Wednesday, January 29, 2014

Karen Sanchez

Taglagas




September-October 2013

Panahon na naman ng taglagas
Mga tao dito sa Japan ay labas ng labas
Lalo na sa mga may perang waldas ng waldas
Minsan pa inuupahan ay isang bus

Sa mga mapunong lugar dito sa Japan
Ganda ng mga puno ay iyong masisilayan
Mga dahon, kulay ay naggagandahan
Nakakatuwa na iyong mamasdan

Kulay pula, dilaw, dalandan na dati ay luntian
Kaibig-ibig kung iyong titingnan
Dagdag pa ang simoy ng hangin sa kapaligiran
Nakakagaan ng pakiramdam

Kung ikaw ay maraming agam-agam
Tayo nang magliwaliw at paligid ay pagmasdan
Bigat sa dibdib at bigat na iyong pinapasan
Sa ganda ng paligid makakahinga ng magaan

Kaya naman maswerte ang tulad nating dito sa Japan
Maraming magagandang bagay ang iyong mararanasan
At ito ay hinding-hinde na natin makakalimutan
Maging sa pagtanda at pagbalik sa bansang
ating pinagmulan


No comments:

Post a Comment