Saturday, March 16, 2013

Jeepney Press March-April Cover

cover design by
DENNIS SUN

www.dennissun.net

Dennis Sun has an art and design exhibition, DENNIS SUN: A Passion For Creativity, this March 27 - April 5, 2013 at the ASEAN-Japan Centre from 9:30-530 PM in Tokyo.
Entrance is free and everyone is invited to come.

For access and map, please go to:
http://www.asean.or.jp/en/ajc/about/access.html

CENTERFOLD

Filipino Music and Filipino Voices with the...FILCOM CHORALE
By Mel Kasuya

November 14, 2010 will forever be etched in the hearts of the members of the FilCom Chorale, a group of talented Filipino men and women from different communities and parishes of Tokyo, Chiba and Kanagawa.  Organized by former Consul General and Minister Solphie Confiado and his wife, Precie, the group was formed primarily to sing for the mass – the first gathering of President Benigno Aquino III with the Filipino community in Japan.  Held at Yokohama Futaba High School, the gathering was attended by close to 1,500 Filipino community leaders who were led by the choir in a solemn Eucharistic celebration that was presided by Most Reverend Raphael Masahiro Umemura, Bishop of Yokohama.

In hindsight, “Amare et Servire” – the entrance song for the mass which was also the very first song that FilCom chorale sang on its first public appearance was providential. This song that served as an inspiration and gave purpose and meaning to why the choir was created is also the same song that gives the direction and the reason for the FilCom chorale to persevere – “In everything, love and serve the Lord.”

Driven by the passion for music and the commitment to share their God-given talent, the choir easily re-grouped in time for the 2nd Filipino Community Gathering with President Aquino last September 25, 2011.  Again, the choir rehearsed and led the congregation in singing songs of praise and thanksgiving at the mass that was celebrated by Fr. Russell Becker, Pastor of the Franciscan Chapel Center (FCC).

In one of the rehearsals for this occasion, Dennis Sun came to personally extend an invitation for the choir to sing at the 7th UTAWIT Grand Finals last November 6, 2011. The choir gladly accepted the invitation for an intermission number and rendered “Paraiso” - a song that speaks of the motherland we all love so dearly.  But to the members of the choir, every rehearsal at Meguro church (made possible through the kindness of Fr. Leo Schumacher) was like being in Paraiso – having a welcome respite from the demands of work and daily chores. The FilCom chorale gave each one a venue to freely express their talent, and an opportunity to be at “home” with a family whose members speak the same language and share the same faith and passion for music.

Having realized that the FilCom chorale is indeed a blessing, the group decided to become a channel of blessing to others.  Under the guidance of Ms. Leith Casel-Schuetz and Dr. Mel Zulueta Kasuya, the FilCom chorale will be having its first major concert entitled Kay Ganda ng Ating Musika: Isang Pagbabalik Tanaw (Nostalgia: A Concert of Filipino Classics).  The concert will be held on April 19, 2013 at 7:30 pm at Theater 1010 right across Kita Senju station.  A concert was conceived to help children in the Philippines who require medical attention and surgery for cleft palate.  Aside from the event being a concert for a charitable cause, it also aims to promote the richness of the Filipino culture through its beautiful music, and to re-kindle the Filipinos’ pride in the beauty of our culture. 


The following are excerpts of the interview conducted by Jeepney Press with some of the members of FilCom chorale regarding their insights on the group and their upcoming concert. 

Leith Casel-Schuetz   
I first encountered the FilCom Chorale at the UTAWIT Grand Finals in 2011.  I was quite impressed by their singing, even if it was only one song at that time. Little did I know that I would deeply involve myself in their activities a couple of months later.

Mel initially contacted me in February 2012 to discuss a project that she had in mind invol-ving the group. This discussion provided me with another opportunity to promote Filipino culture in such a way that foreigners and Filipinos alike could easily appreciate, through song and dance.  When discussing a possible project, we thought of staging a concert that would pay tribute to classical Filipino composers by featuring their time-honored pieces. Both of us knew that the vast majority of young Filipinos, especially those living here in Japan, (and foreigners) have not been exposed to our traditional music. They have been exposed to mainly modern Filipino music that is strongly influenced by rock, pop and hip-hop. We thought that something quintessentially Filipino might arouse a sense of pride. Thus, the concept for this concert was crystallized by our strong desire to introduce a worthy and valuable part of our cultural tradition.

I first met the members of the FilCom Chorale during the first rehearsal for this concert at St. Anselm’s Church in March 2012.  I was quite touched by the way everyone welcomed me, as if I had been part of the group from the beginning.  I personally witnessed each member’s commitment, the joy of being able to show and share their talents, and a deep faith in God.  And it has been a joy ever since to work with these members who commit their time and effort every week to make this concert a success.

Norma Go  
The Choir was formed not by Fate but by FAITH. Although there are no material gains, we are being enriched SPIRITUALLY.

Liza Dojo  
Singing is my favorite hobby and one of the blessings I'm grateful for. I believe the FILCOM Chorale members' drive and motivation to put effort and time with rehearsals come from the desire to thank the Lord for His blessings by sharing and doing something for others. FilCom Chorale is truly a GIFT for people with GIFTS and would like to be a GIFT to other people. 

Josie Mori  
Through the FilCom chorale, I can share the talent that God gave me.

Dexter and Becky Pellerin  
True to its mission of singing together for our Lord, our country, and our community, the choir had continued to spread its wings and will continue to fly bringing the richness of our culture through music and songs. May God be glorified as we continue to be stewards of the work He entrusted to us.

Deck Ortiz  
Singing revitalizes and relieves stress and homesickness.  Through the FilCom choir, I had the chance to be the president of the Philippines!  This is memorable because I was asked to act as Pres. Aquino during the final rehearsal for the Holy Mass in 2011.

Jo Gel Santiago  
It's really fun to be with people who like music and are committed to serve God through songs.  The closeness of the members makes me feel like I'm in a family.   The upcoming concert offered new learning to us - from the very fundamentals of music to acting.  All members are dedicated to deliver quality-performance.

Janet Navarro  
Malaki pala ang maitutulong ko sa kapwa sa pamamagitan ng pag awit lalo na sa nalalapit naming charity concert na ni hindi ko pinangarap subalit pwede pala mangyari kung nagkaka-isa. At dahil si LORD ang laging nasa gitna, laging masaya ang bawat isa tuwing nagkakasama.
 
Julfa Torii  
I was called to SERVE and I feel BLESSED.

Angie Saito  
Sumali ako sa Filcom choir to build friendships.  Masaya ako at lalong nabubuo ang aking pagkatao.
 
Narissa Iju  
I am glad to be part of the upcoming concert because I could share my God-given talent and be able to help the needy.

Chino Caddarao  
Besides music, camaraderie and friendship without pretension, I think FilCom chorale is the only Filcom group where members put GOD first in everything they do.

Kareem Yongque  
Ang aking pagkakabi-lang sa FILCOM Chorale ay itinuturin kong isang biyaya at karangalan dahil sa pamamagitan nito ay dalawang ulit akong nakasamang umawit sa Misa para sa Pangulo ng ating bansa. 

Matapos ang aming pag-awit ng PARAISO sa UTAWIT Grand Finals, nanghinayang ako na matutuldukan na ang pagsasama-sama ng grupo at mabubuo na lang kung sakaling bibisita muli ang pangulo.  Ngunit nagalak ako sa mungkahi na ituloy ang pagtitipon para mag-ensayo at matuto ng mga klasikong awiting Pilipino.  Nang una kaming mag-aral ng mga piyesa ng kanta, kasabay ng kaba at kaunting takot na baka hindi agad matutunan o maintindihan ang aming inaaral ay ang tuwa at kasabikan na may matutunang bago.  Sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti kong nalalaman ang mga kwento sa likod ng bawat kanta.  Ang mga linya ay puno ng magagandang mensahe na kasing ganda ng kanyang himig na naglalarawan sa ating kultura at pagkatao bilang Pilipino.

Sa pamamagitan ng aming pagtatanghal sa Abril 19, nais naming ibahagi sa ating mga kababayan ang karanasang kilalanin muli ang ating mayamang kultura sa pamamagitan ng ating napakagandang musika.  Muli nating ipagmalaki at pahalagahan ang biyayang ito ng Panginoon ngayong makabagong panahon.

Arlene Dinglasan  
Sa tuwing nakakapanood ako ng cultural events ng ibang bansa..., "Mayaman din naman sa kultura ang Pilipinas ah. Sana meron ding ganito. Ano kaya kung meron nga...Pinoy na Pinoy siguro ang feeling?"

Sa mga pagkakataong natatanggap akong gumanap sa mga dula at musicals na kinabibila-ngan ng iba't-ibang foreigners sa Tokyo..., "Kaya din ito ng mga Pilipino ah. Sana hindi lang ako ang Pinoy na kasali dito. Alin kaya sa napakaraming grupo sa Filipino Community ang maglalakas-loob na magpalabas ng tulad nito?"

At sa mga oras na nakakasaksi ako ng mga talented na Pinoy na kumakanta ng mga pop songs sa mga events ng ...Filipino Community.  “Marami pang choices ng awiting Pilipino, sana kumanta naman sila ng iba. Ano kaya kung kundiman at harana?"
Wishful thinking ko lamang ang mga ito, hanggang isang araw ng Pebrero, natanggap ko kay Mel ang listahan ng mga kantang pinapraktis na ng FilCom Chorale para sa napagkasunduan nilang concert sa April. Tinanong nya kung interesado akong maging director ng show. Aba, walang pop songs sa listahan  ah -- mga kundiman at ilang regional songs lamang! Hmmm....teka teka....
Sa sobrang excitement ko, hindi ko na nakuhang sumagot ng oo o hindi. Nag-reply lang ako ng mga ideas na pwedeng gawin. Sana hindi basta concert lamang kung saan diretsong nakatayo lamang ang mga kakanta. Ano kaya kung gawin itong parang... sarswela?

Ilang araw pa at na-meet ko na ang grupo, sabay nagbigay na rin ako ng simpleng acting workshop. Marami akong hindi kilala sa mga dumalo, pero naramdaman kong mukhang maganda ang samahan ng mga tao. Napagmasdan ko din ito sa mga sumunod na rehearsals. Giliw na giliw sila sa isa't-isa; halatang excited sa sama-samang pinagkakaabalahang proyekto; at higit sa lahat, ramdam kong positive na positive ang attitude sa nakaambang bagong experience. Ano kaya ang dahilan at "love is in the air?” Ang kaalamang may beneficiary silang matutulu-ngan? Ang paniniwala sa kakayahan ng isa't-isa? Ang tago ngunit malalim na pagmamahal sa sariling atin?

Kung ano man iyon, na-inspire at na-excite akong magbahagi ng anumang makakaya ko. "Enjoy the ride," sabi ko sa sarili. Hindi lamang dahil may beneficiary... hindi lamang dahil naniniwala ako sa kakayanan ng bawat myembro...kundi pati na rin dahil tila yata may pag-asa nang matupad ang aking wishful thinking.

Rogelio Agustin

Interviewing The Artist: Dennis Sun
by Rogelio Agustin

Putting something you love to do on the shelf is not a so easy task to do. That's what the multi-talented creative artist and our own Jeepney Press editor-in-chief and art director Dennis Sun did when he put his painting brushes to rest for 3 years. And just in time for spring, the season symbolic of rebirth, awakening and new blooms, his brushes awaken from a 3 year hibernation giving birth to new works of art to be seen on a long awaited art exhibit.

You are holding this exhibition after a blank of 3 years. Were there any special reasons for putting your brushes to rest ?
I think I got tired and needed a rest. I was having art exhibitions about 5 times in a year. And I have been painting non-stop. But then also, several things came up into my life. I moved to another place. I got so busy with Jeepney Press and Utawit. Then, I was busy helping different activities of the Filipino community. My art had to be on vacation.

What's it like to have stopped painting for 3 years?
After not painting for awhile, it was fine but sometimes, I was itching to paint. But circumstances prevented me from touching my brushes. Although I was still doing creative work in writing and designing, I still longed to hold those brushes and smell those paints.

And what's it like to hold your brushes again after those 3 years?
When I went back to painting, I found “myself” again. The canvas. The brushes. The paints. I was creating magic on the canvas again. I am totally enjoying it. There are just too many ideas in my mind now that want to be painted on the canvas. I feel excited to be doing it all over again.

3 years must have been a long, long time! I myself can't even last a day without taking a picture! But I'd bet that during those years, you've been thinking of playing with your brushes again. So I'm pretty sure you've accumulated so much things to paint now. Did you have anything in particular that you wanted to do?
Actually, I have a children’s book that I have written, illustrated and drafted already that's basically finished and I want to get it published. I have done so many art exhibitions now that my next venture would be into publishing books.

Later on, I want to start writing a novel that has been lurking in my mind for a long time. I just don't have the luxury of time to write it.

That would be exciting to look forward to! But just a thought, you would be busier than ever so I hope your new endeavors won't compete with your painting. I know. I love creative work. Be it writing, painting, designing. I also love sculpture and it's a completely different experience from painting. In Japan, I had the experience to delve into ceramics. We are so lucky that we live in Japan. The level of art of the Japanese is very high. Once I sat foot in this country, I already fell in love. Just being inside the trains feels like being inside an art gallery. Since I am a graphic designer, just looking at all those posters hanging inside the trains make me feel like I am in heaven.

I also feel the same even for photography. On your forthcoming exhibition , what are we going to see? Is there any particular message you would want to convey through your work?
I will be showing new works and old works which I have done years ago. It would be a retrospective collection and added several paintings I have done this year. The message of my art is always the same: Get in touch with your inner child. Be happy!

Do you make your living off your art?
As a painter? Unfortunately, no. I wish I could. Painters will remain poor until they reach a certain level of fame. So my work in graphic design, illustration and writing has to feed me.

Aside from art, do you have other passions?
My other passion is my love for BOOKS! Maybe, you can take the art out of me, just don't get out my passion for reading.

Who is your favorite artist?
I love the surrealism of Dali, the playfulness of Miro, the colors of Gaugin, the composition of Rembrant and the fantasy of Disney!

Where do you get your inspiration when you work? Like, when you read books, something pop into your mind?
Inspiration? I go to museums and galleries. Different artists have different perspective in interpreting different subjects. Great art inspires me to move on with my art.

I hear a lot of people who say they don't know what to see or what to look for in a painting or an artwork to appreciate art. Maybe you can share with us what you see or how do you feel when you are looking at one or when you are actually creating art itself ?
I actually taught Humanities and Art Appreciation classes in the university before coming to Japan. It’s really different when you studied art appreciation. But for the general public, here is something I would like to say: Try not to understand, especially if it’s abstract art. And try not to analyze. In order to appreciate art, you need to feel the work. Look at the subject matter. Feel the subject. Feel the colors. See the textures, the forms, and the lines. It's as simple as that!

Personally, when I look at someone else's artwork, I ask myself: Is there a SOUL in this painting? Can I feel any emotions? Just like a singer. When he sings, do you feel his performance? Is it refined? Soulful? Sad? Happy? Did he over or under do it? Is the voice too loud? You know, it's basically the same with art. Sometimes, I tell myself, "My, this artist just wasted so much paint. I feel no soul in his art." Like heavy metal which is noise to many, there is also abstract art which is just plain ugly to many also. If you enjoy the art or music, then, go and immerse yourself into it. Otherwise, just leave and go. Just like food, if your stomach cannot digest it and if the taste is not to your liking, then, don't eat it. Art, music and food, they are all the same!






So direct and simple and yet enlightening! I would definitely follow that advice.

You first said you put your art on vacation because you were tired and needed a rest. But it seems like you've got more energy than ever, back to your brushes amidst beating Jeepney Press deadlines, organizing Utawit among other numerous community- based activities. You are simply amazing!

To all JP readers, Dennis is back and we will see his long awaited works again in his coming exhibition, DENNIS SUN: A Passion for Creativity at the ASEAN - JAPAN CENTRE on March 27 - April 5, 9:30-17:30 (closed on weekends). Entrance is FREE! See you all!

For more on Dennis Sun's art:

www.dennissun.net






Dennis Sun

DAISUKI!

Tanya, Tama Na! Tigil Na!

 “Natuto kang lumandi, pwes, magtiis ka sa hapdi.”
- hango mula sa pahina ng Facebook, hindi nakalaad ang may-akda

Nag-iingay na ang aking tiyan. Ewan ko kung anong tugtog pero sa aking pandinig, medyo maraming torotot yata. Alas dos na. Dalawang oras na pasado ng tanghalian. Hindi pa rin ako kumakain. Onaka ga peko-peko!

Sa ganitong kalagayan, kaila-ngan makakain kaagad. Ayaw ko naman kumain sa McDo o iba pang hamburger fast food dyan. Ika nga, hindi healthy! Sa aking edad ngayon, kaila-ngang maging health-conscious na at mapili sa pagkain. Kung pababayaan ko na naman ang diyeta, baka derecho na naman ako sa ospital! Nung nagdaang taon, sampung araw akong nakulong sa ospital dahil sa pamamaga ng aking apdo o gallbladder.

Ngunit gutom na ako talaga kaya hayun at napadpad ako sa Matsuya. Kilala sa mga kalalakihan ang Matsuya sa tatlong K: kabilisan ng pagluto, kamurahan ng presyo at kasarapan ng ulam. O ano pa naman ang gusto mo? Buti nga dito, hindi hamburger at French fries. Meron naman silang karne, kanin at sabaw ng miso. Siguro naman, medyo mabuti na sa katawan yon.

Nag-order ako ng “buta don” o pork rice bowl. Mura lang. Wala pa ngang 500 yen. Pagkatapos sumigaw ng malakas na “Irrashiamase!” ang waiter, biglang meron akong tubig at mainit na ocha. Kinuha niya yung ticket na binili ko sa vending machine. Wala pang isang minuto ang nakalilipas, unti-unti niyang linagay ang kanin, miso soup, salad at ang main dish, pork rice bowl sa aking mesa.

Masarap ang salad. Okey lang ang miso soup. Pero pagdating sa piniritong baboy, na-shock ako. 90% ng baboy ay puro taba. Hayan at nagkaroon bigla ako ng dilema. Kakainin ko ba yung karne na puro taba o aalis na lang ako at iiwan ko siyang ganoon? Alam mo naman ang mga Hapon, hindi sila mareklamo. Sa kanilang kultura, kung anong binigay, yun na! Kakainin nila.

Pero, wait lang! Hindi naman ako Hapon, a! Tsaka, binayaran ko naman ng husto ang pagkain. Tinawagan ko yung waiter at sinabi ko na yung karne ay puro taba. Inexplain ko hindi maganda sa katawan ang taba at hindi ko iyon makakain. Nagpaumanhin naman siya habang kinuha niya bigla yung pagkain. Papalitan daw nila. Naku, kung ang kapalit ay puro taba na naman, hindi ko talaga iyon kakainin at aalis na lamang ako. At least, nasabi ko na sa kanila.

Pagkaraan ng ilang minuto, lumapit sa akin ang manager dala-dala niya ang bagong nilutong pork rice bowl. Nagpaumanhin siya ng maraming beses at sabay-yuko niyang inabot sa akin ang pagkain. Maingat daw niyang pinili yung karne na walang taba. Ako naman ay nagpaumanhin at nagpasalamat sa kanya na parang Hapon din.

Buti na lang at nagreklamo ako nang mahinahon. Kung si Tanya siguro ang nasa puwesto ko, para ko na siyang nakikitang nagtataray sa loob ng shop.   “Neee! Chotttto! Nani kore? Bakit puro taba ang binigay ninyo sa akin? Ano ba at gusto ba ninyo akong mamatay agad? Gusto ba ninyo akong ma-atake sa puso? Ganyan ba ang gusto ninyo sa mga kostomer ninyo? Papatayin ninyo ba kami?”

Buti na lang, hindi ako si Tanya… si Tanya na Paraluman ng Pagwawala, Diosa ng Katarayan at primera unong Escandalosa Queen! Pero alam ko, napakaraming mga Tanya lalung-lalo na sa mga Pilipino dito sa Japan. At bakit ko nasabi iyon? Kasi nasa kultura natin. Iyan kasi ang napapanood natin sa mga drama sa pelikula at telebisyon. Sigaw dito. Sigaw diyan. Lahat ay dinadaan sa init ng ulo. Sa atin, mas bida ka kung ikaw ang sumisigaw. Pang Famas ang acting. Award-winning kuno ang labas ni Tanya.

Kung gusto mong mag-reklamo, daanan mo sa mahinahong paraan. Ang mga Hapon, nagpapaumanhin din sila kahit sila ay nag-rereklamo. Oo, “Sorry for complaining but…” “Sumimasen kedo…” Ganoon sila. Magalang pa rin. Ipaliwanag mo lang ang gusto mong sabihin sa maayos at mahinay na pamamaraan.

Pero sa totoo lang, kung Hapon ako, hindi ako magre-reklamo. Wala sa kultura ng mga Hapon ang mang-gulo, mang-istorbo at mang-gambala kahit ikaw ay nasa tuwid at tama (pero hindi naman sa lahat ng bagay at oras, OK?). Pababayaan na lamang nila. Mas mahalaga sa kanila na alagaan ang samahan sa lipunan kaysa magreklamo tungkol sa sariling hinaing. Meron silang asal na sinasabing “Gaman suru” na ibig sabihin ay “magtiis o mag-tiyaga.” Ito ay napakahalaga sa kanilang kaugalian. Mas mahalaga ang ikabubuti ng marami kaysa ng sarili. Pagkatapos matalo ang bansang Hapon sa digmaan, sinunod nila ang ugaling ito at naging malaking bagay ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng kanilang bansa.

Sabi ng aking guro ng high school, si Ginang Jovita Lacson, pagkatapos niyang nabasa ang unang ulat nito (salamat sa Facebook), “Ang pagtataray sa walang lugar na tulad ni Tanya ay nakakawalan ng respeto at nakakababa sa pagkatao ng mga Pilipino.” Dagdag pa niya, “Ang mabuting Pilipino ay nakikilala sa kanyang pagkilos, pagsasalita at pag-gawa.”

Kaya Tanya, huminahon ka na!  Nakakahiya ka! Wala ka pa naman sa iyong sariling bansa. Baka akala ng mga Hapon at ibang dayuhan, lahat tayong mga Pilipino ay tulad mo. ‘Di pwede. Itigil na ang mga eksenang nakakahiya. Ibahin ang drama. Yung medyo class ang dating, sosyal, with poise at kagalang-galang!

Cut! Take two!





Dr. JB & Nelly Alinsod

Prayer for My Parents
by Dr. JB & Nelly Alinsod

Panginoon Diyos, salamat po sa aking pamilya. Salamat sa aking mga kapatid at higit sa lahat sa aking mga magulang. Sa araw na ito, aking inilalapit sa iyo ang aking mga magulang sa panalangin kong ito.

Pinagpala Mo po sila ng mahaba at mabungang mga taon. Pinagyaman Mo po sila ng kagalakan at lakas. Pinarami Ninyo ang kanilang kasiyahan at binigyan ng katuparan ang kanilang pangarap sa kanilang mga anak at apo. Maraming salamat po dahil pinagpala Ninyo sila higit sa kanilang inaasahan.

Ngayon punuin Mo po ang kanilang buong pagkatao – espiritu, kaluluwa at katawan ng Iyong mapagmahal na presensya. Kalingain Mo po sila sa lahat ng sandali lalo na kung sila ay malayo sa amin – na kanilang mga anak. Ang Iyong Banal na Espiritu at Banal na Salita ang kanilang maging kaaliwan at gabay sa mga taon na inihanda Mo sa kanila. Hiling ko ang kanilang kalusugan at lakas sa bawat araw.

Mayroon mga pagkakataon maaring madama nila ang kalungkutan dahil sa aming mga hinaharap na problema sa buhay. Ngunit dalangin ko na palakasin Ninyo ang kanilang pananampalataya upang maipagpatuloy nila ang pagdadasal para sa aming buong sambahayan.

O Panginoon Diyos, mahal po namin ang aming mga magulang. Wala po kaming maaring ipalit sa kanilang mga dasal, pagtataguyod, sakripisyo, pagkalinga at pagmamahal sa amin. Tulungan po Ninyo kami na bigyan sila ng dangal at kaligayahan sa pamamagitan ng aming buhay na maayos at maunlad. Tulungan po Ninyo silang magpatawad – sa amin na kanilang mga anak dahil maraming ulit namin silang nasaktan; sa ibang tao na nakasakit sa kanila; higit sa lahat sa kanilang sarili sa mga bagay na inisip nilang sila ay nagkulang bilang magulang. Alisin po Ninyo, O Diyos, ang anumang kalungkutan at sama ng kalooban sa kanilang puso. Puspusin Mo po sila ng kagalakan at tagumpay sa buhay na ito at sa kabilang-buhay.

Mapagmahal na Diyos, sa Inyong pagpapala, pagmamalasakit at pagkalinga aking ilalagak ang aking mga magulang. Ito ang aking taos-pusong panalangin sa ngalan ni Hesu Kristo na aking Panginoon at Taga-pagligtas. Amen.


Alma R. H. Reyes

TRAFFIC

LOST IN OVER TRANSLATION

“Knowing others is wisdom,
knowing yourself is enlightenment.”
- Lao Tzu


You know the spring blossoms have come to fill the air when people start to wear pink, purple, light blue, yellow and brightly-colored attires, stepping away from the winter black, grey and brown. In supermarkets, food displays start to glisten with sakura design packaging, and even artificial sakura hanging around the shelves. Department stores and boutiques clog aisles with gift boxes of scarves, handkerchiefs, perfume, chocolates and other “White Day” choice selection, marking that mind-boggling custom on March 14 when men “return” the Valentine gesture women gave them on February 14. What commercial publicity!

When you get the hang of all these “formatted” rituals in Japan, you know you have lived here for so long the customs no longer feel foreign. Oops…is that a good sign? Maybe, on one side; on the other, you become so embedded in the local habits, lifestyle, behavior and language that you forget your true self. What were you before you came to Japan?

You know the typical scene of a young mother and father in smartly dressed navy blue suit ensembles, tagging along their little child in a likewise, suit ensemble (or often, navy blue one-piece dress for girls), walking towards a school for the school entrance interview. You know those cute kindergarten girls and boys walking in a line, in their often blue apron-like uniforms and yellow caps and yellow bags (yes, everywhere in Japan!), being guided by a young teacher in his/her 20s, holding a banner on a stick and waving it in the air like a tour guide. You know the elementary school kids walking in pairs or groups, with their heavy leather red and black (and now, multi-colored) “randoseru” knapsacks, the traditional primary schoolbag borrowed from the Dutch. You know the high school teenagers that flock cafés and game centers, in their again, navy blue blazers or sailor-style blouses and checkered skirts—the ones that are pulled so high up the knee like mini-skirts just because…and the boys in either same navy blue or grey blazers and striped neckties, or the military style black “gakuran,” complete with matching black or brown leather shoes and leather bags. You know the newly hired company recruits who rush to train stations in their black suit ensembles and crisp, white shirts nervously carrying portfolios as if…You know those department store elevator girls fake their high-pitched voices because it’s considered charming in Japan (oh yeah…). You know the haggard-looking salary man and his leather or nylon portfolio with his face so red, and fuming with alcohol disgust, either seated in the train, sleeping with his mouth open, or sleeping while standing, swaying left and right to the movement of the train. You know that some of them who get retrenched from work jump off the building, bridge or train, or just quickly shoot themselves because life is shameful and unworthy (so they say). You know the rich housewives who take pleasure out of their poor hardworking husbands’ funds, chatting in cafés and shopping like crazy, or attending ikebana, cooking or sewing classes just because…

You know the small traditional Japanese dolls they display during Hina Matsuri (Girls Festival) on March 3, and if you do not display them or store them away by the next day, your daughter will never marry. You know those beautiful, huge nylon carps “koi nobori” hung outside windows during Boys Festival on May 5. You know what food they eat during summer (watermelon, corn, ice cream…), winter (“oden” boiled processed fish cakes, radish, konyaku…, “nabe” meat or fish casseroles…), spring (sakura mochi, “chirashizushi” raw fish, eggs and other toppings on rice…), and autumn (mushroom, chestnut, sweet potato…). You know how the Japanese fluster over “o-chugen” summer gifts and “o-seibo” end-of-the-year gifts to please their bosses or those they owe their life to for eternity (really!?). You know how they “must” print out “nengajo” New Year cards because if they don’t, they appear deviant J. You know when to bow, how to bow, how many seconds to bow; when and how to sit in “seiza” (squatting with feet under the buttocks); how to hold the teacup; and when to say “itadakimasu” (expression to say before meals or when receiving something). You know how Japanese love to start a conversation with a weather topic, “Kyou wa atsui desu ne!” (Isn’t it hot today?), and how they don’t want to say anything when someone died. You know how they fancy asking your blood type or your age like it’s a matter of life or death because it makes it easier for them not just to gauge who or what you are, but how they should present themselves to you. Likewise, you know you can’t do business in Japan without a business card because it’s the first thing they present to you in self-introduction in place of “I’m pleased to meet you.” Yes, you know all these and do some of these.

Does the list stop here? Do you realize that from childhood to adult age, Japanese are eternally groomed in a dictated way on how they should dress or appear in public, how to say yes and no, how to answer a phone call, how to talk to their superiors, how to eat, or how to behave in any sort of situation? Maybe you live through one or all of these examples, and you no longer realize they didn’t come with your luggage when you arrived in Japan, because they have become so much a part of your daily routine that you breathe them, eat them, sleep with them, think of them, either admire them or loathe them! Then, there will be a time, maybe in ten, fifteen or so number of years, you suddenly find yourself in a daze, outside your shell looking in—and that old feeling of who you really are before Japan “groomed” you to be like that little nursery kid in a yellow cap comes back to you like a retrospective, nostalgic film. The thoughts overwhelm you, haunt you: Did you give too much of yourself to adapt to their ways? Did you make them expect too much from you? Did you want to be accepted and fit in so badly? Did you sacrifice your true self for all these? Or, do you simply delight in being and living the “new” you?

As the great writer Paulo Coelho said, “Don’t try to be useful. Try to be yourself: That is enough, and that makes all the difference.”

Happy Spring!








Arlene Dinglasan

Sa Pagtatapos ng Klase 
ni Arlene Dinglasan



Unang araw ng klase. Kulay rosas ang mga lansangang naghatid sa akin patungo sa lugar ng aking hanap-buhay. Pagpasok ko pa lamang sa silid-aralang hindi ko nagisnan nang mga dalawang buwan dahil sa spring break, bumungad na sa akin ang mga mukhang matamang naghihintay sa aking pagdating. Medyo excited ako lagi sa unang araw ng klase dahil ito ang unang pagkakataon kong makilala ang mga bagong enrollees. Crucial ito para sa akin dahil sa araw na ito ko sinisimulang timbangin kung paano ko ilalatag ang mga leksyon sa buong taon. Pinapakiramdaman ko ang level ng fluency sa wikang Ingles ng mga estudyante, kung ano ang interes nila, ang naglalayong dynamics ng buong klase at imposible mang matandaan ko ang lahat ng pangalan, ay inaalam ko man lamang ang tamang pagbigkas ng mga ito. Madalas, nagiging ehemplo ito ng pagpu-punyagi sa pag-aaral ng wikang banyaga – isa sa mga binibigyang-pansin sa buong taon.

Unang araw ng klase. Inaasahan ko ang mga inosenteng mukha ng mga edad 18-21 na bumati sa akin ng nahihiyang "Good morning, Professor" kasabay ang mahihinhin at panakaw na mga sulyap sa bago nilang propesora. Madaling mabakas sa kanilang mga inosenteng mata ang magkahalong kaba at pananabik na maranasan ang buhay-kolehiyo. Halata kung ang mga estudyante ay nasa unang baitang pa lamang dahil sa mga bagong damit, bagong hairstyle at mga bagong folder kung saan nakasulat ang pangalan ng bagong unibersidad. Siyempre nga naman, hindi na talaga sila maituturing na mga bata. Marami sa kanila ay galing pa sa ibang rehiyon sa Japan at sa unang pagkakataon ay naninirahang mag-isa sa kani-kanilang mga apartment malapit sa unibersidad. Malaking porsyento din ang may kanya-kanyang part-time job kaya nagsisimula na silang matutong mag-budget. Bagong yugto ng buhay, ika nga. Anupa't wala nga namang dahilan upang hindi makaramdam ng kaba at pananabik.

Unang araw ng klase. Oo, puno ng mga inosenteng mukha na may bagong hairstyles ang bumati sa akin ng "Good morning, Professor". Oo, halata ang kaba at pananabik sa kanilang mga mata. Oo, naaamoy ko sa hangin ang mga bagong damit at folder. Ngunit may isang mukhang kakaiba. Bagama't bagong gupit siya, bago ang kanyang folders at bakas ang kaba at pananabik sa kanyang mga mata, kakaiba ang uri ng kanyang pananamit. Pananamit na di naiiba sa mga nasa silver seats ng mga tren. Naiiba rin ang kanyang mukha sapagkat hindi ito mukha ng 18-21 ang edad. Batay sa mga pileges nya sa pisngi, kulubot sa mga kamay, at mga ubang kumikinang sa kanyang ulo, ang hula ko ay nasa 55-65 ang edad ng babaeng buong galang na nagmagandang umaga sa akin. Akala ko, nagkamali ako ng pinasok na classroom. Kaya lumabas akong muli upang i-tsek ang room number. Nasa tamang silid ako. Naisip ko tuloy na baka magulang ng isa sa mga estudyante itong babaeng nakangiti hanggang tenga. Hanggang bumulaga sa akin ang malalaking letrang nakasulat sa kanyang ID. STUDENT.

Ako yata ang biglang kinabahan! Napansin ko ring wala siyang katabi sa upuan at parang naiilang ang mga kaklaseng tumabi sa kanya. Naku, anong gagawin ko sa babaeng ito? Paano ko ilalatag ang bawat leksyong nakaplano para sa mga edad 18-21 na ang interes ay fashion at J-pop, hindi gardening at knitting?  Paano nito maaapektuhan ang dynamics ng klase?  Makikihalubilo kaya sya sa mga kaklase at gagawin ang mga aktibidades na ipapagawa ko sa loob ng walong buwan? Sa isang iglap, nawalan ako ng pakialam kung paano bigkasin nang tama ang kanyang pangalan. Tila yata may mga bagay na mas nararapat kong pagtuunan ng pansin…

Wala akong nagawa kundi ituloy ang klase hindi lamang noong umagang iyon kundi sa buong taon. Unti-unti akong nalibang sa buong-tuwa niyang pangunguna sa mga group work, masiglang pagha- hanap ng kapares sa mga pair work, at nakangiting pagsagot sa mga oral test na kung minsan pa nga ay medyo napapalakas dahil sa kasamang halakhak. Dahan-dahang naglaho ang bakas ng pagkailang ng mga kaklase at sa halip ay tila naging halos magkaka-barkada na lamang ang turingan nila sa isa't-isa.  Anupa't nagdaan ang mga araw na hindi ko na napansin ang makikinang na mga uban sa kanyang ulo, o ang kakaiba niyang pananamit. Hindi ko na rin alintana ang mga pileges nya sa pisngi, at maging mga kulubot sa kanyang mga kamay. Sa katunayan, napansin ko pa sa sarili ang dagdag na pananabik tuwing darating ang araw ng klase namin.

Mabilis na nagpabagu-bago ang kulay ng mga lansangang naghahatid sa akin patungo sa lugar ng aking hanap-buhay. Ilang beses na ring naiba ang klima kasabay ng pagpapalit ng mga style ng damit at buhok ng mga estudyanteng nasa silid-aralang iyon. Hindi ko na naaamoy sa hangin ang bagong folders. Wala na rin ang magkahalong kaba at pananabik sa mga mata ng mga inosenteng mukha. Kung may kaba man, iyon ay sa dahilang araw na ng final exams. Sa huling araw na binati ako ng "Good morning, Professor," ang aking naging ganti ay nakangiti kong pamimigay ng pagsusulit, sabay sabi ng "Good luck."

Ilang saglit pa't inaayos ko na ang mga test papers, nang mapatunghay ako sa masayang tinig na naging pamilyar na sa aking pandinig. Sabi niya, "Salamat. Salamat at hindi mo inalintana ang mga pileges ko sa mukha. Hindi mo pinansin ang aking edad. Hindi mo hinayaang layuan ako ng mga kaklase ko dahil naiiba ako sa kanila. Maraming salamat sa iyong pagtuturo at binigyan mo ako ng pagkakataong matamo ang ilang dekada ko nang pinapangarap --- ang makapasok sa gusali ng unibersidad, at higit sa lahat ay magkaroon ng sarili kong edukasyon."

Namuo ang luha sa aking mga mata at dahil ayokong magisnan nya ang pagtulo nito, wala akong nagawa kundi ang ngumiti. Hindi ko na nasabing hindi ako, kundi siya ang naging guro sa buong taon. Oo, natuto sya ng kahusayan sa pagsasalita, pakikinig, pagsulat at pagbabasa sa wikang Ingles, ngunit sa palagay ko ay mas makahulugan ang aking mga natutunan. Hindi siya, kundi ako ang naging estudyante sa klaseng ito. Sa pagtatapos nito, natutunan kong lampasan ng tingin ang anumang marka sa balat. Natutunan kong walang mahirap na leksyon kung may kasamang halakhak. Higit sa lahat, natutunan kong walang kailangang maging sagabal sa pagtamo ng sariling pangarap --- edad, o kung anuman --- dahil hinding hindi nahuhuli ang lahat. At sa palagay ko, ako ang higit na dapat magpasalamat para sa mga leksyong wala sa syllabus ng kurso sa labas ng unibersidad.


Karen Sanchez


Kulturang Hapon
ni Karen Sanchez

Ang Nihon o Nippon sa kultura ay nangu-nguna
Mula sa mga Instik na kanila pang namana
Samurai, geisha, hardin at seremonya ng ocha
Sa kimono, modernong mga damit at mga pop na musika.

Ibat-ibang kapistahan o matsuri ay mayroon sila
May nagsasayawan o Bon-odori ang tawag nila.

Pati Shichi-go-san ay mahalaga sa kanila.
Ito'y bawat batang tatlo, lima at pitong taon ang edad nila.

May kakatuwang kaugalian sila
Na sa mga banyaga ay nakatatak sila
Ito ang yumuko bilang pag-galang sa isat-isa
Maging sa telepono o kaharap man ang kausap nila.

Kung bago ka sa bansa nila
Magugulantang ka, pag sa onsen ka pumunta
Makikita mo hubot hubad na katawan nila
Sama-samang nagrerelaks sila.

Sa mga pagkain, gusto ay masustansya
Sushi, sukiyaki at tempura ay kilala
May mga dekorasyong kaaya-aya
Kaya mga dayuhan lahat sinusubukan ang timpla.

Pasko at Bagong Taon din naman ay mayroon sila
Di nga lamang tulad natin ang kanilang pagselebra
Na mararamdaman mo ang saya pagkat sama-sama
Dito'y tama nang maidaos nila.

Araw ng puso ay meron din sila
Magkakaiba nga lamang ang petsa
Sa mga lalaki ay Pebrero, sa mga babae ay Marso
Pagbibigay ng tsokolate sa mga mahal nila.


Marcial Caniones

ITLOG na PULA
ni Marcial Caniones

Living, Giving…Accepting

Where is my red sun?
Why have you hidden from the vast white?
I have longed for you for so many cold months
Only my cup of tea divinely warms my shivering heart

I have bidden farewell to the waving blossoms
So to the hovering wasp
To leave walking on the path of the windy chill
On to the garden of motionless quiet stones

I see the pond no more
The lotus has withered so many days past
The water’s glitter has turn into glare
Blurring my constant sight of Mt. Fuji

Only now I realize
In a land I’ve never known but will come to know
To rise from what is purely white
One needed to burn and live in pain

To rise from the ground
From the grueling life I left but will never forget
Dusting what it seemed to be of dirt
Alone I silently succumbed into the sadness wintry snow



Buhay, Pag-alay…Pagtanggap


Nasaan ang aking pulang araw?
Bakit ka nagkubli sa lawak na puti?
Inaasam ka ng maraming buwan                                                          
Tanging tasang tsaa ang mala-langit ang iinit ng nanlalamig kong puso

Nagpaalam na ako sa mga kumakaway na bukadkad              
Gayun din sa mga maglipanang mga bubuyog
Upang lumisan tungo sa nanunuot na lamig ng hangin
Papunta sa tahimik at panatag na batong hardin

Wala na akong makitang playa
Ang bulaklak ay nalanta maraming araw ng lumipas
Ang tubig ay nawalan ng kinang at naging silaw                                
Tumatakip sa aking tanaw ng bundok ng Fuji    

Ngayon lang sa akin tumambid
Sa lupang’ ni hindi ko namulatan ngunit mauunawaan din
Upang umahon mula sa pinong puti
Kailangan munang dumanas ng pagsubok at hirap

Upang maka-ahon sa lugmok
Mula sa nakagisnang hirap ng buhay ‘di ko malilimutan
Pinapagpag ang tila ‘mong saklap
Na mag-isang humimlay at bumigay sa lamig at lungkot  







               





     

Renaliza Rogers

SA TABI LANG PO
Ni Renaliza Rogers

Kabaduyan

Umulan nung isang araw at wala akong dalang payong. Hindi naman gaanong kalakasan pero ayokong mabasa dahil ako'y bihis na bihis. Pero kailangan kong magmadali at baka ako'y ma-late, kaya hindi na ako nag-isip; automatic na kinuha ko ang aking panyo sa bulsa at inilagay sa aking ulo sabay takbo. Nabasa pa rin ako at nabasa pa rin ng bahagya ang buhok ko. So bakit ko pa inilagay sa ulo ko ang panyo? Dahil yun ang nakagawian ko at ng lahat halos ng Pinoy para daw hindi mabasa ang ulo para huwag magkasakit.

Kung iisipin mo, walang masyadong silbi ang panyo sa ulo at mas importanteng hindi mabasa at ginawin ay ang likod. Pero dahil ito ang nakagawian ng Pinoy na ipinasa pa mula sa ka lolo-lolohan mo, ginagawa mo rin. Kabaduyan kung tutuusin pero nakasa-nayan na.

Karamihan sa mga Pinoy ay nandidiri sa mga banyaga na sa tingin nila ay hindi naliligo. Para kasi sa mga Pinoy, kailangang nakaligo bago umalis ng bahay sa umaga para mag mukhang fresh. Minsan nga ay nakaligo na sa gabi, maliligo pa ulit pag gising sa umaga. Akala natin na mas madaming ligo, mas mabuti. Pero ang hindi alam ng marami ay nakakapag papangit ng buhok ang sobrang pagligo dahil nawawala ang mga essential oils nito. Ngunit ang umalis ng bahay ng hindi nakakaligo ay sadyang kalunos-lunos. Understandable ito dahil ang Pilipinas ay isang tropical country, mainit at humid. Ang hindi maligo ay tiyak mag aamoy putok. Pero para sa mga ibang lahi tulad ng mga Hapon, sa gabi mainam maligo kung kelan ang katawan ay marumi galing sa labas. Sa umaga, hindi kailangan dahil natulog ka lang nga naman eh at hindi naman madumi ang katawan mo. Yun nga lang, muta at panis na laway ang kakalabanin mo. Sa Pinas, fresh halos lahat pag-alis ng bahay, minsan nga'y sa sobrang pagmamadali ay may sabon pa sa tenga o namumuti ang gilid ng labi dahil sa toothpaste. Pag sobrang late at wala ng panahon maligo, buong araw na mag fi- feeling guilty. Sa Japan, rare makakita ng taong basa ang buhok sa umaga. Makakita ka man, malamang Pinoy yun.

Sa mga handaan naman tulad ng bertdeyan o kasalan, ang isang typical na Filipino handaan ay may spaghetti na, may pansit at kanin pa. At ang isang typical na Pinoy ay iuulam ang spaghetti sa kanin. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng taste meron ang Pinoy pero hindi naman lahat gumagawa nito. Siguro nga mas malasa kapag pInaghalo mo ang spaghetti at kanin. Ang hindi ko lang maipaliwanag ay kung bakit merong ibang inuulam pati ang macaroni salad sa kanin. Well, iba-iba nga naman ang panlasa ng tao. Si lolo noon, kumuha ng kanin. At dahil naka separate ang spaghetti sauce mula sa pasta ay ibinuhos niya ito sa taas ng kanin niya sa pag-aakalang  giniling ito. In fairness, masarap naman daw.

Kapag bago naman ang isang bagay, bawal alisin sa plastic at baka ma gasgas! Tulad ng aking ina na binigyan ako ng iPad. Mga mahigit anim na buwan ko ring ginamit ito habang nasa loob pa ng original na plastic nito. Buti na lang at nakabili ng plastic screen protector.  Pero tinalbugan ito ng ninang ko na kasama kong bumili ng payong sa mall. Saktong umulan nang papauwi na kami. Sinabi kong buksan na ang bagong biling payong dahil umuulan. Aba'y sinagot ako bigla ng, "ay huwag at baka mabasa!"

May mga bagay na sadya nga namang hindi maiaalis sa isang Pilipino at ang mga bagay na ito, gaano man ka baduy ay siya mismong nagbibigay sa kanya ng kanyang pagka Pilipino. Sigurado ako na bawat lahi ay may kanya-kanyang mga nakagawian na sila lang mismo ang nakakaintindi. Hindi dahil hindi mo maintindihan at hindi mo nakasanayan ang nakagawian ng isang tao ibig sabihin mali na ito. Kailangan lang minsan ay lawakan mo ang pag-iisip mo at subukang intindihin ang isang taong naiiba sa iyo. Bawat tao ay naiiba, bawat kultura ay espesyal.

Pero hindi naman ibig sabihin na magagawa mo na lahat ng gusto mong gawin dahil ito ang kultura mo at espesyal ka. For example, ayaw mong mag hubad ng sapatos sa bahay ng Hapon. Minsan, kailangan mo rin mag adjust ng naaayon sa sitwasyon at kapag ayaw mo ay ikaw mismo ang makitid ang utak o bastos. Hindi ko naman sinabing bawal matawa kasi minsan may mga bagay talagang hindi mo naman dapat tawanan pero hindi mo mapigilang matawa. Kung ganun eh magkunwari ka na lang na inuubo.

Loleng Ramos

KAPATIRAN
by Loleng Ramos

Body and Soul

Kapatid, kumusta? May dinaramdam ka ba sa iyong katawan? Sakit na ini-inda? Pwera ang bulsa hah, hindi iyan parte ng katawan. Kung ikaw ay ''in the pink'' o malusog at malakas, walang karamdaman, mayaman ka! Sabi nga '' Health is wealth'' Isipin mo na lang, ang dami mo ngang pera, may sakit ka naman, paano na ang exciting na shopping, lakwatsa, lamyerda, travel? Hindi pwede! Lalo na kung sabihan ka ng doktor na 'Kailangan kang masuri ng mabuti, magamot ng husto, tira kamuna ng ospital' Haaaaay. Syempre pa, matapos ang gamutan, gumaling ka man o hindi, bayad ka! Mas masakit di ba? Kung wala ka namang pera, napadala mo kase lahat o nag-bayad ng sangkaterbang utang, di bale basta wala ng utang, at malakas ka naman. Ngayong Spring, mag-baon ka lang ng onigiri kahit kanin at nori lang, malay ba nila, ibalot mong furoshiki at punta ka na sa koen. Maglatag ka lang ng banig este picnic mat at doon kayo kumain ng pamilya mo o mga kaibigan mo habang naka-titig sa mga bulaklak ng Sakura. Ahhhhhh, ''the best things in life are free!''  ika nga. Nandoon ka na rin lang, mag-inat inat ka na rin, patunugin ang mga buto, sipa-sipa, taichi, gymnastics, aikido, badminton, patintero, luksong kalabaw, basta enjoy the sun, outdoor life! O di ba ang yaman mo? Nagagawa mo lahat iyon.

Napaka-halaga ng ating kalusugan, ng mabuting panga-ngatawan. Itong katawan natin, ito tayo sa mundo. Hiram nga lang eh. Balang-araw o kahit maya-maya lang, huwag naman, di man maarok ng ating imahinasyon, magiging alikabok din ang ating katawan. ''From dust to dust.'' Apat ang nai-pakita ng kinahihinatnan ng isang katawan matapos ang kamatayan. Una, ang Mahal na Birhen at propetang Elijah ay ini-akyat sa langit ng buong-buo.  Pangalawa, kung ikaw ay isang tunay na banal katulad ng mga santo. Si St. Bernadette at Padre Pio ay mga ''incorruptible,'' ang kanilang mga katawan ay hindi ina-agnas. Pangatlo, kung ma-preserba ka bilang mummy kagaya ni King Tutankhamen ng Egypt o ng batang ''la Doncella'' na natagpuang nakalibing sa yelo ng bundok Andes sa Peru.

Hmmm. Ika-apat na siyang sasapitin natin ay ang maging alikabok! Sabi nga ng kanta, ''All we are is dust in the wind'.'

Ganoon lang? Dust? Alikabok?  Kung naniniwala ka sa turo ng simbahan, merong matitira kapatid. Tayo pa rin!  Ang bawat nilalang ay binuo na may isang katawan at kaluluwa. One body and one soul. Sabi nga, sa pagtagpo ng isang sperm cell ng lalaki at egg cell ng babae, 'a soul is infused'.  Nabigyan na ito ng kaluluwa kaya may buhay na, unti-unti ang katawan nito ay mabubuo na rin. Isipin mo na lang ang kahindik-hindik na kasalanan ng abortion.  Kaya sa tanong na ''Sino ang nauna, ang manok o itlog?'' Walang katapusan na sagot at tanong ito. Pero sa tanong na alin ang nauna, ang katawan o kaluluwa? Alam na natin ang sagot. Ito rin ang matitira sa pamama-alam ng katawan.

Ano na ang kasunod? Ang kasunod ay nakasalalay kung paano tayo nabuhay bilang isang katawan at isang kaluluwa. Iginalang ba natin ang ating responsibilidad sa ating sarili at kapwa bilang isang katawan? Iginalang ba natin ang ating responsibilidad sa Dakilang Lumikha bilang isang kaluluwa? Ang lahat ay may huling hantungan, higit sa isang puntod.  Ito ay lugar na maliwanag at masaya o madilim at napaka-init. Saan kaya tayo mapupunta?

Sana mag-kita-kits ulit tayong lahat doon sa maliwanag at masaya, toka mo ang bola ng volleyball, ako onigiri o manna.




Marty Manalastas-Timbol

SHITTERU?
by Marty Manalastas-Timbol

ALAM NYO BA…
na na-obserbahan ko lang na ang mga simbahang Katoliko dito sa Japan ay iba-iba ang kanilang mga style sa misa. Gaya ng sa Franciscan Chapel Center sa may Roppongi, di nila ginagawa ang pag kneel while sa dalawang malaking simbahan gaya ng St. Patrick’s Church sa may Toshima (ito ay malapit sa Ikebukuro), at ang St. Ignatius Church sa may Yotsuya (sa may malapit sa Sophia University), they still follow the old style, ang pagluhod after the Sanctus (Holy) and the Lamb of God. Nakakapagtaka lang kung bakit kailangan maging iba ang pamamalakad at style sa mga simbahang Katoliko.

ALAM NYO BA…
sa tuwing Valentine’s day sa Japan, karamihan ng makikita mong nakapila o nakikipagsiksikan sa mga chocolate stores ay ang mga kababaihan, ang mga Haponesa. Dahil sa karamihan ng readers ng Jeepney Press ay matagal na rin sa Japan, I am very sure alam nyo na kung bakit mga babae ang mga bumibili ng chocolates. Kakaiba ang pag- celebrate ng Valentine’s day sa Japan dahil na instead na ang babae ang makakatanggap ng chocolates or red roses, ang mga kalalakihan ang nakakatanggap ng chocolates or something special during Valentine’s day. How interesting. What is also interesting ay ang mga decors ng mga tindahan at lalo na ang mga department stores dahil pati ang design ng toilet ay may heart, just for Valentine’s day only.  See photo I took sa toilet and panic buying ng chocolates sa isang floor ng Seibu Department Store sa may Ikebukuro.

ALAM NYO BA...
na kabila ng isang kalungkutan sa buhay, mayroon din darating na kasayahan at swerte. Kaya huwag malulumbay ng husto dahil magiging ok din ang lahat kung maging positive ka rin sa pananaw sa buhay.

ALAM NYO BA…
noon na estudyante ako sa isang Japanese language school dito sa Japan, tinanong ako ng isang guro kung kakilala ko si Ms. Marlene (マリーン) dela Peña. Siya ay sikat na Jazz singer sa Japan at sikat na sikat siya sa mga Japanese kaya kilalang kilala siya ng mga guro namin sa school. Itong kwento ko ay many years ago na at di ko sukat akalain na si Ms. Marlene ay makikilala ko sa personal at naging close pa kami. Small world talaga! Kung gusto ninyong makilala kung sino si Marlene dela Peña (ito ay ang screen/stage name niya), check ninyo ang kanyang link at: http://www.marlenejazz.
com.

ALAM NYO BA…
na ang Jeepney Press ay sampung taon na siya this year 2013. Sana po suportahan po natin ang Jeepney Press lalong-lalo na po ang publisher na si Ms. Irene Kaneko at ang editor na si Mr. Dennis Sun. Congratulations sa bumubuo ng Jeepney Press! Mabuhay kayong lahat and God bless.

Isabelita Manalastas - Watanabe

ADVICE ni TITA LITA
Take It Or Leave It
by Isabelita Manalastas - Watanabe

Dear Tita Lita,

Bakit po bumababa ang value ng yen against the dollar, peso and other foreign currencies? Ano po sa palagay ninyo kung hanggang saan ito bababa? Tumawag ang anak ko at kulang daw ang pinapadala kong lapad sa Pinas. Bababa pa po ba ang yen? Ano ang magandang gawin para maka-iwas sa pagbaba ng yen?

Mina


Dear Mina:

Ang Yen/PHP rate ngayon (Feb. 8) habang sinasagot ko ang tanong mo, ay 0.4270*.  Nasanay na tayo ng matagal-tagal din, na ang palit ng Yen sa Peso ay mataas – tanda ko pa, at least 0.55 noon.  Ibig sabihin, kung noon, ang isang lapad ay PHP 5,500 ang palit, ngayon ay PHP 4,270 na lang. Ibig sabihin, sa bawat isang lapad, ay “lugi” na tayo ng mahigit na isang libong piso (PHP 5,500 – 4,270 = PHP 1,230). 

Kung may binabayaran tayong utang sa Pilipinas, or may kinuha tayong mga hulugan sa Peso, mas malaki na ngayon ang kailangan i-remit natin na Yen sa Pilipinas, para sa parehong halaga ng ating mga gastusin.

Kunwari, may binabayaran tayong PHP 5,500 kada buwan sa Pilipinas.  Noon, isang lapad lang iyan;  ngayon sa 0.4270 na exchange rate, kailangan mong mag-remit ng mas maraming Yen.  PHP 5,500 pa rin ang utang, pero imbes na Yen 10,000 lang ang i-re-remit, dapat ay Yen 12,881 na. Ang laki ng diperensiya, ano.

Mahirap i-predict kung ano ang mangyayari sa exchange rate, dahil maraming factors ang nag-i-influence nito.  Hindi lang ang economic situation ng bansa ang dapat tingnan, kundi maraming factors din na non-economic (political, for example).  Pero maraming nagsasabi na tuloy-tuloy ang paghina pa ng Yen against the US$.  Hangang Yen 100 = US$ 1 siguro ay believable na marating niya anytime soon.  At napakalakas din ng Peso. Dahil siguro sa gumaganda na daw ang ating ekonomiya. Kaya lang, para sa ating mga OFWs, shocking ang prediction ng iba, na magiging line of 3 na lang ang palit ng Yen sa Peso, meaning mga PHP 30+!!!

Anong magandang gawin para makaiwas sa pagbaba ng Yen?  Sorry, sa tingin ko, wala!

Tita Lita

*Speed Money Transfer Japan rate.

Dear Tita Lita,

Sabi ng isang Pinay dito sa Hokkaido kung saan ako nakatira, dahil sa bagong residence card na pumalit sa alien card, pwede na raw tayong bumoto sa Japanese elections dahil meron na tayong residence card kahit wala tayong Japanese passports. Sa pagka alam ko po, Japanese citizens lang ang pwedeng bumoto sa Japanese elections whether local or national.

Karen




Dear Karen:

Tama ka. Hindi pa pwedeng bumoto sa Japanese elections ang mga permanent residents dito sa Japan.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Meron po akong anak na lalake, 8 years old na. Gusto ko po sanang iuwi sa Pilipinas at doon na lang mag-aral para matuto siya ng Tagalog at English. Meron po bang Japanese school sa Pilipinas para at least, marunong din siyang mag-Hapon dahil Hapon siya at ang tatay niya ay Hapon.

Dahlia


Dear Dahlia:

Akala ko ba ang gusto mo ay matuto ng Tagalog at English ang anak mo, kaya mo gustong iuwi sa Pilipinas? E bakit sa Japanese school mo siya papag-aralin? E-di Hapon din ang magiging language of instruction doon?  At napakabata pa niya para mahiwalay sa iyo at sa tatay niya.  Di-ba kaya mas mabuting sa Japanese school sa Japan mo siya papag-aralin, tapos kapag nag-uusap kayong dalawa, ay gumamit ka ng English at saka Tagalog.  Ang mga bata ay parang sponge – madaling mag-absorb ng mga bagay-bagay, including language.  Hindi mahirap maging tri-lingual ang anak mo.  Japanese, English at Tagalog kahit nasa Japan siya.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Bakit po ba nahinto ang pagpunta ng mga Pinay entertainers sa Japan? 100% na wala na po bang nakakapunta sa Japan ng mga entertainers?  Gusto ko sanang dalhin dito yung pamangkin ko. Saan kaya pwedeng magtanong?
Salamat po!

Fely


Dear Fely:

Ang best person to consult ay ang ating Labor Attache sa Philippine Embassy, si Mr. Clifford Paragua, tel. no. 03-5562-1573.

Tita Lita

Jackie Murphy

Side Trips 
by Jackie Murphy

When your children leave you softly to find what the world has in store for them… My friend’s son is leaving her mother behind to study in college heading for the big city miles away from home. It leaves my friend worrying so much if her son could make it there. She sat and was stunned in disbelief, tangled with mixed emotions. Everything rapidly begins to change and she was not ready for this. Maybe she was ready then but she isn’t ready now. She definitely knows that it’s a significant event but why do parents suddenly are not equipped with the emotional intricacies much more with the very swift transition in their children’s lives? “My little boy has grown up into a young, full-of-life, good-looking man so quickly,” tearfully she thought:  “Am I getting old fast, too?”
Reminiscing the good and their sweet bonding moments together, of course, including the emba-rrassing incidents, too. It wasn’t so long ago when she was playing around and hugging her little boy, taking and fetching him from school after her daily work for many years. As a single mother, she has been working so hard to make ends meet both for her own family here and for the other family members back home.

Then…silence.  “Just to make my child have a visit, I need to be able to provide a place for him to come home to and be with me,”she said to herself. Why all of a sudden parents are not ready, not suddenly armed with good thoughts? Tangle of emotions, unable to communicate within oneself: it’s unusual for parents to feel apprehensive or even depressed just by thinking about it. Will my child be able to come home for a vacation soon? Will the distance reduce our communication? How do I cope with the possibility of not seeing him for a long time?

Honestly, for parents, what’s really hard to accept is when softly our young angels try to find what they want in life and decide for themselves that they want to pursue their shimmering dreams away from their parents (nang hindi sinasadya… owws?): a fact that hurts and stabs our folks straight at the heart and mind. But, hey, for these younger generation: their much awaited independence is just a breath away, up for grabs and is at stake. They will do every-thing to start to explore, find out what rocks their world and their eagerness to find new friends in a brand new, challenging but creepy world!

Look at you. Di ba nagawa mo rin ‘to noon? You separated from your loved ones to try and start a life on your own. Sa ayaw at sa gusto mo, this is bound to happen again between you and your kids. Mas maigi kung mas maaga mong matatanggap ang mga situwasyon, mas gagaan ang kalooban mo.

Teka, ano ba ang ikinalulungkot mo, fren? Yung distansiya nga ba talaga? Pinaka-mainam na ma-assure ka ng anak mo na once they leave e hinding-hindi magbabago ang kalagayan ninyo bilang mag-ina.

Libangin mo ang sarili mo sa ibang mga bagay sa buhay. Iwasan mong mag-isa sa bahay. Keep yourself busy otherwise you will constantly be remembering the pain of separation, anxiety and boredom.

Huwag makasarili. Intindihin mo kahit na mag-ina kayo e meron din naman siyang sariling mundo. Let him be. Try not to have hard feelings and unwanted emotions. Worry influence your feelings for the day.

Malay mo baka ito na rin yung tamang oras para ikaw naman ay makabiyahe ng walang masyadong bagahe. Keep a positive outlook as you go on with your daily life.

Whatever happens to the future lives of our young children, we will always be there for them, to support them along the way all throughout their journey. We were like them in the past. It might be totally far different from the way our parents dealt with it when we were leaving them then, from the way we deal with our own children now. Let’s not forget that we were young ones, too, once. We were like them before. Take it slow, dear.

In the end, we will congratulate and thank ourselves if they still turn out to be the God-fearing children and good citizens we once asked and prayed for them to be. And our reward?....That big adorable smile in your heart!

Anita Sasaki

KWENTO Ni NANAY
by Anita Sasaki

KAYO PO BA AY PANGANAY,  PANG GITNA  O BUNSO?

May plano ang Diyos sa ating buhay.

Ano man ang ating nakaraan, maganda man o pangit, masaya man o malungkot, ang lahat ng ito ay para sa paghahanda sa ating buhay... ang plano nang Diyos sa atin.

Kung kayo ay ang panganay... Kadalasan sila itong mas responsable, sila ang inaasahan tumingin sa kanilang mga kapatid; tumulong sa kanilang mga bahay aralin or assignments, mag-alaga sa kanilang mga kapatid, mga gawaing bahay at iba pa. Kadalasan ang panganay ay ''Bossy'' at magaling na tagapag-alaga. Ang mga panganay ay kadalasan nagiging mabuting bata - may magaling na pag-iisip sa tama at  mali.

Kung ang panganay ay matalino at magaganda ang kanyang grado sa eskuwela, ang pangalawang anak ay iibahin niya kung papaano niya makukuha ang attention. Kaya maaring ibahin niya ang kanyang papasukin.  Maaring sa sports o palakasan, musika kaya o ano mang sining. At kung minsan nagiging rebelde. Ito ay minsan nangyayari kung ang panganay ay superstar. Kaya tayong mga magulang ang dapat ay i-encourage siya at sabihin na magaling siya at siya ay magiging sikat din or achiever.

Kadalasan ang pang gitnang anak ay maasahan, steady, loyal and faithful. Sila rin ay mapaglihim. Pag may pagtatalo sa pagitan nang panganay at gitna, madalas sabihin, ‘Bayaan mo na mas matanda siya sa iyo.’ At kung gitna at bunso naman, ang madalas sabihin sa gitna, ‘Pagbigyan mo na mas bata sa iyo kasi.’

Ang mga last born o bunso ay kadalasan outgoing at high ang social skills. Sila ay pinanganak na mga artists... emotional, at affectionate din. Kadalasan ang bunso ay di gaanong napaparusahan. Akala nila makakaligtas na sila sa mga gawang di tama o mali. Kadalasan sila ay mapusok. Sila ay na lilinya sa sales, arts at musika.

Whether you’re the eldest, second, middle, or youngest, God has a hand in your history! You were born and designed for a purpose.

Jasmin Vasquez

Ano Ne!
ni Jasmin Vasquez

Trabaho ng Trabaho Hangga't May Pagkakataon

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ng natapos ang taong 2012. Ngayon ay patapos na rin ang unang quarter ng year 2013. Pero sa buwang ito masasabi kong mas lalong lumalamig ang paligid na nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga tao sa sobrang ginaw. Mag-ingat po tayong lahat. Sabi nga ng lahat sa panahong ito bawal ang magkasakit.
    
Nais kong ibahagi sa inyo ang aking maikling story. Kung paano ko po nairaraos ang buhay dito sa Japan at nairaraos ang buhay ng aking mga anak.

Ako po ay kasalukuyang nagta-trababo sa isang kumpanya mula sa isang agency dito po sa Nagano-ken. Araw-araw pag-sapit ng 6 AM, ako ay gumigising upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Kadalasan hindi ko na makuhang mag-almusal sa umaga dahil maaga kaming sinusundo ng service ng aming agency patungo sa aming pinapasukan (kaisha). Marami kaming sinusundo kaya sa kaisha na lang kami nagko-coffee. Sabay- sabay kami ng aking mga kasamahang kapwa Pilipino at mga taga ibang lahi. Sobrang laki ng aming kaisha kaya iba't-ibang lahi ang dapat mong pakisamahan at dapat pag-tiisan. Mayroong mababait, may mga suplada. Mayroong akala mo kung sino umasta na magaling, mayroong nagmamalasakit ka na ikaw pa ang mamasamain at marami di naman matulungin na tuturuan ka sa trabaho kapag hindi mo pa alam ang iyong gagawin. Lahat na yata ng klase ng tao nandoon na. Talo ka pag nagpatalo ka sa stress. Sabi nga nila "Trabaho lang walang perso-nalan."
     
Ang amin pong hanapbubay ay gumagawa kami ng electronic parts na ginagamit sa "Pachinko." Kung saan-saan ako nalulugar na pwesto. Kahit mahirap na trabaho, sige lang ang gawa ko. Katuwiran ko, buti na ito kesa naman sa walang trabaho. Kahit na minsan pang-lalaki na ang gawain, hindi mo makuhang magreklamo kaya kailangan marunong kang magtiis at mahaba ang pasensya mo. Ang pinaka- nahirapan ako doon sa pag drive ng turnilyo 8 pcs kada isang kiban na ikinakabit sa monitor ng pachinko mula 8:30 ng umaga hanggang 20:00 ng gabi. Kung kaya sobrang pagod buong katawan mo pagtapos ng trabaho. Pag minalas ka pa, may pagkakataon na paglabas mo ng kaisha umuulan or nag snow. Pasma ang aabutin mo dahil ang layo ng parking ng service namin pauwi ng bahay. Di ako nakaligtas sa sakit, kaya nadale din ako ng ubo at sipon. Pero kahit masama ang pakiramdam ko, sige pa rin ang hanap buhay ko, katuwiran ko kung mag absent ako baka mawalan ako ng pwesto sa trabaho. Uminom na lang ako ng gamot at nagdasal na mawala agad ang sakit ko. At hindi naman ako pinagkaitan dahil gumaling din agad. Mabuti na lamang at natapos na ring yung ginagawa namin at nalipat ako ngayon sa ibang pwesto: nagkakabit at check ng plastic panel sa monitor ng pachinko. Masakit sa mata at masakit sa tenga ang ingay ng pang hangin sa panel. Dito masusubok ang haba ng pasensya mo sa pagtanggal ng yogore (dumi) sa panel at monitor. Mahirap ang lahat ng trabaho pero kailangan nating magtiis para tayo ay kumita at makapagpadala sa Pilipinas.
    
Mahirap na masarap magtrabaho lalo na pag araw ng sweldo, he-he-he. Kaya lang, parang dadaan lang sa palad mo ang pera dahil kailangan kong magbayad sa bahay, kuryente, gas, tubig at bill ng celphone at ang pinaka-importante ang makapagpadala ako sa Pinas ng pera pang-gastos ng mga anak ko. Pero kadalasan kulang pa din kaya tuwing Friday at Saturday, may arubaito (part time) ako sa gabi. Ang hirap na ng buhay dito ngayon, hindi na katulad noon na madaling kumita ng pera.
Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa facebook:  “Hindi porket nasa abroad, eh marami ng pera." Hindi napupulot ang pera dito. Kung alam nyo lang kung gaano kalungkot. Napakahirap pong maghanap-buhay lalo na kung malayo ka sa iyong mga mahal sa buhay at lalo ako, single mother, kaya kahit nahihirapan ako, kinakaya ko pa rin ang lahat ng mga pagsubok na dumarating sa akin. Salamat sa Diyos! Nung pumasok ako sa trabahong ito, dalawang linggo lang ang binigay nila sa akin. Pero sa awa ng Diyos, 7 months na ako pero may trabaho pa din ako. Wala talagang imposible sa Diyos. Lagi Mo akong pinagbibigyan, Panginoon, kaya naman kahit gaano ako kapagod sa aking trabaho, patuloy akong maglilingkod sa Iyo bilang pasasalamat sa mga blessings na ibinibigay Mo sa akin. Sana po ay wag Kayong magsawa. Amen.

Ganyan ang buhay namin dito sa Japan. Hindi lamang pinupulot ang pera dito. Pinaghihirapan namin ang bawat isang kusing na aming kinikita sa araw- araw. Akala lang ng nakakarami ay madali lang ang trabaho dito. Kaya sana huwag natin basta gastusin sa walang kabuluhan ang mga perang ipinapadala ng ating mga mahal sa buhay sa ibang bansa.

Ako po ang organist sa church every first Sunday of the month at every other Second sunday sa Iida Catholic Church at Inashi Catholic Church alternate.

Maraming salamat po sa inyong pagbasa sa aking maikling kwento at isang bahagi ng buhay dito Japan.

God bless us all!

Marie Defeo

WINTER ADVENTURERS:
Journey to Western Japan

by Marie Defeo


Japan, the land of the Rising Sun, is a country renowned for its historical structures and nature, providing the residents with countless travel opportunities to explore the land. Last winter, two of my Filipino friends and I decided to pursue a seven-day winter adventure in Chugoku and Kansai regions by using "Seishun juhachi (18) kippu." Seishun 18-kippu is a special ticket available during spring, summer, and winter vacations. One ticket is equivalent to five whole-day JR line passes sold for 11,500 yen at every JR Green Window booth. The trick on using the ticket is to make an itinerary beforehand by setting the destination and train routes to avoid missing your ride. Among the places that we visited were Hamamatsu, Okayama, Miyajima, Hiroshima, Kyoto, and Osaka.

Our first two destinations were Hamamatsu and Okayama. Hamamatsu city is located in Shizuoka prefecture famous for its sweet delicacy known as Unagi pie. The pie is made out of pulverized eel bones physically similar to Philippine’s Otap. Unagi or eel pie might not sound appealing, but it tastes better than its name! We reached Okayama late at night on our first day escapade. It took around fifteen hours of travel time from Shinagawa to Okayama station including our stopover at Hamamatsu. Even so, the journey was indeed exemplary, as the three of us happened to enjoy the view from the train’s window while spending some quality time with each other.

None of us three travelers were know-ledgeable about Okayama. Fortunately, one of my friends, who reside around the area, offered us a free whole-day tour. Okayama’s "Kurashiki Bikan Chiku” or “The Bikan Historical Area” truly took us by surprise. We learned that the area is very prominent for its ancient merchant homes and storehouses from Edo and Meiji Periods. Old Japanese structures filled the area with a very primeval atmosphere that enabled us to take a peek into pre-historic Japan. Our day ended by visiting Yugasan Rendaiji Temple that gave us an opportunity to express our deep appreciation for such a gratifying day. 

The next itinerary was set to Miyajima and Hiroshima. While we were boarding the JR Ferry bound for Miyajima, some people rushed to the ferry’s deck for a better view of Miyajima’s famous floating gate. Miyajima was probably the highlight of our whole quest. Everything was perfect as if the stage was especially prepared for us. Snow drizzled from the blue sky the moment we arrived followed by groups of deer welcoming us with smiles on their faces. It was certainly nature at its best and weather at its finest, such a remarkable way to celebrate the year-end! Hiroshima, on the other hand, reminded us of its dramatic history during the World War II. Various memorials can be found in almost every corner of Hiroshima Peace Memorial Park to commemorate the victims of the atomic bomb incident. After exploring Hiroshima and learning more of its history, we went back to Okayama to celebrate New Year’s Eve at my friend’s house. Before conclu-ding our adventure in Chugoku region, my friend tagged us along at Saijou Inari Shrine to witness the traditional Japanese New Year custom known as Hatsumode - the first Shinto Shrine visit of the year.

Moving on to Kansai region, the three of us decided to spend the night at a friend’s place in Osaka to get ready for Kyoto. Formerly known as Japan’s imperial capital, Kyoto is one of the oldest and most historical cities in the country. There were numerous places that we wanted to explore in one day, but we only managed two: Ryoan-ji Temple and Kiyomizu-dera. Although, things did not go accordingly, we were still able to enjoy the serene ambience of Ryoan-ji’s commendable Zen garden and the scenic city view of Kyoto from Kiyomizudera. The three of us went on our separate ways in Osaka after the Kyoto trip to meet up with friends living around the neighborhood. Osaka for me is like the second home of my few, yet profound treasured memories; the place that introduced me to the other side of the world where I met admirable people who helped me become a better individual. Perhaps because of those encounters, it gave birth to my passion for discovery and adventure.

This extraordinary winter journey marks a chapter that made me more grateful of life and nature. Japan definitely gave my friends and me a marvelous adventure worth sharing. However, there is more to Japan than meets the eye. Nevertheless, the whole experience allowed us to savor some of Mother Earth’s stunning wonders. The world is a vast place with further surprises we have yet to uncover. Our quest certainly does not stop there, as spring season is already on its way along with another episode of an adventure!

Jose Miguel Parungao

BEEP-BEEP!
by Jose Miguel Parungao

Janet Lucero
Bulol na tsekwang tindero binati si Ale: Miss, Kong Hey Fat Kaw! Bili ka na tikoy pang pabwenas.
Ale: (gulat sa narinig na ‘fat kaw’ can’t understand Chinese so misinterpret) Hoy, di ako bibili sa iyo!! Pagkatapos mong sabihing mataba ako!!

Chino Caddarao
Tindero: Halika na Ale. Bili akin paninda, dahil Chinese New Year ngayon, bawat kilo iyo bili, may libre tilapia.
Babae: Parang bilasa tilapia nyo Kuya. Gusto kong giveaway nyo yung tikoy!

Erlinda Castillo
Tindero: Magandang binibini. bili na po kayo.
Ale : Makikidaan lang po ako, salamat
ok lang po ba? Meron pa isa. Magkano 1 pinya?
Tindero : Medyo mahal nga lang po
Ale: Bakeet ?
Tindero : Kase nagtatanong ka palang, MAHAL na kita!

Marilyn Suico
Vendor: Hey, lady! Come and take a look...I have everything here fresh from the farm and the ocean.
Lady: Are you saying that also includes the one at your back?

Marilyn Suico
Vendor: Come take a look at what I have - everything so fresh, fresh catch, fresh harvest!
Lady: You have been saying that everyday and I see exactly the same thing everyday but not a thing has been sold out. That one at your back has not moved ever since.
Vendor:  Are you sure of what you are saying? Well, he is full... just consumed everything you have seen here yesterday.

Charito del Carmen
Ale : Hump! Sigurado kaba na sariwa mga yan e nakatiwangwang yang isda mo jan. Bilasa na yan sa tindi ba naman ng init dito sa atin!
Tindero : Subukan mong bumili ng aking mga prutas, Ale. Kung ayaw mo sa isda ko, itong prutas maganda sa katawan. Ito pampalakas ng katawan, pampabata, pangontra sa mga sakit. Hala sige na Ale bili na, pili na kayo. Mura na po yan bibigyan ko pa kayo ng tawad. Buena mano lang po .
Ale : O sige na nga! Makulit ka e, o bakit may tikoy ka pa pala dyan sa tabi?
Tindero : Ah kasi Bagong Taon po ngayon ng mga Intsik.
Kung Hei Fat Choi po pala sa inyo.
Nawa'y swertehin po kyo ngayong taon na ito!

Arlene Esperida

WALANG SABIT
ni Arleniks




Neriza Sarmiento Saito

Neriza Sarmiento Saito’s
ON THE ROAD TO: 
The Bridges that Link And  Connect Japan and the Philippines
With Prof. Mamoru Tsuda of the Global Collaboration Center, Osaka University

Sometimes I wonder if I should ever feel guilty about not doing anything on a
leisurely weekend! A famous novelist, Kanako Nishi who penned  "Kiroi Zo" which was later made into a movie recalled a friend who rode a train in Osaka and watched an old man idling away time, seemingly enjoying his task of absolutely doing nothing!!!
 
It is a blessing that I live in Osaka, where we never feel guilty about being idle. Kenmin-sei is a Japanese term to describe personalities of people from certain areas! People from Aichi are said to have a lot of pride and like doing things the big way, so they produced three great military leaders, Oda Nobunaga, Toyotomi Hideyoshi and Tokunaga Ieyasu. Those from Yamaguchi love discussion and politics and 8 Japanese Prime Ministers hail from that area. Kyotoites dress themselves into bankruptcy, Tokyoites play themselves into bankruptcy and guess what, Osakans EAT themselves into bankruptcy!
 
So, I did not feel guilty idling and whiling time away that weekend. I snacked on Skyflakes and chicharon and green mangoes I bought from a Pinoy grocer in Tamatsukuri Church. I remembered how I longed for those in the first stages of pregnancy with my first child 30 years ago. There were no Pinoy restaurants, no Pinoy Grocery stores nor takkyubin services for Pinoy goods. Thanks to my mother's ingenuity, she made burong mangga, minus the seed, packed it in aluminum foil and sent by mail from the Philippines!

At that time, I never imagined that 30 years hence, daing, manggang hilaw and even itlog na pula can be purchased conveniently! Thanks to those who made living in a foreign land easier for migrants.

That was I felt when I attended the joint lectures of Prof. Mamoru Tsuda  and  Prof. Randy David last Jan. 26. Prof. Tsuda or RICO sensei pioneered  the field of legal interpreting and translation. His researches in Philippine Studies have contributed to improvements in court interpretation for migrant Filipinos in particular.

In his retirement lecture, he gave tribute to his Filipino wife, Prof. Yolanda Tsuda of Kobe Jogakuen University and his 4 children, sons and daughters in law and grandchildren for the inspiration in his long and never ending  adventure that started when he was 19 years old.

Here is a chronology of RICO sensei's adventure based on an interview by Ms. Remy de Jesus Martin, a Filipino scholar, finishing her masters degree under his supervision in 2010. Remy commented that the rich experiences of Prof. Tsuda can probably tickle the adventu-rous spirit within us.
 
1967...  At 19 yrs old he travelled to Pusan, Okinawa  (which was not a part of Japan yet) and then to Manila and practiced English with Filipinos.
1968... He went to San Francisco via Hawaii as a sentimental journey just like his great grandfather Sen, who was the official interpreter for the Edo government mission to Washington, and Umeko,
Sen's daughter, who was the first and youngest female overseas student in the Meiji Period.
1970... He graduated from Aoyama Gakuen University. Before graduation, he attended a seminar where he was impressed by the presentation of the Filipino students and became friendly with them.
1971... He studied at U. P. and learned Japanese History that he never learned in Japan. When Martial Law was declared in 1972, he continued to live there.
1973... He became an incidental interpreter and started interpreting in meetings between government officials, educators, prominent businessmen and industrialists. He studied under Prof. Randy David, who established the Third World Studies Program and  was introduced to the great nationalist Renato Constantino. He was appointed full time lecturer at U.P.
1980... He became consultant for Business Day.
1985...  He returned to Japan after studying in Australia and taught in a small university in Shikoku.
1985 -1987... He commuted by boat every week from Shikoku to Osaka Gaidai.
1995...The Philippine Studies was established at the Osaka University Of Foreign Studies in Minoo.
1998... The Phil. Studies Program finally became an independent department. The first  graduates include Dr. Gyo Miyahara, who is the current chairperson of this department, and Prof. Sachi Takahata of Hiroshima Kokusai Daigaku.

Prominent Filipino scholars who have contributed to the Philippine Studies Department as visiting Professors are national artist in the arts Dr. Bien Lumbera, historian and former U.P. Vice- President Oscar Evangelista, Philippine literature scholar Dr. Nicanor Tiongson, writers and U.P. Professors Dr. Rosario Torres-Yu, Dr. Lilia F. Antonio, Dr. Roland Tolentino, Dr. Joi Barrios and Dr. Galileo Zafra.
At present, the other Japanese professors in the Philippine Studies Dept. are Prof. Masanao Oue, Prof.
Gyo Miyahara and Prof.  Satoshi  Miyawaki. The other Filipino lecturers are Ms. Jenny Yoshikawa, Atty.  Jeff Plantilla and Neriza Saito.
 
What seemed like idling and whiling time away for an adventure-seeking lad from Tokyo who followed his great grandfather's footsteps in America and his sojourn to the Philippines has contributed immensely to bridging the gaps between the Philippines and Japan. Prof. Tsuda's contribution to society as a legal interpreter-translator is magnanimous.  "I interpret not only for one side but for all sides. As a court interpreter, I hope that the process of justice can berealised equally," Prof. Tsuda remarked.

When I first met Tsuda-sensei in the early 90's, he was with Dr. Lumbera and Tony Fernandez, the leader of the Philippine scholars at Gaidai at a reception in the DOT Osaka office and his passion for the Philippines and a thorough understanding of the Filipinos  complemented the scholarly researches he was deeply involved in.

One time, as I was traveling back to Japan from the Philippines with my three small boys, who felt nauseated,Tsuda-sensei was so helpful and very natural with the kids. His own big brood of 4 children raised in the warmth of their family home, and occasional interactions with visiting scholars, writers and friends are all global-oriented.
   
With hundreds or thousands of students taught by Tsuda-sensei, in the Philippines and in Japan, the bridge that he built between these two countries is solid. What started as an adventure has produced long lasting effects for he has believed that "only an education based on equal protection of human rights will make the Japanese understand that protecting foreigners is the same as protecting other Japanese, for we belong to the same family of human beings and we share the same home called the world."
   
I remember how Agatha Christie once said that we must enjoy the pleasures of memory---not hurrying ourselves.
 
Tsuda-sensei's task will go on for years but as an adventurer from Tokyo, he would not call it a task. As for him, it is a pleasure!!!