PEDESTRIAN LANE
"Mamma Mia"
July-August 2013
Mamatomo...
Mama-mother!
Tomo-tomodachi /kaibigan
What is like to be in it daw ba?
Kung susubukan intindihin, makahulugan, may kalaliman. Kaya siguro trending madalas ang topic na ito. Trending sa mundo ng parents; sa Japan man o hindi. To the extent na isinasa-drama pa nga dito ang issue. Napanood mo ba?... Kung sasaliksikin ang kalooban ng ilan, ayun! Talagang mahaba-habang usapan. Actually, umabot ng higit 100 comments ang isang article sa Japan Today tungkol sa issue. Sila-sila mismo nagbabangayan. Nakakalito pero informative naman. May basihan at may katotohanan.
Mama, mga magulang na babae.
At kapag sinabing "mama"?! Paano nga ba sila "maging" ina?... Ano nga ba ang mga pang karaniwang katangian nila bilang mga magulang na babae? Simplest equation could be: "May madaling intindihin, meron din namang "mahirap espelengin" sabi nga". Human nature! Natural. Walang magagawa. Tanggapin o iwanan ang laro kung baga. At kung maswerte, mainam ang mabubuong samahan o relasyon. Kung hindi?! Paano nga ba? Hindi ko din alam, magulang na babae din kase ang inyong lingkod.
Magulang, mga taong may responsibilidad na arugain ang kanilang pamilya.
Responsibilities o yung pananagutan to work the entitled duties attested as a parent. Working nga! Pwedeng hard working, pwede din namang cool mom approach. Depende sa pangangailangan. Syempre, during the early stages of child-rearing, loaded yan. So, marami-raming bagay ang kailangang isaayos as foundation. Kapag medyo independent naman na si anak, slow down na si mommy ng bahagya. Preparation to next stage naman ang dapat pagkaabalahan.
At higit sa lahat - mga babae!
Walang kaibahan sa mga "single ladies" o sa mga wala pang anak ang mga babaeng may anak na. Pareho silang babae. Yun nga lang, ang mga "mama" na napapag-usapan dito ay may malaking "responsibilidad". Merong pamilya. Natural lang na maging "mas" maarugain, mapagmahal, protective, at maging mabuting halimbawa hangga't maaari. Higit sa lahat, hangga't makakaya. Hindi compulsory pero makakatulong sa pagiging "ilaw ng tahanan", sabi nga. Seeking excellence may mean competition, it's a fact! Thus, somewhere, some tend to forget the margin. Again, human nature. Bala-balanse din 'pag may time?!...
At kung bakit may napapaloob na "spoiled" aspect sa mundo ng mga inang napapabi-lang sa grupong napag-usapan...? Kayo na po ang magsabe ... Kakailanganin ang masusing pang-unawa at pag-i-ingat! After all, grupo ito ng mga ina na nagsasama-sama ayon sa sarili nilang kagustuhan. Malamang, karamihan, nag-e-enjoy. Yung iba, pwede ring hindi. Magkaiba pa rin naman ang magkakaibigan na mga "grouped moms" kumpara sa mga ina na may mga kaibigang naging ina na din tulad nila.
PARENTAL GUIDANCE!
Margarita?! Anyone?!
No comments:
Post a Comment