Wednesday, January 29, 2014

Madam Marivic Oyama

FORECAST




November-December 2013

DOG
May tension na namamagitan sa inyong relasyon, puno ito nang mga pagtatalo at hindi pagkakaunawaan. Nahaharap ka sa mga problema. Kailangan mong magingat sa paggawa ng desisyon at huwag munang tatanggap ng anumang kontrata at huwag pipirma. Mag laylow muna ngayong buwan na ito at hintayin ang magandang timing sa iyo. In December, iwasan ang gumawa ng mga plano na makakabigat sa iyong pag-iisip. Ang katapusan ng taon sa iyo ay puno nag stress at mahina ang iyong kalusugan. Do not stress yourself. You need to take some rest, pag hindi na kaya don’t hesitate to ask some help from your close friends.

BOAR
 Huwag patulan ang mga maliliit na issue na maririnig dahil ito ang dahilan ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan na mangyayari sa iyo. Hindi ito ang tamang panahon upang pumasok sa isang partnership. Sundin ang iyong kutob lalo sa pag-dedesisyon. In December, ang pagiging abala sa trabaho at paghahabol sa mga deadlines ang siyang nagbibigay sa iyo ng sobrang stressed out. You’re not a superwoman na kaya mong gawin lahat kailangan mo din ng pahinga at i-relax ang utak. Kung merong makakatulong sa iyo, then try to make arrangements para mag unload sa iba mong trabaho.

SHEEP
Pambihira at maganda ang buwan na ito sa iyo. Maraming mga bagay na dapat mong ikatuwa. First, spending quality time kasama ang pamilya. Second, successful ang iyong career dahil nasa iyo ang Wealth  Star and last, nasa iyo ang katuparan ng tagumpay. Maganda at masuwerte ang dala ng hangin sa iyo kaya huwag mong hayaan na makapasok sa iyo ang mga taong negative ang pagiisip. In December, buwan ng pag-iingat. Huwag basta magtitiwala sa mga taong malapit sa iyo. Posibling mawalan o maloko pagdating sa pananalapi. Ingatan ang iyong cash at maging alerto sa paggasta ng mga hindi naman kailangan. At huwag magpapadala sa mga taong nasa paligid.

SNAKE
Mataas ng iyong self-confidence at kaya mong marating ang iyong pangarap. Basta magtiwala ka lang sa iyong kakayahan dahil kung minsan nararamdaman mo ang mangyayari. Magtatagumpay ka sa iyong mga ginagawa. Mag-ingat lamang sa third party baka ma-scandal. In December, nasa iyo ang success luck ngunit maaari ka ring ma-pressure at manghina sa dami ng iyong ginagawa. Huwag mag commit sa iba kung hindi kaya, balansihin ang iyong trabaho at ang personal life. Kailangan mo ng sapat na tulog at pahinga. Kung ang magagandang opportunity at success ang magpapabagsak ng iyong kalusugan, hindi sapat ang tagumpay kung ang kapalit naman ay ang paghina ng iyong katawan.

OX
You will  be facing some misfortune and difficulties. Huwag magmadali sa paggawa ng desisyon. Mainam na yung “slowly but surely”.  Darating din na kakailanganin mo ang tulong ng mga kaibigan, nandiyan sila para sa iyo at naghihintay ng tawag mo dahil marami kang mabubuting kaibigan sa paligid mo. Mag-ingat sa mga delikadong lugar. In December, pamilya o trabaho? Hindi ka makapamili sa dalawa dahil parehong kailangan. Nawawalan ka ng oras sa iyong anak dahil sa sobrang dami ng iyong ginagawa. Try to manage your time at piliin lamang ang mga dapat na daluhang pagtitipon dahil kailangan mo rin naman ng pahinga.

HORSE
Parang nakasakay sa tumatakbong kabayo ang iyong suwerte sa bilis. May matatanggap na pera o pabuya. Maaari ito ay mula sa dagdag income, prizes, regalo o winning a lottery. Maging matapang tumanggap ng hamon o sunggaban ang bagong oportunidad ang ihahain saiyo mayroon kang confidence sa sarili at kaya mo yan dahil nasa iyo ang supporta ng mga kaibigan. In December, medyo mahihirapan kang tanggapin ang mga mangyayari sa iyo dahil sa 5 Yellow Star na  nasa iyong chart ang siyang magbibigay ng mga misfortune at pagsubok. Ipagpaliban ang mga importanteng activities at iwasan muna ang pumasok sa problema nang iba.

RAT
Mag ingat sa mga taong may hindi magandang layunin sa iyo. Dahil sa # 7 Violent Star, malapit ka sa mga kaguluhan at kawalan dahil sa iyong kahinaan. Dito nagkakaroon ng pagkakataon lumapit ang mga mapagsamantalang tao. Maging low-profile dahil marami ang naiingit sa iyo. In December, ang magandang kapalaran ay nasa iyo sa katapusan ng taon, dahil ang suporta ng mga nakakatanda o mentor ay nasa iyo. Tanggapin ng maluwag kung may mag-alok ng tulong dahil nasa kanila ang kakayahan para tulungan ka.

ROOSTER
Ang iyong energy ay mag-i-improve at ito ay may dalang suwerte pagdating sa pag-ibig at pag-aaral. Magaan ang iyong pakiramdam at walang stress. Nabubuhay ka sa araw-araw ng walang guilty feeling. Bigyan ng sapat na oras ang trabaho at makisalamuha sa mga bagong kakilala. In December, magkahalong good and bad ang buwan na ito sa iyo. Kung paiiralin ang pagiging mahinahon, malamang matatanggap mo ang tagumpay sa trabaho. Iwasan ang masangkot sa gulo dahil malamang na mauwi ito sa usaping legal.

MONKEY
Masuwerte ang buwan na ito dahil ang HO TOU combination na #2 and #8 ay nasa iyo. Ang dala nito ay success sa iyong career maging sa personal life. Ngunit kailangan balance ang iyong trabaho at sa pamilya, minsan nagkukulang ka dahil sa nalulunod ka sa iyong tagumpay. Spend more time with your family especially your kids. In December, continuous ang dala ng hangin na suwerte sa iyo ngunit, mag-iingat dahil nakapalibot sa iyo ang mga taong mapagsamantala. Huwag munang magbigay nag tiwala basta-basta, ingatan ang mga mahalagang bagay. Posibleng mawalan at huwag magpapahiram ng pera.

DRAGON
Nasa iyo ang Victory Luck at madali para sa iyo na malagpasan mo ang mga kompetisyon Mataas ang tingin mo sa iyong kakayahan kaya naman ikaw ang napipiling gawin leader sa inyong grupo. Mararating mo ang iyong hangganan ng walang hirap dahil kung meron kakumpetensya, mas lalo kang nagpupursige kaya huwag matakot mangarap ng mataas dahil kaya mo itong abutin. In December, good competition parin ang dala sa iyo ng katapusan ng taon. Masisiyahan ka sa matatanggap mula sa trabaho dahil makikita mo na iyong pinaghirapan. Mataas ang iyong energy level at marami kang gusting gawin. Kung may balak mag negosyo gawin ito bago mag new year.

RABBIT
Bagama’t nasa iyo ang Quarrelsome Star, pinananatili mo ang iyong pagiging mahinahon at kontrolado mo ang iyong sarili. Ang buwang ito ay magbibigay sa iyo ng long term luck at tagumpay sa mga proyektong ginawa. Nakikita mo na ang iyong tagumpay sa hinaharap at sa pang araw-araw na pamumuhay ay nararamadaman mong mararating mo na ang iyong goal sa buhay. In December, ang dulo ng snake ay mag-iiwan sa iyo ng magandang kapalaran at makikita mo ang iyong mga pinaghirapan ay may kabuluhan. Sasalubungin mo ang kabayo na dala mo pa rin ang suwerteng hatid ng snake at ito ay tuloy – tuloy.

TIGER
Ang # 5 Misfortune ay nasa iyo, ito ay may dalang mga suliranin at mga pagsubok. Kung ito ay nararanasan umiwas muna na gumawa ng isang desisyon at kung hindi maiwasan, mag-ingat na lamang at huwag pabayaan na kutob lang ang paiiralin. Mag obserba at pag-aralan mabuti ang mga bagay-bagay. Kung kailangan ang tulong mula sa kaibigan, huwag mag atubili na mag ask ng tulong dahil naririyan  sila para sa iyo. In December, mag focus sa pamilya at sa minamahal dahil makikita at madidiskubre mo kung ano talaga ang nakakapagpaligaya sa iyong pamilya. Madadag-dagan ang iyong source of income, sales kung nasa business, dahil nanatili pa rin ang suwerte sa iyo pagdating sa pera at tagumpay.

No comments:

Post a Comment