Friday, January 24, 2014

Abie Principe

Shoganai:
Gaijin Life
On Festivals and Friends
and Volunteering

July-August 2013



Nakaraan na naman ang isang Fiesta sa Nagoya, nitong May 26, at alam naman ng lahat na ako ay isang mainstay sa ating Festival. Taon-taon itong ginagawa ng CPFA, and for the past 6 years, nag vo-volunteer ako dito.

Masaya ang mag volunteer.  Maraming nagsasabi na, ok ka lang ba, nagtra trabaho ka ng matagal, at napapagod ka, hindi ka naman babayaran. Pero ang pag volunteer naman ay bukal sa kalooban. Wala naman nagpipilit na mag volunteer ka, ikaw mismo, gusto mo. Sa aking experience, bagamat wala ngang monetary compensation ang volunteering, meron naman itong ibang benefits. Hayaan ninyong isa-isahin ko ang mga benefits of volunteering:

Una, FRIENDS. Sa pag vo-volunteer, maraming nakikilalang mga iba’t ibang tao, mula sa iba’t ibang parte ng society, at nagiging mga kaibigan sila. Making new friends, talaga is a big benefit. In the years I have volunteered, hindi lang sa Festival, kundi sa mga ibang events din sa Nagoya, tulad ng World Collabo Festa, at Foreign Artists’ Exhibit, masasabi ko, na talagang marami akong nakikilalang mga kakaibang tao, at ang iba pa nga, naging kaibigan ko.

Pangalawa, SENSE OF ACHIEVEMENT. Ang pakiramdam na mayroon kang nagawa na may kabuluhan ay mas matindi kung ginawa mo ito ng walang bayad. Bagama’t maraming magsasabing mayroon namang sense of achievement pag nagtra-trabaho ka sa isang makabuluhang project, in the end, it is just a job. Isang bagay na ginagawa para makatanggap ng salary at the end of the month. Pero ang volunteering, at the end of the day, and when all is said and done, mayroon kang ginawa, nai-bahagi sa marami, at nai-pakita sa mga kababayan natin, at hindi dahil sa binayaran ka, ginawa mo ito dahil bukal sa kalooban mo na gawin ito, ng walang bayad, and that makes the feeling different from a day job. Mahirap maintindihan ito, lalo na ng mga hindi talaga mahilig mag-volunteer. Pero sa mga taong tumulong noong Tohoku Earthquake, alam nila ang feeling of achievement that comes with volunteering. Maaring maliit na halimbawa ang pag-volunteer sa mga events, pero halos lahat naman nag-uumpisa sa maliit, hindi po ba?

Pangatlo, NETWORKING. Ayan, ito naman ang medyo self-serving side ng volunteering. Sa totoo lang, hindi lang ibang tao ang matutulungan kapag nag-volunteer kayo, kundi pati sarili ninyo. Kalakip ng pagkakaroon ng mga bagong kaibigan, magkakaroon din ng pagkakataong makilala ang ilang mga importanteng tao, at kapag nakita ang kakayahan ninyo sa pag-volunteer, maaring maging daan ito para magkaroon ng mas magandang trabaho, o di kaya, oportunidad na makakita ng international projects na maaring salihan. 

Ilan lamang ito sa mga benefits ng volunteering. Itinuturo ng volunteering na hindi lamang monetary gain ang paraan upang umunlad, mayroon ding ibang paraan. 
Kaya, humanap na po kayo ng volunteer activities sa inyong mga lugar, who knows, baka dito ninyo pa makita ang matagal ninyo nang hinahanap na makakapagbigay ng  meaning sa buhay ninyo.

No comments:

Post a Comment