ni Karen Sanchez
Ang Nihon o Nippon sa kultura ay nangu-nguna
Mula sa mga Instik na kanila pang namana
Samurai, geisha, hardin at seremonya ng ocha
Sa kimono, modernong mga damit at mga pop na musika.
Ibat-ibang kapistahan o matsuri ay mayroon sila
May nagsasayawan o Bon-odori ang tawag nila.
Pati Shichi-go-san ay mahalaga sa kanila.
Ito'y bawat batang tatlo, lima at pitong taon ang edad nila.
May kakatuwang kaugalian sila
Na sa mga banyaga ay nakatatak sila
Ito ang yumuko bilang pag-galang sa isat-isa
Maging sa telepono o kaharap man ang kausap nila.
Kung bago ka sa bansa nila
Magugulantang ka, pag sa onsen ka pumunta
Makikita mo hubot hubad na katawan nila
Sama-samang nagrerelaks sila.
Sa mga pagkain, gusto ay masustansya
Sushi, sukiyaki at tempura ay kilala
May mga dekorasyong kaaya-aya
Kaya mga dayuhan lahat sinusubukan ang timpla.
Pasko at Bagong Taon din naman ay mayroon sila
Di nga lamang tulad natin ang kanilang pagselebra
Na mararamdaman mo ang saya pagkat sama-sama
Dito'y tama nang maidaos nila.
Araw ng puso ay meron din sila
Magkakaiba nga lamang ang petsa
Sa mga lalaki ay Pebrero, sa mga babae ay Marso
Pagbibigay ng tsokolate sa mga mahal nila.
No comments:
Post a Comment