Shoganai Gaijin Life: Laking Bookstore!
By Abie Principe
Isa sa pinaka-na-mi-miss ko mula ng tumira ako sa Japan ay ang mga bookstores. Dito, bagama’t magaganda nga ang mga book stores, puro Nihonggo naman. Ang hirap basahin!
Mula bata pa ako, tuwang-tuwa na ako sa pag-babasa, kaya, tuwang-tuwa ako sa mga libraries at bookstores. Ang usapang library ay ipapasa-susunod na lang natin. Ngayon, usapang bookstores muna.
Marami na akong napuntahang mga book stores dito sa Nagoya, at sa Tokyo. Magaganda, maraming mapag-pipilian, at maraming iba’t ibang babasahin, mula magazines hanggang pocketbooks. Pero kadalasan, talagang mga libro at magasin lang ang mga nakikita. Sa Manila, ang mga book stores halos gift shops na rin, merong greeting cards, pens, notebooks, at iba pang mga gift items. Dito, karamihan ng bookstores, libro lang, at minsan nga wala pang tindang greeting cards. Kakaiba di po ba?
I have always loved bookstores. Kahit saan ako mapadpad, ibang bansa man, o sa isang maliit na isla sa Pilipinas, palagi akong dumadaan sa bookstore. Sa totoo lang, nakaka-tuwa ang pumasok at mag-basa-basa, kahit hindi bibili ng libro. Masaya lang talaga para sa akin ang tumambay sa mga bookstores.
Dito lang nga, medyo frustrating, kasi halos wala akong mabasa sa mga bookstores. Sa Pinas kasi, pag-iniwan ako, o maghihintay ako, ok na ok sa akin sa bookstore, kasi nga naman, ang daming puwedeng basa-basahin habang naghihintay. E dito sa Japan, pag ang hintayan o meeting place ay bookstore, sa magazine area lang ako, at kadalasan, tingin-tingin lang ng pictures. Nakaka-miss yung pag-babasa ng articles at mga tsismis! Kaya nga ok na merong Jeepney Press, di po ba? (Konting PR lang po!)
But seriously, shoganai ne. Dito talaga, halos 90% ng mga bookstores stocked with Japanese reading materials. Meron naman mga malalaking bookstores na merong English books, pero kakaunti lang, at kadalasan, ang mahal. But, this being Japan, normal lang, kasi nga naman, ang karamihan ng mga readers ay Nihonggo dake.
Frustra- ting as it may be, talagang hindi maiiwasan. Pinaka-OK ang matutong magbasa in Japanese, pero naman, hindi yun ganoon kadali. Bilib nga ako sa mga Pinoy na ang galing mag-basa ng Nihonggo. I am inspired na mas magpursigi, para maka-basa in Japanese. Ang daming mga libro, short stories at komiks na pwedeng mabasa, if I only I knew how.
But in the end, ok lang. Maraming mababasa online, at marami rin namang reading materials in English and Filipino, kaya hindi naman ako mauubusan ng mababasa. Pero nakaka-miss ang pumasok sa isang bookstore, kunin ang unang librong mahawakan, at umpisahang basahin ito. Ang sarap ng feeling na yun. Sana, someday, maramdaman ko rin yun, kahit na nandito ako sa Japan.
No comments:
Post a Comment