Friday, January 24, 2014

Jackie Murphy

Side Trips
“What are the qualities you look for in a friend?”

July-August 2013



Bihira ko yatang hindi marinig sa mga kapwa Pinoy natin dito sa Japan na ayaw na nilang makipagkaibigan sa mga kapwa nila. Mas madalas ay gusto na lang daw nilang manahimik sa kanilang mga buhay-buhay at magmukmok na lang sa kanilang mga bahay. Samantalang kung tutuusin ay napakalungkot ang manirahan sa ibang bayan, malayo sa pamilya at malayo sa ating Inang bayan. Nakakapagtaka…bakit kaya?

Question:  Bakit bihira kang makipagkaibigan sa mga kapwa Pinoy natin?

Noong una, sobra akong na puzzle. Curiosity wise, nagtanong-tanong ako.

Una, sa mga Pinoy na  nakilala ko sa mga social events. Nagulat ako sa kanilang mga sagot. Si friend A nagsabing pagkatapos niyang nakatulong ihanap ng trabaho ni hindi man lang daw siya nailibre kahit man lang paborito niyang relo...ha? Relo agad agad? (bilmoko vs. walang utang na loob…)

Si friend B naman, noong una daw ay naging mabait naman daw yung kaibigan niya. Kalaunan ay inutangan daw siya ng di naman kalakihang halaga at kahit magkasama sila sa work ay wala man lang daw paghingi ng paumanhin kung di makabayad...
(the borrower vs. the usurer)

Si friend C naman, tumamlay ang pagsasama nila ng kanyang mister dahil sa Pilipina na yun. Sa madaling sabi… yun na nga yun… (the wife vs. the mistress)… hay naku, nakakapanlambot ng puso.

At itong huli naman, ‘magmula nang bumagsak ang kabuhayan ko ay  halos lahat ng mga dati kong kaibigan ay hindi na ako kilala, palibhasa nakinabang sila sa akin noong ako’y may kaya pa sa buhay’… Malungkot na kuwento itong huli… tsk… tsk…

Ano ba yun? Ganito ba talaga ang lakaran ngayon ng pagkakaibigan ng mga Pinoy  sa bansa na ‘to? Parang malayo naman yata sa friendly Filipino image  that I have known throughout these years. ‘More fun in the Philippines’ image nating mga noypi ay the friendliest faces in Asia! Anong nangyari? Or hindi lang talaga applicable dito ang cliché na ‘yan…weh…!!!

Bigla tuloy akong napaisip…may kinalaman ba ang estado ng buhay ng tao bago kaibiganin? Kailangan bang pumasa sa panlasa mo o at least makahabol man lang sa lifestyle mo before you can call someone a friend? Pag baduy ba manamit o sa factory o sa construction nagwo-work di mo pwedeng maging kaibigan? Kailangan bang bonggang-bongga ang mga properties niya sa Pinas o kailangang may sinasabi sa buhay bago mo siya maging kaibigan? O kaya dapat pareho ba kayo ng bisyo? Pag non-smoker ka at di ka umiinom, ayaw mo sa taong umiinom at naninigarilyo? Ano-ano ba ang pamantasan mo bago siya maging kaibigan mo? Ang united answer naman ay: ugali…

Pero napakalalim ng salitang yan bago husgahan ang pagkatao ng isang tao sa unang pagkakakilala, di ba? Eh, pag mas maboka at sikat ba  mas gusto mong kaibiganin? Eh, sa taong tahimik ayaw mo? Eh sa taong mahiyain, ayaw mo rin? Mas type mo ba ang taong mas maporma…mas may dating kasi? Sa guwapo, sa maganda? Eh paano naman ang mga ordinaryong mukha at di masyadong kagandahan? tsk…tsk…

Honestly speaking, there are those who look for honesty, integrity, trustworthiness, compassion in you before you become their friend. You don’t need academic excellence or you need not be highly skilled to qualify to their specifications. Just be yourself lang. Don’t pretend to be someone naman kasi when you are not.

And of course, there are those who like you to be their friend because you are exactly one of them, you speak like them (meaning literally…? pwede…!!!) you dress like them, your lifestyle is like them. But if you feel that you are NOT one of them, huwag  na mag join…malalaman at malalaman din nila ‘yan kung di ka nila kauri…nakakatakot talaga…pero sige kung matigas ang ulo mo baka ipakagat ka sa langgam…ikaw rin…ahahaha

Whatever you call it kanya-kanya tayo ng pananaw at gusto sa buhay. Pwedeng maging okay ka sa tingin ng iba pero hindi sa karamihan. Pwedeng okay ka sa tingin ng karamihan pero hindi sa lahat. Kung ano’t ano pa man ang gusto mo, yan ang sundin mo.  Ang importante huwag ka lang makasagasa sa buhay ng iba at kung yan ang nakakapagpasaya sa ‘yo, gawin mo ng walang takot… manindigan ka lang sa mga prinsipyo at pananaw mo sa buhay and you’ll be fine.

Whoever friend comes your way, huwag kalimutan: magmasid, makinig at makibahagi.

And the secret to your lasting friendship… ’Stand by your friend no matter what’!

Happy reading!

No comments:

Post a Comment