Saturday, March 16, 2013

Anita Sasaki

KWENTO Ni NANAY
by Anita Sasaki

KAYO PO BA AY PANGANAY,  PANG GITNA  O BUNSO?

May plano ang Diyos sa ating buhay.

Ano man ang ating nakaraan, maganda man o pangit, masaya man o malungkot, ang lahat ng ito ay para sa paghahanda sa ating buhay... ang plano nang Diyos sa atin.

Kung kayo ay ang panganay... Kadalasan sila itong mas responsable, sila ang inaasahan tumingin sa kanilang mga kapatid; tumulong sa kanilang mga bahay aralin or assignments, mag-alaga sa kanilang mga kapatid, mga gawaing bahay at iba pa. Kadalasan ang panganay ay ''Bossy'' at magaling na tagapag-alaga. Ang mga panganay ay kadalasan nagiging mabuting bata - may magaling na pag-iisip sa tama at  mali.

Kung ang panganay ay matalino at magaganda ang kanyang grado sa eskuwela, ang pangalawang anak ay iibahin niya kung papaano niya makukuha ang attention. Kaya maaring ibahin niya ang kanyang papasukin.  Maaring sa sports o palakasan, musika kaya o ano mang sining. At kung minsan nagiging rebelde. Ito ay minsan nangyayari kung ang panganay ay superstar. Kaya tayong mga magulang ang dapat ay i-encourage siya at sabihin na magaling siya at siya ay magiging sikat din or achiever.

Kadalasan ang pang gitnang anak ay maasahan, steady, loyal and faithful. Sila rin ay mapaglihim. Pag may pagtatalo sa pagitan nang panganay at gitna, madalas sabihin, ‘Bayaan mo na mas matanda siya sa iyo.’ At kung gitna at bunso naman, ang madalas sabihin sa gitna, ‘Pagbigyan mo na mas bata sa iyo kasi.’

Ang mga last born o bunso ay kadalasan outgoing at high ang social skills. Sila ay pinanganak na mga artists... emotional, at affectionate din. Kadalasan ang bunso ay di gaanong napaparusahan. Akala nila makakaligtas na sila sa mga gawang di tama o mali. Kadalasan sila ay mapusok. Sila ay na lilinya sa sales, arts at musika.

Whether you’re the eldest, second, middle, or youngest, God has a hand in your history! You were born and designed for a purpose.

No comments:

Post a Comment