Wednesday, January 29, 2014

Karen Sanchez

Pera, Pera, Pera




September-October 2013

Pera, pera, pera
Bakit ba nauso ka pa?
Lahat na lang ay kailangan ka
Saang lupalop ka pa

Mukha mo man ay iba-iba
Kulay mo ay kaaya-aya
Iba’t-iba man ang iyong halaga
Lahat ng tao kailangang may dala-dala

Hanapin ka'y napakahirap na
Mapasakamay ay napakailap pa
Magkaroon man ay swerte na
Pag naangkin ka lahat ay masaya

Sa bangko, wallet man o bulsa
Minsan kahit anong tago pa
Pag ikaw ay napakawalan na
Mahirap nang bumalik pa

Mundo ay nabubuhay dahil nandiyan ka
Sa lahat ng antas pamilya man o pulitika
Ang iba ay nag-aaway-away pa
Magkaroon lamang sila

Tayong lahat kailangan ang pera
Sana lamang sa mabuting paraan kinukuha
Tandaang, nandiyan lagi si Karma
Na susunod-sunod saan ka man pumunta




No comments:

Post a Comment