Thursday, May 10, 2012

ADVICE NI TITA LITA by Isabelita Manalastas -Watanabe


ADVICE NI TITA LITA
by Isabelita Manalastas -Watanabe

Dear Tita Lita,

15 years na po ako rito sa Japan. At 15 years na rin hindi ako nakakabalik sa Pinas. Siguro alam na po ninyo ang ibig kong sabihin. Graduate po ako ng engineer sa isang magandang unibersidad sa Maynila. Pumunta po ako rito dahil sa mabilis ang daloy ng pera. Iba't-ibang klaseng trabaho na rin ang pinasukan ko. Construction, factory, waiter, janitor. Lahat na po yata ay pinasukan ko. Basta meron lang pagkakakitaan. Basta meron lang maipadala sa pamilya sa Pinas.

Hindi ko po alam kung anong gagawin ko sa buhay. Gusto ko man umuwi, wala rin po akong trabaho sa Pinas. Meron man akong trabaho rito kahit konti lang ang binibigay sa akin ng shacho ko.  Masaya na rin at naka-kabigay pa rin kahit konte sa pamilya. Nauubos lahat ng pera sa mga pang schooling ng mga bata, sa pagkain, mga bills at iba pa.

After 15 years, hindi ko na po alam kung hanggang kailan pa ako mag-gagambaru rito. Minsan, gusto ko na pong umuwi. Pero sa hirap ng buhay sa Pinas, parang ayaw ko muna. Pero hangang kailan naman kaya gaganda ang buhay sa Pinas? Sabi ko sa sarili ko, uuwi na lang ako hanggang mahuli. Pero nakakatakot po kasi bawat labas ko sa bahay, laging kinakabahan po ako at baka meron nanghuhuli sa labas.

Hindi ko na po tuloy alam kung ano ang aking gagawin. Ano po ang maipapayo ninyo sa tulad sa aking situwasyon?

Hector


Dear Hector:

Hindi ka nag-iisa!  Iyan siguro na lang ang consolation mo.

Mas OK siguro ang maibibigay kong advice kung alam ko kung ano ang edad mo ngayon.  Kung ikaw ay 40 years old, e-di umalis ka sa Pilipinas noong mga 25 years old ka lang, a few years after graduation, at baka bagong kasal ka lang, at may isa or dalawang small children pa lang.  Kung ito ang edad mo, ibig sabihin, hindi mo nakitang lumaki ang iyong mga anak, na nasa high school na ngayon.  At hindi mo rin nakapiling at nakatuwang sa pag-raise ng mga bata, ang iyong asawa. Kung ganito ang iyong edad ngayon, I would think you will have good chances pa to get a job in the Philippines.  Hindi ka pa matanda.  At engineer ka, which means ang iyong intellectual capability ang iyong asset.  Worth ba ang iyong extrang earnings dito sa Japan, kung palagi ka namang stressed out every day dahil nga sa kaba mo na mahuli?  At saka ang tagal ng 15 taon para mahiwalay sa mga anak at sa asawa ng kahit minsan ay hindi mo nakita, lalo na at batang-bata ka pa noong iniwan mo sila. 

Kung ikaw naman ay nasa edad na at least 50 years old na, relatively difficult na sa iyo to re-enter ang linya mong engineering, kung uuwi ka. Your prospective employer will find you not attractive to be hired in the engineering field, lalo na at hindi mo talaga nagamit ang propesyon mo dito sa Japan. Kung ganito na ang edad mo, siguro give a target number of years mo pang mag-stay dito.  Pero dapat mong i-discuss ito sa iyong asawa para alam din niya ang  plano mo.  Kung mag-decide kayong mag-stay ka mga two years na lang, for example, then doon sa two years na stay mo, mag-ipon ka as much as you can, and then surrender ka na at umuwi. Sa edad na 50, at mara-ming stress na na-e-experience daily, mas mabilis ma-apektuhan ang health mo.

Malaki ang maitutulong kung may church group/support ka dito, like good friends. Importante na may nakakausap ka at nakaka-share ng iyong burden. Siyempre, ang Panginoon, palaging pwede mong daingan, at hindi Siya magsasawang makinig sa iyong mga daing.  At talagang powerful ang prayers – pray lang to give you continued good health for the years that you will decide pa to stay.  Kahit iyong panganay mo lang ang mapatapos mo, and then kapag nagka-trabaho na siya, siya naman ang tutulong magbitbit sa iyong pangalawa, and so on.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

I want to ask your advice about buying house and lot in Japan. I have a permanent residence in Japan and a friend of mine gave me an idea of owning a house instead of renting it. Anyway, I think I plan to stay here for good na. What do you think po?

Mila


Dear Mila:

Did you really mean a house and a lot?  I guess what you really wanted is to buy a mansion (condo)?

It makes a lot of sense to buy your own condo, if you intend to really stay long-term in Japan, and if you are sure to receive regular income.  If you currently rent your own apartment/condo for say, JPY 75,000 a month, plan to buy your own condo wherein the monthly mortgage/ amortization payments will be also around JPY 75,000.  In other words, instead of throwing rent money, you will now be spending same amount but which will now go towards payment of a property that will eventually be yours. 

Get a good real estate agent which can show you several properties for sale, within the monthly payments that you can afford.  Normally, there will be another real estate agent he/you have to deal with – iyon namang agent ng may ari ng property you would like to purchase. Both agents will coordinate with each other, for whatever paper work that needs to be done. If your agent is good, he can be the one to try to haggle for a discount of the quoted price of the property. But of course, his commission (normally not less than 3%) will still be based on the quoted price of the property, not the final negotiated price.  There will also be some more miscellaneous expenses/legal fees that will be incurred.

If you are paying in cash, then normally, the agent/s will prefer that you do the payment inside your banker’s office.  You can request your banker to reserve for you a small room where you can meet with your agent and the other agent/owner of the property to settle the payments, by furikomi and/or cash.

If you intend to take out a loan, a good real estate agent should be able to help you with the paper work, and refer you to their contact banks, for your loan documentation/ approval.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Kumusta po kayo? Gusto ko sanang mag tanong kung meron kayong alam sa panganganak sa Japan. 2 months pregnant na po ako. Saan po ba ang mas magandang manganak: sa Pilipinas o sa Japan? Sabi ng kaibigan ko rito, napakalungkot daw dito. Pero kung sa Pilipinas naman, baka mahirapan ako sa pagdadala ng anak ko sa Japan. Hapon po ang asawa ko. Ano po sa palagay ninyo?

Nina


Dear Nina:

Traditionally, ang mga Haponesa, kapag manganganak, gustong bumalik sa hometown nila kung saan nakatira ang kanilang magulang. Gusto nilang mag-stay sa kanilang nanay, para may tumulong at mag-antabay sa kanila. And then, after giving birth and after some rest, uwi na sila kasama ang baby sa kanilang asawa.

Iyon din siguro ang magiging reason kung mag-de-decide kang manganak sa atin – para may tumulong at mag-antabay sa iyo until the birth (and even after) of your little angel. Pero hindi mo kaagad mada-dala sa Japan pagka-panganak mo, ang bata. Dapat mong i-report ang birth niya sa Japanese Embassy at siyempre, may paper work din na dapat gawin.

Kung dito manganganak, natural, mas mahirap for you if only because wala ka ngang nanay or kamag-anak na tutulong sa iyo sa pagpunta sa hospital for your regular check-up. At kapag ma-confine ka na dahil malimit na ang iyong contractions at mag-break na ang water, siyempre ang asawa mo lang siguro ang tutulong sa iyo. At siyempre, hindi tulad sa atin, istrikto dito sa visiting hours.  Pero advanced country ang Japan, so medically speaking, wala kang masyadong worries sa safety of giving birth dito.  Isa pang advantage ay kaagad mong mai-se-share sa husband mo ang joys of having your child.  At less hassle sa paper work dahil nga dito ka na nanganak. At ang asawa mo naman ang mag-aayos ng pagre-registro ng birth ng anak ninyo.

I think good din to discuss the matter with your husband.

Tita Lita


Tita Lita shares with you her yen for living.
Send your questions to Tita Lita at 
jeepneymail@yahoo.com



KAPATIRAN by Loleng Ramos

KAPATIRAN
by Loleng Ramos

GLOBAL WARMING

Totoo bang wala ng summer sa Pilipinas?  Na-alarma ako sa balitang ito ng kaibigan ko.  Medyo matagal na rin kase akong hindi nakaka-uwi sa atin. Sabi niya, sa nakalipas na tatlong taon, hindi na kasing-init ng dati ang summer. Gitna ng tag-araw ay tag-ulan na din.  Dito rin sa Japan, ang ganda ng Autumn noong una akong mapunta sa Kyoto sampung taon na ang nakalipas. Sabay-sabay ang pagpalit ng kulay ng mga dahon. Ang una kong spring noong tumira na ako dito ay nakakaduling sa ganda ang iba’t-ibang kulay ng bulaklak na nasa paligid ko lang.  Sa bawat taon ay nakikita ko ang mga pagbabago sa mga puno at dahon na ito. Parang nababawasan at parang nag-iiba. Nagtataka din ako kung talaga lang nakakasanayan ko na ang lamig sa Japan o sadyang hindi na kasing-lamig ng mga unang taon na naririto ako.  Ikaw ba kapatid, napapansin mo rin ba ang mga pagbabagong ito?

Hindi lamang ito sa tabi-tabi nangyayari kung hindi  sa buong mundo. Ang tawag nga ay Global Warming. Dahil umiinit ang mundo, ang kalikasan ay naa-apektuhan.  Narinig mo na ba ang mga salitang coral bleaching (kung saan ang mga kurales sa dagat ay nagiging kulay puti at isa sa mga dahilan ay ang pag-init ng tubig sa dagat), glacial depletion (ang glacier o niyebe na naging yelo dahil hindi nagawang matunaw noong mga nagdaang taon ay unti-unting lumiliit) katulad ng continental glacier (purong yelo) sa Antarctica at valley glacier, mga yelo na nakabalot sa mga lugar katulad ng nasa Swiss Alps.   Dahil sa pagtunaw ng mga yelo na ito, ang tubig sa dagat ay tumataas din.  Maraming bansa katulad na lang ng Maldives, ang unti-unti ng lumulubog sa dagat.  Marami na ring mga hayop at halaman ang hindi na natin nakikita ngayon sa dating lugar na tinitirhan nila. Lumikas na sila dahil sa pagbago ng temperatura sa kanilang paligid o di kaya ay dahil wala na ang kanilang mga dating tirahan. 

Ano ba ang sanhi ng lahat ng ito?  Dahil sa pagbabago at pagdami ng materyal na pangangaila-ngan sa buong mundo lalo na sa mga mauunlad na bansa, ang industriyang gumagawa sa mga bagay na ito ay gumagamit ng mga makinarya na pinapa-andar ng elektrisidad.  Saan ito nanggagaling? Sa pag-proseso ng likas na yaman (o tinatawag na fossil fuel dahil mas matanda pa sila sa mga dinosaurs) katulad ng uling at langis, kailangang itong sunugin upang makagawa ng init na siyang naghahatid ng elektrisidad.  Sa pagsunog na ito, ang gas na carbon dioxide ay lumalabas din.  Kung ang gas na ito ay sapat lamang, maaari itong makalabas sa teritoryo ng daigdig at hindi tayo maapektuhan. Subalit ang sobrang pag- gamit, ang gas na ito na humahawak din ng init ay bumabalik sa atin.  Ang deforestation (pag-kalbo ng gubat) ay isang dahilan din. Ang mga puno sana ay lumalanghap ng carbon dioxide pero sa pagkawala nito, hindi lang mga hayop ang nawawalan ng tirahan, gumuguho din ang mga lupa sa kinalbong bundok na sana ay sumusuporta dito.

Paano na lang kung magpatuloy ang lahat ng ito?  Parang mawawala na rin ang mundo ano?  Meron ba tayong magagawa?  Siguro iniisip mo na ang mga malalaking kumpanya ang dapat unang gumawa ng hakbang. Bahala na sila sa solusyon pero ang bawat tao, lalung-lalo na sana ang mga nasa kumpanyang nag-papagalaw ng mga industriya ay dapat magbigay galang at mag-alaga kay Mother Earth.  Ang nakakalungkot, malimit ang mga taong nandodoon ang siyang unang nakakalimot sa kanyang mga responsibilidad sa ating kalikasan.
 
Kung magbabawas lang tayo ng mga bagay na hindi naman natin kailangan, makakatulong din ito at makakatipid pa tayo.  Gusto mo na ba ng latest gadget tulad ng cellphone, bagong trend ng damit at sapatos kahit na Imeldific na ang dating mo, basta masarap mag-shopping eh!  Naku, naku, sa bawat binibili mong bagong bagay na hindi mo naman talagang kailangan, nagpadagdag ka sa konsumo ng elektrisidad na gumamit ng langis na hinukay sa Middle East na gawa noong wala pang tao sa mundo at sinunog ngayon na nagdagdag lang ng init sa mundo na nagtangay ng summer heat sa Pilipinas pero ikinalat sa buong taon kasabay ng maraming ulan at baha. Parang nakakatawa at nakakaloka ba? Pero lahat ay katotohanan lamang na ang solusyon ay nakasalalay sa bawat isa sa atin. Syempre marami pa tayong magagawa. Ang “recycling” ay ginagawa iyan dito sa Japan. Sa Pilipinas din, dapat sabihan natin ang mga kamag-anak at kaibigan natin doon na gawin din nila.  Ang pagtitipid sa kuryente ay kailangan at marami pang bagay.  Di ba kung ang iba ay “wapa” walang pakialam, ikaw at ako ay meron kase hindi lang matuwid na pag-iisip meron tayo kung hindi kunsyensya at  kaluluwa din. 

Kaya mamayang gabi, patayin mo ang ilaw sa kwarto mo at mula rin ngayon, magtitipid ka hah?  Sa ating pagkalinga kay Mother Earth, mas aalagaan niya tayo at lahat pa ng mga taong susunod sa atin.
 

PEDESTRIAN LANE by Mylene Miyata

 
PEDESTRIAN LANE
by Mylene Miyata

"One, Two, Three!"

1.)  Sabi ni Mark Twain, "Twenty years from now, you will be more disappointed by the things that you did not do than by the ones you did do.  So, throw off the bowlines. Sail  away from the safe harbor.  Catch the trade winds in your sails.  Explore.  Dream.  Discover."

Naku?! Paano ba 'yan?... Explore! Dream! Discover daw!  Kung hindi, magsisisi ka sa huli.  Saan? Sa mga bagay na hindi natin nagawa.  Teka lang. Twenty years daw... Uhmmm... Ilang taon na tayo noon?! Sakto pa yan!  Basta!

2.)  Ayon naman kay Audrey Hepburn, "The most important thing is to enjoy your life - to be happy. It's all that matters."

Oo nga naman!  Higit sa lahat, mahalagang i-enjoy natin ang buhay, maging maligaya at masaya.  Yun lang! Yun na 'yon! Mismo. Ano ba ang makapagppasaya sa 'yo?  Sino? Saan? Paano? Kailan? Ngayon? Bukas?  O sige, okay!  Ikaw na bahala.  Para sa 'yo 'yan.  :)

3.)  Mula naman sa Dutch Proverb, "Wisdom is a good purchase, though we pay dearly for it."

Purchase daw!  Hindi ito libre.  May bayad!  Pa'no ba yan?  Pabili nga po, isang tumpok!  Wow.  Sya nga naman, it is not enough nga kase that we are knowledgeable of something lang.  Kailangan natin kitain ang tinatawag na wisdom ng buhay.  At sa kung papaanong paraan o magkano man?  We simply could try to look back a couple of years ago.  Then, we may realize how we dramatically progress each time sa journey ng mahiwagang buhay na kaloob ni God sa atin.

Tatlong nakakaaliw na palaisipan.  Tatlong bagay na masarap itanim sa isip habang patuloy na lumalakbay.  Patuloy na binibiyayaan sa araw araw. Patuloy na nagpapasalamat. For everyone of us continuously enjoying the ride of life, patag man o lubak.  Cheers!

Si number one, pwedeng i-envision ang future natin. Si number 2 naman, pwedeng ikumpara sa kasalukuyang kaganapan sa buhay natin. At si number 3,  pwedeng ihalintulad sa kaalaman na bigay sa atin ng mga nakaraang experiences natin.

One, Two, Three... Pikit mata... Lundag... Tumbling... Ayos!

I'm happy to share few things na makakapag- enlighten ng isip at puso ninyong mga mambabasa namin dito sa Jeepney Press. Sana po, kahit sa maliit na paraan ay magsilbing inspirasyon sa inyo sa kabila ng kaliwa't kanang 'di kanais-nais na pangyayari sa araw- araw.  Maraming salamat po.

P.S. po
Yung remote control ng TV:  Use wisely po.  Smartphones: Keep it smart!  Internet: Enjoy it but avoid being misled.   

Neriza Sarmiento’s ON THE ROAD TO

Neriza Sarmiento’s
ON THE ROAD TO:
Royal Welcome in Puerto Princesa
with Yoshiko Fukuda and Yoriko Hayashi

Once the cherry trees spread out their lovely blossoms like pink carpets against the blue sky, thousands of merry-makers flock to parks to enjoy "hanami" and an endless bout of drinking and merry-making.  Through the years, I have taken photos of these amazing cherry blossoms, fascinated at how they survived the cold winter season to come out again in spring and proudly displaying their delicate pink blossoms.

I am particularly attracted to the beauty of the "sakura" because it reminded me of our own sampaguita -  with a sweet fragrance that seems to say "welcome home."  That was exactly how I felt when the Tourism staff at NAIA presented us with sampaguita leis. Together with Kansai Nippi Tomo no Kai (Japan-Philippines Friendship Society) officers headed by Mr. Koji Ueno, we visited Puerto Princesa City in Palawan accompanied by Ms. Lorelei Cruz of DOT Osaka and Ms. Leona Nepomuceno of DOT's Team Japan.The tour is a yearly event of our association in preparation for KNTNK's 30th Anniversary in 2014.

I have always thought that people travel to enjoy and get-away from the monotony of life, to explore the unknown and to immerse oneself in the customs and lifestyle of the people they get acquainted with. For once, I did not realize that it could strengthen bonds of friendship, too.

Two Japanese ladies, Yoshiko and Yoriko, have always devoted themselves in promoting the Philippines as a tourist destination in their capacities as officers of the KNTNK for almost 30 years. Mrs. Yoshiko Fukuda is the current treasurer and once served as president. Mrs. Hayashi is the current Vice-President and has also served as the secretary of the Philippine Community Coordinating Council last year. Coincidentally, both have appeared on stage plays and musicals depicting the lives of Filipinos in Japan. Mrs. Fukuda as the mother-in-law of a Filipina wife (played by Jina Umali) in “Loretta dela Rosa Tanaka, taga-Osaka” in March 1995 at the Dawn Center. Mrs. Hayashi was Jun's (played by Henry Tabao) mother-in-law in The Gaijin, from 1998-2002, presented at Rose Bunka Hall in Toyonaka, Creo Osaka. Tondabayashi, Kashiwara and Takatsuki are among the Filipinos in Kansai and are already familiar faces in Philippine Community events like flag-raising ceremonies, charity events, meetings and others. Mrs. Fukuda's condominium-mansion has been home for past tourism attaches. Mrs. Hayashi, who has learned to do "beso-beso" from her Pinoy friends, has a son-in-law from Spain who married her daughter who teaches Spanish at Kansai Gaidai.
 
The trip to Puerto Princesa was an opportunity for them to get-away from their busy routine in Japan. We did not really expect a grand reception in Puerto Princesa. Mayor Edward S. Hagedorn charmed and warmed our hearts with his presentation of "A City in a Forest" focusing on their commitment to conserve, protect and preserve the environment and their unique concept of Eco-tourism.

According to National Geogra-phics, Puerto Princesa is one of the top 20 new destinations to watch all over the world. It is no wonder that while we were there, all flights and hotels were already fully booked and hundreds lined up for the 45-minute Underground River Tour. Permits are issued in advance and only up to 780 visitors are allowed in a day. But it is indeed a tour-of-a- lifetime because the Puerto Princesa Underground River is home to a 20 million-year-old Fossilized Serenid which is now a finalist to the New Seven Wonders of Nature.
   
Inspite of the bumpy rides to reach our destinations, stepping in and out of boats, hopping on and off islands, Mrs. Fukuda and Mrs. Hayashi went through all these with gusto, trying out every local delicacy. There was never a dull moment with Delia Nakashima of the Shiga Filipino Christian Community who joined the group for the first time. A seasoned traveler who has been to almost every tourist destination, Delia said that she has fallen in love with the pristine waters of Palawan and the native "kakanins." Koji and Ludie's son, Jiro, who is the youngest member of the group, was especially fond of Mrs. Fukuda.
 
We left Palawan feeling refreshed and ready for a get-together dinner with the Philippines' top couturier "Renee Salud and Ms. Mandy Cabansag. Mrs. Fukuda and Mrs. Hayashi learned English from Mandy in Japan. We could not have these memorable encounters without Leona and Lorly who paved the way for us for the Royal treatment in Puerto Princesa!!!


SA TABI LANG PO by Renaliza Rogers





SA TABI LANG PO
by Renaliza Rogers

Pagtatapos

Kung bibilang-bilangin mo kung ilang taon ang iginugugol ng isang pangkaraniwang Pilipino sa pag-aaral, tatakbo din ito ng mahigit-kumulang 17 years. Kung siya ay dire-diretso sa pag-aaral, magsisimula siya sa edad na 4 at magtatapos siya sa edad na 20.

Ako, nagsimula akong mag-aral sa edad na tatlong taong gulang. Unang eskwelahan ko ay ang Kiddie Corner kung saan ang kadalasang ginagawa lang namin ay ang dumede at matulog. Toddler school kasi ito eh at lahat kami doon ay may kanya-kanyang bote ng dede at ang pinaka rurok na ng aming achievement for the day ay ang makakuha ng isang stamp sa braso na hugis star kapag nag behave ka.

Noong 4 years old ako, nursery na ako sa L’Ecole. Noong unang araw ko doon, umiyak ako dahil iniwan ako ng aking yaya sa classroom. Lahat naman halos kami umiyak. Ang iba, may handusay sa sahig pang nalalaman. Sila ngayon yung mga lumaking madrama at iyakin sa buhay: magwawala pag iniwan ng syota, magpapakamatay o gagawa ng eksena, etc. Sa L’Ecole na rin ako nag kinder at prep nung 5-6 years old ako. Ang mga naaalala ko ay sumisigaw ako ng “Manang Pina! Tapos na ako!” pag tapos na akong umebak sa toilet at kailangan ng hugasan ang puwet, sa classroom ako nag se-celebrate ng birthday taon-taon, at nakakuha ako ng  “Academic Excellence Award” sa graduation namin at hindi ko alam kung bakit.

Mula grade 1, sa St. Theresita’s Academy na ako pumasok. Doon na rin ako nagtapos ng elementary at high-school. Nung grade 1 ako, naalala ko Valentine’s Day, lumuhod ang kaklase kong si John sa harap ko at kumanta ng “I Swear” ng All 4 One. Bata pa lang, hopeless romantic na siya. Yun nga lang, pagkatapos niya akong kantahan, binigay niya ang ginawa niyang card sa aking katabing si Hannah kaya’t binato ko ang  ‘langya ng lapis.

Wala akong masyadong maalala nung grade 2 ako kundi ang pumasok sa klaseng kulay orange ang mukha sa Betadine dahil inararo ng mukha ko ang semento pagkatapos matisod habang naghahabulan. Nung grade 3, hindi ko malilimot ang maganda kong kaklase na puno ng kuto ang buhok. Gumraduate na lang kami ng high-school, kutuhin pa rin siya. Nung grade 4, kumain ako ng limang itim na langgam sa udyok ng mga kaklase dahil pampaganda daw ito ng boses. Epektib ata dahil nanalo ako sa kantang “Isang Lahi” kinahapunan. Grade 5, pumayat ako dahil pina diet. Ang baon ko lang eh Sky Flakes or Fita crackers at tubig. Nung grade 6, ang bestfriend ko ay si Roxanne at dinadalhan niya ako ng dalawang sandwich pag recess dahil naaawa siya sa baon kong kalunos-lunos.

First Year high-school, nagkaroon ako ng retainers sa ngipin kong sungki-sungki. Nung 2nd year, napahiya ako dahil nalimutan ko ang lyrics ng kantang “Panunumpa” ni Carol Banawa sa Vocal Solo contest. “Ikaw lamang ang pangakong mahalin… Hmmm… hmmm…hehehe…” Nung 3rd year, nasali ako sa Volleyball Varsity team kung saan dalawang beses akong natapilok sa practice at namaga ang paa ko ng major-major! Nung 4th year, naging editor-in-chief ako ng aming school paper na pawang nakakasukang pa-tweetums na love poems at love stories ang laman.

Pagtungtong sa kolehiyo, hindi ko alam kung anong kurso ang kukunin ko. Kumuha ako ng exam sa San Agustin at nakakuha ng full scholarship pero ayoko doon, kaya’t sa University of St. La Salle ako tumuloy kung saan magbabayad ako ng mahal dahil sa kaartehan ko.

Gusto ng aking ina, ang kunin ko ay business courses pero gusto ko ay yung maarte. Kaya’t Liberal Arts and Commerce Major in Marketing and Mass Communications ang kinuha ko para walang away. Noong 1st year, inosente pa ako. Neneng-nene, Dean’s Lister kaagad. Nung mag 2nd year na, Dean’s lister pa naman din pero natuto nang mag bulakbol at napariwara ang landas. Tumigil ako ng pag-aaral at pumuntang Japan.

Pagbalik ko sa La Salle after 3 years, nag-shift ako sa kursong Interdisciplinary Studies dahil feeling ko mas nababagay ako dito. Hindi ako nagkamali. Ito nga ang kurso that suited me well. Tamad na akong mag explain kung ano ang Interdisciplinary Studies kaya’t iresearch nyo na lang pag may time kayo. Dito, natuto akong makibagay ng husto. Tamad pa rin akong mag-aral at mahilig pa rin akong gumala at gumimik pero natuto na akong ibalanse ito. Awa ng Diyos, hindi bumababa ng 90 ang grado, lumalagpas lang ng 100!

Nung graduation ko nitong March 2012 sa edad na 23, napaidlip ako nung nag-iispeech ang propesor. Nakatulog din ako habang nag-iispeech ang Summa Cum Laude dahil nagkaroon kami ng “pre-graduation gimikan/inuman” nung gabi. Yinugyog lang ako ng aking kaklase upang magising dahil nag- standing ovation na silang lahat. Masaya ako dahil sa wakas, nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral at mayroon na akong maipagmamalaki na pinagsikapan ko ng ilang taon. Maliban dito, may maihahandog na rin ako sa aking ina na ang hangad ay ang mapagtapos ang kanyang mga anak ng pag-aaral. Para sa kanya, ito na ang kanyang achievement sa buhay at panatag siyang magkakaroon ako ng mas magaang kinabukasan dahil may pinanghahawakan na akong kaalamang hindi maaagaw ng iba. Medyo nalungkot din ako dahil iiwan ko na ang kinagisnan kong buhay. Humigit-kumulang 18 years din akong naging estudyante, ito na ang kinagisnan kong pamumuhay kaya’t medyo nakakalungkot ding iwan ito at sumabak sa adult world na puno ng responsibilidad. Oo alam kong nagtapos na ako ng kolehiyo pero, ika nga, I never let my education get in the way of my learning. Hindi sa pagtatapos tumitigil ang pagkatuto. Marami pa akong bagay na kailangang matutunan sa labas ng paaralan, mga bagay na mas mahirap ngunit mas mahalaga.

At ang pinaka-nakakalungkot kapag graduate ka na? Syempre wala ka nang baon.



A CUP OF COFFEE by Richard Diaz Alorro

A Cup of Coffee
by Richard Diaz Alorro

(Life is like a cup of coffee –
full of aroma, rich, warm, creamy, bold, smoky, bitter)

On May and the Journey to Forever

Panahon na naman ng tag-init! Pagkatapos ng ilang buwan na “winter hibernation” of sorts, once more we gain the freedom to shed off layers of warm clothes, enjoy the outdoors and the warmth of the sun. It’s officially summer! Ngunit parang kakaiba ang summer ngayong taon. Nagiging mas madalas ang pag-ulan. Sabi nila, most likely, we might experience a wet summer. The Philippines has been drenched with rain lately. I hope the course of the weather will change and let us enjoy a summer filled with sunshine and al fresco fun.

Para sa ating mga Pinoy, “summer” season ang buwan ng Abril at Mayo. Ito ay sa kadahilanang sakop ng mga buwang ito ang ating school break o summer vacation. Walang pasok ang mga mag-aaral at mga guro sa elementary, high school at college (maliban na lang sa mga kumukuha ng refresher courses o summer classes).  Hindi mawawala ang summer outing ng buong pamilya or magkakabarkada sa beach, swimming o mountain resorts. Buhay ang summer capital ng Pilipinas, ang Baguio City, sa mga panahong ito. Puno ng tao ang Boracay, mabili ang halo-halo at iba pang pagkain o inuming pampalamig, at walang pahinga ang mga bentilador o air conditioner. Panahon din ng fiesta at mga festivals ang summer season sa Pilipinas, lalung-lalo na ang buwan ng Mayo. Celebrations of thanksgiving for the different blessings received are being held with food, drinks, dancing, and merrymaking.

Naaalala ko ang mga panahong ako ay nasa elementarya o early high school pa. Ang pagtatapos ng final exams sa school ay nangangahulugang magsisimula na ang bakasyon. April or May has always been a looked-forward month.  My siblings, cousins and I used to visit my aunt’s farm in another town or go to my uncle’s house near the sea in another province. We had simple joys. We climb trees. We swim in the river or the beach. We do fishing, play patintero, hide and seek, or fly kites. We lie down on soft grasses under the moonlight and watch the playful stars. Minsan tumutulong din kami sa mga gawain sa bukid, tulad ng paglalagay ng fertilizer sa mga tanim na mais, o mamitas ng mga gulay. At the end of the summer days, we had sun-burnt skin but with hearts filled with joy and wonderful memories. Sa pagtatapos ng summer, baon namin ang mga bagong aral ng buhay at mga kwentong maipagyayabang sa mga kaklase sa pagdating ng pasukan. Childhood memories! Kay sarap balik-balikan. 

Sa bansang Hapon, May is also a very important and a significant month for many Japanese. May is characterized by a warm yet mild temperature, when everyone can enjoy outdoor activities like BBQ parties and picnics. May is where the Golden Week falls in, when Japanese celebrates the day for children, the environment and the establishment of the modern-day Japan constitution. During these holidays, the Japanese people find time to take a break from the hassles of work, travel around the world, and bond with family members.

The month of May always have a special place in my heart. May has witnessed the prime of my childhood. Maraming mga hindi makakalimutang childhood memories na naging parte ng aking pagkatao ang naganap sa buwan ng Mayo. And most of all, my birthday falls on May and I will be forever grateful for this greatest gift. Every May of each year since I became aware of my existence. My loved-ones and I celebrate with thanksgiving for the life I was entrusted to nourish.

The May of 2012 will be a very significant May for me. Sa nakaraang issue (March-April 2012), aking ibinahagi ang article about the journey to forever. In our lives, we meet different kinds of people and they imprint and influence our lives in various ways. But there is certainly one person who will complete you as a being, a person who will accept and understand you and is willing to grow and learn with you. And I am very fortunate to have found this person who will walk with me hand-in-hand, until our golden days. Yes, this May, I will embark on a journey, a journey for a lifetime. May 2012 will be a celebration of life and love – my wedding day.

For the next May and the many Mays to come, I may have more great and wonderful things to reminisce and be thankful about. Ang pagkakaiba lang, I will have someone to celebrate, cherish and share them with. Can’t wait for every May to come …

KANSAI CRUSADE by Sally Cristobal Takashima

KANSAI CRUSADE
by Sally Cristobal-Takashima

Arise for Spring has come and it’s the time to celebrate rebirth. Flowers vie for the rays of the sun. Mga usbong na naiglip sa tagal at hagupit ng taglamig na nanabik sa tala at init ng Haring Araw. Tagsibol na!

At eto na ang pinakahihintay ng buong bansang Hapon – the whole country goes
in a frenzy trouping to parks for Cherry Blossoms Viewing. Friends, families and officemates reserve spots under the Sakura trees to enjoy a a picnic which surely  includes karaoke if not singing or even dancing which is an ideal opportunity for bonding while appreciating nature. Magkaroon sana sila ng sapat na kamalayan na huwag mag-iwan ng mga basura sa ikabubuti ng kagandahan ng kapaligiran. Kasama na rin tayong mga Pinoy sa Japan pag tayo ay nag Hanami.

Iyan talaga ang nakaka-miss kung uuwi ang isang Filipino sa Pinas. Ang kagandahan ng pagpapalit ng panahon at sa pagpapahalaga ng isang tao sa paglipas ng oras. We become sensitive and sharply aware of the passing of time. May kinalaman ito sa paghubog ng ating pagkatao – huwag ipabukas ang magagawa mo ngayon. Naniniguro ka yata na palaging may bukas. Ano na nga ang kasabihan ng mga Samurai?  Lahat ng dapat isagawa ay gawin mo na ngayon. Sa ganoon ay handa kang sumakabilang buhay ano mang araw o oras. May mga opisina sa Pilipinas ng alas nuebe na ng umaga ay may mga kumakain pa ng agahan sa desk nila. Diba shocking yan?Hindi bali siguro kung coffee at donut lang na accepted sa U.S. Mag-kape ka pero when the clock strikes 9 am, alerto ka at makonsyensiya ka naman. Sana ang mga  Pinoy ay magkaroon ng improved time concept. Mahalaga ang magkaroon ng sukat na kamalayan na may tugmang panahon sa lahat ng bagay. Ayon sa Ecclesiastes 4:3, “There is a given time for everything and a time for every happening under heaven.” Mababasa rin dito na “The beauty of nature invites a human to be creative and fulfill dreams.”

Unti-unting nagliliwanag ang buhay sa Fukushima ayon sa mga news reports. Ang bilang ng mga bata sa elementary at high schools naman ay nabawasan dahil sa personal ng pagpapasiya na paglipat ng mga tao sa ibang parte ng Japan upang  maiwasan ang ano mang radioactive fallout.

Sa Gion, Kyoto naman ay itinatanghal ang taunang Miyako Odori (Spring Dance of the Geishas) na dinadayo ng maraming turista na galing pa sa iba’t ibang bansa. Sila ay nananabik na makakita ng mga Geishas and a picture with them will surely be something special to show their friends back home if not to brag about. This year’s Spring Dance celebrates its 140th Anniversary. Nababawasan na raw ang mga bilang ng mga Geishas sa Kyoto. Isang palatandaan ng pagbabago ng kultura ng isang bansa. As you may already know, ang mga nagsusuot ng kimono ay nabibilang na rin pagka-Bagong Taon. Are cultures of different countries coming into fusion?  What changes are taking place that we fail to notice? Are the changes not noticeable at all, and why?

The function of the family, specially the mother, is slowly being taken away. Have you noticed? More and more children are being left under the care of day care centers. Surrogate mothers or wombs for hire are not new anymore, at least in the U.S. Cooked food is easily available for delivery. Indeed life is changing before our very eyes and you may want to add up this list. Lactating mothers soon wean their babies and give formula milk. Let us always remember what the traditional family once was and hold on to the precious things we prefer to hold on to.

And now, some news from Kansai. Representatives of various groups like the Shiga Filipino Christian Community, Philippine Community Coordinating Council and Nippi Tomo no Kai visited Puerto Princesa to enjoy the Underground River, Honda Bay and other famous tourist sites. They, together with other visitors, were welcomed by Palawan Mayor Edward S. Hagedorn. Native dance performances and tasty Palawan dishes awaited them. Surely, they will have many travel tips to share with everyone. Having been to Puerto Princesa, I think I’d like to check out Coron next time. To everyone out there, let us send the message loud and clear: CHOOSE THE PHILIPPINES - next time you travel. Not only it’s MORE FUN but the SUN IS SHINIER than any other place in ASIA. I LOVE THE PHILIPPINES - you will, too.

Various Philippine communities held various seminars and study forums to talk about the Recent Amendments of Japanese Immigration laws. RUMS Club held the 2nd Spring Fun Run on April 22nd at the Ryokuchi Koen in Osaka. Lenten Recollection was held at the Sacra Familia Catholic Church in Umeda by the Samahan sa Kitano Philippine Community. In cooperation with the Philippine Embassy in Tokyo and the Philippine Consulate Osaka-Kobe and with the sponsorship headed by the Commission on Overseas Filipinos, a Financial Literacy Training and a Roundtable Discussion on Inter-marriage will be held on May 25th and 27th in Osaka and in Kyoto on May 26th and May 28th. Libre po ang participation.

To each and everyone, hope you all had pleasant Spring and Golden Week vacation. Magtulungan po tayo – tama ka diyan - let’s help promote tourism in the Philippines to the best of our ability. Siempre naman sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo din, diba? Huwag natin kalimutan na ang ikauunlaad ng Inang Bayan ay kaligayahan natin. Ang mga original phrases ko - for the tourism campaign:
I LOVE THE PHILIPPINES. YOU WILL, TOO.  DREAMS COME TRUE WHERE THE SUN SHINES. CHOOSE PHILIPPINES. And last but not the least is: LOVIN’ IT… in the PHILIPPINES.

O pili na kayo!  Hanggang sa muling pagniniig. Signing off for now till the next issue of Jeepney Press (Bringing Sunshine Wherever You Go)!

DOUBLE VISION by Warren and Wayne Sun





DOUBLE VISION
by Warren and Wayne Sun

SUMAN WITH A TWIST
Pinoys  just love to eat.  Isa sa mga pinakamasarap na staple dessert natin ay ang  Suman (native rice cakes), made of malagkit na bigas (glutinous rice) coconut milk, brown sugar and salt wrapped in banana leaves, is not only a simple delicacy but is also prepared differently recently.
Ang suman na ito ay pinirito. Ang outer layer nito ay crispy pero ang inner rice layers ay malambot pa rin as suman should be. This is popular in places like Batangas, Marinduque at marami pang lugar sa Pilipinas. Ito rin ay magandang pares sa mainit na tsokolate or kapeng barako (Batangas coffee).
Marami ang mga klase ng rice cakes or suman sa Pilipinas. Particularly, in Batangas, suman are stored in a large woven trays called the bilao when being sold in the public market. With fried suman, masarap kainin ito hindi lang pang merienda, pang anu mang oras sa buong araw.
Warren comments: In Pampanga, may tawag silang suman bulagta and it is stickier than the regular suman and we dip it with sugar.
Wayne comments: I’m ready to eat kahit anong klaseng suman yan. Pero syempre mas masarap kung fried suman siya.


ISLAND  HOPPING GETAWAY
The heat is on. The summer is in. Sa sobrang init ng summer sa Pinas, the best way to beat the summer heat is to go for a cool island hopping such as a famous small fishing village in San Antonio, Zambales called Pundaquit. Island hopping brings a different feeling and aura for every island that captures distinctive mountainous scenery, interesting rock formation and the inviting blue waves pounding the shores. Ang mga magandang attractions nila rito ay ang Capones and Camara island, Anawangin at Nagsasa Cove. Mara-ming mga activities na pweding gawin tulad ng camping, fishing, surfing at syempre island hopping.  Small and big motor boats are readily available depending on the number of people. Ang kagandahan dito lahat ng mga island ay mukhang unexplored, mukhang very intimate and private na talagang ma-appreciate mo ang breath-taking rock landscape, the crystal-clear blue waves and smooth beige sand.
Warren comments: Why be contented with just one island where you could do island hopping in several islands and coves, right? Iba kasi ang feeling ng riding a motor boat to a series of small islands - the sense of connecting adventures!
Wayne comments: Medyo nakakalungkot lang na isa sa downfall na nakita ko is the lack of respect of local tourists sa ibang spots na unwanted litter. The place is beautiful so sana people should be more caring with their environment.


Thursday, March 8, 2012

JEEPNEY PRESS MARCH-APRIL 2012 COVER



Art and Design by Dennis Sun
www.dennissun.net

CENTERFOLD March-April 2012



CENTERFOLD March-April 2012:
WINNING UTAWIT
An Interview with:
Mark Warren de Luna, Utawit Champion 20122

by Dennis Sun

UTAWIT has captured many Filipino and Japanese hearts with abounding and unparalleled talented Filipino vocalists spread all around Japan. Japan, I think, is the only country outside the Philippines, which has the largest number of very talented Filipino singers.

UTAWIT, now on its 8th year, is the most awaited national singing competition for Filipinos and Japanese alike. From a simple competition in Kanto area, it has expanded its wings and has become a vehicle for showcasing the gems of Filipino talents all over Japan.

What does it take to be a champion? How does one become one? Let us hear it directly from the current champion of UTAWIT 2011, Mark Warren de Luna.

Tell us about your childhood. Mahilig ka na ba talagang kumanta when you were small?
Bata pa lang ako mahilig na akong kumanta, namulat kami ng kuya ko sa musika. Ang ama’t ina ko rin ay mahihilig kumanta. Natatandan ko pa noong nasa Saudi pa si tatay, nagpapadala kami ng recorded voice tape. Hindi pa uso ang skype noon. Kaya nag-settle kami sa ganoon. Lagi namin kinakantahan magkapatid ang tatay ko para kahit paano ay hindi siya malungkot. Hindi ko alam kung buhay pa yung mga tapes na yun.

Were you part of the school choir or glee club?
Opo. 4 years akong naging member ng college chorale group (Mapua Concert Singers). Maraming unforgettable experiences. Dahil sa choir na ito, ang dami kong natutunan na mga techniques in singing. Well, classically, we were trained. Maganda rin daw base yun for other singing styles. Masaya dahil nagkaroon ako ng chance na makapag- perform sa mga importanteng tao sa television programs. At isa pang hindi ko makakalimutan ay ang pagsali ng grupo namin sa 4th world choir games sa dalawang categories na sinalihan namin, parehas naming nakuha ang silver medals.

Where did you get your musical genes? Did your family influence you somehow?
Opo. Sila nanay at tatay. Meron din kasing collection ang tatay ko ng mga music albums. Halos pag umuuwi siya, lagi nagpapatugtog ng kahit anong music.

Tell us how you got into Japan?
When I graduated in college, naisip kong mag-aral ng Japanese language para magkaroon ng edge kahit paano when searching for a job abroad. Nag-aral ako ng Japanese sa Laguna at Makati. Siguro, 6 months inabot. Sabi ko, after that, para naman walang nangyayari. For a year, nag-work muna ko sa Pilipinas sa isang Japanese company. September 2008, while I was working in a Japanese company, I received a call from my former sensei in Japanese. I was asked to take an exam and interview for a job in Japan. 5 people were called and 2 people only came for the exam and interview, and they only needed one. I really thank God for giving me the opportunity to work here.

What do you do in Japan now? How long have you been here?
I am a Systems Engineer, and our company provides manpower to Toshiba. This coming March 28, mag 3 years na po ako dito sa Japan.

How do you see Japan? What do you like about Japan? What do you hate also?
Dito sa Japan, napakadali ng buhay. Everything is accessible at mabilis. Convenient ang lifestyle. Masarap mamuhay siguro dito ng permanente. Hate? Sino bang may gusto ng mayat-mayang paglindol?

Do you plan to stay longer here? Would you like to stay longer here?
Yes, I do. If the company wants to renew my contract, why not? I still have lots of things to discover and learn in Japan.

How did you know about UTAWIT?
2 years ago, my friend gave me a copy of Jeepney Press. I read about it and wished to join Utawit 2010. But it was not my time. I don't know how to join and I was really focused on my job. Siguro nung 2010, ang confidence ko sa sarili ko ay sobrang mababa pa. Kaya sabi ko next year na lang. Then came 2011, kahit anong mangyari, sasali na ako talaga.

You won at the first round in Tokyo. Did you even imagine you could get the 1st prize sa Grand Finals? What was in your mind during the day itself?
I never expected it. Sobrang nabigla ako at iniisip ko na madami rin na magagaling na singers na sumali. Nag-aim ako to win the first prize. Sa tingin ko naman, lahat ng sumali ganoon din ang
aim. Kung hindi naman ako nanalo sa Tokyo 1st Round, sasali ulit ako sa iba pang round eh, kasi focused naman ako sa pag-join sa Utawit.

What song did you sing during the grand finals and why did you choose it?
I sang the same song sa qualifying round at sa Grand finals. The song was "Ikaw." I chose the song because it depicts how one person can be so passionate to really express that love can rule one's entire life. And the melody of the song is very heartwarming, thus, making the song more truthful.

What did you do with your prize money? Have you used you prize round trip air ticket?
Well, I have not yet used the prize money and the ticket, at least not yet. I'm planning to use the money for a new lot under my name.

Who are your favorite singers? Who among the famous singers influenced your singing style?
My favorite singers would be Michael Buble, Boyz II Men, and Martin Nievera. They all influenced my singing style: a mixture of ballad and RnB. I hope that's the style I'm singing. Heheh

After winning the championship of UTAWIT 2011, tell us what happened afterwards. What have you been doing since then until now?
It has been a blast since then. I have been invited to sing at some big events and personal gatherings. Well, this time I'm not only enjoying to perform
to people and see their reactions. I'm also getting paid to perform! lol.

How did UTAWIT change your life so far?
It helped me regain my self-confidence. It became my network to meet good people, people who believe in my talent. Utawit also helped me to be a philanthropist. Utawit is one of the
best ways to help our fellow Filipinos, I could say.

How important is music in one’s life?
Music is incredibly important in one's life. Well, at least for me, especially in the toughest moments in my life. It's been there when I've had absolutely nothing and even when I have something, there's always a song to suit my mood. It's the one of the few things in this world that's constant and will always be there as an outlet for emotions. Without it, I think I'd lose my mind. lol.

How do you find Japanese music?
Japanese music has a wide variety of styles. I find it very romantic and real. I have been hearing my boss singing some beautiful Japanese songs and the message of most of the songs is always about love. Well, I think love is the universal concept in expressing music in any country.

How is your Japanese ability? Can you sing any Japanese songs? Which ones?
I’m still working on my Japanese. I need to really increase my Japanaese ability because I need it for my work. I can sing some Japanese songs like Michi by Exile, Sakura by Naotaro Moriyama, and Mou hitotsu no Doyoubi by Shogo Hamada.

Do you like enka? Can you sing enka?
I like enka, but I can't sing enka yet. I need to work on the emotion in covering enka music to make it work.

What are the 3 things you can’t live without?
1. My ipod/record player!
2. The internet (I’m an addict.)
3. My Phone (Galaxy Nexus)

Ten years from now you will be....
Doing exactly what I’m doing now, only BIGGER! or better! I see myself performing in different parts of Japan and in the Philippines and spreading a positive message with my music. I see myself having collaborated with other filipino artists that I admire and am inspired by. I see myself having opportunities to continue to be philanthropic as a result of my hard work. And…I see myself as a loving husband to my wife and a responsible father to my children.

If you were to put a CD album now, what would you name your album?
I have one in my mind. "You make me Sing.” A dedication to everyone especially to those whom I'm inspired by.

If you were to sing your last song in your life, what would it be and why?
If I were to sing my last song it would be "No More Night" by David Phelps. I really love this song and it touches my soul every time I listen to it. The lyrics says it all:
"No more night. No more pain.
No more tears. Never crying again. And praises to the great "I AM."
We will live in the light of the risen Lamb."

Would you sacrifice your job right now for a singing career?
I would. It's my dream.

Any mottos in life?
I've read these on the internet: "Every day is a new canvas on which to paint.” Also, “A setback is nothing but a setup for a comeback!"

What would you advice other people who would like to join the future UTAWIT competitions?
To those who want to join Utawit, self-belief is the most helpful tool. If you want your audience to believe in your performance, you must start believing in yourself first so that you can give your best. You must remember that joining Utawit is not only helping yourself but also our in-need fellow Filipinos.

3-11 Report





3-11 Report

Isang taon na ang lumipas ng tinamaan ng masaklap na lindol, tsunami at ang nuclear crisis ang bansang Japan noong Marso 11. Milyong mga tao ang apektado rito lalo na ang lugar ng Tohoku.

Maraming namatay, nawalan ng bahay at hanap buhay dahil nitong matinding trahedya. Handa at sinuring mabuti man ng mga Hapon ang pinsala ng dinudulot ng lindol at tsunami pero maraming leksyon pa rin ang natutunan nila sa mabagsik na pinsala noong nakaraang taon. Subalit unti-unting bumabawi ang ekonomiya ng bansa at handa na itong sumulong ulit.

Ang Jeepney Press ay nagpaunlak ng mga mamamasa na ibahagi ang kanilang mga karanasan at isipan ukol sa trahedyang ito.

Ano ang ginagawa mo noong kasalukuyang may lindol? Ano ang epekto nito sa iyong buhay?

----------------------
ALL SHOOK UP – March 11
MARCH 11, 2011. A lot has been heard, seen and shared about that dreadful day -- a day that literally shook all of us living here in Japan whether you’re 2, 20 or 200 kilometers away from the epicenter of that magnitude 9 earthquake.

For a gaijin, living with constant reminders and having earthquake drills is a part of life that we have to get used to. Participa-ting in the countless hinan kun ren, even got me thinking that Japanese are really prepared for what’s coming at them. But March 11 just proved me wrong! The scale of the devastation left me in awe and, for once, I felt genuine pity towards my host country and the people. Here is a powerful and technologically advanced nation with all its comforts to offer but became helpless by the unpredictable force of nature.

I cannot imagine the images that I saw, the stories that I heard and my own experience where I thought the earthquake seemed endless. This made me realize that it pays off to be prepared. I am still thankful to this day that when the big earthquake occurred, I was with the people who knew what to do in the most critical times. I admire them for their calmness and gracefulness dealing with the situation. The orderly queue of people waiting for their turn is another thing. I think this is a part of their culture showing respect to the other person when they allow a reasonable space between them.
The people whom I thought were indifferent were seen extending help to their fellows who needed help. For a society that treats charity work as a nuisance, I was relieved that they too felt the need to help their countrymen. I cannot help but feel proud for Filipinos extending their undying support and assistance. We learned to embrace the life and culture of Japan and were given the chance to give back to the country that has become a home to all of us the help they needed.

I know how Japan shook last March 11 quake that took away my senses which helped me see things in a newer and better perspective.

- Kareem Yonque
Asst. Language
Teacher, Kawasaki
---------------------------------

Sa naganap na triple disaster tragedy sa Japan noong nakaraang taon, malaki ang naging epekto nito sa economy, financial, social at in general--- sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat.

Sa ganitong mga pagkakataon, di mawawala yung mga sentiments tulad nung sympathy at pakikiisa sa lahat. Halimbawa na rito ay yung isa sa ginawa namin ng aming grupo dito sa Shizuoka City- ang Philippine NAKAMA Organization, na bilang respeto at pakikiramay namin sa mga naging biktima at nasalantaan sa tragedy. Hindi namin pinagpatuloy ang aming yearly HANAMI picnic event noong nakaraang taon. Instead para doon sa mga magagastos namin for the event, we donated the amount for the victims. Gayun din, dahil kailangan din sa ngayon ang lalong pagtitipid sa energy- yung every year na pagde-decorate ko sa bahay ng illuminations for holiday season ay postponed sa taong ito dahil kahit alam kong maliit na bagay lang yon ay isang pakikisama na rin yon to save energy.

Ang triple disaster tragedy rin ang mas nagbigay sa akin ng more awareness sa pagiging mas lalong handa sa ano mang klaseng calamities. Lalo na dito sa Shizuoka City na sentro ng Tokai Earhquake na anytime ay ini-expect na magaganap. Mas naging aware ako sa mga possible measures at mga pointers kung ano ba ang mga dapat gawin bago maganap, kung magaganap at matapos maganap ang disaster at kung saan ba dapat tumakbo o mag-evacuate just in case the disaster occurs.

Nagpapasalamat din ako dahil aside sa mga prayers, may word ang mga Japanese which is one of my favorite- yung "ganbaru" na in times of trouble or crisis they really don't give up and they keep on trying.

- Melinda Yamashita
Filipino staff, Shizuoka City
Association for Multicultural Exchange
-----------------------------------

The tragedy traumatized my kids. We're all in school and I just finished my last class sitting on my desk for 10 minutes. I was trying to fix my stuff before I left school when it shook. All the papers around the teacher’s room started to fall, emergency alarm started to ring and all students went out for evacuation. I was crying then seeing all the students around me screaming and water overflowing from the swimming pool. My head was full with going back home to pick my kids up but I can't move my whole body because I was trembling and praying for the safety of my kids. It lasted almost 15 minutes. I drove back to pick my youngest daughter. She ran to me crying. When we both arrived home, my two other kids were waiting outside crying and thankful we're all safe. Furnitures were broken and messed up. On the other hand, I was still thankful because I still pity those who suffered and died during that nightmare as I call it.

We are much aware now and the pack of emergency kit is always on the doorside. We eagerly learn to save on utility like electricity and water. With the exaggerated news expounded on the danger of the nuclear power plant, it made me think of leaving Japan but is also difficult to think because I have spent half of my life here with the kids.

- Rizalyn Pascual
Asst. Language Teacher,
Ibaraki
--------------------------------------

Nakakalungkot po ang trahedya ng March 11 kasi bumagsak talaga ang sales ng kumpanya. Dahil madami ring kliyenteng may business na sari-sari stores, shops na nagsara dahil humina ang market nila.

- Thess Carreon Tagle
Sales Manager, Tokyo
-------------------

Jasmin Vasquez
Part-Timer, Nagano

MARCH 11, 2011...isang hindi inaasahang kalamidad ang dumating sa bansang Hapon. Ng mga oras na yun kasalukuyan kaming nagtatrabaho at bigla kaming napatigil sa aming ginagawa. Matapos ang ilang minuto sa halip na palabasin kami ay inutusang ipagpatuloy ang aming ginagawa. Wala ni isa man sa amin ang may ideya kung ano na ang nangyayari sa ibang lugar katulad ng nangyari na tsunami. Pagsapit ng alas 5 ng hapon, doon lang namin napag-alaman na marami pala ang pinsalang dinulot ng nasabing kalamidad. At sa di inaasahang pangyayari kabilang din pala kami sa apektado. Kinabukasan pag pasok namin, lahat kami ay nalungkot noong sinabi ng aming mga leader na ihihinto na ang ginagawa sapagkat wala ng communication at hindi ma contact ang kompanya sa Fukushima na siyang may order sa aming ginagawa.

Malaki ang naging epekto sa akin sapagkat ilang buwan akong hindi nakapaghanapbuhay. Ang balak kong maka-ipon para makauwi ng December to January ng Pilipinas mula pasko, bagong taon at kaarawan ng aking anak ay hindi natuloy. Anim na taon na akong hindi nag papasko at bagong taon sa Pilipinas. Awang-awa ako sa aking anak ngunit wala akong magawa. Ang tanging inisip ko na lamang at ipinaliwanag sa kanila ay mas mapalad pa rin kami kumpara sa mga nakatira sa Fukushima. Nagpapasalamat pa rin ako sapagkat unti-unti at sa tulong na rin ng panalangin at pag-tawag sa Diyos ay hindi pa rin nya kami pinapabayaan. Hindi man ako nakauwi ng nakaraang Pasko alam kong maiintindihan ako ng aking anak.

-----------------------------

Ai Ofelia Kaneko
Office Lady, Tokyo

March 11 last year!!! Malakas ang lindol dito sa Japan. It was about 2:45 pm. Nasa trabaho sa
opisina nung biglang lumindol. Tumakbo kami ng mga officemates palabas. Nakita namin na gumagalaw ang mga daan. Ang mga tao nag-papanic at
nakikita naming nag-we-wave ang Shinjuku building at akala namin matutumba.

Yung ibang “pasokon” natumba. Mga trains nag stop at wala ring masakyang taxi sa gabing yon. Hindi rin naka uwi ang mga kasamahan ko sa trabaho kaya sa opisina nalang sila natulog. Ang malupit pa sa TV namin napapanood yung tsunami!

The effect of March 11 to me? Yappari kawatta! Nagiging alert and ready na rin ako. Maraming biniling stock na pagkain tulad ng kanzume. At kapag lumilindol, yun ang nasa isip ko lagi. Kahit mahina lang, medyo kinakabahan na. Medyo natatakot. Lumalabas na ako ng bahay kasama ang aking “neko” ko. Yun ang nasa isip ko lagi.

-------------------------

Leslie Matawaran
Asst. Nurse, Nagano

Last year po kasi during ng tragedy dito sa Japan, nasa Pinas po ako. Isang buwan po ako mahigit sa Pinas noon, e. Kaya sa news and net ko lang din nalaman na lumindol nga at nagka tsunami. Nakakagulat at nakakatakot nung makita ko po sa TV. Hindi ko naman po masabi na apektuhan ako sa wala nga po ako dito. Pag balik ko po ng Japan yun mga napinsalang lugar na may mga pabrika like Meiji, hindi sila makagawa ng product that time kaya po yun branch dito sa Nagano bigla pong nag hire dahil dito po pinasa yun
ibang products at nagkaroon po ako ng chance maka pag “arubaito” sa Meiji Nagano branch sa loob ng 3 buwan. At paminsan-minsan pag lumindol po parang balewala na lang po. Parang hindi na bago. Pero ganoon pa man nagdadasal po agad pag nararamdaman ang lindol.

------------------------------------
Marialyn Komatsu
Housewife, Yamagata

March 11 was a very unforgetable day for me. We suffered two days of black-out, panic buying everywhere and a very long line in gas stations. Can't sleep at night because of the after shocks every minute.

It's almost a year now, but still feels that it happened only yesterday. Hoping and always praying that it won’t happen again. But always be ready all the time.

TRAFFIC



TRAFFIC
by Alma R. H. Reyes

Spring air—
Woven moon
And plum scent.
- by Matsuo Basho


MELANCHOLIC SPRING

So, here they are—the refreshing pinks and whites of spring! In Japan, spring is not only a season of new beginnings (first day at work, first day in school, start of fiscal year, etc.), but also a special moment of contemplation and melancholy. Japanese use this time to ponder on intended visions and dreams, and to reflect on past committed errors. In fact, Japanese say that spring is so beautiful that it allures, strange enough, many deaths and suicides. Bizarre? It’s like Yukio Mishima’s novel, The Golden Pavillion (Kinkakuji) where the hero burns Kinkakuji simply because it is too beautiful. Surreal…

THE FEUDALISTIC FILIPINO SYNDROME

So, alright. I will then, get a little bit melancholic :) If you have been living in Japan for, at least, ten years (yes, less than ten years does not count in this condition), surely, this question has popped up in your mind one way or the other: “Why am I still in Japan? And, why can’t I go home (yet) for good?” Ano, totoo o hindi? In the past two years, I have gone back to the Philippines about four times a year on average by unprecedented circumstances. That is an incredible record for someone like myself who likes to travel to other destinations. And, with each return to our beloved homeland, I cannot help encounter certain episodes that make me go back to that fatalistic question, “Why am I still in Japan? And, why can’t I go home (yet) for good?” Of course, the answers vary on many premises. Some of you have extendable job contracts that you cannot help but renew each time they expire. Why? Because work conditions are good; salary is high (higher than in the Philippines); and other reasons. Others may be married to Japanese, or foreign expats, or have children who have settled in schools here. For others, still, there is always that magnetic pull that stretches to a kind of love-and-hate relationship between being here and being “home.”

All I know is, every time I go home, I always taste the feudalistic Filipino lifestyle that never fails to astonish me, since Philippines is no longer a colony of Spain that brought feudalism to our history more than a hundred years ago. Yet, here they are—the helpers (not just one, but two, three…), drivers, gardeners, guards—the ever-dependence on somebody else’s aid, like living without it disrupts our biorhythm. Don’t you hear Pinoys who complain and panic when their maid has left their house? So, I say, but I have been living outside the Philippines for more than twenty years without a maid!

Upon arrival at NAIA, at once, here they are—the “baggage pullers” who volunteer to pull your luggage out of the baggage carousel. No such thing in Japan, we know. When you get out of the exit gate, here they are—the “barkers” who again, volunteer to carry your luggages so you can hire their taxi. No such thing in Japan, we know. When you reach your home, here it comes—the driver who voluntarily lifts your luggages out of the car trunk. In fact, most of the time, I like to pull out my luggage myself only because I know I am capable of doing it, and because I got used to the ways in Japan, where here, you have to do everything by yourself.

Then, there is the supermarket episode. In every cashier stands a “bag packer,” who packs your groceries in plastic bags. No such thing in Japan, we know. That is separate from the “boy” who places the bags in a cart, and drags the cart until your car in the parking lot (yes, never mind if it’s far). No such thing in Japan, we know, because here, even if you are 70 years old, you have to pack your grocery bag by yourself.

In shopping malls, I have witnessed Pinoys “ordering” sales ladies around (yes, “ordering,” not asking). There is a kind of presumed Filipino attitude that customers are “upper class” and sales clerks are “lower class;” hence, clerks can be “ordered” around. I find this very appalling. No such thing in Japan, we know, because here, everyone is treated as equals—at least, that is what Japanese try to show each other.

Maids, who are asked to do the most menial of chores—turning on the air-conditioner, switching off the light, fetching the slippers, answering the door, etc., etc.—these episodes, too, after living more than twenty years outside of the Philippines, I have found quite disturbing.

Abroad, many foreign employers like to hire Filipinos because we are reputed to be hard-working. Yet, we are also lazy by nature, aren’t we? This laziness stems from the fact that our culture has been so uprooted in over-dependence on external help, when, if you stop and ponder on it, you realize that we don’t need all that attention on hierarchy, status, and self-proclamation. I confess this feudalistic system has made me wonder about re-settling back home. But, I also think about the bicycle rides I cannot take around Manila (due to pollution, dirt, bad traffic manners, invisible sidewalks); the afternoon visits to parks and rivers I cannot make (due to pollution, dirt, poor maintainance); the seasons of spring, autumn and winter that I cannot enjoy; the efficiency of the Japanese convenience stores where you can purchase movie and concert tickets, and pay your utility bills and taxes; the speedy takkyubin delivery service; the automatic bank remittance system; the Co-op service of home delivery; the super efficient transportation system and time schedules; the severely polite manners; the humility and low profile of the Japanese…need I say more?

But, despite all these, Philippines is HOME. It is FAMILY. It is FRIENDS. It is chicharon, bagoong, kare-kare, San Miguel beer, Simbang Gabi, and Bisita Iglesia. It is laughing at corny Pinoy jokes. It is watching unfortunate street children sing and play. It is smiling back at the waiter who smiles at you. It is being stopped by a security guard who hums a tune while he inspects your bags. It is being able to say “Anu ka ba?” No such thing in Japan, we know. It is, as the Tourism Department promotes, FUN.

Some day, we will all have to make a choice; that very difficult and melancholic choice.

Enjoy the wonderful cherry blossoms!

KAPATIRAN



KAPATIRAN
by Loleng Ramos

PASLIT ANG PAG-ASA

Hi, Kapatid! Kumusta? Ang lamig-lamig ngayon dito sa Japan, no? Naalala ko tuloy noong bata pa ako sa Pilipinas. Pangarap ko lang palagi makapunta ng Baguio kung saan malamig kahit sa airconditioned room lang kaya pala palagi nasa mall ang mga tao sa atin. Ngayon naman, kung pwede lang magtago sa loob ng bahay para lang maka-iwas sa brrrrrrrr. Sabi nga ni lola noong pumasyal dito, “Ano ba to pati tumbong ko nanginginig.” Ha ha.

Parang ang sarap tuloy umuwi ng Pilipinas. Masarap magpa-init sa sikat ng araw iyong tipo bang aasim ang amoy mo dahil sa pawis at sa kapal ng libag mula sa alikabok. Medyo hindi na maganda ang imahinasyon kapag simoy na ng hangin sa Maynila ang pag-uusapan. Kung dito, virus ang ayaw ng sinuman ng masinghot sa atin tambutso ng mga sasakyan na polluted air.

Kapag pala matagal ka na sa ibang bansa hindi pwedeng hindi ka mauuwi sa paghihintulad. Napakalaki ng agwat ng bansang Hapon sa ating bansa: teknolohiya, agham sa kasaganahan. Naapektuhan ka ba nito? Nalulungkot ka ba para sa ating bayan? Naitatanong mo ba sa sarili mo? Bakit kaya?

Meron ka bang naiisip na dahilan? Pera at pwersa ang ugat ng kahirapan sa Pilipinas. Alam natin kung sino sila. May magagawa ba tayo? Tayo na hindi man lang nakatira sa ating sariling bayan? Syempre naman kapatid kahit maliit meron pa din. Siguro nga hindi lang kapalaran ang nagdala sa atin dito sa Japan pero may mas malalim pa na dahilan. Kung marami sa kanilang big time (politician, government people, business tycoons) walang moral responsibi-lity (walang kunsyensya, walang takot sa Diyos, walang pakialam sa bayan, pinapaghirap ang kani-lang mga kababayan) tayong mga small time o ordinaryong mamayan ay meron!

Kahit na nga malayo tayo sa ating bansa, isasalba natin ang ating Pilipinas, sa kung anumang kahit na maliit na bagay na magagawa natin. Meron bang bata sa paligid mo? Anak, pamangkin, kamag-anak, kapit-bahay kahit sinong bata. Sila ang pag-asa ng Bayan. Kung wala ng solusyon ang mga taong nasa pwesto ngayon, bukas merong pag-asa, sa mga bata ngayon! Pero hindi mangyayari ito kung hindi natin sila palalakihin na hindi lang may moral responsibility at maging patriotic din (may tunay na pagmamahal sa bayan). Gabayan natin sila sa tama at mali pero ikaw din kapatid dapat alam mo kung alin ang tama di ba? Turuan natin silang magmahal sa bayan (kung banyaga ang isa sa kanyang magulang ng parehong bansa ng kanyang mga magulang). O di ba, may magagawa ba tayo? Meron tayong responsibilidad sa mga batang ito at gawin natin. Ang mga bata ginagaya nila ang mga matatanda. Tayong nasa tabi nila unang una ang titingalain nila kaya dapat mismong tayo ayos ang buhay, tama ang asal sa pamumuhay, nagbigay-galang sa Diyos at sa kapwa. Magagawa ba natin ito? Magagawa mo kasi gusto nating lahat na mabago na ang kapalaran ng ating bansa na hindi lang ang konting taong nasa taas ang nagtatamasa ng yaman ng Pilipinas kundi ng buong sambayanan na minamahal ng bawat Pilipino ang Pilipinas, ginagamit ang sariling wika, may pagkalinga sa isa’t isa at lahat ay nagtutulong tulong para sa kaunlaran kung hindi man ngayon ay sa lalong madaling panahon.

PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI



PAGMUMUNI-MUNI SA DYIPNI
ni Fr. Bob Zarate

CONFESSIONS of a Priest...Mga Angal ng Isang Pari Part 3

Tuloy pa rin ang angal ng isang pari! Akala kasi ng ordinaryong tao ang pari ay dapat mapagpasensya, maintindihin, at laging nakatawa. Hmmm... as far as I know, ang taong ganoon ay may sira ang ulo. Tao rin ang pari. Naiirita din siya. Kapag may mga bagay na hindi talaga tugma sa patakaran ng Diyos na siyang nakikita sa bibliya, sa nature at sa katalinuhan, pag-iisip at asal ng tao, aba’y dapat lang umangal ang isang pari.

Kaya tuloy ang angal... para sa Mga Feeling Intellectual!

Ano ba ang patakaran sa mundo ngayon? Kung magaling ka sa debate o sagutan, panalo ka na? Kahit mali ang iyong pinaglalaban pero magaling ka lang sa pananalita at palusot-lusot, ok na ba iyon? Ang dating kasi sa mga nagpapatama at umaaway sa mga pari at obispo ng simbahan ngayon ay kaya nilang talunin ang mga pinaglalaban ng mga taong simbahan na ito. Na-realize yata nila hindi naman pala sila kikidlatan ng Diyos kahit insultuhin ang pari. Na-realize yata nila na kahit anong insulto ang isagot nila sa pari, hindi naman pala sila masasampal o mababalatan ng buhay at buhusan ng asin.

Kapag nagsalita ang Simbahan laban sa isang patakaran ng gobyerno, ang banat kaagad ng mga feeling intellectual ay “separation of Church and State” daw. Kung baga, ang Simbahan, dapat magsasalita lamang kung espiritwal ang usapan. Pero hindi ganoon si Hesus. Nagsalita Siya laban sa mga palakad ng mga Pariseo. Nagsalita Siya laban sa mga nandadaya sa templo. Nagsalita Siya laban din kay Haring Herodes. Bakit? Kasi nakikita Niya na hindi ito tama at hindi ito angkop sa Diyos -- ang Diyos na nagpahiwatig ng Kanyang kalooban sa mga nakikita natin sa kalikasan (nature) at sa pagkatao natin. Kapag hindi nagsalita ang Simbahan sa mga issues na:
- laban sa buhay (for example, against abortion),
- laban sa katawan (for example, against prostitution),
- laban sa karangalan ng tao (for example, against labor problems),
- laban sa tunay na pag-ibig (for example, against divorce or adultery),
- laban sa tunay na value ng sex (for example, against casual sex, condoms at pills),
- laban sa natural na pamilya (for example, against same-sex marriage)...
yes, kung hindi nagsalita ang Simbahan sa mga bagay na ito, kitang-kita na may nag-iiba sa tao. Nagiging madamot siya. Sarili lang ang iniisip niya. Nawawala siya sa karaniwang daloy ng kalikasan, sa kanyang pagkatao at sa tunay na pakikisama sa iba.

Kaya nagsasalita ang Simbahan. Hindi naman Niya gustong palitan ang mga lider ng bayan. At hindi rin tama na ihambing sila sa mga prayle noong panahon ng Kastila. Hindi rin tama na ibanat sa kanila ang mga problema ng mga nang-abusong pari. Hindi rin tama na sabihing sagabal sila sa ekonomiya ng bansa. Kung baga gumagamit ang ibang topic para sagutin ang totoong issue na pinaglalabanan ng Simbahan. Wala sa topic! Maganda lang pakinggan, kahit hindi tama, hindi sapul at bastos.

Ginagawa lang ng mga pari at obispo ang trabaho nila: ituloy ang turo ni Kristo at ilapit ang tao sa Diyos. Pinapakita lang nilang may mas mahalaga pa sa pagiging mayaman, may halaga ang pag-ibig na hindi nilalaro at tinatakwil, may halaga ang buhay kahit na ito ay kinukutya ng present society. Kaya kung ayaw mong makinig, eh di huwag! Kung sa bagay, yung mga gustong lumaban sa Simbahan naman ay gusto lang makuha ang sariling nilang interes at hindi ang kahalagahan ng nakararami.

Tama na yung mga banat na “21st Century na tayo!” o kaya, “Huling-huli na tayo!” at pati na rin yung, “Hirap pa rin ang Pinas! Ang daming iskwater!” Meron ngang iba na nagsasabing, “Salita ng salita ang mga obispo eh hindi naman nila kayang kontrolin ang mga playboy at baklang pari nila!”... na para bang sinasabi na rin nila sa isang teacher na huwag na siyang magturo ng Math kasi hindi naman magaling sa Math ang sarili niyang anak!

Ang laban lang naman ng Simbahan dito ay i-defend ang mga bagay na mahalagang-mahalaga, mga basic values in life, na kahit noong 1st Century o kahit sa 50th Century pa ay mahalaga pa rin katulad ng nature, buhay, kabataan, kalusugan, katawan, kababaihan, mga matatanda, mga nilalamangan, at pati na rin ang katapatan sa iyong “only love.”

Kung sa bagay, you don’t need to be intellectual para maintindihang mahahalaga nga ito!

A Wedding And 4 Funerals



A Wedding And 4 Funerals
by Maria Carmelita Z. Kasuya

How was 2011 to all of you?

It was exceptionally exci-ting and “breathtaking” for me. Aside from the great earthquake on March 11, the previous year will always be remembered as a suspense-packed year that almost took my breath away. Allow me to tell you why.

January 24:
My Japanese best friend passed away. She was one of my trusted few that knows even my innermost secrets. I was shocked to know that my last visit would be our last time together as she died a few minutes after I left the hospital.

February 8:
My beloved father passed away suddenly, unexpectedly. He has been a very good father - a disciplinarian but with compassion, a man full of wisdom and integrity. He taught my 3 brothers and me the value of education and the virtues of honesty, diligence and perseverance. I will always remember his last words and his way of bidding his unica hija goodbye: “I love you, anak.” Had I known that it would be our last telephone conversation, I would have thanked him and let him know how much he was loved and appreciated.

February 20:
My former Japanese host professor passed away. I owe her the basics of cell culture. She was my supervisor during the post-doctoral fellowship. But more than a teacher, she was a mother to all of the students in the laboratory.

August 26:
My good friend’s wedding. I will forever be thankful to the couple because they requested me to be one of the principal sponsors. Because of this, I decided to fly to Manila the day before the wedding - only to find out that I would be preparing for my mother’s funeral instead. Their wedding day, which I did not get to attend, was the last time that my mom and I were together.

August 27:
My beloved mother passed away. She taught us the true meaning of selfless giving, kindness and patience. But the best gift she gave us was her unwavering faith, her steadfast love for the Lord and devotion to Mary.

With a wedding I missed and 4 funerals for the people I loved so dearly, 2011 may be considered the worst year. But it was actually the best year. The trials and struggles became opportunities for maturity and spiritual growth. They were blessings in disguise. The pain brought out the best in me. It was during these difficult times that I have come to realize who I really am – a woman blessed with great faith and strength of character. I survived by the grace of God. He was always there to see me through. Truly, alone we can do nothing but with God, everything is possible. There will always be a way. There will always be light at the end of the dark tunnel. When I remained faithful to Him even under these circumstances believing that there was a reason for everything, all things worked for good. My spirit may have been almost crushed but I did not loose hope. Surely, the sun will rise after the storm.

The God of surprises turned my tears into joy just before the year ended. The good results of my research allowed me to present the work during the International Symposium on Fluorous Technologies held at the City University of Hongkong. It was a bi-annual gathering of experts and researchers in the field of fluorous chemistry from different universities all over the world. On the last day of the weeklong confe-rence, the awarding ceremony for best presentation was held. There were 3 winners with one coming from Japan, who was not even a Japanese, but a Filipino - Maria Carmelita Zulueta Kasuya.

After all, 2011 was one of the best years in my life. Thank you, Lord.

Isang Araw sa Ating Buhay



Isang Araw sa Ating Buhay
ni Jeff Plantilla

Nalaman ko isang araw sa isang Chinese student dito sa Japan ang mga tinatawag na “returnees” mula China. Ang mga “returnees” na ito ay yung mga Japanese na naiwan sa China nung World War II at yung kanilang Chinese na pamilya.

Nagkwento yung Chinese student tungkol sa isang lugar sa Osaka na maraming Chinese “returnees.” Sabi niya dahil hindi marunong mag-Nihonggo ang mga may edad nang Chinese “returnees” na maaaring anak ng mga Japanese na naiwan sa China, iilang trabaho lang ang maaari nilang pasukan gaya ng paggawa ng obento.

Gabi ang trabahong ito mula siguro ng mga hating gabi o madaling araw hanggang mga alas-6 ng umaga. Kaya pag araw tulog sila sa bahay. Malamang na hindi na halos nagkakausap ang mga magulang at mga anak dahil salisi ang oras nila. Papasok sa eskwela ang mga bata habang parating ang mga magulang mula trabaho. At darating ang mga bata sa bahay mula eskwela samantalang nagha-handang umalis ang mga magulang para sa trabaho.

Dahil nag-aaral ang mga bata, mabilis silang natututo ng Nihonggo at mga bagay-bagay sa Japan. Mas marami silang nalalaman tungkol sa Japan kaysa sa kanilang mga magulang.

Magandang matuto ang mga batang ito ng Nihonggo at mga bagay-bagay sa Japan, pero nalalampasan na nila ang kanilang mga magulang sa ganitong kakayahan at kaalaman.

Sabi nung Chinese student, nagkakaproblema sa relasyon ng mga magulang at anak sa ganitong sitwasyon. Hindi na mapangaralan nang husto ng mga magulang ang kanilang mga anak. Dahil siguro ito sa mas magaling na ang mga anak sa Nihonggo kaysa sa kanilang sariling salita kaya’t Nihonggo na ang kanilang ginagamit na hindi naman naiintindihan ng mga magulang. Kaya problema sa pag-uusap nilang mag-anak. Nasabi din na ang tingin ng mga anak ay mas nakakataas sila sa kanilang magulang dahil sa kanilang kakayanang mag-Nihonggo. Bumababa ang tingin ng mga anak sa kanilang magulang na hindi makapag-Nihonggo at kulang ang alam sa Japan.

Buhay Japanese

Hindi na rin ako nagtataka sa ganitong kalagayan ng mga dayuhan sa Japan. Sa tingin ko, ito ay hindi na rin naiiba sa mga karanasan ng mga Japanese mismo.

Maraming istorya na akong nalaman o nabasa tungkol sa gap sa pagitan ng mga magulang at mga anak na Japanese. Tulad ng mga Chinese “returnees,” halos hindi na rin nagkikita ang ilang Japanese na magulang at ang kanilang mga anak. Ito ay lalo na doon sa mga “breadwinner” ng pamilya – na kadalasang mga tatay. Ang mahabang oras sa trabaho para sa mga tatay at ang inaasahang pag-aalaga sa mga anak para sa nanay ay dahilan ng ganitong kalagayan. Naalala ko ang nabasa kong istorya tungkol sa isang mag-asawa. Umuwi nang maaga si otosan. Nguni’t sa imbes na matuwa si okasan, sinisi pa si otosan. Sabi ni okasan, bakit ka maagang umuwi? Ayaw mo bang mapromote?

Si nanay sa bahay, si tatay sa labas ng bahay. Yan ang kaugalian dito at pareho din sa ibang lugar tulad ng Pilipinas. Nguni’t dahil sa hindi na rin ganoon kaganda ang ekonomiya, minsan kailangan na ring magtrabaho si nanay sa labas ng bahay.

At lalo pa sa mga Japanese na maliit ang kita, parehong nagtatrabaho ang mag-asawa. Para naman sa mga single mothers na itinuturing na mahirap dito sa Japan, kaila-ngan nila ng dalawang trabaho para kumita nang sapat sa pangangailangan ng pamilya (yung ina at anak o mga anak).

Kaya kahit karaniwang middle-class na pamilya o yung itinuturing na mahirap na pamilya sa Japan, parehong may problema tungkol sa gap sa pagitan ng mga magulang at mga anak.


Pagiging Magulang na Pinoy sa Japan

Madalas na rin akong nakaka-rinig ng mga istorya ng hirap sa pagpapalaki ng anak sa Japan ang mga Pilipino. Dala ito ng kakulangan ng oras na magkasama ang mga magulang at anak at ang lumalaking gap ng kakayahan at kaalaman sa Japan sa pagitan nila. Walang pinag-iba sa problema ng mga Chinese “returnees” at mga Japanese mismo.

May mga mag-asawang Pilipino at Japanese na nagtutulungan sa pagpapalaki ng anak. Maaaring dala ito ng pagkakaiba nila sa mag-asawang parehong Japanese, kaya hindi nila kailangang sundin ang kalakaran sa Japan (yung “Ayaw mo bang mapromote” na kalakaran).

Dahil dayuhan ang asawa, libre ang asawang Japanese na gumawa ng ibang paraan ng pagpapalaki ng anak.
At kung ina ay Pilipino, may mga close sa mga anak at tinutulungan ng mga anak ang nanay sa mga bagay-bagay sa Japan (kasama na ang pagbabasa ng kanji sa mga sulat at ibang bagay). May mga anak na natuturuan ng kulturang Pilipino at nakakauwi sa Pilipinas kaya’t alam ang ating bansa.

Nguni’t mas mahirap kung ayaw tulungan ng anak ang magulang na dayuhan. Sana ay hindi marami ang ganitong mga anak ng mag-asawang Pilipino at Japanese.

Identity

May isa namang Korean-American student ang nag-interview ng mga kabataang Korean residents sa Osaka. Sabi niya “Kulang daw ang kaalaman ng mga kabataang ito sa kulturang Koreyano samantalang Koreyano naman sila.” Hindi tulad ng kilala niyang Korean-Americans. Maaaring dahil ito sa hindi kayang turuan ang mga anak ng kanilang mga Koreyanong magulang ng kulturang Koreyano na hindi nila alam (maliban sa ilang pagkain at gawain). Hindi sila marunong magsalita ng wikang Koreyano kahit second generation Korean residents sila.

At saka, tulad sa mga bagong saltang Chinese “returnees” children, lumaki na ang mga batang Koreyano sa Japan kaya Japanese na kultura ang alam lang nila.

Kakaiba nga ang kalagayan dito sa Japan ng mga dayuhan. Hindi palaging magandang ilabas ang tunay na identity dahil sa takot na hindi tanggapin nang maayos ng mga Japanese. Hindi ito tulad sa U.S.A. na malayang ipinahahayag at ipinagdiriwang ang pagkakaiba ng mga tao.

May isang dalagitang Filipino-American na nag-upload ng video sa YouTube ng kaniyang pagbisita sa Pilipinas. Tumuloy siya sa bahay ng kamag-anak sa isang bahay along da riles sa Metro Manila. Kahit hindi mayaman ang kamag-anak, hindi niya ikinahiya na ipakilala sila sa video. Hindi siya naging maselan sa ganung kalagayan. Pilipino pa rin siya at tanggap niya ang Pilipinas kahit yung hindi magandang bahagi.

Masarap isipin ang mga anak na hindi ikinahihiya ang mga magulang at mga kamag-anak.

SA TABI LANG PO



SA TABI LANG PO
Ni Renaliza Rogers

Yugyugan Na!

Napapansin ko lang na nitong mga nagdaang buwan, napapadalas yata ang mga kalamidad sa Pilipinas. Ilan dito ay ang flash floods sa Cagayan, landslide sa Compostela Valley, at ang pinaka-latest, lindol sa Central Visayas. Oo, alam ko namang mula noon hanggang ngayon eh suki na ang bansa sa mga natural disasters. Ganun yata ang sumpa ng mga mala-paraisong mga bansa tulad ng Pilipinas, ang palaging daluhin ng kalamidad…

Sa lahat ng nabanggit ko, ang pinaka may “first hand experience” ako ay ang nangyaring lindol sa Visayas kamakailan lang. Nasa Bacolod kami na hindi naman gaanong tinamaan. Sa totoo lang, pangkaraniwang lindol lang ang naramdaman ko, tulad ng mga usual na lindol sa Tokyo, konting yanig tapos lilipas din. Pero dahil minsan lang lumindol sa Bacolod, ang intensity 3-4 ay nakaka-praning na sa mga mamamayan!

Nasa bahay ako noon, mga pasado 11 ng umaga, kakabihis lang ng uniform at nagsusuklay ng buhok habang nakatayo’t nanonood ng “The Day the Earth Stood Still” sa TV. Bigla akong na-outbalance ng bahagya. Medyo natigilan ako at kung anu-anong bagay na ang tumakbo sa isipan ko. Anemic ba ako o high-blood? Ba’t ako matutumba? Ngunit nakita kong gumegewang-gewang din ang lakad ng aming kasambahay. Doon ko lamang na-realize na lumilindol pala.

Malakas na ang ganoong lindol para sa Pinas at ang tagal pa bago tumigil. Mga dalawang minuto siguro tumagal ito. Hindi ko naman pinansin pagkatapos, off to school pa rin ang drama ko, pasan ang aking malaking bag na puno ng tuwalya’t swimming attire dahil may practical exams pa ako. Nagsimula lang akong magtaka pagdating doon dahil andaming estudyante sa kanto, nagsisi-abang ng jeep pauwi. Pilit kong inisip na nanagsisi-uwian lang sila para mag lunch dahil 12:30 na ng tanghali. Hindi ko rin naman marinig ang mga usap-usapan sa paligid dahil ako’y naka-headphones, nakikinig full-volume sa kantang “Ulipon sa Gugmang Giatay” habang naglalakad papuntang La Salle.

Tuluyan akong nagmukhang tanga at nadismaya pagda-ting sa loob ng skwelahan. Walang katao-tao. Mag-isa akong naglalakad sa hallways na mistulang ghost town. Hindi ko maintindihan kung iiyak ako o sisigaw sa inis dahil sa pasan kong bagahe o dahil nagsayang pa ako ng oras para bumiyahe o dahil pinapasok pa ako ni manong guard sa gate kung alam niyang wala nang tao sa loob.

Yun pala eh suspendido lahat ng klase dahil sa lindol at dahil nag panic ang karamihan sa mga estudyante, lalung-lalo na ang mga dalaga! Tilian, sigawan at takbuhan, nakalimutan na ang calm state of mind. Mayroon pang tsunami alert level 2 na idineklara ng PHIVOLCS, so sino ba namang hindi mapapraning niyan? Umuwi na pala lahat at ako na lang ang tatanga-tangang naglalakad sa loob ng campus. Nakita ako ng nagrorondang guard at nasigawan pa. Halos murahin na ako ni manong kung bakit nandoon pa ako sa school gayo’t lumilindol. May hidden agenda ba ako doon? Bangag ba ako? Ano? Napapraning lamang ang mga tao sa Bacolod pero awa ng Diyos, konting yugyog lang ang naramdaman namin. Yun pala sa karatig-bayan naming Guihulngan, Negros Oriental (235.4km from Bacolod), mas matindi ang epekto ng lindol.

Intensity 6.9 ang tumamang lindol sa kanila. Kung nayanig lang kami sa Bacolod, sila doon ay nabiyak ang mga daan at nag-collapse ang mga tulay. Ang palengke nila disaster din. Nasira din ang mga gusali at nagkaroon pa ng landslide sa ibang parte ng bayan na siyang tumabon sa ilang mga kabahayan at kumitil ng maraming buhay. Nawalan ng kuryente at naging uso na naman ang evacuation centers at relief goods. Handa ang nakararami sa bagyo’t baha, sanay na ang Pinoy doon. Pero sa lindol, medyo naninibago pa.

Trending din kaagad sa Facebook at Twitter ang lindol. May isang walang hiyang nilalang pa ang nagpost sa Twitter na sana’y matuloy na lang ang tsunami at lindol sa Kabisayaan para mawala na ang lahat ng baduy sa Pilipinas. Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit inakala niyang “cool” mag post ng ganoon klaseng statement habang nagluluksa ang nakararami. Hindi ba niya alam na digital na rin ang karma ngayon? Mabilis na! Kalat agad ang pagmumukha ng naturang nilalang sa internet. Buong Pilipinas, lalung-lalo na ang mga Bisaya ay gusto siyang ilibing ng buhay. Ewan ko lang kung makapunta pa siya ng Boracay dahil sa sinabi niyang yun…

Haay naku… Nakakalungkot lang isipin na hindi tayo gaanong handa sa mga bagong delubyo at may mga tao pang walang kakwenta-kwenta ang pinagsasasabi. Mabuti na lang tayo’y mga Pinoy, kaya nating itawa ang mga problemang dumarating. Ang lindol? Wala yun. Kinilig lang daw ang Earth dahil Valentine’s Day na.