ITLOG na PULA ni Marcial Caniones
July-August 2013ARAW NG KALAYAAN /A DAY OF FREEDOM
Ano ang laya ko?
What is my freedom?
Kung sikmura’y kumakalam
If my stomach crumble
Nilisan man ako ng mananakop
Even when the aggressors left
Kumapit naman ang kagutuman
Hunger stucked in
Ilang taong hawak ang punyal
For years the sword is held
Upang maipagtanggol ang bayan
To defend the nation
Sa mga dayuhang mapanlapastangan
From foreign tyranny
Sila ngayon sa akin ang nambubusog
But now from them I am now being fed
Nagpapa-aral at nagbibigay ng silungan
Educated and sheltered
‘Asan na ang mga bayani?
Where are the heroes?
Tahimik ang himbing sa libingan?
At peace in their graves?
Habang ang mga napalaya
While the freed
Sila-sila ang nag-iiringan
Fight among themselves
Sila-sila ang nag-aagawan
Embezzle among themselves
Sila-sila ang nag-kukutyaan
Belittle each other
Sa maliit na pwesto sila ay nagtutulakan
Shoving each other for phony power
Kung hawak dati ay makinang na gatilyo
A shining trigger is long past held
Ang tanging puhunan ngayon
What we now have
Ay ang talino, sipag, tiyaga at sakripisyo
Is wit, diligence, patience and sacrifice
Dati ay bahaw na kanin ay bubudburan ng asin
Content then from burnt rice sprinkled with sea salt
Sapat na ngayon ang mainit na tubig
Pouring hot water
Na ibinuhos sa Nissin’s ramen
To a cup of Nissin’s ramen now suffice
Sino ba ang tunay na bayani?
Who is the true hero?
Ano ba ang bayani?
What is a hero?
Si Rizal? Andres?
Is it Rizal? Andres?
Mabini? O Kasimiro?
Mabini? Or Kasimiro?
Ang ating kasaysayan ay masaklap
Our history is etched in pain
Ang ating kasaysayan ay makulay
Our history is of wonder
Ang ating kasaysayan ay malalim
Our history is with depth
Ang ating kasaysayan ay malawak
Our history encompasses
Tayong lahat ay bahagi ng araw-araw na gawain
We all have part in the world’s daily struggles
At kinabukasan ito ay lilipas
But these comes to pass
At ang lahat ng lumipas ay kasaysayan
And all things past is history
Gaano man kaliit
No matter how insignificant
Gaano man kahalaga
No matter is its worth
Gaano man walang kwenta
Even events seem not to matter
Ang lumipas ay tapos na
What has come to pass is past
Bukas, mayamaya, gasaglit lang
Tommorow, later, seconds after
Ay ngayon na...
Is already now...
Walang tigil ang paginog
Evolution does not stop
Ng mundo
On the world we live in
Ng isip
Our thoughts
Ng tao
Ourselves
Lahat ay nagbabago
All changes
Kung saan patungo
Towards which path
Ang bayan ko at bayan mo
My country and your country
Ng buhay mo at buhay ko
My life and your life
Ang magpapasya ay hindi mga BAYANI
Is not molded by heroes
Kung hindi… sa bawat isa sa ATIN!
But by each and every one of US!
No comments:
Post a Comment