Wednesday, January 29, 2014

Madam Marivic Oyama

FORECAST




September-October 2013

HORSE
May darating na Promotion Luck at madadagdagan ang iyong source of income. May magandang oportunidad na darating sa iyo. Huwag mong hahayaan na mastress ka sa mga bagay na walang halaga bagama’t bigyan mo ng pansin ang magagandang mangyayari sa iyo sa loob ng apat na linggo. In October, panatilihing ang pagiging maingat dahil posibleng mawalan o kaya ay maloko ng isang kaibigan o malapit sa iyo. Iwasan ang sugal at ipagpaliban muna ang paglalabas ng capital sa negosyo.

RABBIT
Ang iyong energy level ay mahina at madali kang kapitan ng sakit. Hindi ka malakas tulad ng iyong iniisip at hindi mo rin kailangan ang sobrang trabaho dahil bibigay din sa sobrang pagod ang iyong isip at katawan. Iwasan ang mag alala sa mga maliliit na bagay. Mag pokus sa iyong pamilya at magpakasaya. Simulan mo ito sa isang simpleng bagay na makapagpapasaya sa iyong pamilya at huwag daanin sa mga material na bagay. In October, may isang taong handang tumulong sa iyo kung iyong kinakailangan at walang limitasyon ang gagawin nyang tulong sa iyo. Kung kaya mas bigyan ng halaga ang iyong relasyon sa taong ito, maging ito man ay babae o lalaki. Ang magandang kapalaran ay naghihintay sa iyo.

SHEEP
Mataas ang confidence sa sarili dahil nasa iyo ang Victory Star. Ang mga hindi natuloy na trabaho ay magkakaroon ng katuparan at pupurihin ka ng mga kasama sa trabaho maging ng mga kaibigan panatilihin lamang ang pagkakaroon ng positibong ugali. In October, mas nagiging agresibo ka dahil sa energy na dala mo at walang makakapigil sa gusto mong gawin, ito dahil kaya lumalayo ang mga kaibigan sa iyo. Iwasan ang magbigay ng hindi magandang komento at ibaba ang tono dahil ito ang magdadala sa iyo sa gulo. Maging kalmado.

BOAR
Hindi maganda ang dala ng buwan na ito sa iyo, dahil ito ay magbibigay ng mga panlilinlang, pagkawala at kasawian. Ito ang kailangan mong ingatan sa araw-araw. Huwag kang masorpresa kung may mga dumarating na pagsubok ngunit ito ay panandalian lamang at ito ay malalampasan mo din. Sa ngayon, iwasan muna ang mga paggastos ng hindi naman kailangan at ang sugal dahil ang iyong hawak na baraha ay kawalan. Huwag lamang panghinaan ng loob at maging matatag. Malalampasan mo ito.  In October, maganda ang kombinasyon ng Flying Star sa buwan ng October. Ang wealth, career at health luck ay nakakagulat at sabay-sabay ang dating sa iyo. Apat na linggong mararanasan ang mga magagandang mangyayari, maging ang mga may ka-relasyon at mag-asawa ay nasa magandang mood ang daloy ng inyong pagsasama.

DRAGON
Magiging madali para sa iyo ang uminit ang ulo, kawalan ng kontrol sa damdamin , madaling magalit at kakulangan ng pasensiya. Hindi ito pangkaraniwan na mangyayari sa iyo dahil nasa iyo ang Star of Quarrelsome. Kontrolin ang damdamin dahil ito ang magpapababa ng iyong PR sa tao at malamang na ito din ang dahilan upang layuan ka ng mga kaibigan. In October, madali kang kapitan ng anumang karamdaman dahil sa madali kang mapagod at mahina ang iyong enerhiya. Limitahan ang mga ginagawa at huwag magpapakapagod, umiwas sa mga nakaka-stress na gawain at mag relax kung kinakailangan.

MONKEY
Magiging abala ka sa iyong trabaho at malakas ang iyong pakiramdam. Nasa iyo ang Victory Star. Kaya mong harapin anumang problema dahil alam mo na ikaw ay magtatagumpay at tatanggapin mo ang mga bagong hamon sa iyo sa trabaho. In October, magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong buhay maging sa trabaho o personal. Kung babaguhin mo ang iyong pagiging negativity, makikita mo na masaya at epektibo ang pagiging positibo sa lahat ng bagay.

OX
Mas mabuti ang maingat keysa maging pabaya. Ang kawalan ng ingat ang siyang magpapababa sa iyo. Kung may dumarating na magandang kapalaran, ito ay dapat na iyong iniingatan at binabantayan dahil kung minsan sa isang pagkakamali, ito ay nauuwi sa wala. Ang kailangan mo ay maging matatag at kayang tanggapin ang mga pagsubok sa buhay. Magkaroon ng tiwala at kompiyansa sa sarili. In October, magiging aral sa iyo ang mga pinagdadaanang pagsubok at maglalaho ang mga suliranin sa tulong ng isang kaibigan. Kung ikaw ay mangangailangan ng pera may taong tutulong sayo dahil nasa iyo ang Mentors Luck ngayong buwan ng October. Samantalahin ang pagkakataong ito.

ROOSTER
Mag i-improve ang iyong energy level at dahil dito malalampasan mo ang mga pagsubok sa iyo. Magkaroon lamang ng determinasyon at pokus sa iyong ginagawa. Maiimpluwensyahan ka ng positive thoughts ng mga taong nasa paligid. Umiwas lamang sa mga taong gumagawa ng hindi magandang balita laban sa iyo. In October, huwag mabigla kung may dumating na hindi magandang pangyayari dahil ang Afflictive Energy ay nasa iyo. Maging systematic lang sa pagharap o paglutas ng problema. Ito ang mabisang dapat gawin para malagpasan ang mga dumarating na pagsubok sa iyo.

TIGER
Huwag damdamin ang mga bagay na hindi umayon sa iyong kagustuhan kung pag-iisipang mabuti ang mga gagawing desisyon. Hindi ito mauuwi sa maling diskarte. Umiwas muna sa mga gagawing pakikipagsapalaran pagdating sa pananalapi dahil malamang na maloko ng isang tao. Hindi rin ito ang tamang panahon upang pasukin ang negosyong may kapareha kahit na ito ay matagal ng kakilala o pinag kakatiwalaan pa dahil ang mga tiger ay kayang umakyat ng walang kasama. Mag ingat sa mga nasa paligid. In October, may mga hindi inaasahang oportunidad ang biglang darating sa iyo. Mareresolba ang mga nakaraang problema dahil may isang taong tutulong sa iyo upang maging gabay mo sa mga gagawing desisyon. Tanggapin ang mga bagong hamon sa trabaho at ikaw ay magtatagumpay. Magkaroon lamang ng determinasyon at manindigan sa iyong salita.

SNAKE
Ang #3 Quarrelsome Star na nasa iyo ang dahilan ng pagiging bad tempered. Iwasan ang magtrabaho ng masyadong close sa isa’t–isa dahil lalabas din ang mga opinion na magkakaiba at malamang na maging dahilan pa ito ng pagkakasira ng magkakaibigan. Huwag hingin ang opinion ng iba kung ayaw mong marinig ang makatotohanang sagot na makasasama sa iyo. Sundin na lamang ang sariling kutob at huwag magdamdam sa iba. In October, magiging abala ang trabaho o negosyo ngunit kailangan mong mag lay low dahil sa mahina ang iyong Health Energy Luck. Maliit man ang karamdaman ito ay posibleng lumala. Magpatingin sa doctor kung hindi maganda ang nararamdaman.

RAT
Posibleng magkaroon ng mga proyekto at magiging maganda at maayos ang takbo ng trabaho. Lalabas ang iyong pagiging malikhain at marami kang maitutulong na mga bago mong idea pagdating sa trabaho. Huwag lamang magpabigla-bigla. In October, isa ito sa pinaka-masuwerteng buwan para sa iyo pagdating sa pag buo o pag-gawa ng mga aktibidad. Ito ang tamang panahon para isagawa ang mga importanteng meetings, pag pirma ng kontrata at pag gawa ng mga events. Walang dapat sayangin na pagkakataon dahil maganda ang pasok sa pananalapi.

DOG
Ito ang panahon ng pag-iingat. Ang # 5 Misfortune ay nasa iyo ngayon buwan kung kaya’t mararanasan mo ang mga pagsubok at mga balakid sa iyong plano. Huwag ibibigay ang tiwala ng basta at mag ingat sa pakikipag-deal sa ibang tao. Mas mainam ang nag-iingat keysa nasa huli ang pagsisi. In October, mas magiging pokus at buong puso ang iyong didikasyon sa trabaho. Ang mga binata at dalaga ay makaka-hanap ng kanilang partner . Maging ang mag asawa ay very smooth ang pagsasama. Maraming bagay na dapat ipagsaya maging ang mga estudyante ay may dalang Excellent Luck pagdating sa academic.

No comments:

Post a Comment