Saturday, March 16, 2013

Isabelita Manalastas - Watanabe

ADVICE ni TITA LITA
Take It Or Leave It
by Isabelita Manalastas - Watanabe

Dear Tita Lita,

Bakit po bumababa ang value ng yen against the dollar, peso and other foreign currencies? Ano po sa palagay ninyo kung hanggang saan ito bababa? Tumawag ang anak ko at kulang daw ang pinapadala kong lapad sa Pinas. Bababa pa po ba ang yen? Ano ang magandang gawin para maka-iwas sa pagbaba ng yen?

Mina


Dear Mina:

Ang Yen/PHP rate ngayon (Feb. 8) habang sinasagot ko ang tanong mo, ay 0.4270*.  Nasanay na tayo ng matagal-tagal din, na ang palit ng Yen sa Peso ay mataas – tanda ko pa, at least 0.55 noon.  Ibig sabihin, kung noon, ang isang lapad ay PHP 5,500 ang palit, ngayon ay PHP 4,270 na lang. Ibig sabihin, sa bawat isang lapad, ay “lugi” na tayo ng mahigit na isang libong piso (PHP 5,500 – 4,270 = PHP 1,230). 

Kung may binabayaran tayong utang sa Pilipinas, or may kinuha tayong mga hulugan sa Peso, mas malaki na ngayon ang kailangan i-remit natin na Yen sa Pilipinas, para sa parehong halaga ng ating mga gastusin.

Kunwari, may binabayaran tayong PHP 5,500 kada buwan sa Pilipinas.  Noon, isang lapad lang iyan;  ngayon sa 0.4270 na exchange rate, kailangan mong mag-remit ng mas maraming Yen.  PHP 5,500 pa rin ang utang, pero imbes na Yen 10,000 lang ang i-re-remit, dapat ay Yen 12,881 na. Ang laki ng diperensiya, ano.

Mahirap i-predict kung ano ang mangyayari sa exchange rate, dahil maraming factors ang nag-i-influence nito.  Hindi lang ang economic situation ng bansa ang dapat tingnan, kundi maraming factors din na non-economic (political, for example).  Pero maraming nagsasabi na tuloy-tuloy ang paghina pa ng Yen against the US$.  Hangang Yen 100 = US$ 1 siguro ay believable na marating niya anytime soon.  At napakalakas din ng Peso. Dahil siguro sa gumaganda na daw ang ating ekonomiya. Kaya lang, para sa ating mga OFWs, shocking ang prediction ng iba, na magiging line of 3 na lang ang palit ng Yen sa Peso, meaning mga PHP 30+!!!

Anong magandang gawin para makaiwas sa pagbaba ng Yen?  Sorry, sa tingin ko, wala!

Tita Lita

*Speed Money Transfer Japan rate.

Dear Tita Lita,

Sabi ng isang Pinay dito sa Hokkaido kung saan ako nakatira, dahil sa bagong residence card na pumalit sa alien card, pwede na raw tayong bumoto sa Japanese elections dahil meron na tayong residence card kahit wala tayong Japanese passports. Sa pagka alam ko po, Japanese citizens lang ang pwedeng bumoto sa Japanese elections whether local or national.

Karen




Dear Karen:

Tama ka. Hindi pa pwedeng bumoto sa Japanese elections ang mga permanent residents dito sa Japan.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Meron po akong anak na lalake, 8 years old na. Gusto ko po sanang iuwi sa Pilipinas at doon na lang mag-aral para matuto siya ng Tagalog at English. Meron po bang Japanese school sa Pilipinas para at least, marunong din siyang mag-Hapon dahil Hapon siya at ang tatay niya ay Hapon.

Dahlia


Dear Dahlia:

Akala ko ba ang gusto mo ay matuto ng Tagalog at English ang anak mo, kaya mo gustong iuwi sa Pilipinas? E bakit sa Japanese school mo siya papag-aralin? E-di Hapon din ang magiging language of instruction doon?  At napakabata pa niya para mahiwalay sa iyo at sa tatay niya.  Di-ba kaya mas mabuting sa Japanese school sa Japan mo siya papag-aralin, tapos kapag nag-uusap kayong dalawa, ay gumamit ka ng English at saka Tagalog.  Ang mga bata ay parang sponge – madaling mag-absorb ng mga bagay-bagay, including language.  Hindi mahirap maging tri-lingual ang anak mo.  Japanese, English at Tagalog kahit nasa Japan siya.

Tita Lita

Dear Tita Lita,

Bakit po ba nahinto ang pagpunta ng mga Pinay entertainers sa Japan? 100% na wala na po bang nakakapunta sa Japan ng mga entertainers?  Gusto ko sanang dalhin dito yung pamangkin ko. Saan kaya pwedeng magtanong?
Salamat po!

Fely


Dear Fely:

Ang best person to consult ay ang ating Labor Attache sa Philippine Embassy, si Mr. Clifford Paragua, tel. no. 03-5562-1573.

Tita Lita

No comments:

Post a Comment