung paano siya nagpalaki ng isang sumo wrestler.

Nagkita kami sa Burger King isang gabi sa Roppongi, Tokyo. Dala niya ang kanyang BFF na si Ningning Tomiyama na presidente sa fans club ng kanyang anak. Tatlong oras kaming nagkwentuhan tungkol sa buhay ni Bebelita. Unang plano ko talaga ay ipokus ang kwento sa kanyang pagpapalaki ng anak. Subalit sa daloy ng kanyang kwento, natuklasan ko ang makulay at ma-dramang buhay ni Bebelita simula ng pagsilang niya hanggang ngayon. Hindi pa nga siya sinisilang, nagsimula na ang heavy drama! Imagine mo, iyak kami ng iyak ni Ningning sa mga kwento ni Bebelita. Buti na lang at libre at “tsukaihodai” ang paper napkin sa Burger King. Non-stop ang pagtulo ng aming luha. Mala-tele nobela ang buhay ni Bebelita. Kahit siguro 10 seasons ng tele-drama, kayang-kaya! Naka-tatlong balik na ako sa toilet at apat na hot coffee, hindi pa rin matapus-tapos ang kwento niya! Sasabihin ko na hindi sapat ang artikulong ito para bigyan buhay at katuwiran ang mga sangkap na karanasan na sumapo sa kanyang buhay.

Heto po ang ilan sa mga ulat na galing sa buhay ni Bebelita Takayasu mula sa kanyang mga natitirang makulay na alaala.

“Pinanganak ako na hindi kasal ang aking mga magulang dahil menor na edad sila. Mga kapatid ng nanay ko, mga uncle ko, against sila sa kasal. Matatapang. Ayaw nila. Ang masakit noon, hanggang ngayon, hindi ko pa nakita ang tatay ko. Kinuha ko ang apelyido ko sa lola. Ang nanay at lola ko ang nagpalaki sa akin.”

“Hindi ko kilala ang tatay ko. Sabi lang ng aking nanay, nalunod sa sabaw ang aking tatay. Ni isang letrato ng tatay, hindi ko nakita. Kaya hindi ko ma imagine kung anong mukha niya. Tinago lahat ni nanay. Masakit yata ang loob niya.”

“Three years ago ko lang nalaman ang whereabouts ng aking tatay, when I was 49 years old. Pinagtanong ko siya. Hinanap ko siya. Ngunit, wala pa rin. Ngunit salamat sa facebook, nagkaroon ako ng pag-asa!”

“Nag-iwan daw ng sulat ang tatay ko para kumuha ng bar exam sa Maynila. Kasi nasa Davao sila. Sabi niya, kapag nakapasa siya, babalikan niya ako. At pumunta siya doon para makapagtrabaho din sa Caltex sa Maynila. Kaso hindi na siya bumalik. Pero nadestino siya sa Hong Kong kaya hindi na niya kami mahanap. NPA (no permanent address) siya dahil kung saan-saan siya dinala ng amo niya.

“I was born in Davao. Grew up in Bohol and Cebu. Lola ko sa Bohol pero nanay ko, sa Cebu ang work niya. Pero every year, umuuwi pa rin kami sa Davao.”

“Noong hindi pa nag-asawa ang nanay, ang ganda-ganda ng buhay namin. Naalala ko noong 4-5 years old pa ako, ang dami kong magagandang damit. Pero nang nag-asawa ang nanay ko, parang naghirap kami. Kasi ang napangasawa ni nanay, isang mangingisda lamang. Pero, in fairness, napakabait ng step-father ko. Hindi ko lang siya matanggap bilang tatay kaya hindi ko siya tinawag na tatay. Noon lang na nag-asawa ako na tinawag ko siyang tatay. Sabi ko sa kanya nang kasal ko, ‘Tay, kain na tayo.’ Umiyak siya noon. First time ko siyang tinawag na tatay.”

“Pumunta ako sa Maynila, sa Labor Office noon para maghanap ng trabaho. Sabi sa akin meron daw opening sa canteen. Pagdating ko doon, wala naman available na work. Nandoon lang ako sa canteen at biglang dumating ang swerte sa akin. Isang secretary ng mataas na opisyal ang nakakita sa akin at nagtanong kung anong ginagawa ko at nagbigay ng trabaho sa akin. Binigyan ako ng Olympia typewriter kahit hindi ako marunong mag-type. Tinuruan nila ako. Sabi nila masasanay din ako. Kaya habang nagsasanay ako sa typewriter, dinala din ako sa photo lab para mag Xerox ng maraming dokumento at idala sa kabilang building. Dito ko na-experience na kahit wala pa akong na-abot noon, ang mga ka mingle ko ay mga abogado na. Dito ako natuto sa kanila. Hanggang naging assistant ako.”

“Paano ko nakita si mister? Actually, ang kwento diyan, naligaw siya. Niligaw siya ng taxi driver. Gusto niyang pumunta ng Ministry of Tourism pero dinala siya ng driver sa Labor. Nang malaman ng guard na Hapon siya, tinawagan nila ako dahil nag-aral ako ng konti ng Hapon sa libro na binigay sa akin. Ewan ko ba, at minememorize ko ang Japanese dictionary. Yung pinsan kong buo, nag-asawa ng Hapon. Binigyan niya ako ng jibiki na meron mga conversational Japanese lessons. So hayun, kinausap ko siya, Mr. Takayasu daw ang pangalan niya. Natuwa siya sa aking Japanese na medyo bara-bara pa. Sinabihan ko yung guard na kumuha ng taxi para dalhin siya sa Tourism.”

“Medyo makulit din si Mr. Takayasu at kinuha niya ang home address ko sa guard namin. Biglang dumating siya sa bahay. Nabulabog ang mga kapitbahay namin sapagkat ngayon lang sila nakakita ng Hapon. Gusto raw niya akong i-treat ng dinner. Pero sabi ko, kailangan isama yung 5 pinsan ko. So, ganoon na lang kasaya ang mga pinsan ko. Dumalaw na naman at gusto niya kaming i-treat sa karaoke. Pagkatapos, biglang bumili siya ng plane ticket para makapunta sa Davao kung saan ako isinilang. Binigay niya sa akin ang lahat ng pera, plane ticket at passport. Nag-enjoy siya sa Davao.”

“Bumalik siya sa Japan at buwan-buwan, pinapadalhan niya ako ng pera. Sarap ng buhay ko noon kaya lagi na lang akong nasa department store shopping at kumakain. Tatlong taon din niyang ginawa yon. Ang tagal nag ligaw. Hindi pa kami kasal at nakapagtayo ako ng bahay para sa nanay. Ang sarap ng buhay ko noon. Pero after three years, nag-propose na siya ng marriage sa akin.”

“Ayoko noong una kasi hindi ko naman siya mahal. Pero sabi ng mga tiyahin ko, isipin ko daw ang future ko so pakasalan ko na siya. Inisip ko na lang ang buhay ko, matulungan ang pamilya ko, at huminto na lang sa trabaho sa Labor. Imagine mo, 15 pesos per day, tiniis ko! Pumunta kami sa Davao para magpakasal. Hindi ako makakain at lagi akong nag-tatae. Hindi talaga ako sure kung bakit ako magpapakasal sa kanya.”

“Pagdating sa Davao, meron isang rebulto ng Virgin Mary. At doon, umiyak ako at nagdasal kung bakit ako ikakasal. Pinakasal kami sa civil wedding.  Marami pang extra sa perang dala niya para sa kasal kaya pinamigay ko na lang sa mga kapamilya at kaibigan. Sayang din yon kasi hindi na niya mai-uwi sa Japan kasi nasa pesos na raw.”

“Dumating ako sa Japan at noong 1987, nag negosyo ako ng Philippine store sa Saitama ken. Magaling ako sa PR kaya nag simula muna ako sa mga eki at nakipag-usap sa mga Pinoy na nagdaraan sa daan. Maganda ang kinahinatnan ng negosyo. Nakapag-open pa kami ng restaurant. Nakapag-open pa kami ng dalawang branch sa Ibaraki. Habang nagne-negosyo, nag aalaga din ng dalawang anak. Tumigil sa work ang asawa ko para tumulong na rin sa business. Hanggang sa lumaki na ang mga bata. Alam din nila yung pagdurusa ko. Minsan 3-4 oras lang ang tulog ko.”

“Dumating ang panahon na tumigil na ang pagpunta ng mga talent sa Japan. Humina ang business. Since sa negosyo lahat galing ang pera, minsan meron din tag-hirap at hindi na kayang ipasok sa school ang mga bata. Kulang sa pera. Wala rin trabaho si papa dahil sumusuporta rin siya sa business. Nadanasan ko yung puputulan ka ng kuryente dahil hindi nababayaran. Kaya sinabihan ko si Akira, ang pangalawang anak, na tumigil muna at patapusin na lang muna ang panganay na anak. Plano ko talaga ay siya sana ang tutulong sa kapatid niya pero siya pa ang maraming nagastos.”

“Minsan, pagbalik ni Akira sa bahay galing sa school, sinabihan siya ng teacher niya na pag-aralin na lang siya sa sumo. So dinala namin si Akira sa isang stable of sumo wrestlers. Hay naku, maliit pa yan, matataba na ang mga anak ko. Nagustuhan si Akira ng stable master. Doon, walang bayad at libre pa siya sa lahat.”

“15 years old si Akira ng pumasok siya sa sumo training. Lahat ng hirap at pagdurusa, nalasap niya doon. Ilang beses na rin niyang gustong huminto doon. Minsan sinasaktan din siya. Minsan tumatawag sa akin pero wala rin akong magagawa. Kailangan niya dapat maging matatag. Simula sa ilalim, umaakyat ng konti ang ranko niya. Sa bawat panalo, tumataas ang ranko. Ngayon, sa taong 23 anyos, professional wrestler na siya. Dinanas niya lahat ang hirap. Ngayon, marami na rin siyang mga assistants. Hindi na siya nagluluto, naglilinis at naglalaba. Masaya ako para sa kanya at sana ay tuluy-tuloy na ang pagiging yokozuna niya, ang pinakamataas na ranko sa sumo.”

“Minsan, nagtanong sa akin ang anak ko kung sino daw ang tatay ko, ang lolo niya. Wala akong masagot sapagkat hindi ko alam. Kasi ngayon nagging sumo celebrity na siya, tinatanong ang “root” o pinangga-lingan niya. Sabi ni Akira, hanapin ko daw ang tatay ko.”

“Alam ko yung tunay na pangalan ng tatay ko. So punta agad ako sa computer. Facebook! Type ko yung pangalan niya at kay daming lumabas na tao. Nagtanong ako sa lahat sa kanilang may tulad na apelyido at pook. Tinanong ko kung kilala nila ang tatay ko. Sabi ko, hinahanap ko ang tatay ko. Hayun at nagtanong din sila sa kanilang mga tatay at kamag-anak. Hanggang nakita ko siya.”

“Meron daw akong ibang kapatid dahil nag-asawa daw yung tatay ko sa ibang babae. Pero biyudo na siya at nakatira sa Canada. Lumipad bigla ako sa Pinas at kinausap ko ang nanay ko. Doon, nakuha namin ang telephone number ng aking tatay at tinawagan namin. First time kong nakausap ang aking tatay. Hindi ko alam kung magagalit ako o kung sasaya ako. Natuklasan ko na meron pa akong cool na cool na daddy! After 49 years, makikita ko na ang daddy ko. Ngayon, next plan ko ang pumunta ng Canada para makapag-bonding kami!”

Hayan ang buhay ni Bebelita, ang sumo mama. Nalasap niya ang napakaraming mabibigat na hirap sa buhay. Pero sa kabila ng pagdurusa, naging lalong mas matatag siya. At kung may malas man na dumating, parating pa rin ang swerte.








Dennis Sun

DAISUKI

MORE THAN FUN!

It’s May and as of this writing, tapos na ang mahiwagang Golden Week vacation natin sa Japan. I’m sure, marami ang umuwi sa atin who missed their family and friends and wanted to experience more fun in the Philippines.

Besides family and friends, of course, there are 3 other things that make it more fun in the Philippines. They are food, shopping and massage… the last one being the most important for me. I can settle for my mother’s cooking at home and go by without shopping. But don’t take away the massage from me. Siguro, it must be a sign of aging? When you are in your twenties, hindi mo pa kailangan ito. But when you double that age, it becomes a necessity already. What about when you triple that age? Sigaradong rehabilitation na ang kailangan!

It’s really fun to go back home. Why? Because it is so cheap! Tingnan mo lang kung magkano ang isang oras na massage sa Japan, about 6,000 yen. Pero sa Pinas, 600 yen lang per ora doon sa malapit sa bahay namin. Tsaka bigyan mo na rin ng konting tip pang konsuelo. Feeling rich, diba? Nandoon ka na rin, magpagupit ka ng buhok at kung kailangan, magpa-kulay ka na rin. O sige, sabayan mo na rin yan ng manicure at pedicure. At kung may extra datung ka, magpa-facial and body skin bleaching ka na rin. At kung super-dooper rich ka, derecho ka na lang kaya kay doktora para mapa-ayos mo yung ilong, mata at ano pang parte ng katawan mong gusto maretoke. Aba, tingnan lang natin at baka ma-deny kayo sa airport sa Japan kasi hindi mo na kamukha yung pikchur sa passport at residence card mo. Baka gusto mo na rin kayang palitan yung pangalan mo? How about Marilyn Monroe? Blonde and blue eyes ka na kasi, eh! Why not? Inday, tumahimik ka! Sa tanda mong iyan, mahigit singkwenta anyos ka na. Baka matakot lang ang immigration sa yo at mapagkamalian kang terorista at derecho ka sa kulungan!

Indeed, it’s going to be MORE than FUN in the Philippines as there is a national election this May. Ano kaya ang mangyayari at sinu-sino kaya ang mananalo? Siguro, by the time you are reading this article, alam niyo na kung sinu-sino sila. Just to let you know, kahit nandito tayo sa Japan, pwede tayong bumoto sa mga national elections sa Philippines. It’s called the Overseas Absentee Voting (OAV). Pero kailangan, mag-pa-register muna kayo sa Embassy o ibang konsulado ng embahada. Kaya sa susunod na eleksyon, exercise your right to vote by contacting the embassy about the voting procedures.

Sarap talagang bumiyahe. Last time I left Japan, I used Haneda International Airport as the port of embarkation. It was so beautiful, new, high-tech and of course, much nearer compared to Narita International Airport, if you are coming from central Tokyo. Haneda airport is perfect for me as it took less than an hour to get there as opposed to Narita where it takes about 2 hours. I just read in the newspaper that Haneda is now ranked as the 4th busiest airport in the world. Pero when I was there, hindi naman ganoon karami yung mga tao. Guess which airport is the world’s busiest? Siempre, China’s Beijing Capital International Airport. Sa kanila lang, punung-puno na siguro yung airport.

Pero last time I traveled abroad, medyo feeling poor na ako. Kasi bumaba ang value ng yen. Tumaas ang dolyar at pesos against the yen. Kaya yung 600 yen na massage ko, naging 800 yen na. Aray ko po! Huwag na lang kaya full body massage? Kasi mahal na. Wala pa yung tip doon. Foot massage na lang kaya para mas makamura?

Imagine po ninyo, during the 1970’s, yen was valued at around 300 yen to the dollar. Japanese products cost little compared to imported products which were so expensive. During the 1980’s, yen was pegged to about 200 yen to a dollar. By the 1990’s, yen went to the 100 yen mark to a dollar. Until last year, yen became so strong as it was pegged around 70 yen to a dollar. As of this writing, it already went back to the 100 yen mark to a dollar.

Maraming salamat po sa ating mahal na Philippine Ambassador Manuel Lopez, Minister Angie Escalona, Minister & Congen Joy, Consul Ryan, Agriculture Attache Doc Sam and Tourism Officer, Mr. Val Cabansag for supporting my art exhibition at the ASEAN Japan Centre in Tokyo last March 27 – April 5. Special hugs to DOT’s Jennifer Yamamoto who was there from the start coordinating the event, Joyce Ogawa for being a wonderful hostess, Abby Watabe for the fabulous gift of food for my birthday and closing party, Racquel Satuna for giving everyone physical relief with her relaxing hilot massage, Arlene Dinglasan for the technical help and all my friends who were there to share the fun!

DAISUKI!!!

Alma R. H. Reyes

TRAFFIC

ANTS ON THE EASTBOUND TRAIN

“The ants go marching one by one
And they all go marching down, around,
and upside down.”    -The Ant’s Marching Song


Confucius said, “Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life.” I wish I could say the same about the quotidian pattern of commuting every single day in Tokyo. We hear so many dark, horror stories about how Tokyo trains and train stations not only look graphically like a pack of sardines, but also feel unsettlingly like a pack of sardines, smell offensively (in summer?) like a pack of sardines, and breathe forcefully like a pack of sardines! I prefer to call them though, buzzing, complaisant ant colonies—for there is most certainly a stiff-faced “leader” or “leaders” among them diligently guiding the commuter ants on what to do, where to go, and how to go, just like those loud, repetitive train station announcements that basically blast the same, monotonous monologue.

For more than a decade, my life was at “considerable peace” when I maintained an up-and-down freelance job. Although I worked for long hours, sometimes more hours than the average Japanese salary man, I conveniently set my own time and place, and could work at home or in a café, and take needed breaks whenever I wanted to. Simply put, I was my own “leader,” my own “follower,” my own “ant colony.” This time, I’m obligingly programmed to join the millions of crawling Tokyo train commuter ants to jump onto the train at 8:50 a.m. and again at 6:45 p.m. during the mind-blowing rush peak hours. Chaotic madness. Often, I think that I would start the day already breathlessly exasperated just by being inevitably subjected to the physical and mental confrontation with the swarming ant colonies, scurrying every corner of the escalators, staircases, platforms, going about their delegated duties, and unmindful of the other ant platoons around them. Bela Gulosi, the famous Dracula actor once said, “Like ants that are chained by monotony, afraid to think, clinging to certainties.”

Last March, the Fukutoshin line from Shibuya Station was extended to join the Toyoko line until Motomachi-Chukagai in Yokohama. This, of course, meant more scampering commuters herding into the stations and trains along this line. Unfortunately, I take this line everyday, and nonetheless, end up being so claustrophobically surrounded by station guards, maybe more than thirty of them, in just one train platform, lined up in front of the train doors like a battalion file, except without their M16 rifles, yelling profusely all at the same time, “This way to Ikebukuro…this way to Motomachi…take the escalator…take the stairs…watch your step…don’t cross the yellow line…fall in a single file…fall in double files…the doors are closing…the doors are opening…the train is coming…the train is leaving…this coach is for women only…be careful, be careful, be careful…” on and on like thousand crying chants in one minute! Really, do we intelligent humans need this entire hullabaloo early in the morning? To be engagingly spoon-fed by a constant overpour of directions, instructions, as though in fear that if one of the obedient ants go astray, the entire colony empire is to be blamed? Humans, after all, (should) function by instinct…or are we led to believe naively that Japanese are less sensitive to the natural order of things? Have we been unrightfully deprived of the human law to take responsibi-lity for our own actions?

The Japanese society functions with immeasurable ultra-efficiency because it has been groomed to depend relentlessly on a self-profiting system that hardly makes room for flexibi-lity, irregularity or failure. Once a single piece of domino chip drops out of the strictly defined file, the ground that supports it breaks into unmanageable rubble. The train ant colony is pretty much the same. Once some commuter ants step out of the “leaders’” commands, the colonies burst into madness. Observe how they look in the morning, and you will know what I mean. They are so flustered to chase desperately after a train whose doors are about to close, that they sadly overlook the one simple doctrine in life: WE HAVE A CHOICE. If you don’t want to be stressfully sandwiched flatter than a hot focaccia piece of bread, you have the choice to take the next train. If you don’t want to go up the escalator, you have the choice to take the staircase. Colony dictators are, after all, not perfect commanders; they are (supposedly) humans as well, and commit mistakes.

Yet, as I vainly stride along the cramped cues and crush off handedly with the impolite bumps and undesirable body contacts, do I not feel that every train passenger in the station has turned numb and passionless because the gravity of norms towers so heavily over any possible human logic? That is why I put a tiny grin on my face when I see all types of human struggles inside the trains: the frantic woman who MUST put on make-up while being squashed tactlessly by a curious elderly man looking over; the dignified 60-year old lady who throws sharp, stinging glances at a worldly teenager whose iPod sounds vibrate deafeningly from his ears; the overworked and underpaid salary man who murmurs humorously to himself like he was left in seventh heaven; the attractive Japanese girl who curls up on her gaijin (foreigner) boyfriend’s lap, while men and women are glancing suspiciously, yet carefully so as not to appear conspicuous. Every human soul has a story to tell inside the train, and he can freely express his world without being painfully barred by the harrowing notion that he is not “allowed” to do so because such a rule prevents him from being himself.

There could be freedom in the Japanese mind! But, for now, I glide obliviously along my own self-directed pace with the buzzing ant colonies, with my music earphones to my ears and my wishful thinking mind that such unnecessary madness lasts only until the exit gate…

Happy train hopping!

Dr. JB & Nelly Alinsod

Prayer for Productivity

Ama sa langit, sambahin ang banal mong pangalan. Dalangin ko na pagharian mo ang aking trabaho kung paanong ikaw ay naghahari sa langit. Alam ko na hiwalay sa iyo lahat ng aking tagumpay at kasaganaan ay walang kabuluhan.

Bigyan po ninyo ako ng kamalayan na para sa inyo ang aking hanap-buhay. Nais kong magawa ang lahat ng nais mong mangyari sa araw na ito. Bigyan mo ako ng lahat ng aking kailangan upang magampanan ko ang aking mga tungkulin at responsibilidad. Alam kong binigay mo itong trabahong ito upang ako ay maging ilaw at pag-asa sa aking mga kasama.

Diyos, bigyan nyo po ako ng direksyon at kasipagan kasama ng tiyaga at bukas ng kalooban sa araw na ito. Pagpalain nyo ako at gawin mabunga sa lahat ng bahagi ng aking gawain ngayon. Ipaalala nyo po sa akin na laging maging tapat at responsable. Magamit ko nawa ng lubos ang lahat ng aking kakayanan at husay para sa ikabubuti ng aking kapwa.

Iligtas po ninyo ako mula sa pagkatakot sa tao at kayabangan. Tulungan nyo po ako na bantayan ang aking sarili laban sa pagiging makasarili, inggit at selos. Punuin nyo ako ng paggalang sa aking mga pinuno at ka-trabaho. Maging payapa nawa at masaya ang mga taong nasasakupan ko.

Dalangin ko na maging kuntento ako sa aking trabaho at magamit ko ang lahat ng aking kakayanan sa lahat ng pagkakataong darating sa akin. Tulungan mo po akong magamit kong mabuti ang aking mga oras upang magampanan ko ang inaasahan sa akin at mapa-unlad ko ang aking buhay. Sagipin nyo po ako mula sa sobrang kapaguran ganun din sa katamaran.

Mahal na Diyos, tulungan nyo po akong hanapin ang inyong gantimpala sa isang maayos na pagtatrabaho sa bawat araw. Maibigay ko nawa ang isang araw na tapat na trabaho mula sa isang tapat na puso. Makamit ko nawa ang isang tunay na pinagpalang buhay na naging malaking tulong sa aking kapwa at kagamit-gamit para sa iyong kaluwalhatian. Ito ang dalangin ko sa ngalan ni Hesus, amen.