Saturday, March 16, 2013

Marty Manalastas-Timbol

SHITTERU?
by Marty Manalastas-Timbol

ALAM NYO BA…
na na-obserbahan ko lang na ang mga simbahang Katoliko dito sa Japan ay iba-iba ang kanilang mga style sa misa. Gaya ng sa Franciscan Chapel Center sa may Roppongi, di nila ginagawa ang pag kneel while sa dalawang malaking simbahan gaya ng St. Patrick’s Church sa may Toshima (ito ay malapit sa Ikebukuro), at ang St. Ignatius Church sa may Yotsuya (sa may malapit sa Sophia University), they still follow the old style, ang pagluhod after the Sanctus (Holy) and the Lamb of God. Nakakapagtaka lang kung bakit kailangan maging iba ang pamamalakad at style sa mga simbahang Katoliko.

ALAM NYO BA…
sa tuwing Valentine’s day sa Japan, karamihan ng makikita mong nakapila o nakikipagsiksikan sa mga chocolate stores ay ang mga kababaihan, ang mga Haponesa. Dahil sa karamihan ng readers ng Jeepney Press ay matagal na rin sa Japan, I am very sure alam nyo na kung bakit mga babae ang mga bumibili ng chocolates. Kakaiba ang pag- celebrate ng Valentine’s day sa Japan dahil na instead na ang babae ang makakatanggap ng chocolates or red roses, ang mga kalalakihan ang nakakatanggap ng chocolates or something special during Valentine’s day. How interesting. What is also interesting ay ang mga decors ng mga tindahan at lalo na ang mga department stores dahil pati ang design ng toilet ay may heart, just for Valentine’s day only.  See photo I took sa toilet and panic buying ng chocolates sa isang floor ng Seibu Department Store sa may Ikebukuro.

ALAM NYO BA...
na kabila ng isang kalungkutan sa buhay, mayroon din darating na kasayahan at swerte. Kaya huwag malulumbay ng husto dahil magiging ok din ang lahat kung maging positive ka rin sa pananaw sa buhay.

ALAM NYO BA…
noon na estudyante ako sa isang Japanese language school dito sa Japan, tinanong ako ng isang guro kung kakilala ko si Ms. Marlene (マリーン) dela Peña. Siya ay sikat na Jazz singer sa Japan at sikat na sikat siya sa mga Japanese kaya kilalang kilala siya ng mga guro namin sa school. Itong kwento ko ay many years ago na at di ko sukat akalain na si Ms. Marlene ay makikilala ko sa personal at naging close pa kami. Small world talaga! Kung gusto ninyong makilala kung sino si Marlene dela Peña (ito ay ang screen/stage name niya), check ninyo ang kanyang link at: http://www.marlenejazz.
com.

ALAM NYO BA…
na ang Jeepney Press ay sampung taon na siya this year 2013. Sana po suportahan po natin ang Jeepney Press lalong-lalo na po ang publisher na si Ms. Irene Kaneko at ang editor na si Mr. Dennis Sun. Congratulations sa bumubuo ng Jeepney Press! Mabuhay kayong lahat and God bless.

No comments:

Post a Comment